You are on page 1of 5

FILIPINO 4

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

Pangalan:_____________________________________Baitang:__________________

Panuto: Tulungan si Maricar sa pagbibigay ng panuto gamit ang pangunahin at pangalawang direksiyon
sa tulong ng isang mapa sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot.

_____1. Si Maricar ay bibili ng kape at bigas sa tindahan. Alin sa mga ito ang tamang panuto?
A. Pumunta sa Hilagang Silangang direksyon upang bumili ng kape at bigas sa tindahan.
B. Pumunta sa Timog Silangang direksyon upang bumili ng kape at bigas sa tindahan.
C. Pumunta sa Timog na direksyon upang bumili ng kape at bigas sa tindahan.
D. Pumunta sa Silangang direksyon upang bumili ng kape at bigas sa tindahan.
_____2. Siya naman ay magtutungo sa simbahan. Alin sa mga ito ang tamang panuto?
A. Baybayin ang hilagang direksyon upang marating ang simbahan.
B. Baybayin ang kanlurang direksyon upang marating ang simbahan.
C. Baybayin ang silangang direksyon upang marating ang simbahan.
D. Baybayin ang timog na direksyon upang marating ang simbahan.

Panuto: Basahin ang patalastas at sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol dito.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
PATALASTAS
Gatas na malinamnam,
subok na masustansiya.
Puno ng iron, zinc, at vitamins.
Inumin ito araw-araw.
Katawan mo’y lalakas, isip mo’y tatalas!
Numero unong gatas,
magaan pa sa bulsa.
‘Yan ang Gatas na Soya Fortified!
_____3. Ano ang paksa ng patalastas?
A. Sabon na panghugas sa kamay B. Gatas na Soya Fortified
C. Gatas na Milky Fresh D. Sabon na panlaba
_____4. Sino ang pangunahing tagapagkilala ng patalastas?
A. Bata B. Nanay C. Tatay D. Guro
_____5. Paghambingin ang dalawang patalastas. Ano ang pinagkaiba ang pagkakatulad ng dalawa?

A. Parehas silang mabango, ngunit mas mura ang presyo ng isang produkto.
B. Magkatulad ang amoy, presyo at makukuhang benepisyo sa dalawang patalastas.
C. Magkaiba ang presyo at amoy ng dalawang sabon, pero magkapareho silang madaling
bumula, maaaring gamitin sa may kulay na damit, at masiksik sa laman.
D. Presyo lamang ang pinagkaiba ng dalawang patalastas.

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang ginamit sa pagpapakilala ng produkto. Piliin ang
titik ng tamang sagot.

_____6.
A. Pasalaysay
B. Patanong
C. Padamdam
D. Pautos/Pakiusap

_____7.
A. Pasalaysay
B. Patanong
C. Padamdam
D. Pautos/Pakiusap

_____8. Bilhin mo ang inaasam na regalo ng


iyong kaibigan. Anong uri ng pangungusap ito?
A. Pasalaysay B. Patanong C. Padamdam D. Pautos
_____9. “Pakibuksan mo nga pintuan”, sabi ni Krissa sa kanyang kapatid. Anong uri ng pangungusap ito?
A. Pasalaysay B. Patanong C. Padamdam D. Pakiusap
_____10. Naghahanap ka ba ng mura at matibay na sapatos? Anong uri ng pangungusap ito?
A. Pasalaysay B. Padamdam C. Pautos D. Patanong

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
_____11. Ito ang maayos na pagtatala, paghahanay, o pagsasaayos ng mga pangunahing kaisipan,
impormasyon, at kaalaman.
A. Talaan B. Balangkas C. Graph D. Komiks
_____12. Tukuyin ang paksa ng teksto.
Likas na sa ating mga Pilipino lalung-lalo na sa mga kabataan ang magsunog ng kilay para
sa kinabukasan. Sa ganitong pagkakataon, pinatutunayan lamang na ang bawat isa sa atin ay may
pagpapahalaga sa edukasyon. Edukasyon na siyang magagamit upang maging maayos ang pamamalakad
ng ating bansa.
A. Pagpapahalaga sa edukasyon B. Kawalan ng edukasyon sa Pilipinas
C. Pagpapahalaga sa pamilya D. Libreng pag-aaral para sakabataan
_____13. Ano ang paksa ng teksto?
Po at Opo. Mga katagang tila isang magandang musika sa pandinig ng mga nakatatanda sa
atin. Musikang sinasaliwan ng isang magandang hakbang tulad ng pagmamano. Ang mga ito’y ilan
lamang sa mga gawaing nagpapakita ng paggalang hindi lamang sa mga matatanda kundi pati na rin sa
ating sarili.

A. Pagiging masipag B. Pagiging magalang


C. Pagiging masunurin D. Pagiging masinop
_____14. Si Kalasag ay ibinenta ng kanyang amo. Ano ang kahulugan ng salitang ibinenta?
A. inihandog B. ipinamigay
C. ipinagbili D. itinapon
_____15. Gusto niyang umidlip pero mailap ang tulog sa kanya. Ano ang kahulugan ng salitang umidlip?
A. magpahinga B. matulog
C. mangarap D. managinip
_____16. Ang ay larawang guhit-kamay ng isang political cartoon na nakabatay sa isang isyu,
isang opinion, o isang pangyayaring napapanahon.
A. Komiks B. Drawing
C. Editorial Cartoon D. Painting
_____17. Ang mga sumusunod ay ang mga dapat tandaan tuwing nagbibigay ng puna sa isang editorial
cartoon MALIBAN sa isa.
A. Ipahayag nang may paggalang ang mga pagsang-ayon at pagsalungat.
B. Maging tapat o makatotohanan sa pagbibigay ng puna.
C. Magbigay lamang ng mga negatibong komento.
D. Papurihan ang mga mahuhusay na puntos.

Panuto: Tukuyin ang nais ipahiwatig ng bawat editorial cartoon. Piliin ang titik ng tamang sagot.

_____18. A. pagtanggap ng Pilipinas sa mga


Ukrainian Refugees
B. pagsakop ng Ukraine sa Pilipinas
C. paglilikas ng mga taong walang
matirhan
D. pagkakaibigan ng bansang Pilipinas at

Ukraine

_____19. A. mga mamamayang gutom


B. paghihirap ng mamamayang Pilipino
C. bansang maunlad
D. korapsyon na nagpapahirap sa
Pilipinas

_____20. A. paghahanda tuwing may bagyo


B. huli na sa pag-eevacuate ang mga tao
C. malakas na bagyo
D. walang tulong na dumarating tuwing
may bagyo

Panuto: Basahin at unawain ang di pormal na


pagpupulong,
Pagpupulong ng MAPEH CLUB sagutin ang mga tanong.

Ang pamunuan ng Mapeh Club sa Paaralang Zeferino Arroyo ay naghahanda para sa darating
na School Intramurals. Tumawag agad ng pulong ang pangulo kaugnay nito.

Tagapangulo: Magandang hapon. Tumahimik na ang lahat at magsisimula na tayo.


Liza: Nais ko na magkaroon tayo ng Zumba Dance. Upang makalikom ng pondo.
Paula: Sang-ayon ako sa mungkahi mo. Sigurado marami ang sasali rito.
Raul: Tagapangulo, tutol ako sa mungkahi ni Liza. Mas maganda
kung magkaroon na lamang tayo ng Basketball Tournament.
Tagapangulo: Mga magaganda ang inyong mga mungkahi. Puwede namang gawin natin
ito pareho. Sang-ayon ba kayo?
Lahat: Sang-ayon ang lahat.
Sonny: Maaasahan ninyo ang aking pakikiisa.

_____21. Sino ang nagpatawag ng pagpupulong?


A. Paula B. Tagapangulo
C. Sonny D. Raul
_____22. Ano ang pinag-usapan sa pagpupulong?
A. mga paaran upang maiwasan ang pagkalat ng COVID
B. paghahanda sa darating na School Intramurals
C. pagtatanim ng gulay sa bakuran
D. pagbabawal ng paggamit ng plastic
_____23. Kaninong mungkahi ang tinutulan ni Raul?
A. tagapangulo B. Liza
C. Paula D. Sonny
_____24. Ano-anong mga gawain ang iminungkahi upang makalikom ng pondo?
A. magkakaroon ng Zumba at Basketball Tournament
B. magkaroon ng Zumba at Folk Dance
C. magbebenta ng mga tanim na gulay
D. magtatayo ng eksibit sa paaralan
_____25. Paano ipinakita ng bawat miyembro ang pagsuporta?
A. umalis ng walang paalam
B. pagsang-ayon sa mga mungkahi
C. pagtutol sa mga mungkahing ibinigay
D. natutulog habang nagsasalita ang tagapangulo

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang balitang iskrip at pagkatapos sagutin ang sumusunod na tanong.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Andrada nasungkit ang Silver Medal sa Lawn Tennis

Nasungkit ni Rachel Andrada, mag-aaral ng ICS ang silver medal sa


larong lawn tennis noong September 29, 2021 ng PHILTA-Junior Tennis
Tournament sa Naga City.
Ayon kay Andrada, kahit pangalawa lang siya sa kompetisyon naipakita
pa rin niya ang kaniyang lakas, liksi at bilis laban sa kaniyang katunggali.
Sa pangalawang set nang laban, sadyang maliksi ang galaw ni Rowena
Mercado na nagpakawala ng forehand smash na nagpamangha sa lahat at nakuha
ang iskor na 6-4.
_____26. Sino ang nakasungkit ng silver medal sa larong lawn tennis?
A. Rachel Andrada B. Rowena Andrada
C. Rowena Mercado D. Rachel Mercado
_____27. Sino ang nakatunggali ni Rachel Andrada sa tournament?
A. Rachel Andrada B. Rowena Andrada
C. Rowena Mercado D. Rachel Mercado
_____28. Kailan at saan naganap ang PHILTA-Junior Tennis Tournament?
A. September 27, 2022, Legazpi City
B. September 28, 2022, Naga City
C. September 29, 2022, Naga City
D. September 30, 2022, Legazpi City
_____29. Saan naganap ang PHILTA-Junior Tennis Tournament?
A. Naga City B. Legazpi City
C. Iriga City D. Sorsogon City
_____30. Ano ang naging iskor ng dalawang manlalaro?
A. 5-4 B. 7-5
C. 6-4 D. 8-6
_____31. Ito ay isang pakikipagtalong may estruktura at may dalawang grupo tungkol sa napagkaisahang
paksa.
A. pulong B. debate C. paligsahan D. sagutan
_____32. Ang mga sumusunod ay ang mga dapat isaalang-alang ng kabahagi sa debate MALIBAN sa isa.
A. Ipinaglalaban nila ang kani-kanilang paninindigan.
B. Malayang makipag-away ang bawat panig kung sila ay natalo.
C. Malinaw nilang ipinapaliwanag ang kani-kaniyang pinaniniwalaan.
D. Ang tagapamagitan ang pumapagitna at sinisiguro niya ang kaayusan ng
bawat grupo.

Panuto: Tukuyin ang grap na inilalarawan. Piliin sa ibaba ang iyong sagot.
A. Bar Grap B. Pie o Circle Grap
C. Line Grap D. Pictograph
33. Nagpapakita ng pagbabago sa halaga o dami. Ang mga datos dito ay ipinakikita ng mga tuldok
na pinagdurugtong ng linya.
34. Ito ay nagpapakita ng paghahambing ng dami.
35. Naghahambing ng dami sa tulong ng mga larawan.
36. Nagpapakita ng ugnayan ng mga bahagi ng isang kabuuan.
Panuto: Pag-aralan ang balangkas na nasa ibaba.

Marka ni Mira sa Ikatlong Markahan

(37-38). Anong asignatura ang may pinakamababang marka na nakuha si Mira? Anong asignatura naman
ang may pinakamataas na marka?
(39-40). Sa iyong palagay, ano kaya ang naging dahilan kung bakit naging mababa ang kanyang marka?.
Kung ikaw si Mira, ano ang gagawin mo para makakuha ng mas mataas na marka sa susunod na
markahan. Ipaliwanag.

You might also like