You are on page 1of 21

1

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Mga Taong Bumubuo sa Paaralan
Ko, Pinahahalagahan Ko
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Tauhan sa Paaralan Ko,Pinahahalagahan Ko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rovelyn V. Roque, Junalen K. Manzano


Editors: Marjorie D. Pilon, Hilda R. Mariano, Editha V. Blas
Tagasuri: Miraflor D. Mariano, Perfecta M. Bautista, Elizabeth R. Berdadero
Tagaguhit: Allen D. Manuel, Junalen K. Manzano
Tagalapat: Elizabeth R. Berdadero, Jenelyn B. Bolante, Jay Lord B. Gallarde
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, Jessie L. Amin
Octavio V. Cabasag
Rizalino G. Caronan
Roderic B. Guinucay
Janette V. Bautista
Marivel G. Morales
Robert T. Rustia

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region II

Office Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500
Telefax: (078) 304-3855; (078) 396-9728
E-mail Address: region2@deped.gov.ph
1

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Mga Taong Bumubuo sa Paaralan Ko,
Pinahahalagahan Ko

ii
Alamin
Sa modyul na ito ay pag-aaralan natin kung sino-sino
pa ang mga tauhan sa iyong paaralan maliban sa iyong
guro. Sa paaralan, iba’t ibang tauhan ang iyong
makikilala. Magkakaiba ang kanilang mga gawain.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

Nailalarawan ang mga tungkuling ginagampanan


ng mga taong bumubuo sa paaralan (e.g. punong guro,
guro, mag-aaral, doctor at nars, dyanitor, etc.) AP1PAA-
lllb-4

1
Subukin

Panuto: Iguhit ang mga taong bumubuo sa iyong


paaralan. Isulat ang kanilang mga pangalan sa ibaba ng
bawat larawan. Gumuhit ng tatlo.

2
Mga Taong Bumubuo sa
Modyul Paaralan Ko,
3 Pinahahalagahan Ko

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng


punongguro,guro, dyanitor, guwardiya,
nars,tagapamahala ng aklatan at kantina. Sila ay
nagtutulong-tulong para mapanatili ang kagandahan at
kaayusan ng paaralan.

3
Balikan

Panuto: Gumuhit ng limang (5) bagay o lugar na


maaaring matagpuan sa paligid ng inyong tahanan
na nakaaapekto sa iyong pag-aaral.

4
Tuklasin

Sinu-sino kaya ang mga tauhan na maaari mong


makilala sa iyong paaralan? Basahin ang maikling
kuwento sa ibaba nang malaman ang kasagutan dito.

Sa Aking Paaralan
ni Junalen Manzano

Lunes ng umaga, maagang gumising si Dora. Ito ang


unang araw ng kanilang pasukan. Sabik na sabik siyang
makitang muli ang kanyang mga kamag-aral at ang
kaniyang bagong guro.

Bago siya pumasok sa gate ng kanilang paaralan,


sinalubong siya ng kanilang guwardiya na si Mario.
“Magandang umaga po, Ginoong Mario”, ang pagbati
ni Dora. Si Ginoong Mario ang nangangalaga sa
kaligtasan ng mga guro at mag-aaral sa kanilang
paaralan.

Sa kaniyang paghahanap ng kanyang silid-aralan,


nasalubong niya ang kanilang dyanitor na si Mang Pedro
at binati niya ito. Si Mang Pedro ang nagpapanatili ng
kalinisan at kagandahan ng paaralan.

Pagpasok niya sa kaniyang silid-aralan, nakita niya


ang kanilang guro na si Binibining Cruz. Siya ay isang
masipag na guro sa unang baitang na nagtuturo sa mga

5
mag-aaral na kagaya ni Dora. Habang nagtuturo si
Binibining Cruz, dumating ang kanilang punong guro na si
Ginoong Lorenzo. Si Ginoong Lorenzo ang pinuno ng
kanilang paaralan.

Bago umuwi si Dora, dumaan siya sa kanilang silid


aklatan upang humiram ng libro para sa kanilang
takdang aralin. Si Ginang Madrigal ang naabutan niya
roon na nag-aayos ng mga aklat. Siya ang
tagpangasiwa sa silid-aklatan at tumutulong sa mga
pangangailangan ng mga mag-aaral sa babasahin o
proyekto.

Suriin

Sinu-sino ang mga tauhan sa paaralan na nakilala ni


Dora?

Sa paaralan, iba’t ibang tauhan ang makikilala.


Magkakaiba ang kanilang mga gawain.
Ang punong guro ang
pinuno ng paaralan. Tinatawag din siyang principal.

6
Ang masisipag na guro ang nagtuturo sa mga mag-
aaral.

May tagapangasiwa rin sa silid-aklatan na


tumutulong sa mga pangangailangan ng mga mag-
aaral sa babasasahin o proyekto.

Ang tagapamahala ng kantina


naman ang nangangalaga sa
pangkalusugang pangangailangan
ng mga mag-aaral sa paaralan.

7
Ang nars ay tagapangalaga kung
magkaroong karamdaman ang mag-
aaral habang nasa paaralan.

Ang guwardiya ng
paaralan naman ang
nangangalaga sa kaligtasan
ng mga guro at mag-aaral.

Ang dyanitor naman ang


nagpapanatili ng kalinisan at
kagandahan ng paaralan.

Lahat ng taong nabanggit ay may mahalagang


papel na ginagampanan sa paaralan. Nagtutulong
tulong sila upang mapanatli ang kaayusan ng iyong
paaralan. Sa gayon, magiging makabuluhan, masaya, at
ligtas ang iyong pananatili sa paaralan.

8
Gawain
Panuto: Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang
Pillin ang sagot sa kahon.

Guro Dyanitor Guwardiya

Punong Guro Nars

________________1. Si Bb. Robles ang gumagamot sa


mga mag-aaral na may sakit sa paaralan.

________________2. Si Bb. Redondo ang nagtuturo ng


maraming bagay sa kaniyang mga mag-aaral.

________________3. Binabantayan ng mabuti ni G.


Cruz ang paaralan upang maging ligtas ang mga mag-
aaral.

________________4. Pinapanatiling malinis ang


paaralan ni G.Ong.

________________5. Pinamumunuan ni Gng. Mercado


ang mga guro at mag-aaral sa buong paaralan.

9
Pagyamanin

A. Panuto: Sino ang nangangalaga sa ating paaralan?


Pagdugtungin ng linya ang larawan at ang trabaho nito.

1. guro

guwardiya
2.

3. punong guro

10
dyanitor
4.

5. nars

B. Panuto: Iguhit ang kung ang pangungusap ay


tama at kung ito ay mali.
________1. Ang dyanitor ang tagapangasiwa sa silid
aklatan.
________2.Ang punong-guro ang namumuno sa
paaralan tinatawag din siyang principal.
________3. Ang nars ay tagapangalaga kong
magkaroon ng karamdaman ang mag- aaral habang
nasa paaralan.
________4.Ang guwardiya ang nagtuturo sa mga mag-
aaral.
________5. Ang laybraryan ang nagpapanatili ng
kalinisan at kagandahan ng paaralan.

11
Isaisip
Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga patlang
upang mabuo ang diwa ng talata sa ibaba. Piliin ang
tamang sagot sa loob ng kahon sa ibaba.

Sa paaralan, iba’t ibang tauhan ang makikilala.


Magkakaiba ang kanilang mga gawain. Ang
(1)____________ ang pinuno ng paaralan. Tinatawag din
siyang principal.
Ang masisipag na(2) _______ naman ang nagtuturo sa
mga mag-aaral. May tagapangasiwa rin sa silid-aklatan
na tumutulong sa mga pangangailangan ng mga mag-
aaral sa babasashin o proyekto. Ang
(3)____________________________ naman ang
nangangalaga sa pangkalusugang pangangailangan ng
mga mag-aaral sa paaralan.
Ang (4)___________ ay tagpangalaga kung magkaroon
ng karamdaman ang mag-aaral habang nasas
paaralan. Ang (5) _____________ naman ang
nagpapanatili ng kalinisan at kagandahan ng paaralan.
At, ang (6) ___________ ng paaralan naman ang
nangangalaga sa kaligtasan ng mga guro at mag-aaral.
Lahat ng taong nabanggit ay may mahalagang
papel na ginagampanan sa paaralan. Nagtutulong
tulong sila upang mapanatli ang kaayusan ng iyong
paaralan.
Dyanitor Gwardiya

Punong Guro Nars Guro

12
Isagawa

Panuto. Isa –isahin ang mga tauhan at kani-kanilang mga


tungkulin sa paaralan isulat ito sa loob ng kahon. Ang
unang bilang ay ginawa para sayo.

Tauhan Tungkulin
1. Punong guro Pinuno ng
paaralan.Tinatawag din
siyang principal
2. Guro

3. Nars

4. Dyanitor

5. Guwardiya

6. Tagapangasiwa
ng silid-aklatan

13
Tayahin
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Bagong lipat ng paaralan si Lea. Nais niyang
humiram ng aklat sa silid-aklatan. Kanino siya hihingi
ng tulong upang makahiram ng aklat na nais niyang
basahin.

a. Tagapangasiwa ng silid-aklatan

b. Nars

c. Guro

2. Si Marlon ay nagmamadali sa pagpasok sa


paaralan. Sa kaniyang pagpasok,nakasalubong niya
ang tauhan ng paaralan na siyang tumitingin sa
mga mag-aaral kung nakasuot sila ng uniporme at
ID.Sino ang kaniyang nakasalubong?

a. Dyanitor b. Guwardiya C.Nars

3. Habang papunta si Juan sa palaruan ng paaralan,


napansin niya ang isang tauhan na nagwawalis. Sino
ito?
a. Guro b. Punongguro c. Dyanitor

14
4. Sa kanya ko natutuhan kung paano magbilang,
magbasa at magsulat.Sino siya?

a. Nars b. Guro c. Punongguro

5. Sumasakit ang tiyan ni Vince. Kanino siya hihingi ng


tulong upang malunasan ang kaniyang
nararamdaman?

a. Guwardiya b. Guro c. Nars.

Karagdagang Gawain

Panuto: Maghanap ng larawan ng mga taong bumubuo


sa paaralan idikit ito sa loob ng kahon.

15
16
Subukin:
Magkakaiba ng sagot Isaisip:
1. Punong guro
2. Guro
3. Tagapamahala sa
silid-aklatan
Tuklasin: 4. Nars
Magkakaiba ng sagot 5. Dyanitor
6. Guwardiya
Suriin (Gawain):
1. Nars Isagawa:
2. Guro Magkakaiba ng sagot
3. Guwardiya
4. Diyanitor
5. Punong guro
Tayahin:
Karagdagang
1. a
Larawan ng mga
2. b
tauhan sa paaralan
3. c
4. b
5. c
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

K to 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan


Baitang 1-10. (2016).

Miranda, N. P. (2017). Araling Panlipunan-Unang


Baitang Kagamitan ng Mag-aaral. Geumcheongu, Seoul,
Korea: Prinpia co., Ltd.

https://www.dreamstime.com/illustration/canteen-
buying.html
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like