You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 1

I. Layunin
1. Nailalarawan ang pisikal na kapaligiran ng sariling paaralan AP1PAA-IIIa-2
2. Nasasabi ang epekto ng pisikal na kapaligiran sa sariling pag-aaral (e.g. mahirap
mag-aral kapag maingay, etc)
3. Maiipamalas ang pakikiisa sa mga gawain na may kaugnayan sa pagpapahalaga
ng pisikal na kapaligiran ng paaralan.
II. Paksang Aralin
Paksa: Paligid ng Paaralan Ko
Sanggunian: Learner’s Material, Curriculum Guide (pahina 14-18)
Mga Kagamitan: Laptop at Larawan
Pagpapahalaga: Pangangalaga sa Kapaligiran
Tema: Kapaligiran ng Paaralan

III. Pamamaraan

A. Gawaing Paghahanda
Gawaing Guro Gawain ng Mag-aaral
a. Pagbati
Magandang Umaga mga mag-aaral! Magandang Araw Bb. Cristel!
b. Pagdadasal
Tayo muna ay tumayo para sa ating panimulang Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng
panalangin. Espiritu Santo. Amen
https://www.youtube.com/watch?
v=saymwePh4Cw Panginoon salamat po sa panibagong
araw na ito upang kami ay matuto.
Buksan ninyo po ang aming isipan upang
lubos na maintindihan ang aming mga
aralin. Bigyan ninyo din po ang aming
mga guro, mga magulang at mga kamag-
aral ng lakas ng katawan at isipin, na mas
higit naming kailangan sa araw-araw sa
panahong ito. Ang lahat po ng ito ay
aming dinadalangin sayo aming Diyos
Ama. Amen

Salamat po!
Maaari na kayong umupo ng maayos sa inyong
upuan.

c. Paalala tungkol sa COVID 19


Alinsunod pa din sa ating mga alintuntunin na
ipinatutupad sa ating paaralan. Pinapaalalahanan Opo!
ko ang bawat isa na palaging isuot ang kanilang
facemask, magbigay ng sapat na distansya sa
kapwa kaklase. Naintindihan ba?

d. Pagtukoy ng mga pumasok.


Maaaring magsabi ng “Present” ang mag-aaral na
andito sa ating silid aralan.
B. Pagganyak
a. Balik Aral
Bago tayo magtungo sa ating bagong Aralin.
Magbabalik aral muna tayo para malaman
kung alam nyo pa ang iba’t-ibang bahagi ng *Opo
ating paaralan. Okay ba iyon?
Sige, para sa ating gawain.
Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng paaralan ang
inilarawan.
_______1. Dito kumakain ang mga mag-aaral tuwing *Kantina
recess.
_______2. Dito ginagamot ang mga mag-aaral sa tuwing *Klinika
sasama ang kanilang pakiramdam.
_______3. Dito ay puwedeng maglaro ang mga mag- *Palaruan
aaral.
_______4. Dito nag-aaral at tinuturuan ang mga mag-
aaral. *Silid-aralan
_______5. Dito nagpupunta ang mga mag-aaral na nais
magbasa. *Silid-aklatan
Magaling! Dahil nakakasiguro akong inyong natutunan
ang aralin noong nakaraan.
Ngayon tayo naman ay tutungo sa ating bagong aralin.

b. Pagganyak na tanong
Suriin natin ito.

Suriin natin ang dalawang larawan. Ang unang larawan ay


madumi at hindi maayos na silid aralan. Ang pangalawa
naman ay malinis at maayos na silid aralan. (pag-lilinaw
ng katangian ng larawan para sa tatlong mag-aaral na
kabilang sa Inclusion Program) *Sa malinis at maayos po.
Kung kayo ang tatanungin, saan mo nais na silid aralan
pumasok?
C. Paglalahad
Sa aralin na ito, matutukoy mo ang mga paraan upang
mapanatili ang kalinisan at katahimikan ng paaralan.

May alam ba kayong mga paraan upang mapanatili ang *Opo!


kalinisan at katahimikan ng paaralan?

Halina’t ating isa-isahin ang mga paraan upang mapanatili


ang kalinisan at katahimikan ng ating paaralan.

Pagmasdan natin ang mga larawan.


Ano sa tingin nyo ang ginagawa ng mga mag-aaral sa
kanilang paaralan at sa loob ng silid aralan? *Naglilinis po. Nagwawalis. Nagpupunas
(Unang Larawan)
Tama, ang mga bata ay
1. Tumulong sa paglilinis ng silid-aralan at paligid
ng paaralan.
Alam nyo ba na kapag malinis ang paaralan o silid aralan, *Opo
ang mga mag-aaral na tulad nyo ay nakakapag-aral ng
mabuti?

(Pangalawang Larawan)
Tingnan naman natin ang larawang ito.
Ano ang inyong nakikita sa larawan? *Nagtatapon ng basura sa basurahan.

Tama, ang mga bata ay pinaghihiwalay ang kanilang mga


basura.
2. Itapon sa tamang lagayan ang mga basura.
Ginagawa nyo ba ito mga bata? *Opo

(Pangatlong Larawan)
Ano naman ang makikita sa larawan? Ito daw ay *Batang nag-aayos ng gamit.
nakakatulong din sa pananatiling malinis ang paaralan.
3. Ilagay ang mga gamit sa tamang lagayan.
Kapag maayos ang gamit sa loob ng silid-aralan ang
mga batang tulad ninyo ay nakakapag-aral ng
maayos.
Ang pang-apat na paraan ay
4. Gamitin nang maayos at may pag-iingat ang
gamit sa paaralan.

5. Iwasang lumikha ng ingay.

Ang pag-iwas sa paglikha ng ingay ay isang paraan


upang mapanatili ang kapayapaan ng paaralan. Kung
maingay ang paligid mahihirapan ang mga batang katulad
mo na maunawaan ang itinuturo ng guro dahil
nakadaragdag ito sa ingay na sa halip na ang nasa loob
lang ng silid aralan ang naririnig Kapag tahimik at
mapayapa ang paaralan ay mas mabilis at makabuluhan
ang pagkatuto ng mag-aaral. Kaya ugaliin, iwasan ang
pag-iingay lalo na kapag nagka-klase.
Ang pang-anim ay
6. Magtanim ng halaman, puno at mga bulaklak
sa paligid ng paaralan.
Sino ang tumutulong dito na magtanim ng halaman? *Ako po!
Tanong para kay Scarlet:
Ikaw ba ay marunong magtanim? Opo!
Ano-ano ang mga kulay ng halaman na makikita naten sa Berde, Pula, dilaw.
ating paaralan?
Tama, napakadaming halaman sa paaralan at ang mga
halaman na nakatanim sa ating paaralan ay dapat naten
pangalagaan dahil nakadadag-dag ito sa kagandahan ng
ating paaralan.
D. Paglalahat
Ngayon ay nalaman na naten ang iba’t-ibang paraan 1. Tumulong sa paglilinis ng silid-
upang mapanatiling malinis at tahimik ang ating paaralan. aralan at paligid ng paaralan.
Maaari ba nating isa-isahin muli ang mga sumusunod na 2. Itapon sa tamang lagayan ang
paraan? mga basura.
3. Ilagay ang mga gamit sa tamang
lagayan.
4. Gamitin nang maayos at may pag-
iingat ang gamit sa paaralan.
5. Iwasang lumikha ng ingay.

E. Pagtataya
Magaling, ngayon naman ay dadako tayo sa pagtataya
upang malaman naten kung naunawaan nyo ang ating
pinag-aralan. Kuhanin ang AP notebook at lapis.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1. Isulat ang salitang “tama”


kung ang mga sumusunod na larawan ay nagpapakita ng
tamang gawain sa paaralan. Isulat ang salitang “mali”
kung ang mga sumusunod na larawan ay mali. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.

(Pagtatama ng sagot sa pamamagitan ng pagtatanong sa *Scarlet: 1. Mali


mag-aaral ng Inclusion Program) *Jaerielle: 2. Tama
*Kian: 3. Tama
*Jaerielle: 4. Mali
*Scarlet: 5. Tama
F. Takdang Gawain
Takdang Aralin
Sa iyong kuwaderno, gumuhit ng isang larawan na
magagawa mo upang mapanatili ang kalinisan ng iyong
paaralan.

Inihanda ni:

Cristel E. Catapang

UB-Practice Teacher

BSNED

You might also like