You are on page 1of 3

Teacher: Marife A.

Lataoan Quarter: 4

Date: May 22, 2023 Week/day: 3/ Day 1-3

Banghay-Aralin sa ESP

I. Layunin:
a. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagpapasalamat
sa lahat ng likha at mga biyayang tinatanggap mula sa Diyos.
b. Pamantayan sa Pagganap: Naisasabuhay ang pagpapasalamat sa lahat ng biyayang tinatanggap at
nakapagpapakita ng pag-asa sa lahat ng pagkakataon.
c. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Nakapagpapakita ng pasasalamat sa mga kakayahan/ talinong
bigay ng Panginoon sa pamamagitan ng: 23.1. paggamit ng talino at kakayahan EsP2PD- IVe-i– 6
II. Nilalaman/Kagamigtang Panturo: Mga Paraan Ng Pagpapasalamat Sa Mga Kakayahang Bigay Ng
Panginoo.
a. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa mga Kagamitang Pang- Mag- aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource
b. B. Iba pang Kagamitang Panturo
III. Pamamaraan:
a. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisismula ng bagong aralin

Ano ang iyong kakayahan o talinong bigay ng Diyos?


Sa paanong paraan niyo maipapakita ang inyong pasasalamat sa Kaniya?

b. Paghabi sa layunin ng aralin


c. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Tutuklasin natin ang mgaiba’t ibang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa mga kakayahan at talinong
bigay sa atin ng Panginoon.

d. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Sabihin:
Bawat isa sa atin ay may iba’t ibang kakayahan o talino. Ang mga ito ay maaari nating namana sa ating
mga magulang o pamilya. Maaari rin naman na ito ay bunga ng ating pagsasanay, pag-aaral at
pagsusumikap. Ano pa man ang naging dahilan o pinagmulan ng iyong mga kakayahan o talino, ang lahat
ng ito ay biyaya galing sa Panginoon na dapat nating ipagpasalamat nang lubos sa Kaniya.Maraming
paraan upang maipakita natin ang ating pasasalamat sa Diyos sa mga kakayahan o talinong ibinigay Niya
sa atin. Ang paggamit ng ating mga kakayahan o talino at pagbabahagi nito upang makatulong sa ating
kapwa ay isang paraan upang maipakita natin ang ating pasasalamat sa Panginoon. Ang paggawa ng mga
bagay upang mapaunlad ang ating mga kakayahan at talinong bigay ng Diyos ay isa ring paraan ng
pagpapakita ng pasasalamat sa Kaniya.

e. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Sino sa mga sumusunod na mga bata ang nagpapakita ng pagpapasalamat sa Panginoon sa mga talentong
natanggap? Lagyan ng masayang mukha (☺) ang patlang.
____ 1. Nakikisali si Ron-ron sa pagtatanim sa kanilang lugar.
____ 2. Magiliw na tumutugtog ng gitara si Peter sa oras ng misa.
____ 3. Sumasali si Luna sa mga paligsahan sa pagtula sa paaralan.
____ 4. Masayang sumasayaw sina Lala at Lino sa programa sa barangay.
____ 5. Umiiyak si Kikay dahil nahihiyang umarte sa harap ng buong klase.

f. Paglalapat ng Aralin sa pang-araw-araw na buhay

Basahin at unawain ang sitwasyon sa bawat bilang. Iguhit ang masayang mukha 😊 kung ang sitwasyon ay

nagpapakita ng pasasalamat sa mga kakayahan o talinong bigay ng Panginoon at malungkot na mukha ☹


naman kung hindi.

1. Iniisip palagi ni Farah na mayroon pa siyang ihuhusay kayâ patuloy siya sa pagsasanay sa pagkanta.
2. Tumutulong si Jenny sa kaniyang ama sa pagdidilig ng mga halaman.
3. Sumasama ang loob ni Ferriol kapag may nagpapaturo sa kaniya patungkol sa aralin sa Math.
4. Ibinabahagi ni Dennis sa kaniyang kapwa ang kaniyang talino dahil naniniwala siya na may
matututuhan din siya mula sa kanila.
5. Hindi sinasayang ni Ellen ang kaniyang talino at kakayahang ibinigay sa kaniya ng Diyos.

g. Paglalahat ng Aralin

Dapat nating pasalamatan ang Panginoon sa lahat ng Kanyang nilikha at sa ipinagkaloob Niyang biyaya
sa atin. Kaya nararapat lang na ingatan at pahalagahan ang mga ito.

h. Pagtataya ng Aralin

Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Sino ang nagbigay ng iyong talino at mga talento?


A. Diyos
B. guro
C. magulang
2. Ang ating talento ay dapat gamitin sa __________.
A. Pananakit ng kapwa
B. Pagyayabang
C.Pagtulong sa iba
3. Regalo ng Diyos sa atin ang mga talento. Paano mo ito maipapakita ang pasasalamat para sa mga ito?
A.Ipagyabang sa iba.
B. Ikahiya at itagao.
C.Gamitin at pagyamanin pa.
4. Nais kang isali ng iyong nanay bilang “choir” sa inyong simbahan, ano ang iyong dapat gawin?
A.Umayaw dahil nahihiya.
B. Sumali upang makatulong.
C.Sabihing iba na lang ang isali.
5. Ano ang dapat gawin sa mga talentong ipinagkaloob ng Diyos?
A.Ikahiya
B. Ipagmalaki
C. Sarilinin

IV. Takdang-Aralin:

You might also like