You are on page 1of 14

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 1

Ikaapat na Kuwarter, Ikalawang na


Linggo, Unang Araw

 
Prepared by:
Ms. Cindy Richie B. Drio
Teacher I/ Grade 1 B
104980 Mapulang Lupa Elementary School
Pandi North District
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa konsepto ng distansya sa
paglalarawan ng sariling kapaligirang ginagalawan tulad ng tahanan at paaralan at ng
kahalagahan ng pagpapanatili at pangangalaga nito
B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakagagamit ang konsepto ng distansya sa paglalarawan ng
pisikal na kapaligirang ginagalawan.
 
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan.
AP1KAP-1VB-3
Nailalarawan ang kabuuan at mga bahagi ng sariling tahanan at ang mga lokasyon
nito.
A. Paghahabi sa layunin ng aralin
Indibidwal na gawain. Pagbuo ng puzzle.

Ang bawat isa ay bibigyan ng puzzle. Pagkatapos nito, sila ay aawit ng bahay kubo.
Pagbasa ng isang tugma.

Ito ang bahay namin


Sa bahay kami nakatira
Ang bahay naming ay may bubong
Ang bahay ay may pader
Ang bahay naming ay may bintana
Ang bahay naming ay may pinto
Ang bahay naming ay may hagdan
Pasok ka sa bahay namin
B. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Magpakita ng larawan ng bahay sa loob at labas.


Paglalahat ng Aralin
Ano- ano ang mga bahagi ng tahanan?
Isa-isahin natin ang mga ito.

Tandaan:
Ang bahay ay binubuo ng mga bahagi at mga
lugar na may kani-kaniyang lokasyon.
 
Bahagi ng Tahanan
1.Sala

- Ito ang pinakasentro ng maraming gawain


- Dito tumatanggap ng panauhin
- Dito nag-uusap, nag-aaral at nagbabasa ng libro o magasin
- Dito nagdidiwang ng iba’t ibang okasyon
- Dito nagdadaos ng mga kapakipakinabang na Gawain
2. Silid-tulugan
- Ito ang lugar na kung saan ang mag-
anak ay nagbibihis, nagbabasa at nag-aaral,
- nagpapahinga at nakikinig sa
musika, at natutulog
 
3. Silid-Kainan
- Ito ang lugar na kung saan kumakain ang pamilya ng
almusal, tanghalian at hapunan.
- Dito inaasikaso ang mga panauhin at kamag-anak
kapag may salu-salo
- Ito ang pinagdarausan ng pulong at okasyon
pampamilya
4.Palikuran
- Ito ang lugar
na kung saan naliligo, umiihi
at dumudumi ang mag-anak
- Ito ay may
inodoro, salamin, at lababo
5. Kusina
- Ito ang lugar na kung saan
isinasagawa ang mga sumusunod:
- pagluluto ng pagkain
- imbakan ng pagkain at kagamitang
pangkusina
Pagtataya ng Aralin

You might also like