You are on page 1of 16

1

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Sinusunod at Iginagalang Ko,
Nakatatanda at Magulang Ko
Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Sinusunod at Iginagalang Ko, Nakatatanda at Magulang
Ko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM


Awtor : Clarissa D. Allera
Co-Awtor - Content Editor : Mary Grace B. Domingo
Co-Awtor - Language Reviewer : Elena W. Roque
Co-Awtor - Illustrator : Mariel C. Almes
Co-Awtor - Layout Artist : Grace N. Manalac

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Dinalupihan : Rodger R. De Padua, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Miralou T. Garcia, EdD
Teacher District LRMDS Coordinator : Jennifer G. Cruz
District SLM Content Editor : Miralou T. Garcia, EdD
District SLM Language Reviewer : Ma. Luisa R. Bacani

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, ESP/Values : Jacqueline C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer : Rommel M. Magcalas

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
1

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Sinusunod at Iginagalang Ko,
Nakatatanda at Magulang Ko
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman
ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi
ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain
at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang maipakita


ang iba’t ibang paraan ng pagiging masunurin at magalang.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

1. Naipapakita ang iba’t ibang paraan ng pagiging masunurin at


magalang (Esp1PPP-IIIa-1)

1.1Pagsagot kaagad kapag tinatawag ng kasapi ng pamilya,

1.2 Pagsunod nang maluwag sa dibdib kapag inuutusan

1.3 Pagsunod sa tuntuning itinakda ng: tahanan, paaralan

2. Nakapagpapakita ng iba’t ibang paraan ng pagiging masunurin at magalang


tulad ng:

2.1 pagsagot kaagad kapag tinatawag ng kasapi ng pamilya


2.2 pagsunod ng maluwag sa dibdib kapag inuutusan

1
Subukin

Pag-aralan ang mga sumusunod na larawan. Alin dito ang nagpapakita ng


pagiging masunurin at magalang.

1.

2.

3.

2
Aralin
Sinusunod at Iginagalang Ko,
1 Nakatatanda at Magulang Ko
Ang pagsunod sa mga bilin o utos ng ating mga magulang o ng iba pang
nakatatanda ay isang paraan ng pagpapakita ng iyong paggalang sa kanila. Ito ay
isa sa kagandahang asal na pinamana pa sa atin ng ating mga ninuno na dapat
nating isabuhay at isapuso.
Ang magalang at maluwag sa dibdib na pagsunod sa mga tuntunin at utos
ay nagbibigay ng kasiyahan at kaayusan sa tahanan at paaralan. Ang batang
masunurin sa kanyang mga magulang ay magiging mabuting huwaran sa
pamayanan at sa lipunan.

Balikan
Ano ang mararamdaman mo sa mga sumusunod na larawan. Isulat ang o
na mukha sa iyong sagutang papel.
1. 3.

2. 4.

3
5.

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
maipakita ang iba’t ibang paraan ng pagiging masunurin at
magalang.

Tuklasin
Basahin ang maikling kuwento sa tulong at gabay ng iyong mga magulang at iba
pang nakatatandang kasama sa bahay.

Si Tonyo, Batang Masunurin


Ni: Clarissa D. Allera

4
Si Tonyo ay isang batang masunurin at masipag. Lahat ng inuutos ng mga
nakakatanda ay kaniyang sinusunod nang maluwag sa kaniyang kalooban.

“Anak, aalis kami ng iyong itay. Kayo na muna ang bahala sa mga naiwang
gawaing bahay,” sabi ng nanay ni Tonyo.

“Opo, nanay!” sagot naman ni Tonyo.

Hinugasan ni Tonyo ang mga plato at nagwalis ng kanilang bahay.


Nagtungo din siya sa kanilang bakuran at nakitang maraming nalaglag na tuyong
dahon kaya pinulot niya ang mga ito. Nakita naman siya ng kanyang kuya Rey at
tinulungan siya nito.

Pamaya-maya, dumating na ang kanilang magulang. Laking tuwa nila nang


datnan nilang malinis na ang bahay at nakitang nagtutulungan ang magkapatid
sa kanilang gulayan.

Nang matapos na sila sa kanilang ginagawa, niyaya ni Tonyo ang kanyang


kuya Rey na maglaro. Nagpaalam sila sa kanilang nanay at kaagad naman silang
pinayagan at pinagbilinan na bawal silang lumabas dahil sa Covid -19.

Nalungkot bigla si Tonyo sapagkat wala siyang laruan na maaaring gamitin


sa loob ng kanilang tahanan ngunit bigla siyang nagulat ng makita ang bitbit ng
kanyang Tatay Lito.

5
Ang malungkot na mukha ni Tonyo ay
napalitan ng kasiyahan lalo na nang makita niya
ang hawak ng kaniyang Tatay Lito. “Para po ba
sa akin iyan itay?” “Oo, anak. Alam namin na
matagal mo ng gustong makuha iyan kaya binili
namin para sa iyo”.

Naku! Maraming salamat po ang masayang sabi ni Tonyo “Walang


anuman anak. Ipagpatuloy ninyo ang inyong pagiging masunurin iyan ang
gantimpala ninyo sa amin”.

“Opo, lagi po naming tatandaan ang inyong mga bilin. “

Sagutan ang mga sumusunod na tanong tungkol sa kuwentong iyong binasa.


Isulat ang wastong sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang pamagat ng kuwentong iyong napakinggan?


2. Sino ang Masunuring bata?
3. Sino ang mga magulang ni Tonyo
4. Bakit umuwing malungkot si Tonyo?
5. Anong uri ng bata si Tonyo?

6
Suriin

Ang pagiging masunurin ay ang pagsunod sa mga utos, bilin o paalala ng mga
nakatatanda o ng iyong magulang.
Isapuso ang mga utos, bilin, at paalala sa iyo ng mga nakatatanda ito ay
nararapat lamang na sundin at gawin.

Narito ang ilang halimbawa ng iba’t ibang paraan kung paano natin
maipakikita ang ating pagiging masunurin at pagmamahal sa ating mga
magulang at iba pang nakatatanda:
a. kung ikaw ay inuutusan, iwanan ang ginagawa at sumunod kaagad sa
inuutos nang nakangiti.
b. Kung ikaw ay tinatawag dapat kaagad kang sumagot, huwag magbingi-
bingihan.
c. Kung may mga tungkulin na ibinigay sa iyo katulad ng pagdidilig ng mga
halaman, gawin ito ng may kusa at hindi na kailangan pang utusan.

Pagyamanin
Gawain 1
Lagyan ng tsek () kung ginagawa mo ang isinasaad ng pangungusap at ekis (x)
kung hindi mo ginagawa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Sinusunod agad ang utos ng mga nakatatanda.
2. Umuuwi agad pagkalabas ng paaralan.
3. Sumasagot kaagad kapag tinatawag ng nanay at tatay.
4. Kailangan pang bigyan ng pera kapag ginawa ang bilin ng mga magulang.
5. Iniiwasang gawin ang mga bawal.

7
Gawain 2
Iguhit ang tatsulok kung ang larawan ay nagpapakita ng pagiging masunurin
at magalang sa magulang at nakatatanda at bilog naman kung hindi.

1. 3.

2. 4.

5.

Isaisip

Ngayon alam mo na ang pagpapakita ng iba’t ibang paraan ng pagiging


masunurin at magalang ay nagdudulot ng kasiyahan at kagalakan sa pamilya.
Tandaan na ang batang masunurin ay malayo sa disgrasya. Makaiiwas ka sa mga
mapanganib na kalagayan at aksidente.

8
Isagawa
Pag-aralang mabuti ang larawan. Punan ng wastong tugon ang bawat speech
bubble. Humingi ng paggabay sa iyong mga kasama sa bahay.

____________
____________

Tayahin
Isulat ang letrang D kung ang pangungusap ay nagpapakita na ito ay dapat gawin
at HD kung hindi dapat gawin.
1. Sumusunod agad ako sa utos ng aking mga magulang.
2. Sinasabi ko sa aking mga magulang na iba na lang ang utusan nila.
3. Ako ay nagbibingi-bingihan sa mga paalala ng aking Nanay.
4. Umiiwas ako kapag alam kong mayroong ipag-uutos ang Nanay.
5. Sinusunod ko ang ipinagagawa sa akin ng aking magulang nang bukal sa
aking puso.

9
Karagdagang Gawain

Hingin ang gabay ng mga nakatatanda sa bahay upang ikaw ay gabayan sa


pagsasaulo ng pangako.

Ito ang aking pangako:

Ang aking Pangako

Sa utos o tawag ni ama at ina.


Ako ay agad susunod at tatalima.
Bukal sa puso ko, Susundin ang utos nila.
May ngiti sa mga labi sa puso’y may tuwa.

10
Susi sa Pagwawasto

5.
5. / 5. 5.
4.
4. X 4. 4.
3.
3. / 3. 3.
2. 2.
2. / 2.
1. / 1. 1. 1.

Pagyamanin Balikan Subukin

D 5.
HD 4.
HD 3.
HD 2.
D 1.
Tayahin

Sanggunian

Abac, Felamer, Maria Carla Caraan, Rodel Castillo, Rolan Catapang, Emilia
Cayabyab, and Judith Clarito et al. Edukasyon sa Pagpapakatao 1 Kagamitan
ng Mag- aaral. Binagong Edisyon 2017, Department of Education

Department of Education,2016, K to 12 Gabay Pangkurikulum Edukasyon sa


Pagpapakatao l.

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

12

You might also like