You are on page 1of 12

2

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Pagpantig sa mga mas
Mahahabang Salita
Aralin
Pagpapantig sa mga mas
1
Mahahabang Salita

Sa iyong pagbabasa, mahalagang matukoy at matutuhan mo


ang wastong pagpapantig o pagbibilang ng pantig sa isang
salita. Ang PAGPAPANTIG ay ang paghahati o
pagbabahabahagi ng tunog sa isang salita.
Nakatutulong ang pagpapantig sa wastong pagbaybay at
pagbigkas ng mga mas mahahabang salita.

Mga halimbawa ng tamang pagpapantig ng mga salita:

SALITA PAGPAPANTIG BILANG NG


PANTIG
Matalino Ma- ta- li- no 4
Mataas Ma- ta- as 3
Paaralan Pa- a- ra- lan 4
Upuan U-pu-an 3
Pantalon Pan-ta-lon 4

Balikan

Panuto: Hanapin ang salitang naglalarawan sa loob ng


pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.

1. Masarap ang adobong manok na niluto ni Arvin.


a. adobo b. niluto c. masarap
2. Malayo ang tirahan ni Andy mula sa aming bahay.
a. bahay b. mula c. malayo
3. Ang damit ni Bon ay mamahalin.
a. mamahalin b. damit c. Bon
4. Kayumanggi ang kulay ni Dave.
a. Dave b. kulay c. kayumanggi
5. Maamo ang mukha ni Cj.
a. Maamo b. mukha c. ang

Tuklasin

Nakakita ka na ba ng isang paru-paro? Nais mo bang


malaman kung bakit makulay ang mga pakpak ng mga ito?

Sa aralin na ito, tutulungan ka na baybayin nang wasto ang


mga salitang may tatlo o apat na pantig mula sa kuwento.

Tara! Buksan mo ang iyong malawak na imahinasyon sa


tekstong babasahin.
Bakit Makulay ang Paru-paro?
(isinulat ni: Ian Jay D. Tolentino)

Noong unang panahon, mayroong isang pamayanan ng


iba’t ibang mga insekto ang nasa ilalim ng pangangalaga ng
Diwata. Isa na dito ang Paru-paro.
Ang mga paru-paro ay walang ibang kulay ang pakpak.
Tanging itim lamang ang mga ito. Dahil sa kulay nilang ito,
madalas silang maging tampulan ng tukso ng iba pang mga
insekto. At ang isa sa pinakamadalas na pagdiskitahan ay si Duha.
“Hoy, Duha! Huwag kang lumapit sa akin baka mahawa ako ng
kaitiman mo!”, wika ni Lilong Tipaklong.
“Tama!”, dugtong naman ni Tobi Tutubi. “At isa pa, ang bagal
mong lumipad!”, dagdag pa nito.
Nagtawanan naman ang iba pang mga insektong nakarinig ng
panunukso sa paru-parong si Duha.
Malungkot si Duha na umuwi sa kanilang tahanan.
“Inay, bakit po ba ganito ang kulay ng ating pakpak. Bakit po ba
tayo lang ang pangit na nilalang?”, tanong ni Duha habang
umiiyak sa kanyang Ina.
“Anak, ang lahat ng nangyayari sa atin ay may dahilan.
Maganda man ito sa paningin natin o hindi.” Tugon ng kanyang
ina habang nakayakap sa anak.
Isang araw, habang nakikipaglaro si
Duha sa mga bulaklak ay may narinig
siyang sumisigaw at humihingi ng tulong
mula sa malayo. Agad naman niya
itong nilapitan. At nagulat siya sa
kanyang nakita.

Naipit ang buntot ni Tobi ng dalawang


bato sa gilid ng bangin.
“Tobi, Lilong, anong nangyari sa inyo?” tanong ni Duha.
“Naglalaro lamang kami ni Tobi nang nasagi ko ang malaking
batong iyan at naipit siya. Hindi ko siya magawang tulungan
sapagkat hindi naman ako nakakalipad.” Takot na sagot ni Lilong.
“Gagawin ko ang aking makakaya upang tulungan siya.” Buong
loob na tugon ni Duha.
Mabilis na umaksyon si Duha at buong lakas na binuhat ang
batong nakaipit kay Tobi.
Agad namang nakaalis sa pagkakaipit ang tutubi.
“Maraming salamat sa pagkakaligtas mo sa akin, Duha. Kung
hindi dahil sa’yo ay napahamak na ako.”, maluha-luhang
pasasalamat ni Tobi.
“Patawarin mo nawa kami sa panunukso at pang aaway sa’yo,
Duha.”, wika naman ni Lilong.
“Walang problema. Simula ngayon ay magkakaibigan na tayo.”,
nakangiting sagot naman ni Duha.
Ang lahat ng pangyayari ay nasaksihan ng Diwata.
“Magaling ang iyong pinakitang kabutihan, Duha. Bagaman
alam mo ang iyong limitasyon, hindi ka pa rin nagdalawang isip
na tumulong sa kung sino man ang humihingi ng tulong. Dahil sa
iyong kabaitan, bibigyan kita at ang iyong pamilya ng gantimpala
na sisimbolo ng iyong kabutihan.”, sabi ng Diwata.
Maya maya ay napapansin ni Duha na lumiliwanag ang kanyang
pakpak at nakita niya na nagkaroon ito ng maraming kulay na
gaya ng bahaghari.

Mahalagang magpakita tayo ng kabutihan sa ating kapwa


sapagkat tatanggap tayo ng gantimpala nang hindi natin
inaasahan.

Panuto: Tingnan ang mga nasa larawan. Punan ng wastong


pantig ang mga patlang upang mabuo ang ngalan ng nasa
larawan. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

1. tu-tu- ____

2. di-wa- _____

3. pa-ru-pa- _____
Suriin

Ano nga ba ang pantig? Ang pantig ay ang


wastong pagbigkas sa pagsasabi ng salita. Ito rin ay ang
paghahati o pagpapantig ng kabuoan ng isang salita.

Mga halimbawa:

Patawarin Pa-ta-wa-rin 4
Lumiwanag Lu-mi-wa-nag 4
Binuhat Bi-nu-hat 3
Nasaksihan Na-sak-si-han 4
Bulaklak Bu-lak-lak 3

Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Kilalanin ang mga larawan. Pantigin ito at tukuyin ang
bilang ng pantig. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

1.

Pagpapantig - _____________________
Bilang ng Pantig - _____________________
2.

Pagpapantig - _____________________
Bilang ng Pantig - _____________________

3.

Pagpapantig - _____________________
Bilang ng Pantig - _____________________

4.

Pagpapantig - _____________________
Bilang ng Pantig - _____________________
5.

Pagpapantig - _____________________
Bilang ng Pantig - _____________________
Gawain 2
Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang tamang pantig na bubuo
sa salita.
1. la ____ (ra, da, sa) wan
2. ka ____ (ri, li, si) ton
3. him ____ (pa, la, ma) pawid
4. ma ____ (ti, pi, li) pid
5. ta ____ (bam, san, lam) pas

Isaisip

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang tamang salita na bubuo


sa mga hinahanap na pantig upang mabuo ang talata. Isulat sa
sagutang papel ang tamang sagot.

-ngan -nan -mit


-hon -gan

Ang lapis at papel ay mga pangunahing (1) pangangaila___


ng mga mag-aaral. Ito ang ginagamit upang isulat ang kanilang
(2)natutu___ sa paaralan. Ngunit sa (3) pana___ ngayon, dahil sa
kinakaharap nating krisis sa (4) kalusu___, na COVID-19, hindi na
gaanong (5) nagaga___ ang mga ito.

Isagawa

Panuto: Bilugan ang mga salitang may APAT na PANTIG sa


pangungusap.

Halimbawa: Karapatan ng bata ang mag-aral.


1. Gumagawa ng upuan ang aking Tatay.
2. Natututo ako sa pagbasa ng libro.
3. Hilig ni Marie ang magpaganda ng hardin.
4. Si Jyzine at si Mary Grace ay magkapatid.
5. Daig ng masikap ang matalino.

Tayahin

Panuto: Gamit ang unang pantig ng bawat larawan tukuyin ang


panibagong salita na mabubuo na tumutukoy sa ngalan ng
hayop.

Halimbawa:

PISO LANTA DOKTOR


Sagot: PI-LAN-DOK

1. Larawan ng
tinapay

KAWAL LAWA PASO


TINAPAY
SAGOT: ________

2.

KAWAL LAWA BAWTISMO

SAGOT: ________

3.

APOY GINANG LAWA

SAGOT: ________

4.

BUWAN WALIS YAMAN


SAGOT: ________

5.
TELEBISYON
ELESI LEEG PANDAY

SAGOT:________
Karagdagang Gawain

Panuto: Pantigin ang mga salitang mahahaba na


nakasalungguhit sa bawat pangungusap.

1. Si Francis ay mahusay sa pagtalumpati.


2. Ang pagkakaibigan ay regalo mula sa Diyos.
3. Ang mabuting anak ay kasiyahan ng magulang.
4. Si Badet ay laging namamasyal sa plasa.
5. Si Ambo ay matulungin sa kanyang kapatid.
Susi sa Pagwawasto

You might also like