You are on page 1of 8

1 Department of Education

National Capital Region


S CHOOLS D IV IS ION OFFICE
MARIK INA CITY

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4
Kahalagahan ng Paaralan sa Sariling Buhay ,
Pamayanan at Komunidad

Manunulat: Cely B. Era

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Sa araling ito ay malalaman mo ang kahalagahan ng paaralan sa


sariling buhay,pamayanan at komunidad.

At sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ikaw ay:


1. naipaliliwanag ang kahalagahan ng paaralan sa sariling
buhay at sa pamayanan o komunidad;
1.1 nauunawaan ang kahalagahan ng paaralan sa
sariling buhay;
1.2 nauunawaan ang kahalagahan ng paaralan sa
pamayanan at komunidad.

Subukin
Bilugan ang mga larawan na maaring mangyari kung ikaw ay
nakapagtapos ng pag-aaral.

1. 2. 3.

4. 5.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Aralin Ang Aking Paaralan
1
Kahalagahan ng Paaralan sa Sariling Buhay
Pamayanan at Komunidad

Balikan
Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Nagtuturo sa mga mag-aaral ng pagsulat, pagbasa, at pagbilang.
a. guro b. nars c. guwardiya
2. Nangangalaga kung magkakaroon ng karamdaman ang mag-
aaral at guro habang nasa paaralan.
a. guro b. guwardiya c. nars
3.Namamahala at pinuno sa paaralan.
a. guwardiya b. guro c. punongguro
4. Nagpapanatili ng kalinisan at kagandahan ng paaralan.
a. guro b. janitor c. nars
5. Nangangalaga sa kaligtasan ng mga guro at mag-aaral sa
paaralan.
a. guwardiya b. guro c. nars

Tuklasin
Basahin ang tula.
Magpatulong kayo magbasa ng tula sa inyong magulang o
tagasubaybay at pagkatapos sagutin ang mga tanong. Isulat ang
tamang sagot sa patlang.

Bata Pa Ako
ni: Julia Abueva

Di kaba nagtataka
Ako’y nasa lansangan
At ikaw ay nasa sasakyan
Papuntang paaralan

Makatapos kaya ako


Kahit mga libro’y pinaglumaan mo

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
Pangarap lang ba
Pagkat mahirap lang ako.

Pwede bang sumali sa inyong laro


Kahit kunwa-kunwaring nag-aaral din ako
Dala ba ng tadhana na tayo’y magkaiba
Sana balang araw maging tulad din kita
Paano bang sumulat, magbasa ng gaya mo
Bata alam mo ba, na bata rin ako?

Musmos pa rin ako,


Di lang napapansin
Magulang at kapatid,
Nakaasa sa akin

Bata sino ba
Ang nagtuturo’t gumagabay sa’yo
May pag-asa pa bang
Maturuan niya din ako

Sa lahat ng inaasam
Isa ang pinakagusto
Na sana’y pagtanda natin
Wala ng batang tulad ko.
Hango mula sa: http://www.wlyrics.net/read/j/julia-abueva-lyrics/bata-pa-ako-lyrics.html

Sagutin ang mga tanong. Ilagay ang iyong sagot sa kwaderno


1. Ano ang nararamdaman mo habang binibigkas mo ang
“Bata Pa Ako”?
2. Ano sa iyong palagay ang sitwasyon ng bata? Nag-aaral ba siya?
3. Ano kaya ang nagagawa mo ngayon na gusto rin niyang magawa
o maranasan?

Suriin
“,Anak, natapos mo na bang gawin
ang iyong assignment?”
“Nakikinig ka bang mabuti sa
itinuturo ng iyong guro?”
“Mag aral kang mabuti.”

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
Ang mga ito ay madalas na sinasambit ng iyong mga magulang
upang pahalagahan mo ang iyong pag-aaral. Bakit kaya? Mahalaga
ba ang paaralan sa iyong sariling buhay at pamayanan o
komunidad?
Kailangan ng isang bata na mag-aral upang siya ay matutong
bumasa, bumilang, sumulat at magkaroon ng wastong pag-uugali.
Mahalaga ang mga kasanayang ito sa iyong pang-araw-araw na
buhay.
Kung ikaw ay nakababasa, mababasa mo ang mga aklat at
lahat ng salitang makikita mo sa paligid.
Kung ikaw ay nakakasulat, maisusulat mo ang
iyong pangalan at masasagot mo ang mga tanong
sa pagsusulit. Kung ikaw ay nakabibilang, matutukoy
mo ang halaga ng iyong baon at mga bagay na
iyong binibili. Mahalagang matapos mo ang iyong
pag-aaral upang balang araw ay magkaroon ka ng maayos na
trabaho upang matulungan mo ang iyong pamilya at komunidad.
Sa pamamagitan ng pag-aaral , makakamit mo ang iyong mga
pangarap at magtatagumpay ka sa iyong buhay.
Ikaw ay makakatulong at magiging kapaki-pakinabang sa komunidad
kung ikaw ay makakatapos sa iyong pag-aaral.
Pagyamanin
Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa pag-
aaral? Lagyan ng masayang mukha 😊 ang patlang kung ang
pahayag ay nagsasaad ng pagpapahalaga sa pag-aaral. At
malungkot na mukha ☹ naman kung hindi.

_________1. “Mag-aaral po ako ng Mabuti, Inay.”


_________2. “Tara maglaro na lang tayo, kaysa mag-aral.”
_________3. “Halina at magbasa tayo ng aklat.”
_________4. “Huwag tayong pumasok sa paaralan.”
_________5. “Tatapusin ko muna ang mga takdang-aralin bago ako
maglaro.”

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
Isaisip

Mahalaga ang paaralan sa buhay ng batang tulad mo. Sa


tulong ng paaralan, mapauunlad mo ang iyong mga angking
kakayahan at mga kaalaman. Malaki ang pag-asa mong mapa-
unlad ang iyong buhay kung pumapasok ka at nag-aaral ng mabuti
sa isang paaralan. Makakatulong ka at magiging kapaki-pakinabang
sa komunidad kung ikaw ay makakatapos ng pag-aaral.

Isagawa

Isulat ang T kung tama ang pahayag at M kung mali.


_____1. Si Lili ay maagang pumapasok sa paaralan.
_____2. Madalas lumiban sa klase si Mila dahil napupuyat sa
panonood ng telebisyon.
_____3. Iniiwasan ni Kim ang pakikipag-usap at paglalaro pag
nagtuturo ang guro.
____4. Ginagawa ni Lina ang kanyang takdang aralin bago matulog.
____5. Ayaw pumasok ni Nonoy sa paaralan dahil tinatamad siya.

Tayahin
Masdan ang mga larawan.Isulat ang N kung nakapag-aral at HD kung
hindi nakapag-aral.

___1. ___2.

___3. ___4. ___5.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
Karagdagang Gawain

Sa tulong ng magulang punan ang patlang na nagpapahayag kung


bakit mahalaga sa iyo ang iyong paaralan.
Mahalaga ang aking paaralan dahil ________________________________

Sanggunian
Miranda, Noel P., Ocampo, Odilan B., Amita, Rodel Q., Reyes, Violeta E., De Ranos, Malou M.,
Tiamzon, Lenie A., Adriano, Ma. Corazon V., Quintos, Emily R., Yunit 3: Ang Aking Paaralan, Aralin 1
Batayang Impormasyon Tungkol sa Sariling Paaralan, Araling Panlipunan 1: Kagamitan ng Mag-
aaral, Kagawaran ng Edukasyon: Republika ng Pilipinas, Pasig City, Philippines. pp. 175-183
Mga website;
https://drive.google.com/drive/folders/1Qgfp41Sj3dzizT50_koTKog_zDpX5OSy?fbclid=1wAR1BTwCFll
uJLq4XWFAATKJiWraRoFSBwVaC5FOJJqFWZvX18rEHoAP1YY
https://drive.google.com/drive/folders/1af5Sr8JzTXBZgRmFdohlC3A087_ZmBss?fbclid=IwAR3s0hlj7c
VcwtRrlkZnF5AiDd8X0mu3I-hcuAtB66A7BQkkvb_Mfcuv0Gk

Susi sa Pagwawasto
5.N
4.HD
3.N
2.HD
1.N
Sagot sa Tayahin
5.M
4.T
3.T Maaring iba-iba ang sagot ng mag-aaral.
2.M C. Sagot sa TUKLASIN
1.T 5. a
Sagot sa ISAGAWA 4. b
3. c
2. c
1. a
Sagot sa BALIKAN
5. 😊 5.O
4. ☹ 4.
3. 😊 3. O
2. ☹ 2.
1. 😊 1. O
Sagot sa PAGYAMANIN Sagot sa SUBUKIN

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Cely B. Era


Editor: Aaron S. Enano
Tagasuri – Panloob: Aaron S. Enano

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7

You might also like