You are on page 1of 19

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1

Republic of the Philippines


Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OF OCCIDENTAL MINDORO

Grade Level Grade I


Learning Area Edukasyon sa Pagpapakatao
Learning Resource Type Text-Based
Material Type Supplementary Learning Resources (SLRs)
Quarter #, Week # (If
Second Quarter – Week 4
applicable)
Nakapagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda at iba pang
kasapi ng mag-anak sa lahat ng pagkakataon upang maging
maayos ang samahan.
- kung saan papunta/nanggaling
Learning Competency & - kung kumuha ng hindi kanya
LC Code -mga pangyayari sa paaralan na nagbunga ng hindi
pagkakaintindihan
- kung ginamit ang computer sa paglalaro imbis na sa pag-
aaral.
(EsPIP-IIg-i-5)
Duration 5 araw
Source MELC, ESP 1 LM
Name:
Designation:
Writer/s
School:
District:

Illustrator/ Media Resource Name:


Creator Designation:
Evaluation Management Committee

Department of Education
Division of Occidental Mindoro
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
Content Evaluator
IPR Review
Technical Review
Language Review
Social Content
District LRMDS Chairperson
District LRMDS Co-Chair

Department of Education
Division of Occidental Mindoro
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1

IKALAWANG
MARKAHAN
IKA-APAT
NA LINGGO
Kasanayang Pampagkatuto:

Nakapagsasabi ng totoo sa
magulang/nakatatanda at
iba pang kasapi ng mag-
anak sa lahat ng
pagkakataon upang maging
maayos ang samahan.
- kung saan
papunta/nanggaling
- kung kumuha ng hindi
kanya
-mga pangyayari sa
paaralan na nagbunga ng
hindi pagkakaintindihan
- kung ginamit ang
computer sa paglalaro imbis
na sa pag-aaral.

(E-sPIP-IIg-i-5)

Department of Education
Division of Occidental Mindoro
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
PAGSASABI NG
TOTOO SA
LAHAT NG
PAGKAKATAON

Pagsasabi ng Totoo
sa Lahat ng Pagkakataon

Simulan Mo

Magandang araw! Ngayon ay matututo ka na naman

ng bagong kasanayan.

Sa araling ito, matututunan mo ang pagsasabi ng totoo sa

magulang, nakatatanda at iba pang kasapi ng mag-anak sa lahat ng

pagkakataon. Ito ay isa sa mga kagandahang -asal na dapat

isabuhay ng batang tulad mo.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

Department of Education
Division of Occidental Mindoro
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
Nakapagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda at iba pang

kasapi ng mag-anak sa lahat ng pagkakataon upang maging

maayos ang samahan;

- kung saan papunta/nanggaling

- kung kumuha ng hindi sa kanya

- mga pangyayari sa paaralan na nagbunga ng hindi

pagkakaintindihan

- kung gumamit ng computer sa paglalaro imbes na sa pag-

aaral.

Alam kong nasasabik ka nang matutunan ang lahat ng ito.

Buklatin ang mga susunod na pahina at gawin ang makakaya

upang sagutan ang mga gawain hanggang sa huling bahagi ng

araling ito.

Kaya mo iyan!

Department of Education
Division of Occidental Mindoro
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
Balikan Mo

Sa iyong nakaraang aralin ay natutunan mo ang pagpapakita

ng paggalang sa pamilya at sa kapwa.

Pakinggan at unawain ang bawat pangungusap. Iguhit ang

hugis puso ( ) kung ang pangungusap ay napapakita ng

paggalang sa pamilya at sa kapwa at hugis bilog ( ) naman

kung hindi.

_____1. Nagmamano sa lola at lolo.

_____2. Sinisigawan ang kasambahay kapag may pinapaabot

na bagay.

_____3. Pagsasabi ng “Makikiraan po” kung dadaan sa pagitan

ng dalawang taong nag-uusap.

_____4. Nakatingin at nakikinig sa nagsasalita.

_____5. Paggamit ng “po at opo” kung kinakausap ng

nakatatanda.

Department of Education
Division of Occidental Mindoro
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
Kilalanin Mo

Naranasan mo na bang umuwi ng gabi na? Ano ang sinabi sa

iyo ng iyong mga magulang?

Pakinggan at unawaing mabuti ang kuwento upang masagot

ang mga tanong sa ibaba.

Ang Batang si Nena

Ika-anim na ng gabi nang umuwi si Nena sa kanilang bahay.

Nakipaglaro siya sa kanyang kaibigan. Kinakabahan siya dahil

alam niyang magagalit ang kanyang ina. Nang pumasok siya sa

kanilang silid, nakita siya ng kanyang ina. “Naku Nena, bakit

ngayon ka lang umuwi? Nag-aalala na kami sa iyo,” ang malakas

na tinig ng kanyang ina. “Sori po Inay. Nakipaglaro po ako kay

Marta. Hindi na po mauulit,” mahinahong tugon ni Nena. “O sige,

anak. Sa susunod umuwi ka nang maaga. Huwag ka nang

magpapagabi sa labas”, paalaala ni Aling Isabel.

Department of Education
Division of Occidental Mindoro
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
Mga tanong para sa Pag-unawa.

Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang

papel.

1. Sino ang nakipaglaro kay Marta?

A. Si Nena B. Si Aling Isabel C. Si Mona

2. Anong oras umuwi si Nena?

A. Ika-pito ng gabi

B. Ika-anim ng gabi

C. Ikawalo ng gabi

3. Bakit ginabi ng uwi si Nena?

A. Gumawa siya ng proyekto.

B. Nanood siya ng paligsahan sa plasa.

C. Nakipaglaro siya sa kanyang kaibigan.

Department of Education
Division of Occidental Mindoro
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
4. Ano ang sinabi ni Nena nang tinanong siya ng kanyang ina?

A. Sinabi niya ang totoo kung saan siya galing.

B. Sinabi niyang naglaro siya sa computer shop.

C. Sinabi niyang niyaya siya ng kanyang kaklase sa

palaruan.

5. Anong ugali ang ipinakita ni Nena sa binasa mong kuwento?

A. Pagiging makasarili

B. Pagiging matapat

C. Pagiging masipag

Makisangkot Ka

Ang pagsasabi ng totoo sa mga magulang, guro at

sa kapwa ay nagpapakita ng kabutihan at katapatan. Isa itong

kagandahang-asal na dapat taglayin ng batang tulad mo.

Bilang mag-aaral, ugaliin ang pagsasabi ng totoo sa mga

magulang, nakatatanda, sa kapwa bata at sa iba pang kasapi

Department of Education
Division of Occidental Mindoro
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
ng mag-anak sa lahat ng pagkakataon upang maging maayos

ang samahan.

Magsasabi ng totoo kung:

● saan pumunta at nanggaling

● kumuha ng hindi kanya

● mga pangyayari sa paaralan na nagbunga ng hindi

pagkakaintindihan

● kung gumamit ng computer sa paglalaro imbis na sa pag-

aaral

● sobra ang isinukli sa iyo

● nasira mo ang mga kagamitan

● nawala ang hiniram na bagay o gamit

Sa binasang kuwento, paano naging matapat si Nena sa

kanyang ina?

Paano niya sinagot ang kanyang ina?

Department of Education
Division of Occidental Mindoro
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
Si Nena ay nagsabi ng totoo sa kanyang ina kung saan siya

nanggaling. Ipinaliwanag niya ang totoong dahilan na siya ay

nakipaglaro sa kanyang kaibigan. Naging matapat siya at

nangakong hindi na niya uulitin ang kanyang ginawa.

ALAMIN MO

Ang pagsasabi ng totoo ay pagpapakita ng

kabutihan at katapatan na nagbubunga ng maayos at

magandang samahan sa tahanan, paaralan, at pamayanan.

Dapat nating isaisip na kailangang maipakita ang katapatan sa lahat

ng pagkakataon. Hinahangaan nang lahat ang taong

matapat. Marami ang nagtitiwala sa kanya.

Department of Education
Division of Occidental Mindoro
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
Ipagpatuloy Mo

A. Iguhit sa patlang ang bituin ( ) kung tama ang

sinasaad ng pangungusap at bilog ( ) kung mali.

_______1. Nagsasabi ako sa aking magulang

kung saan ako nanggaling.

______ 2. Sinasabi ko sa aking ate kung

may nabasag akong baso.

.
______ 3. Hindi ko sinasabi sa aking guro

ang totoo na hindi ako nakagawa ng

takdang aralin.

Department of Education
Division of Occidental Mindoro
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
______ 4. Sinasabi ko sa aking guro na

mayroon akong sinulat sa mesa.

______ 5. Sinasauli ko ang hiniram na

aklat sa aking kaklase.

B.

Pakinggan ang sitwasyon. Sagutin ang tanong sa ibaba.

Naglalaro kayo sa palaruan ng inyong paaralan. Maya-

maya ay may nasipa kang supot at iyong pinulot. Ang laman

pala nito ay pera at ID.

Ano ang iyong gagawin?

Department of Education
Division of Occidental Mindoro
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1

Lagyan ng araw ( ) ang pangungusap na nagsasaad ng

dapat mong gawin.

_______1. Itatapon ang pitakang napulot.

_______2. Pupulutin ko ang pitaka at ipapaalam ko sa punong-

guro.

_______3. Hahanapin ko ang tunay na may-ari at ibabalik ko sa

kanya.

_______4. Isasauli ko sa may-ari pero babawasan ko ang laman.

Department of Education
Division of Occidental Mindoro
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
_______5. Sasabihin ko sa aking guro na may napulot akong

pitaka.

Suriin Mo

Pakinggan at unawain ang bawat sitwasyon. Piliin at

isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

________1. Naglilinis ka ng silid aralan at nakapulot ka ng lapis.

Ano ang gagawin mo?

A. Ibubulsa ito.

B. Itatago sa sariling bag.

C. Sasabihin sa buong klase upang malaman kung sino

ang may-ari.

________2. Ibig mong bumili ng mamahaling laruan. Maaaring

hindi ka bibigyan ng pera ng nanay mo. Ano ang

gagawin mo?

Department of Education
Division of Occidental Mindoro
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
A. Sasabihing may babayaran ka sa paaralan.

B. Sasabihin ang totoo na ibig mong bumili ng laruan.

C. Sasabihing bibili ka ng papel at iba pang gamit sa

paaralan.

_______3. Nakita ka ng ate mo na naglalaro sa computer shop.

Isinumbong ka niya sa mga magulang ninyo. Ano ang

iyong gagawin?

A. Papagalitan mo ang iyong ate.

B. Sasabihing pumasok ka sa paaralan.

C. Sasabihin ang totoo na naglaro ka sa computer

shop.

_______4. Ibig mong pumunta sa birthday party ng iyong

kaibigan at maaring abutin ito ng gabi. Alam mong

hindi ka papayagan. Ano ang iyong gagawin?

A. Sasabihin ang totoo na maari kang gabihin

B. Sasabihing may bibilhin ka lang sa tindahan.

Department of Education
Division of Occidental Mindoro
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
C. Sasabihing maaga kang uuwi kahit alam mong

gagabihin ka.

_______5. Nabasag mo ang baso ng iyong guro sa inyong silid-

aralan. Paulit-ulit ang pagtatanong niya kung sino ang

nakabasag nito. Ano ang iyong gagawin?

A. Sasabihin kong nabasag ito ng aking kaklase.

B. Hindi ko papansinin ang sinabi ng aming guro.

C. Sasabihin ko ang totoo na ako ang nakabasag ng


baso.

Pagyamanin Mo

Hinahangaan ng lahat ang batang nagsasabi ng totoo.

Marami ang nagtitiwala sa kanya.

Iguhit sa patlang ang tatsulok ( ) kung tama ang

ipinahahayag ng bawat pangungusap at parihaba ( ) kung

mali.

______ 1. Ipapaalam ko sa aking ama at ina ang lugar na

aking pinuntahan.
Department of Education
Division of Occidental Mindoro
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
______ 2. Sasabihin ko sa aking mga magulang na may

nagawa akong pagkakamali sa aming silid-aralan.

______ 3. Magpapakopya ako sa aking mga kaklase ng sagot

sa aming pagsusulit.

______ 4. Itatago ko ang napulot kong relo.

______ 5. Ipagtatapat ko sa aking kaibigan na ang hiniram

kong aklat sa kanya ay nawala.

Mga Inaasahang Sagot:

Balikan Mo Kilalanin Mo Ipagpatuloy Mo (A)

1. 1. A 1.

2. 2. B 2.

3. 3. C 3.

4. 4. A 4.

5. 5. B 5.
Department of Education
Division of Occidental Mindoro
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
Ipagpatuloy Mo Suriin Mo Pagyamanin Mo
(B)
1. C 1.
1.

2. B 2.
2.

3. C 3.
3.

4. A 4.
4.

5. C 5.
5.

Mga Sanggunian

Abac, F. E., Caraan, M. M., Castillo, R. A., Catapang , R. B., Cayabyab, E. G., Clarito, J. U.,
Tonsay, O. L. (2017). Edukasyon Sa Pagpapakatao 1. Pasig City, Philippines: Department
Of Education- Bureau Of Learning Resources.

Pilapil, I. M., & Eulalio, M. P. (2008). Ang Pagyabong 2. Quezon, Philippines: Rex Printing
Company, Inc.

Department of Education
Division of Occidental Mindoro

You might also like