You are on page 1of 26

2

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan–Modyul 3b:
Pagkamasinop: Isipin, Gawin
at Palaganapin
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalawang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Ikatlong Markahan – Modyul 3b: Pagkamasinop: Isipin, Gawin at Palaganapin.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Editors: April Joy B. Sintos


Alejandro A. Corre, Rebecca Sambas, Bernadette M. Angel, Lyme Arellano, Joene O.
Tagasuri:
Dela Cruz
Agabai S. Kandalayang, Yusof A. Aliudin, Rowena P. Alterado, Sheryl B. Bautista,
Tagaguhit:
Tagalapat: Aida S. Delon Mary Joy D. Bautista. Eloisa R. Agni, Ma. Kristine B. Latris Ruby May V.
Gallardo
Cover Art Designer: Maria Fe. C. Linao, Jana Larisa B. Abinsay, Jomellah B. Abinsay, Glen D. Napoles
Tagapamahala: Jay Sheen A. Molina
Allan G. Farnazo – Regional Director
Fiel Y. Almendra – Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz - Schools Division Superintendent Roberto J. Montero - Assistant
Schools Division Superintendent
Mario M. Bermudez – Assistant Schools Division Superintendent Gilbert B. Barrera –
Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia G. Diaz - REPS – Edukasyon sa Pagpapakatao Elpidio B. Daquipil - CID Chief
Juvy B. Nitura – Division EPS in Charge of LRMS Marcelo B. Bocatera - Division ADM
Coordinator
Edmund A. Rosete Sr. - EPS – Edukasyon sa Pagpapakatao

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
2
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 3b:
Pagkamasinop; Isipin, Gawin at
Palaganapin
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao -
Ikalawang Baitang ng Self – Learning Module (SLM) para sa Ikatlong Aralin:
Pagkamasinop: Isipin, Gawin at Palaganapin.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala Para sa Guro


Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng kagamitang pampagtutturo na katulad nito. Ito ay
inyong magagamit upang maihatid at maibahagi sa inyong mga mag-aaral ang tamng kaalman
upanag mapalawak at malinang ang kanilang karunungan tungkol sa Pagkamasinop: Isipin, Gawin at

Palaganapin. Ang inyong tamang paggabay ay makatutulong sa mga mag-aaral upang makamit ang
ating layunin sa pag-aaral.
Ipaalala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain, at sagutin nila nang tama ang lahat ng mga
gawain at katanungan dito sa modyul na sadyang inihanda
para sa kanila.

Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga layunin at hangarin para sa ating mga
mag-aaral. Maging tulay tayo sa kanilang mabilis at mabisang pagkatuto. Maligayang pagtuturo.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


magaaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Baitang ng


Self-Learning Module (SLM) ukol sa Aralin 3b: Pagkamasinop: Isipin, Gawin at
Palaganapin.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
Isagawa
na sitwasyon o reyalidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagan Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


g Gawain panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian - ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhaan


sa paglikha o paglinang ng modyul na
ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang tanungin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang pagiging masinop ay isang


kaugaliang dapat nating isabuhay. Ito ay
ating magagamit upang sa lahat ng bagay tayo ay
makapagtipid. Lagi nating isaisip na ang lahat ng
bagay ay nauubos kaya dapat natin itong gamitin sa
wasto at tamang paraan. Magkaroon tayo nang
tamang saloobin tungkol sa pagbibigay pahalaga sa
bagay na kailangan natin gamitin sa masinop na
paraan. Ang pagiging masinop ay isang paraan
upang maipakita natin ang ating pagpapahalaga sa
mga bagay tulad ng tubig, pagkain at enerhiya.

Sa modyul na ito, bibigyang-diin ang mahahalagang


pag-uugali ang lilinangin sa mga bata, ang pagiging
masinop sa paggamit ng tubig, enerhiya, pagkain at iba
pa. Ang pagiging masinop ay dapat laging ginagawa
upang ang lahat ng bagay ay ating matipid.

Most Essential Learning Competencies


1.Naisasabuhay ang pagsunod sa iba’t ibang
paraan ng pagpapanatili ng kaayusan at
kapayapaan sa pamayanan at bansa.
(EsP2PPP- IIId-e-10)
Sa araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. nagagamit ng masinop ang anumang bagay
tulad ng tubig, pagkain, enerhiya at iba pa.

1
Subukin

Panuto: Iguhit sa kahon ang kung


ang larawan ay nagpapakita
ito ng
pagkamasinop sa tubig, pagkain at enerhiya at
kung hindi. Isulat ang sagot sa inyong kwadernong
panggawain.

Pinatay ni Ana
Nagpalong ug suga
ang nakabukas
nilang ilaw sa
sala.

Pinaglalaruan ni
Ana ang tubig Nag usik usik ug tubig

habang
nagdidilig.

Inilgay ni
nanay ang Gibutang sa balunan ang
tirang pagkain sobrang
kan on ug sud an
para ibigay sa
kapitbahay.

Nakabukas ang
ilaw sa labas ng
Gipasiga ang tanang
bahay buong suga
araw.

2
Naglalaro si Anton
sa gripo ng tubig. Giapaagas ang gripo

Binigyan ni Arlyn
ng sobrang Gihatag sa uban ang
sobrang
pagkain ang
sud an
mag-ina.

Inaaksaya ng
mga bata ang
kanilang pagkain.

Gumamit ng
palanggana sina nanay
at ate habang
naghuhugas ng
pinggan.

3
Balikan

Panuto: Tingnan at suriin ang bawat larawan. Isulat


sa inyong kwadernong paggawain ang TAMA kung ito
ay nagpapakita ng pagkamasinop sa paggamit ng
tubig, pagkain at enerhiya at MALI kung hindi.

1. 2.

Paggamit ng palanggana Paglalaro ng tubig.


sa paghuhugas.

3.

4.
Paglalaro sa
harap ng
bentilador.

Pagpatay ng ilaw
na hindi ginagamit.

5.

Pagbibigay ng sobrang
pagkain sa pulubi.
Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang kwento sa ibaba.

Si Tonyong Masinop
Isinulat ni: April Joy B. Sintos

Si Tonyo ay isang mabait at masinop na mag-aaral


sa ikalawang baitang. Napansin siya ng kanyang guro
na si Gng. Catapang dahil sa mga bagay na lagi
niyang ginagawa sa paaralan. Araw- araw, pagdating
niya ay pinapatay niya ang mga ilaw na nakabukas
sa paaralan. Lagi din niyang isinasara ang mga gripo
ng tubig na hindi naisara ng maayos. Sinisigurado din
niya na walang tubig ang nasasayang at walang
naaksayang kuryente sa kanilang paaralan. Tuwing
tanghali naman ay kinokolekta niya ang mga
pagkaing di naubos ng mga bata sa kantina upang
ipakain sa kanilang alagang baboy pagkauwi niya.
Dahil sa mga ginagawang ito ni Tonyo ay tinanong siya
ni Gng. Catapang. “Tonyo bakit mo ginagawa ang
mga bagay na ito? Nakangiting sagot ni Tonyo,
“Sayang po kasi mam, ang sabi po ng Lola ko kung
maaari ay magtipid at maging masinop sa anumang
bagay dahil ang mga ito din ay nauubos”. Tuwang-
tuwa si Gng. Catapang sa kanyang narinig. Hindi niya
akalain na sa murang edad ni Tonyo ay marunong na
siyang magpahalaga sa mga mumunting bagay sa
paligid niya at kung paano ito gamitin ng tama. Kaya
naman ay nakuha ni Tonyo ang medalyang
pinakamasinop sa ginawang parangal sa mga
namumukod tanging mag- aaral sa kanilang
paaralan. Maligayang tinanggap ni Tonyo ang
parangal kasama ng kanyang Lola na sobra ding
natuwa sa kanya.
Suriin

Panuto: Mula sa iyong nabasang kwento. Unawain at


sagutin ang sumusunod na katanungan. Piliin ang titik
ng tamang sagot. Isulat sa kwadernong panggawain
ang iyong sagot.

1. Ayon sa kwento, si Tonyo ay isang batang may


ugaling pagtitipid kaya siya ay .
A. Magalang
B. Matalino
C. Masinop.

2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng


pagiging masinop.

A.Si Ana na pinabayaan ang mga bentilador na


nakabukas kahit walang gamit.
B.Si Tina na siniguradong nakapatay ang mga ilaw sa
bahay na hindi na ginagamit.
C.Si Timmy na inaaksaya ang kuryente dahil
pinapaandar ang bentilador na walang gamit.

3. Paano naipakikita ni Tonyo ang pagkamasinop niya


sa tubig at kuryente sa kanilang paaralan?

A. Pinapatay sindi niya ang mga ilaw na nakabukas sa


kanilang paaralan.
B. Binubuksan niya ang mga gripo sa kanilang
paaralan kahit na hindi niya ito gagamitin.
C.Pagkadating niya sa paaralan ay kanyang
pinapatay ang mga nakabukas na ilaw na walang
gamit.
4. Ano sa tingin ninyo ang naramdaman ng guro ni
Tonyo habang nakikinig ito sa mga sagot niya?

A.Nainis ito dahil masyadong madaldal si Tonyo.


B.Nagalit ito dahil pinakialaman ni Tonyo ang mga
gripo ng tubig at ilaw.
C.Tuwang-tuwa ito dahil kahit si Tonyo ay bata pa ay
marunong nang magpahalaga.

5. Kung ikaw si Tonyo, gagawin mo ba ang mga


ginagawa ni Tonyo upang matulungan ang paaralan?
D. Hindi, nakakapagod kaya ang pumatay ng
mga ilaw at gripo ng tubig.
E. Oo, para makatipid ang paaralan ng kuryente at
tubig.
F. Siguro, para naman magkaroon ako ng silbi sa
paaralan.

Tandaan:
Ang tubig, pagkain, enerhiya at iba pang bagay na
ginagamit natin ay dapat nating tipirin at gamitin ng
wasto. Ang pagiging masinop ay isang
napakahalagang ugaling dapat nating taglayin. Kung
ikaw ay masinop ikaw ay marunong magtipid sa mga
bagay tulad ng tubig, pagkain at enerhiya. Dahil sa
pagtitipid, nakakabawas ito sa mga gastuhin natin sa
bahay.

Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng masinop na


paggamit sa tubig, pagkain at enerhiya.
• Pagsaayos sa mga sirang tubo at gripo.
• Paggamit ng pinagbanlawang tubig para
pandilig ng halaman.
• Paggamit ng baso ng tubig kapag ikaw ay
nagsisipilyo.
• Paggamit ng palanggana sa paghuhugas ng
pinggan.
• Pagpatay sa mga ilaw na hindi na ginagamit
• Pagtanggal sa saksakan ang di ginagamit
na appliances.
• Paggamit ng ilaw na LED.
• Paggamit ng mga kagamitang pwede sa
kuryenteng solar.
• Pag-iwas sa mga maraming tirang pagkain.
• Pagluto ulit sa mga natirang pagkain.
• Pagbibigay ng mga sobrang pagkain sa
kapitbahay.

Ang pagiging masinop ang magsisilbing daan upang


tayo ay makatipid sa tubig, pagkain at enerhiya.
Pagyamanin

Gawain 1: Aayusin Ko!


Panuto: Gamit ang mga larawan ayusin ang mga
scrambled words upang mabuo ang mga
pangungusap na nagpapakita ng masinop na
paggamit ng tubig, pagkain at enerhiya. Isulat ang
inyong sagot sa inyong kwadernong panggawain.
sirang gripo ang Ayusin.

pagsisipilyo ng baso sa Gumamit.

tirang ang Lutuin ulit pagkain.

Ref Isara ang pagkatapos gamitin.

Ang tubig napinagbanlawan Ipandli.lig


Gawain 2: Pupunuan ko!
Panuto: Punan ang Crossword puzzle ng mga tamang
salita na bubuo sa pangungusap. Isulat ang inyong
sagot sa inyong kwadernong panggawain.

1
1 A

2 I
3 2

3P

4 N

Pababa
1. Ano ang gagawin sa mga ilaw na di ginagamit?
2. Ang tirang pagkain ay pwede ulit.
3. Ang sirang mga tubo ay dapat
. Pahalang
1. Gumamit ng na may tubig sa pagsisipilyo.
2. Ang pagkaing sobra ay sa kapitbahay.
3. Ang tubig na pinaghugasan ay pwedeng .
4. Tanggalin sa ang mga appliances na
walang gamit.
Gawain 3: Isasagawa ko!
Panuto: Gamitin nang masinop ang tubig, pagkain at
kuryente. Isulat sa inyong kwadernong panggawain
ang mga bagay na dapat ninyong gawin upang
maipakita ang tamang paggamit sa tubig, pagkain at
enerhiya. Piliin ang sagot sa kahon sa ibaba.

2 4

5
1

Huwag pabayaan ang mga sirang gripo.

Iwanang nakabukas ang mga bentilador sa kwarto.

Patayin ang mga ilaw na walang gamit.

Iluto ulit ang mga natirang pagkain.


Huwag iwanang nakabukas ang mga ilaw.
Gumamit ng palanggana kapag naghuhugas ng
pinggan.
Isaisip

Panuto: Buuhin ang Picture puzzle na


nagpapakita ng masinop na paggamit ng
tubig, pagkain at enerhiya. Isulat ang numero ng
tamang sagot sa inyong kwadernong panggawain.
Isagawa

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon.


Isulat sa iyong kwadernong panggawain ang kung
ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagkamasinop sa
paggamit ng tubig, pagkain o enerhiya naman
at kung hindi.

1. Si Ana ay nautusan ng kanyang ina upang


maghugas ng pinggan. Mabilis na ginawa ni Ana
ang paghuhugas at kanyang inipon ang tubig
upang gawing pandilig.

2. Masyadong mainit ang pakiramdam ni Bella kaya


binuksan niya ang bentilador. Matapos niya itong
gamitin ay iniwanan lang niya itong nakasaksak at
bumalik sa paglalaro.

3. Maraming ulam ang naiwan sa katatapos lang na


kaarawan ni nanay. Kaya ibinalot niya ito at
ipinamigay sa kanyang mga bisita.

4. Maliwanag ang buwan sa labas ng bahay. Kaya


naman ay pinatay ni Inay ang ilaw sa may veranda
upang makatipid siya ng kuryente.

5. Mataas ang bayarin ng tubig nila May dahil sa


tagas ng gripo. Alam ni May na may tagas ang
gripo sa may garden pero hindi niya ito pinansin.
Tayahin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon.


Isulat sa kwadernong panggawain ang Masinop kung
ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagkamasinop at
Di masinop naman kung hindi.

1. Maagang nagising si Tonyo sa araw na iyon.


Pagkabangon niya ay pinatay niya lahat ng
nakabukas na ilaw sa kanilang bahay.

2. Nakita ni Ara na may tagas ang kanilang gripo sa


may banyo pero pinabayaan lang niya ito at hindi
niya sinabi sa kanyang mga magulang.

3. Sa loob ng silid aralan ni Bell ay may mga


bentilador na nakaandar kahit hindi naman
ginagamit. Upang makatipid sa kuryente ay
pinatay ni Bell ang bentilador na walang gamit.

4. Itinapon ni Arvin ang kanilang sobrang pagkain dahil


ayaw na niya itong kainin.

5. Ayaw mag-aksaya ng tubig ni Nita, kaya naman ay


gumagamit siya ng palanggana sa paghuhugas ng
pinggan upang magamit niyang pandilig ang tubig.
Karagdagang Gawain

Panuto: Sa iyong kwadernong panggawain gumawa


ng isang pangako na nagsasaad kung paano ninyo
gagamitin ng masinop ang tubig, pagkain at enerhiya.

-
Sanggunian
n.d. Most Essential Learning Competencies.
Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabulay-Caraan,
Rolan Baldonado Catapang, Isabel
MontezeroGonzales. 2013. Edukasyon sa
Pagpapakatao 2 Tagalog, Kagamitan ng Mag-
aaral. Unang Edisyon.
—. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao Tagalog,
Patnubay ng Guro. Unang Edisyon.
Yangyang, Eric C., Fuentes, Ritche Ann, Andot,
Remedios, Queben, Ana Marie. 2013. Edukasyon
sa Pagpapakatao 2. Pasig: Vibal Publishing
House.
PAHATID LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng


Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin
na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang
nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning
Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na
kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan
ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng
paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong
1.0. Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at
rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN Learning Resource Management


System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax No.: (083)

2288825/ (083) 2281893


Email Address:

You might also like