You are on page 1of 19

2

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 3:
Salitang Kilos sa Pag-uusap

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


1
Filipino – Ikalawang Baitang
Contextualized Self-Learning Module
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa
iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.)
na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong MIMAROPA
Regional Director: Nicolas T. Capulong, Ph.D., CESO V
OIC, Office of the Asst. Regional Director: Atty. Suzette T. Gannaban-Medina
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Bumuo ng Kontekstuwalisadong Modyul
Manunulat: Leslie Joy E. Andrade Manunulat: Clarence P. Suarez
Editor: Remedios C. Gerente PhD-CAR, Editor: Mayonnie M. Andres
Marieanne C. Ligsay PhD Tagasuri: Jane Ann A. Danseco
Tagasuri: Edquel M. Reyes MLIS, Alma T. Roland L. Francisco,
Bautista PhD, Remedios C. Gerente PhD-
Rosabel A. Quinio
CAR, Sonny N. De Guzman EdD, Marieanne
Tagaguhit: Norman B. Cruz
C. Ligsay PhD
Tagaguhit: Louie J. Cortez, Jefferson
Tagalapat: Cherrie Ann A. Dela Cruz
Repizo, Isagani D. Tique Tagapamahala: Nicolas T. Capulong
Tagalapat: Mariflor B. Musa
Tagapamahala: Freddie Rey R. Ramirez
Nicolas T. Capulong PhD, CESO V Rogelio Falcutila
Ronilo Al K. Firmo PhD, CESO V Roger F. Capa, CESO VI
Librada M. Rubio PhD Raquel P. Girao, PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD Elizabeth T. Delas Alas, PhD
Nestor P. Nuesca EdD
Eduardo D. Ellarma
Engr. Edgard C. Domingo PhD, CESO V
Leondro C. Canlas PhD, CESE
Elizabeth O. Latorilla PhD
Sonny N. De Guzman EdD
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Inilimbag sa MIMAROPA ng Kagawaran ng Edukasyon
Office Address: Matalino St., Government Center, MIMAROPA Region
Maimpis, City of San Fernando Office Address: St. Paul Road, Meralco Ave.,
Telefax: (045) 598-8580 to 8 Pasig City
E-mail Address: region3@deped.gov.ph Telefax: (02) 853-73097
E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov .ph

2
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda


para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM
na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

3
Filipino 2 Mga Salitang Kilos sa Pag-uusap
Ikaapat na Markahan Tungkol sa Iba’t Ibang Gawain sa
Ikatlong Linggo
Tahanan, Paaralan, at Pamayanan

MELC : Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-


uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa
tahanan, paaralan, at pamayanan.
F2WG-IIg-h-5

Layunin : Pagkatapos ng araling ito ang mag- aaral ay


inaasahang:

a. Makagagamit ng mga salitang kilos sa pag-


uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa
tahanan, paaralan, at pamayanan

Subukin Natin

Panuto: Pag- aralan ang sumusunod na pangungusap.


Lagyan ng tsek (/) kung ang salitang may salungguhit ay
nagpapakita ng salitang kilos at ekis naman kung hindi
(X).
_________1. Ako at si Neil ay naghuhugas ng plato.
_________2. Masarap magluto ng palabok ang aking
nanay.
_________3. Ang mga mag- aaral ay tulong- tulong na
naglilinis.

4
_________4. Si Mang Ben ay masiglang nagdidilig ng
kanyang mga tanim.
_________5. Masayang naglalaro ang mga bata sa ilog.

Ating Alamin at Tuklasin

Sa iyong pakikipag-usap sa iyong pamilya, mga


kaklase at kapuwa, maaaring makarinig ka ng mga
salitang kilos. Ang mga gawain sa tahanan, paaralan at
pamayanan ay gumagamit din ng mga salitang kilos.
Ganoon din kapag ikaw ay nagbabasa ng
pangungusap. Maaaring makabasa ka ng mga salitang
kilos o mga salitang nagbibigay ng buhay sa
pangungusap.
Alam kong isa kang masipag at matulunging anak.
Magbigay ka nga ng ilan sa mga halimbawa ng iyong
ginawang pagtulong? Ano ang pakiramdam mo kapag
ikaw ay nakatulong sa kapuwa?

Halika, basahin mo ang kuwento nina Jane at Neil


na katulad mo ring tumutulong sa gawaing - bahay.

5
Sina Jane at Neil
ni Leslie Joy Andrade

“Inay, papasok na po kami sa paaralan,” ang


magalang na paalam ng magkapatid na Jane at Neil sa
kanilang ina.
Pagpasok sa paaralan, isinabay na nila ang kanilang
kaklase na si Roy papunta sa silid-aralan. Tulad ng
nakagawian na nila, nagwawalis, at nagpupunas ng
mesa at bintana ang magkapatid bago pa magsimula
ang klase. Habang ang kanilang ibang kaklase ay
masayang nagkukuwentuhan sa kanilang nalalapit na
bakasyon.

6
Dinatnan ng guro na malinis ang silid-aralan.
Nagsimula na ang klase. Ibinahagi ni Jane sa klase ang
tungkol sa kanilang ina.
“Maagang gumigising si inay para ipaghanda kami
ng agahan at pagkatapos, dali – dali siyang pupunta ng
palengke upang kumuha ng paninda at ititinda ito sa
aming pook,” kuwento ni Jane.
“Ako at si Neil ang nagliligpit at naghuhugas ng mga
pinagkainan bago pumasok sa paaralan. Pagkatapos ng
klase, tinutulungan ko na si inay sa kanyang pagtitinda at
paglalaba habang si Neil naman ay abala sa paggawa
ng kanyang takdang-aralin,” ang sabi ni Jane.
Pagkatapos, ibahagi ni Jane ang kanyang
karanasan, marami sa kanyang kaklase ang napaisip at
humanga sa kasipagan at pagtutulungan ng
magkapatid.

7
Samantala, tuwang - tuwa naman si Neil na ipakita
sa kanyang mga kaklase ang iginuhit niyang bahay para
sa kanyang inay.

Para sa dalawang magkapatid, ang kanilang


pangarap ay isang inspirasyon upang ipagpatuloy at
lagpasan ang hamon ng buhay.
Kaya naman laking pasasalamat ni Aling Mirna, sa
kaniyang masisipag na mga anak.

8
Tayo’y Magsanay

Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salitang kilos.


Pumili ng angkop na salita sa kahon. Isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.

mamimili nagluluto

magtatanim
gagawa mamimitas

1. ______________ kami ng mangga bukas.


2. ______________ si ate ng sapatos sa palengke.
3. Si inay ay ______________ ng paborito kong adobo.
4. Kami ay _______________ ng gulay sa aming bakuran.
5. ______________ ako bukas ng aking takdang aralin.

9
Ating Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Tingnan ang bawat larawan at pillin ang angkop
na salitang kilos sa panaklong. Isulat ang tamang sagot
sa sagutang papel.

1. Si Tatay Carding ay (naglalaba, nagtatanim,


naglalampaso) ng mga gulay sa bakuran.

2. (Natutulog, Kumakain, Naglalakad) ng mga prutas


si Joy.

10
3. Ang bata ay (naglilinis, nagbebenta, nanonood) ng
mga mangga.

4. (Nagtatanim, Nag-eehersisyo, Naghihilamos) si


Mikael bago matulog sa gabi.

5. Ang mga ibon ay (lumalangoy, tumatakbo,


lumilipad) sa himpapawid.

11
Gawain 2
Panuto: Punan ng angkop na salitang kilos ang usapan.
Hanapin ang tamang sagot sa kahon at isulat ito sa
sagutang papel.

maglaro manonood maglinis


magsuot maghugas mag-aaral

Magandang araw mga


bata! _________ tayo
ngayon ng tamang
pamamaraan upang
maiwasan natin ang
pagkakaroon ng Covid -19.

Titser,
_________ po
ba kami?

12
Kailangan lamang
tandaan at gawin
ang tamang
pamamaraan.

Dapat tayong _______


ng face mask.

Higit sa lahat
Dapat din tayong
________ tayo sa
_______ ng kamay.
ating
kapaligiran.

13
Gawain 3
Panuto: Basahin at pag- aralan ang diyalogo. Punan ng
wastong salitang kilos ang pag-uusap ng magkakapatid
sa tahanan. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

Selya, pwede bang __________ ka ng


sahig habang ako ay naglalaba?
Kunin mo na lang ang timba, sabon
at basahan sa kusina.

Opo kuya, tatapusin lang namin ni


David ang _________ ng alikabok sa
salamin.

Maraming salamat, nasaan kaya si


Anna? Ibibigay ko sana itong walis
para ____________ siya sa sahig.

Nandun si Anna sa
kanyang kuwarto at
abalang ___________.

14
Ganun ba? Sa tingin ko kailangan na
nating kumuha ng makakatulong sa
bahay, upang maglampaso at maglinis
dito.

Magiging malinis at maayos ang


bahay kung matututo tayong
magbawas ng ating mga kalat.

Ang Aking Natutuhan

• Ang salitang kilos ay salitang nagbibigay- buhay sa


pangungusap dahil nagsasaad ito ng kilos o galaw ng isang
tao, hayop o bagay. Binubuo ito ng salitang-ugat at mga
panlapi. Panlapi: na, ma, nag, mag, um, in at hin.
Mga Halimbawa:
1. Ang nanay ay nagluluto ng almusal para sa kanyang
pamilya.
Ang salitang nagluluto ay nagpapakita ng kilos.

15
2. Si Anna ay masayang umaawit ng paborito niyang kanta.
Ang salitang umaawit ay nagpapakita ng kilos.
3. Kami ay mamamasyal sa bukid bukas.
Ang salitang mamamasyal ay nagpapakita ng kilos.

Ating Tayahin

Panuto: Gamitin ang mga salitang kilos sa loob ng kahon


sa pag-uusap nina Eda at Edwin. Isulat ang wastong
sagot sa patlang.
sasama ititinda pupunta
sumama mamimitas

Eda: _____________ kami sa dagat bukas ng umaga.


_____________ ka ba Edwin?
Edwin: Naku, hindi ako makakasama Eda. ______________
kami ng kamatis at talong sa bukid ni tatay na
______________ ni nanay bukas sa palengke.
Eda: Ganun ba? Sige, sa susunod ka na lang __________
sa amin. Ang bait mo talaga Edwin. Hinahangaan
kita.

16
17
ATING ATING TAYAHIN
PAGYAMANIN
1. pupunta
Gawain 1 2. sasama
1. nagtatanim 3. mamimitas
2. kumakain 4. ititinda
3. nagbebenta 5. sumama
4. naghihilamos
5. lumilipad
Gawain 2
mag-aaral
manonood
magsuot
maglinis
maghugas
Gawain 3
maglampaso
magpunas/pagpu
punas
magwalis
naglilinis
(Tanggapin ang TAYO’Y SUBUKIN
iba pang MAGSANAY NATIN
kasagutan na 1. mamimitas 1. /
akma sa patlang)
2. mamimili 2. X
3. nagluluto 3. /
4. magtatanim 4. /
5. gagawa 5. x
Gabay sa Pagwawasto
Sanggunian

Battad-Teresita Tomines, K to 12 Edisyon Filipino 3 Tatas sa


Wika at Pagbasa, San Antonio Village, Makati City
The Bookmark, Inc.2017
DepEd Order No. 89 s.2020. Most Essential Learning
Competencies Filipino, Grade 2 Quarter 4 pp.150
Garcia, Nilda S. et.al, Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2
Kagawaran ng Edukasyon,

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: mimaropa.region@deped.gov.ph

19

You might also like