You are on page 1of 13

Department of Education

Region III
DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO

Self-Instructional Packets (SIPacks)


Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Ikaapat na Markahan
Ikatlong Linggo

Mungkahing Timeline sa Paggawa ng SIPacks sa ESP 4


BAWAT LINGGO
A. Balik-aral sa nakaraang aralin/pagsisimula ng bagong Alalahanin
aralin Sagutan
Unang
B. Paghahabi ng layunin sa aralin Basahin
Araw
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Sagutan
(Alamin Mo)
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng
Sagutan
Ikalawang bagong kasanayan #1 (Isagawa Mo)
Araw E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng
Sagutan
bagong kaalaman #2 Isapuso Mo
Ikatlong
F. Paglinang ng Kabihasaan (Tandaan Mo) Basahin
Araw
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
Sagutan
Ikaapat (Isabuhay)
Na Araw H. Paglalahat ng Aralin (Paghinuha ng Mahalagang Basahin o
Konsepto) Sagutan
Ikalimang I. Pagtataya ng Aralin (Subukin) Sagutan
Araw J. Karagdagang gawain/takdang-aralin Sagutan

*Maaaring sagutin ang mga gawain sa EsP ayon sa itinakdang oras ng inyong
paaralan
PANGKALAHATANG PANUTO
Sa mag-aaral:
Sa iyong pagbabasa, isaisip mo na ang mga ginawang SIPacks na ito ay
makapagbibigay ng dagdag-kaalaman at impormasyon sa iyo bilang mag-aaral.
Lilinangin din ng mga aralin ang iyong kasanayan na nakabatay sa
Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto o MELCs. May mga nakatakdang
gawaing iyong sasagutin sa bawat pahina para sa isang linggong aralin.

i
Para malubos ang paggamit sa mga kagamitang pagkatuto (SIPacks),
isaalang-alang ang sumusunod na paalala:

1. Huwag madaliin ang pagbabasa. Unawaing mabuti ang aralin.


2. Alamin sa iyong guro kung sa mga SIPacks sasagot o gagamit ng sagutang
papel.
Kung hindi susulatan ang mga SIPacks sundin ang panuto 3 & 4
3. Isulat mo ang lahat ng iyong sagot sa ISANG BUONG PILAS NG PAPEL ng
PAD PAPER (one whole sheet) bilang SAGUTANG PAPEL (Answer Sheet)
4. HUWAG KALIMUTANG isulat ang mga sumusunod na impormasyon sa iyong
SAGUTANG PAPEL bago sumagot sa mga gawain.

a. Ang Iyong Buong Pangalan (mag-aaral) e. Bilang ng Kwarter


b. Ang Iyong Antas at Pangkat f. Linggong Pagsagot
c. Asignatura at Petsang Pagsagot g. Bilang ng Gawain, Pamagat at
d. Pangalan ng Iyong Guro sa Nasabing Asignatura Bilang ng mga Aytem

Narito ang isang halimbawa ng ilustrasyon ng mga panuto sa itaas:

5. Tandaan na ang lahat ng mga gawaing iyong sasagutin ay magsisilbing


awtput at ibibigay sa iyong guro sa nasabing asignatura para iwasto at italasa
class record.
6. Kapag nahihirapan o mayroong hindi maintindihan makipag-ugnayan sa iyong
guro sa EsP.
7. Higit sa lahat, ialay sa Panginoon ang lakas at talino na ibibigay mo sa
pagsagot sa mga aralin.

ii
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4

Ikaapat na Markahan – Ikatlong Linggo

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
Nauunawaan at naipakikita ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng
paggalang, pagtanggap, at pagmamahal sa mga likha

B. Pamantayan sa Pagganap
Naisabubuhay ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng paggalang,
pagtanggap, at pagmamahal sa mga likha

C. Pamantayan sa Pagkatuto
Napahahalagahan ang lahat ng mga likha: may buhay at mga materyal na
bagay
1. Hayop: (EsP4PD- IVd–11)
a. pagkalinga sa mga hayop na ligaw at endangered
2. Halaman : pangangalaga sa mga halaman gaya ng : (EsP4PD- IVe-g–12)
a. pag-aayos ng mga nabuwal na halaman
b. paglalagay ng mga lupa sa paso
c. pagbubungkal ng tanim na halaman sa paligid

II. NILALAMAN
Paksa: Mga Likha ng Diyos Ating Pahalagahan at Mahalin!
Kaugnay na Pagpapahalaga: Disiplina at Pangangalaga sa Kapaligiran

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
Felamer E. Abak et.al. Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang
Edisyon. Department of Education-Instructional Materials Council
Secretariat (DepEd-IMCS). 2015.

B. Iba pang sanggunian


Han, J. (n.d.). Komik Istrip. Scribd. Retrieved January 25, 2021, from
https://www.scribd.com/document/351452384/Komik-Istrip

“Mga Nanganganib Na Hayop Sa Pilipinas.” devianrace, October 14,


2013. https://allmindslink.wordpress.com/2013/10/14/mga-
nanganganib-na-hayop-sa-pilipinas/.

3
IV. PAMARAAN
A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin at/o Pagsisimula ng Bagong Aralin

Kumusta? May natutuhan ka ba noong nakaraang linggo? Bago tayo


tumungo sa ating bagong aralin, atin munang balikan ang nakaraang leksyon na
inyong natutunan. Natitiyak ako na marami ka ulit malalaman ngayong linggo.

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga pangungusap. Gumuhit ng puso ( ) kung
tama ang pinahihiwatig sa pangungusap at hugis kidlat ( ) naman kung mali.

1. Igalang at mahalin ang mga kapatid nating mga katutubo.

2. Tama lang na awayin natin ang mga taong hindi natin gusto.

3. Nagsasabi ng mga masasakit na salita sa kapuwa tao.

4. Tumulong ng bukal sa loob at walang pag-aalinlangan sa mga nasalanta


ng bagyo.

5. Humihingi ng paumanhin sa kapuwang nasabihan ng mga masasakit


nasalita.

B. Paghahabi ng Layunin sa Aralin

Narito ang mga dapat mong malaman sa araling ito:


1. natutukoy ang mga pamamaraan kung paano mapahahalagahan ang mga
hayop at halaman bilang likha ng Diyos;
2. naisabubuhay ang pangangalaga at pagmamahal sa mga likha ng Diyos; at
3. naipakikita ang pagmamalasakit at pangangalaga sa mga hayop at halaman
na makikita sa kapaligiran.

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin (Alamin Natin)

Ang pagrespeto at pagmamalasakit ay hindi lamang ipinakikita sa kapuwa


tao. Ito rin ay nararapat na ipadama sa lahat ng mga likha gaya ng mga hayop at
halaman. Ang pagpapakita ng paggalang sa mga ito ay nangangahulugang
paggalang sa buhay. Kahit na ikaw ay isang bata, maaari mo pa ring mapaganda at
maalagaan ang ating kalikasan o kapaligiran sa pamamagitan ng pagsagip at
pagpapaganda ng mga ito.

4
Gawain 1: Suriin Mo!

Panuto: Basahin at suriin ang tula. Sagutin ang mga tanong at gawin mo ito sa
iyong sagutang papel.

Pagmamahal sa Lahat ng mga Likha

Materyal man o buhay


Ang Diyos man o ang tao ang may gawa,
Nararapat lamang na magparamdam ng pagmamahal
pag-iingat ay ipakita sa lahat.

Mga hayop, maliit o malaki


Kilala man o hindi,
Tulad ng tao, itrato sila ng tama
Dahil lahat sila ay may pakiramdam din.

Mga halaman, gulay, prutas, o namumulaklak


Ay dapat alagaan at mahalin,
Sapagkat sariwang hangin ay makakamtan
Kung ang paligid ay napapalibutan ng luntian.

Ang lahat ng likha ay mahalin at pangalagaan


Upang ito’y hindi bawiin at makita pa sa hinaharap,
Pagpapakita ng pagmamalasakit ay isabuhay
Sapagkat ang minsan ng nawala ay hindi na maibabalik.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang ibig ipahiwatig ng tula?


____________________________________________________________

2. Bakit kailangan nating magpakita ng pagmamahal at paggalang sa lahat ng


mga nilikha ng Diyos?
____________________________________________________________

3. Paano natin dapat tratuhin ang mga hayop at halaman? Bakit?


____________________________________________________________

4. Ano ang maaaring mangyari sa mga likhang biyaya sa atin kung hindi natin
sila mapangangalagaan?
____________________________________________________________

5
5. Kung ikaw ay isang lider ng inyong pamayanan, paano mo mapasusunod
ang mga mamamayan para sa pangangalaga ng mga nilikha ng Diyos gaya
ng mga hayop at halaman?
____________________________________________________________

D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong


Kasanayan #1 (Isagawa Natin)

Pagkatapos mong nabasa ang tula sa itaas at sagutan ang mga gabay na
tanong, iyong malalaman sa bahagi ng araling ito ang mga likha ng Diyos tulad ng
hayop at halaman. Matutukoy mo ang mga pamamaraan kung paano alagaan at
mahalin ang mga nilikha ng Diyos tulad ng mga halaman at hayop.

Gawain 2: Pag-isipan ang mga Ito!

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na listahan ng mga hayop. Alamin kung sila ay
mga hayop na nanganganib ng mawala sa ating bansa. Ilista sa kabilang bahagi ng
kolum ng mga hayop na sa palagay mo ay kabilang sa mga malapit ng maubos.
Isulat ang mga gawain upang maipakita ang pagkalinga sa mga hayop.

Mga hayop na nanganganib


Mga hayop
ng maubos
1. Agila 1.
2. Aso 2.
3. Tamaraw 3.
4. Blue Whale 4.
5. Kalabaw 5.
6. Manok
7. Pilandok
8. Kambing
9. Ahas
10.Philippine Tarsier

Mga gagawin upang maipakita ang pagkalinga sa mga hayop


1. ______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
3. ______________________________________________________________

Ayon sa Republic Act No. 9147 o “Wildlife Resources Conservation and


Protection Act, kahit sino ay maaaring mag alaga ng “threatened indigenous and
endemic” o exotic species. Dapat lamang na magkaroon ng Certificate of Wildlife
Registration (CWR) mula sa Department of Environment and Natural Resources
(DENR). Sinabi ni Luz Corpus ng Protected Animal Welfare Bureau (PAWB) na
nagbigay ng amnestiya para sa nag aalaga ng mga protected and endangered na
hayop. Nakikita nilang solusyon dito ay ang tamang edukasyon tungkol sa
pangangalaga sa mga ito.

6
Gawain 3: Pagbutihin Mo!

Panuto: Basahin at suriin ang bawat pangungusap. Tayahin ang sarili kung gaano
mo ipinapakita ang paggalang sa mga nilikha ng Diyos. Isulat ang M - Madalas, P -
Paminsan-minsan at H - Hindi sa iyong sagutang papel.

_____ 1. Pagtirador sa mga ibong nakikita sa mga puno.

_____ 2. Pagbubungkal sa mga halaman upang lalo silang lumaki at tumaba.

_____ 3. Magtanim ng mga halaman sa bakanteng lote at pagpalit ng bagong


halaman ang mga nasira o namatay.

_____ 4. Pinapakain ng kahit anong pagkain ang mga hayop na makikita sa Manila
Zoo.

_____ 5. Iniuulat ang mga ligaw na hayop na natagpuan sa pamayanan upang


maalagaan ito ng husto.

E. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong


Kasanayan #2 (Isapuso Natin)

Gawain 4: Pag-isipan ang mga Ito!

Ang kapaligirang may luntiang mga halaman ay siyang nagbibigay-buhay at


sigla sa iba pang nilalang gaya ng hayop at tao. Ito rin ang nagpapalakas sa mga
bukal ng tubig para magamit ng lahat ng nangangailangan nito.Sa pagtatanim ng
mga halaman, minsan hindi natin naiiwasan na may mga halamang namamatay o
may mga halamang nagkakaroon ng insekto.

Panuto: Piliin ang mga pangungusap na nagpapahayag o nagpapakita ng


pangangalaga sa mga halaman sa paligid. Isulat ang bilang ng pangungusap sa
unang bahagi/kahon ng graphic organizer samantalang sa kanang kahon naman ay
isulat ang bilang ng mga pangungusap na hindi nagpapahayag ng tamang
pangangalaga. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Mga Halaman, ating palaguin!

1. Pagdidilig ng mga halaman araw-araw.


2. Paglahok sa mga programa ng pagtatanim ng mga halaman sa
kapaligiran.
3. Pagsasawalang bahala sa pagtatanim at pangangalaga sa mga
ito.
4. Hinahayaan ang kapuwa na sirain ang mga alagang halaman.
5. Pinipitas ang anumang makitang halaman o tanim na prutas/gulay.

7
Mga Halaman, ating palaguin!

6. Sinusuway ang makitang nagtatapon ng basura sa mga lupang


may tanim.
7. Pinaparami ang mga halaman upang lalong gumanda ang
kapaligiran.
8. Hayaan na mamatay ang mga alagang halamang-gulay.
9. Pintahan ng makukulay ang mga paso na walang lamang
halaman upang ito ay kaakit-akit tignan.
10. Hayaan na lamang ang mga nabuwal na halaman.

Wastong Hindi wastong


pangangalaga sa pangangalaga sa
mga halaman mga halaman

Gawain 5: Pangako Ko!

Panuto: Bilang isang bata, bumuo ng isang pangako tungkol sa pangangalaga sa


mga hayop (endangered man o hindi), at halaman na nilikha ng Diyos. Isulat ito sa
iyong sagutang papel.

Ako ay si ________________________ nangangako na __________


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
dahil ang lahat ng mga likha ay__________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

8
F. Paglinang ng Kabihasaan (Pagpapalalim)
Basahin at unawain mo ang mahalagang konsepto ng aralin:

Isa sa magandang katangian ng mga Pilipino ang pakalinga sa hayop. Sa


ganitong paraan din natin naipamamalas ang pagmamahal sa Diyos na may likha.
Naipakikita rin ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay halaga at
pangangalaga sa mga halaman at pagkalinga sa mga hayop.

Ang unang batas na nagtadhana sa tamang pangangalaga sa mga hayop sa


bansa ay ang Republic Act No. 8485 o “Animal Welfare Act of 1988”. Nasasaad sa
batas na ito na dapat mapangalagaan nang maayos ang mga hayop at
maparurusahan ang sinumang lalabag dito. Mahigpit na ipinagbabawal ang
pagmamaltrato at pananakit sa mga hayop. Isinasaad din dito ang pagbabawal sa
pagpatay ng mga hayop maliban sa mga kinakain na natin. Ang hayop na ginamit
dahil sa ritwal ng relihiyon, may malubhang sakit, at pagsupil dahil sa bingit ng
panganib ay ilan lamang sa mga dahilan ng hindi paglabag nito.

Tayo ay komunidad na nilikha ng Diyos. Nabubuhay tayo hindi lamang para


sa ating sarili, kundi para rin sa kapakanan ng iba. Ano man ang ating gagawin ay
pananagutan natin sa ating sarili at sa mga taong nakapalibot sa atin. Bilang
miyembro ng ating pamayanan, mayroon tayong moral na obligasyon na
pangalagaan ang ating Inang Kalikasan. Nasa atin kung may maiaambag tayo sa
pagkakaroon ng balanseng kapaligiran.

Ang mga simpleng gawain natin ay magiging isang mahusay na


kapakinabangan sa lahat ng tao na siyang maninirahan sa mundo kahit na tayo ay
wala na. Ang pakikiisa sa pagtatanim ng puno ay hindi lamang sinasalita bagkus ito
ay isinasagawa. Huwag nating hayaang mawala tayo sa mundo nang hindi tayo
nakapag-ambag ng kahit na isang puno.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay (Isabuhay Natin)

Gawain 6: Pagdesisyonan Mo!

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na kasabihan at suriin kung paano mo ito
maisabubuhay bilang isang mag-aaral. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang
papel.

A. “Mga hayop ay alagaan, gayun din ang mga halaman, para sa magandang
kinabukasan”
______________________________________________________________
______________________________________________________________

B. “Itrato ang mga likha ng wasto, biyaya at kaginhawaan ay matatamo”


______________________________________________________________
______________________________________________________________

9
C. “ Mga ligaw at endangered na hayop ating mahalain at pagmalasakitan,
upang hindi tayo mawalan”
______________________________________________________________
______________________________________________________________

D. “Kinabukasan mo’y ligtas kung ikaw ay marunong mangalaga, magmahal, at


rumespeto sa lahat ng nilikha”
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Gawain 7: Pangalagaan Mo!

Panuto: Iguhit sa loob ng puso ang maaari mong maitulong sa pangangalaga ng


mga likha at ipaliwanag ang iyong naging sagot. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang
papel.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

10
Pamantayan Puntos Iskor
5 4 3 2
Guhit Napakahusay Mahusay ang Hindi Hindi
ang pagguhit at pagguhit at ito gaanong mahusay ang
ito ay ay malinis mahusay pagguhit at
napakalinis tignan ang maraming
tignan pagguhit at bura
maruming
tignan
Koneksyon sa Naipakita ang Medyo kulang Nakalilito Hindi
paksa hinihinging ang iginuhit ang iginuhit naipakita ang
paksa sa na larawan na larawan hinihinging
iginuhit na paksa sa
larawan iginuhit na
larawan
Pagpapaliwanag Naipaliwanag Hindi Medyo Hindi
sa iginuhit ng buong diwa gaanong malayo ang naipaliwanag
ang iginuhit naipaliwanag paliwanag ng maayos
ang iginuhit sa iginuhit ang iginuhit

H. Paglalahat ng Aralin (Mahalagang Konsepto)

Lahat ng may buhay ay dapat alagaan at ingatan. Pahalagahan ang mga


biyaya ng Diyos. Ang mga hayop ay hindi dapat pinagmamalupitan. Ang mga
endangered animals naman ay dapat na ibinibigay sa tamang tagapangalaga at
tagapangasiwa ng mga ito. Samantala, ang pagtatanim sa kapaligiran ay nararapat
ugaliin ng mga tao upang lalong lumago at maging luntian ang ating kalikasan.

Sa pagmamahal sa mga likha, makikita ang ugali ng isang tao. Kung paano
mo tratuhin ang mga hayop at halaman ay siya ring magsisilbing repleksiyon ng
iyong pag-uugali. Kung ikaw ay mapag-kalinga sa lahat ng mga likha, tiyak na
maraming biyaya ang iyong matatanggap at kaginhawaan sa buhay.

I. Pagtataya ng Aralin (Subukin Natin)

Gawain 8: Kaya Mo Ito!

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga pangungusap. Buuin ang
mga ito gamit ang mga pagpipiliang salita na makikita sa ibaba. Isulat ang letra ng
iyong sagot sa iyong sagutang papel.

A. Wildlife Resources Conservation and Protection Act


B. Compost Pit
C. Obligasyon
D. Tree Planting Program
E. Endangered Species

1. Lumahok sa __________________ ng inyong komunidad upang mapaganda


ang kapaligiran.

11
2. Ayon sa ____________ maaari naman na mag-alaga ng mga endangered
Animals kung may sapat silang edukasyon at sertipiko tungkol sa Wildlife
Registration.
3. Gumawa ng ____________ para sa mga tuyong dahon at mga balat ng prutas at
gulay upang gawing pataba.
4. Mahalaga na magkaroon ng wastong edukasyon sa pangangalaga ng mga
________________.
5. Bilang miyembro ng ating komunidad, may _____________ tayong pangalagaan
at panatilihin ang kaayusan sa ating kapaligiran.

Gawain 9: Tama o Mali?

Panuto: Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang T
kung ang pangungusap ay naglalarawan ng pagmamalasakit sa mga Likha ng Diyos
at M kung hindi.
________ 1. Sinasaktan ang anumang makitang hayop sa paligid.

________ 2. Dinidiligan ang mga tuyong halaman upang hindi sila mamatay.

________ 3. Pagtatanim sa likod ng bahay ng mga namumungang halaman o gulay


upang gumanda ito at may maani.

________ 4. Pinapakain at inaalagaang mabuti ang mga ligaw na hayop.

________ 5. Ginagawang bag at sapatos ang balat ng buwaya.

J. Karagdagang Gawain

Panuto: Maghanap ng larawan sa internet, magazine, o dyaryo na nagpapakita ng


pagkasira sa mga likha ng Diyos. Idikit ito sa loob ng bilog. Ipahayag ang iyong
saloobin kung bakit nangyayari ito at kung ano ang maaari nating gawin upang hindi
na maulit ito.

______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________

12
Susi sa Pagwawasto:

13

You might also like