You are on page 1of 16

ARALING PANLIPUNAN 1

3rd Quarter 1st and 2nd Week


MELC: Nasasabi ang mga batayang impormasyon tungkol sa
sariling paaralan: pangalan nito (at bakit ipinangalan ang
paaralan sa taong ito), lokasyon, mga bahagi nito, taon ng
pagkakatatag at ilang taon na ito, at mga pangalan ng gusali o
silid (at bakit ipinangalan sa mga taong ito)

CODE: AP1PAA- IIIa-1


MARK EVAN A. EVANGELISTA, T1
Gurong Tagapayo
Mahal na Paaralan Doktor sa kilinika ay laging handa
Tingnan ang kalusugan naming mga bata
Limang taon ako noon Silid-aklatan na puno ng aklat at kay ganda
Nang magkaroon ng pagkakataon Laybraryan mabait dito ay makikita
Masilayan ang paaralan
Upang ako’y may matutunan Mga silid-aralan ay malinis at maayos
Kaya naman kami ay nakapag-aaral ng lubos
Guro dito’y sa amin ay umaalalay Hiling lamang namin pandemya ay matapos
Sa bawat pagpasok sila ay nakaagapay Upang muling masilayan paaralan ng taos
Pagtingin sa amin ay pantay pantay
Kaya pag-aaral namin sadyang matiwasay
1. Ano ang pangalan ng ating paaralan?

MASAMBONG ELEMENTARY SCHOOL

2. Saang barangay ito matatagpuan?

BARANGAY MASAMBONG

3. Saang lungsod ito matatagpuan?

LUNGSOD QUEZON
SILID- ARALAN
KLINIKA
KANTINA
PALIKURAN
TANGGAPAN NG
SILID-AKLATAN
Panuto: Punan ng tamang sagot ang patlang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

klinika paaralan
silid-aklatan mag-aaral
kantina

1. Ang_________________ ay humuhubog sa batang mag-aaral sa tulong ng mga guro.


2. Sa_______________nakasentro ang paglilingkod ng pangkalusugan para sa mag-aaral.
3.Sa ______________ nagpupunta at pumipila ang mga magaaral sa oras ng recess upang bumili ng
pagkain.
4.Sa ______________ nagbabasa ang mga mag-aaral ng mga kuwento at gumagawa ng mga
takdang aralin.
5. Malaki ang papel na ginagampanan ng paaralan sa paghubog sa mga _________________
Panuto: Isulat sa unahan ng bilang ang salitang Tama kung wasto ang diwang ipinapahayag ng nakasalungguhit na bahagi ng
pangungusap at kung hindi, isulat sa unahan ng bilang ang salita na maaaring magwasto rito

________________1. Sa Tanggapan ng Tagapatnubay o Guidance Office ang tungo kung


may personal na suliranin, ginagabayan ang mga mag-aaral upang ito ay malutas.
________________2. Ang paaralan ay humuhubog sa batang mag-aaral sa tulong ng mga
guro.
________________3. Sa silid-aralan nakasentro ang paglilingkod ng pangkalusugan para
sa mag-aaral.
________________4. Sa klinika nag-sasaliksik at nagbabasa ang mga mag-aaral.
________________5. Sa kantina nagpupunta at pumipila ang mga mag-aaral sa oras ng
recess upang bumili ng pagkain.
Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_______1. Matamlay si Rapha at namumula ang mukha. Nilapitan siya ng kanyang guro at hinipo.
Nilalagnat si Rapha. Saan kaya siya dadalhin ng kanyang guro upang malunasan ang kanyang sakit?
A. sa kantina C. sa opisina
B. Sa klinika D. sa parke

______2. Oras na ng recess at walang baon na pagkain si Robi pero may baon siyang pera. Saan kaya
bibili ng pagkain si Robi?
A. sa silid-aklatan C. sa pasilyo
B. sa klinika D. sa kantina

______3. May takdang aralin si Ryza sa Araling Panlipunan wala siyang aklat na maaring magamit sa
bahay. Saan siya maaaring magsaliksik ng kanyang takdang aralin?
A. sa kantina C. sa klinika
B. sa silid-aklatan D. sa silid-aralan
______4. May mga mag-aaral na nag-aaway sa pasilyo. Nakita sila ng dyanitor at sila ay inawat. Saan
kaya sila dadalhin ng dyanitor?
A. Sa silid-aklatan C. sa klinika
B. Sa tanggapan ng Tagapatnubay D. sa silid-aralan

______5. Nais mong madagdagan ang iyong kaalaman sa tulong ng mga guro. Saan ka papasok para
matupad mo ito?
A. sa paaralan C. sa ospital
B. sa simbahan D. sa parke
Tandaan:

Ang paaralan ay may iba’t-ibang bahagi, Ito rin ang nagsisilbi


nating ikalawang tahanan.

Ang paaralan ay elemento at yaman sa pag-unlad ng ating bayan.


Sa loob nito nililinang ang mga susunod na mga magiging kapaki-
pakinabang na mga mamamayan ng ating bansa.
Mga Sagot:
1. Silid-aralan
2. Kantina
3. Silid-aklatan
4. Hugasan ng Kamay
5. Klinika

You might also like