You are on page 1of 4

Grade 1 Teacher: Grade Level: 1st

DLP
Learning Area: ARALING PANLIPUNAN Quarter: 4th

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa konsepto ng distansya sa paglalarawan ng sariling kapaligirang
Pangnilalaman ginagalawan tulad ng tahanan at paaralan at ng kahalagahan ng pagpapanatili at pangangalaga nito.

B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakagagamit ang konsepto ng distansya sa paglalarawan ng pisikal na kapaligirang ginagalawan.
Pagganap

C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto (Isulat ang Nailalarawan ang kabuuan at mga bahagi ng sariling tahanan at ang mga lokasyon nito. AP1KAP-1VB-3
code ng bawat
kasanayan)
● Naiisa-isa ang mga bahago ng tahanan at mga lokasyon nito.

Layunin ● Napahahalagahan ang bawat bahagi ng isang tahanan

● Naisagagawa ng mayo sang pangkatang gawain na naayon sa talakayan.

II. NILALAMAN ANG AKING PAG-UNAWA SA KONSEPTO NG LOKASYON

III. KAGAMITANG
PANTURO
Gamitang Panturo
(Learning Resources) MELC based module, Larawan, Kagamitan ng mag-aaral, Laptop, Powerpoint Presentation, activity sheet

IV. PAMAMARAAN

A. Panimulang 1. Panalangin:
Gawain https://youtube.com/watch?v=EIgcS9EcFOE&feature=share8

2. Pagtatatala ng liban sa klase

3. Balik Aral:
Sino siya? (Whiteboard showdown)
Panuto: Gamit ang whiteboard hulaan ang mga taong nagbibigay serbisyo o
paglilingkod sa komunidad.

1. Siya ay naglilingkod upang magkaroon ng magandang kalusugan ang mga


mamamayan sa komunidad.
-Doktor/ Doctor
2. Siya ay naglilingkod upang bigyan ng kaalaman ang mga bata sa paaralan.
-Guro/ Teacher
3. Pinapanatili niya ang kaayusan at kaligtasan ng mga tao sa komunidad.
-Pulis/ Police
4. Siya ay naglilingkod sa komunidad upang protektahan ang mga tao sa sunog .
-Bumbero/ Fire Fighter
5. Siya ang nag luluto and nag bibigay satin ng marap na pagkain.
-Tagaluto/ Chef

B. Paghahabi sa 1. Pagganyak:
layunin ng aralin
Pangkatang Gawain. Pagbuo ng puzzle.

Ang bawat grupo ay bibigyan ng puzzle. Paunahan silang bumuo o magdikit nito.

C. Pag-uugnay ng
mga halimbawa Magpakita ng larawan ng bahay sa loob at labas.
sa bagong aralin Tingnan ang mga larawan.

D. Pagtatalakay ng
bagong konsepto
at paglalahad ng Ano-anong mga bahagi ng bahay ang nakita mo? Ilarawan ito.
bagong
kasanayan #1
E. Pagtatalakay ng
bagong konsepto
at paglalahad ng Saan naroon ang sala,silid- tulugan, silid-kainan. kusina at palikuran?
bagong
kasanayan #2

F. Paglinang sa 1. Pangkatang Gawain:


Kabihasan Isagawa ang pangkatang Gawain.
(Tungo sa
Formative Pangkat I
Assessment)
● Tukuyin ang lokasyon ng bawat bahagi ng tahanan.

Pangkat II
● Isulat ang mga bahagi ng tahanan.

Pangkat III
● Idikit ang mga bahagi ng tahanan sa tamang lokasyon nito.

Pangkat IV
● Iguhit ang inyong tahanan at kulayan ito.

G. Paglalapat ng
aralin sa pang- 1. Dumating ka galing paaralan, nais mong kumain dahil gutom na gutom ka. Anong bahagi ng
araw-araw na tahanan ang pupuntahan mo?
buhay 2. Ikaw ay inaantok matapos ang mga gawaing iyong ginawa sa bahay. Anong bahagi ng tahanan
ang pupuntahan mo upang mag pahinga?

H. Paglalahat ng Ano- ano ang mga bahagi ng tahanan? Isa-isahin natin ang mga ito.
Aralin
Tandaan:
Ang bahay ay binubuo ng mga bahagi at mga lugar na may kani-kaniyang lokasyon.

Bahagi ng Tahanan
1. Sala
- Ito ang pinakasentro ng maraming gawain
- Dito tumatanggap ng panauhin
- Dito nag-uusap, nag-aaral at nagbabasa ng libro o magasin
- Dito nagdidiwang ng iba’t ibang okasyon
- Dito nagdadaos ng mga kapakipakinabang na Gawain

2. Silid-tulugan
- Ito ang lugar na kung saan ang mag-anak ay nagbibihis, nagbabasa at nag-aaral,
nagpapahinga at nakikinig sa musika, at natutulog

3. Silid-Kainan
- Ito ang lugar na kung saan kumakain ang pamilya ng almusal, tanghalian at hapunan.
-Dito inaasikaso ang mga panauhin at kamag-anak kapag may salu-salo
-Ito ang pinagdarausan ng pulong at okasyon pampamilya

4. Palikuran
-Ito ang lugar na kung saan naliligo, umiihi at dumudumi ang mag-anak
-Ito ay may inodoro, salamin, at lababo
5. Kusina
-Ito ang lugar na kung saan isinasagawa ang mga sumusunod:
-pagluluto ng pagkain
-imbakan ng pagkain at kagamitang pangkusina
-hugasan ng mga pinggan
I. Pagtataya ng
Aralin

J. Karagdagang
gawain para sa Takdang Aralin:
takdang-aralin at Gumuhit ng isa sa bahagi ng tahanan. .
remediation

Inihanda ni: Bb. Verry Mae D. Gimongala

You might also like