You are on page 1of 10

1

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3
Mga Taong Bumubuo sa Paaralan
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Mga Taong Bumubuo sa Paaralan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Shanel S. Lozada
Editor: Michael V. Lorenzana
Tagasuri: Michael M. Mercado
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael V. Lorenzana
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin

Magandang araw sa iyo. Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang mga mga


taong bumubuo sa paaralan.

Alam kong araw-araw ay masaya kang


pumapasok dahil sabik kang malaman ang mga
bagong ituturo ng iyong guro. Maliban sa iyong
guro, sino-sino pa ang mga tao na bumubuo sa
paaralan? Iyan ang pag-aaralan mo ngayon.

Ang modyul na ito ay nahahati sa


dalawang aralin. Ito ay ang sumusunod:
Aralin 1 – Mga Taong Bumubuo sa Paaralan
Aralin 2 – Tungkulin ng mga Taong Bumubuo sa Paaralan

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit


mo ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential
learning competency – MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Nakikilala ang mga taong bumubuo sa paaralan;
2. Nailalarawan ang mga tungkuling ginagampanan ng mga taong bumubuo sa
paaralan (MELC); at
3. Napahahalagahan ang mga taong bumubuo sa paaralan.

Subukin

Kilala mo ba ang mga nasa larawan? Piliin sa kahon at bilugan ang taong
makikita mo sa iyong paaralan.

1
Modyul
Mga Taong Bumubuo sa Paaralan
3
Ang bawat bata ay nakararanas ng maraming pagbabago sa sarili
habang nadaragdagan ang kaniyang edad. Mula pagsilang hanggang sa
pagtanda ay patuloy ang mga pagbabagong ito.

Balikan
Balikan mo ang nakaraang aralin na iyong napag-aralan.
Lagyan ng tsek (/) kung ang nakasaad sa sitwasyon ay nakaapekto
sa pag-aaral. Lagyan ng ekis (x) kung hindi.
o Nag-iingay ang mga mag-aaral sa kantina malapit sa silid-
aralan.

o Malakas ang usapan ng mga tindera at mamimili sa


palengke na malayo sa paaralan.

o May naglalaro sa basketball court katabi ng iyong silid-


aralan.

o Tahimik ang simbahan malapit sa inyong paaralan.

o Nagpapatugtog ng malakas ang bahay na malapit sa


paaralan.

Tuklasin

Magandang araw sa iyo.


Basahin mo ang tula na
pinamagatang “Sa Ating
Paaralan”. Sagutin ang
sumusunod na tanong.

2
Mga Tanong:
1. Sino ang tauhan sa
paaralan na nabanggit sa
tula?
2. Ano ang kaniyang
ginagawa sa paaralan?
3. Maliban sa nabanggit na
tula, may iba ka pa bang
alam na mga tao sa
paaralan?

Suriin
Ang modyul na ito ay tungkol sa mga taong bumubuo sa
paaralan. May iba’t ibang tauhan ang iyong makikilala sa
paaralan. Mapapansin mo na magkakaiba ang kanilang mga
gawain.

Ang Punongguro
Ang punongguro ang pinuno sa
paaralan. Tinatawag din siyang principal.
Siya ang ay may mahalagang
tungkulin sa paaralan. Siya ang
namamahala ng paaralan. Tinitiyak ng
punongguro na maayos at nakapag-aaral
nang mabuti ang mga mag-aaral. Siya rin
ang nangangasiwa sa mga guro at
tumutulong sa kanilang pangangailangan.

3
Ang Guro
Ang masisipag na guro ang nagtuturo
sa mga mag-aaral. Nagsusulat sa pisara ng
mga letra at numero. Tumutulong sila sa
pagbasa ng mga tula at kwento para sa
mga mag-aaral. Ang mga guro ay
maituturing na pangalawang magulang ng
mga mag-aaral. Tinitiyak ng mga guro na
magiging masaya at mabuti ang
kalagayan ng mga mag-aaral sa paaralan.

Ang mga Mag-aaral


Ang mag-aaral o estudyante ay
tinuturuan ng guro sa maraming bagay.
Sila ay nangangailangan ng silid-aralan at
mga kagamitan sa paaralan. Maraming
tungkulin ang mga mag-aaral sa isang
paaralan. Dalawa sa mahalagang
tungkulin ng mga mag-aaral ay ang pag-
aaral nang mabuti at maging mabuting
bata.

4
Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa mga


taong bumubuo sa paaralan, masasagot mo ba ang mga gawain?

Gawain 1
Gumawa ng isang information chart ukol sa mga bumubuo sa
iyong paaralan. Isa-isahin ang mga tauhan at ang kanilang mga
tungkulin sa paaralan. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Tauhan Pangalan Tungkulin


1. Punongguro
2. Guro
3. Mag-aaral

Gawain 2
Isulat sa patlang ang nawawalang letra sa bawat salita.
Hanapin sa puzzle ang mga salita at ikahon.

k m g t z k m u m m
l n u s q l i o a l

• m__g-a__ra__ m g r g x t y i g o
y f o j k u t p a p
• __ur___ u d u k k o p t a p

• pun__ng__ur__ P u n o n g g u r o
I s o s a c e n a l
o w w q d f g h l k

5
Isaisip

Gawain 3 Kamusta ka. Mayroon akong


tanong na iyong sasagutin.

1. Mahalaga ba ang papel na


ginagampanan ng punongguro, guro
at mag-aaral? Bakit?
2. Bilang mag-aaral, ano ang maaari
mong gawin upang magampanan
ang iyong tungkulin?
3. Bakit kaya kailangan na
magampanan mo ito?

4. Sino-sino ang mga taong bumubuo sa


iyong paaralan?
5. Ano ang iyong sasabihin sa iyong
kaibigan na bata upang maging isang
mabuting mag-aaral?

6
Isagawa

Gawain 4
Isulat sa loob ng unang kahon ang mga
tungkulin mo bilang isang mag-aaral. Sa
pangalawang kahon ay isulat mo ang iyong
tungkulin sa guro at punongguro sa iyong
paaralan.
Maaaring ikaw ay gabayan ng iyong
magulang sa pagsagot ng gawain na ito.

Tungkulin ko bilang Tungkulin ko sa ibang taong


mag-aaral bumubuo sa paaralan tulad ng
punongguro at guro

Naririto ang pamantayan sa pagmamarka ng gawain.


Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Wasto at makatotohanan ang mga isinulat 10 (bawat
Nilalaman
kahon)
Kabuuan 20

Tayahin

Piliin ang letra ng wastong sagot sa bawat tanong. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na
papel.

1. Siya ang pinuno ng paaralan. Siya ang may mahalagang tungkulin para sa
pamamahala ng paaralan. Sino siya?
A. guro B. dyanitor C. mag-aaral D. punongguro

7
2. Sino-sino ang mga taong makikita sa paaralan?
A. mga artista, tindera at mamimili
B. mga mag-aaral, guro, punongguro
C. mga pulis at bombero
D. wala sa nabanggit

3. Si Bb. Lozada ang nagtuturo ng maraming bgay sa kaniyang mga mag-aaral.


Ano ang kaniyang tungkulin?
A. nars B. doktor C. guro D. punongguro

4. Alin sa sumusunod ang tamang dahilan kung bakit mahalaga ang papel na
ginagampanan ng mga tauhan sa paaralan?
A. Sila ay nagtutulong-tulong para mapanatili ang kaguluhan sa
paaralan.
B. Sila ay nagtutulong-tulong para mapanatili ang kagandahan at
kaayusan sa paaralan.
C. Hindi sila dapat magtulong-tulong upang maging maayos at maganda
ang paaralan.
D. Wala sa nabanggit dahil hindi naman mahalaga ang papel nila.

5. Bilang mag-aaral, Ano ang nararapat na tungkulin mo?


A. Mag-aaral ako nang mabuti.
B. Gagawin ko muna ang aking mga takdang-aralin bago maglaro.
C. Igagalang ko ang aking mga guro at ang aming punongguro.
D. Lahat ng nabanggit ay mga mahalagang tungkulin.

Karagdagang Gawain

Gawain 5
Iguhit ang tatlong bilog sa iyong kuwaderno at dikitan o guhitan ng mga larawan ng
mga taong bumubuo sa paaralan na iyong napag-aralan ngayong araw.

Punongguro Guro

Mag-aaral (ako)

You might also like