You are on page 1of 30

Filipino: Modyul 4

Paksa: Naibibigay ang susunod na mangyayari


sa kuwento batay sa tunay na pangyayari,
pabula, tula, at tugma
SURIIN
Ano sa tingin mo ang susunod na mangyayari?
Isulat ito sa ibaba.

1. May dalang mainit na sabaw sa mangkok si


Aling Cora. Habang naglalakad, natapilok siya.

2. May sakit si Abigail. Ayaw niyang uminom


ng gamot na reseta ng doktor.
SURIIN
3. Gabing-gabi na ay nanonood pa rin ng
telebisyon si Jared. Pinatutulog na siya ng ina
ngunit ayaw niyang sumunod.

4. Naglalakad araw-araw si Daniel sa


pagpasok sa paaralan. Itinatago niya ang
perang dapat ay pamasahe niya. Nais kasi
niyang makaipon upang makabili ng bagong
sapatos.
SURIIN
5. Maaga pa lamang ay gising na si Aling
Lolita. Dala-dala na niya ang basket
patungong palengke. Gusto niyang makapili ng
mga sariwang isda at gulay na iluluto niya
para sa tanghalian.
SUBUKIN
Base sa naunang gawain, iguhit ang bawat
pangyayaring iyong sinulat.
TUKLASIN

Ang panghuhula sa maaaring kalabasan o susunod


na mangyayari ay maaaring gawin ng sinumang
nakikinig , nanonood, o bumabasa. Magagawa ito
kung nauunawan ang nakapaloob sa kilos o gawain
sa isang sitwasyon.
PAGYAMANIN
Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong.

May butas na ang bubong ng bahay nina Aling


Nena. Hindi niya ito naipagawa sa kaniyang
asawa. Isang araw, bumuhos ang malakas na ulan.
PAGYAMANIN
Mga Tanong:
1. Sino ang tauhang nabanggit sa kuwento?
2. Ano ang mayroon sa bahay?
3. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit hindi
naipaayos ni Aling Nena ang bahay sa kaniyang
asawa?
4. Ano sa tingin mo ang susunod na mangyayari?
5. Iguhit ang naisip mong pangyayari sa kahon sa
ibaba.
ISAGAWA
Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong.

Sabay-sabay na tumigil ang mga sasakyan nang


maging pula ang ilaw trapiko. Naglakad na ang
mga tao. May isang matanda na mahina na at
mabagal lumakad.
ISAGAWA
Mga Tanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng kulay pula sa ilaw
trapiko?
2. Ano-ano ang mga kulay sa ilaw trapiko?
3. Base sa teksto, paano inilarawan ang matanda?
4. Ano sa tingin mo ang susunod na mangyayari?
5. Iguhit ang naisip mong pangyayari sa kahon sa
ibaba.
LINANGIN
Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong.

Masayang nakikipaglaro si Carlo ng basketbol sa


kaniyang mga kaibigan. Hindi niya napansin ang balat
ng saging sa lugar na kaniyang pinaglalaruan.
LINANGIN
Mga Tanong:
1. Sino ang masayang nakikipaglaro sa mga kaibigan?
2. Ano raw ang nilalaro ng mga tauhan sa teksto?
3. Ano ang hindi napansin ni Carlo?
4. Ano sa tingin mo ang susunod na mangyayari?
5. Iguhit ang naisip mong pangyayari sa kahon sa
ibaba.
KARAGDAGANG GAWAIN
Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong.

May isang pasahero na nakaiwan ng bag sa taxi.


Nalaman ng tsuper na may laman itong pera.
Nakakita siya ng pangalan at tirahan ng may-ari
ng bag.
KARAGDAGANG GAWAIN
Mga Tanong:
1. Anong klaseng sasakyan ang nasa
teksto?
2. Ano ang naiwan ng pasahero sa
sasakyan?
3. Ano ang nakita ng tsuper?
4. Ano sa tingin mo ang susunod na
mangyayari?
5. Iguhit ang naisip mong pangyayari sa
kahon sa ibaba.
ISAISIP
Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong.

Sobra ang pagkain ni Marco ng kendi at matatamis.


Ayaw niyang kumain ng kanin at mga lutong ulam sa
bahay.
ISAISIP
Mga Tanong:
1. Sino ang tauhan sa kwento?
2. Saan mahilig ang tauhan sa kwento?
3. Ano ang ayaw kainin ng tauhan sa
kwento?
4. Ano sa tingin mo ang susunod na
mangyayari?
5. Iguhit ang naisip mong pangyayari sa
kahon sa ibaba.
TAYAHIN
Basahin ang kwento sa ibaba at iguhit ang sa
tingin mong sususnod na mangyayari rito.

Isang Sabado, naglalaro si Lito sa tabing-ilog.


Tinawag siya ng mga kalaro at niyayang maligo sa
ilog. Umuwi ng bahay si Lito upang magpaalam sa
kaniyang tatay. Hindi siya pinayagan dahil
malakas ang ulan at lumalakas ang agos ng tubig.
Hindi pinakinggan ni Lito ang sinabi ng ama at
naligo pa rin siya kasama ang kaniyang mga
kaibigan.
Susi sa Pagwawasto
Suriin
(mag-iisip ang bata ng maaaring kasunod na
pangyayari)
Susi sa Pagwawasto
Subukin
(guguhit ang mga bata)
Susi sa Pagwawasto
Pagyamanin
1. Aling Nena
2. butas ang bubong ng bahay
3. (maghihinuha ang bata)
4. (magbibigay ang bata ng posibleng
kasunod na pangyayari)
5. (guguhit ang mga bata base sa sagot nila
sa bilang 4)
Susi sa Pagwawasto
Isagawa
1. tigil ang pagpapatakbo ng sasakyan
2. luntian/ berde, pula, dilaw
3. mahina na at mabagal lumakad
4. (magbibigay ang bata ng posibleng
kasunod na pangyayari)
5. (guguhit ang mga bata base sa sagot nila
sa bilang 4)
Susi sa Pagwawasto
Linangin
1. Carlo
2. basketbol
3. ang balat ng saging sa lapag
4. (magbibigay ang bata ng posibleng
kasunod na pangyayari)
5. (guguhit ang mga bata base sa sagot nila
sa bilang
Susi sa Pagwawasto
Karagdagang Gawain
1. taxi
2. bag
3. pera
4. (magbibigay ang bata ng posibleng
kasunod na pangyayari)
5. (guguhit ang mga bata base sa sagot nila
sa bilang
Susi sa Pagwawasto
Isaisip
1. Marco
2. kendi
3. kanin at mga lutong bahay
4. (magbibigay ang bata ng posibleng
kasunod na pangyayari)
5. (guguhit ang mga bata base sa sagot nila
sa bilang 4)
Susi sa Pagwawasto
Tayahin
(guguhit ang mga bata ng kanilang
kasagutan)

You might also like