You are on page 1of 11

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A (CALABARZON)
Sangay ng Lungsod ng Lucena

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN V


Ikatlong Panahunang Pagsusulit
S.Y. 2017 - 2018

Pangalan:__________________________ Petsa:________________
Paaralan :__________________________ Guro :________________

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pagnugnusap: Piliin at bilugan ang titik ng
tamang sagot.

HOME ECONOMICS

____1. Nagdadalaga na si Rina kaya maraming nakakapansin sa malaking pagbabago


ng kanyang pangangatawan. Ang sumusunod ay mga tungkuling ginagampanan niya
sa panahon ng kanyang pagdadalaga maliban sa isa.

A. Pag-aayos ng sarili bago pumasok sa paaralan.


B. Pagpapalit ng damit minsan sa isang linggo.
C. Pinapanatiling malinis ang katawan.
D. Nagsusuot ng malinis at maayos na damit.

____2. Bagong tuli si Joshua. Ano ang dapat niyang gamiting panlanggas upang
mapadali ang paghilom ng kanyang sugat?

A. Alkohol
B. Pinakuluang dahon ng kalamansi
C. Pinakuluang dahon ng bayabas
D. Pinakuluang dahon ng atis

_____3. Mag-isa lamang sa bahay si Lyra, hindi niya alam kung paano niya itatapon ang
pasador na ginamit niya. Alin sa mga sumusunod ang wastong paraan ng pagtatapon ng
pasador?

A. Itapon sa kanal.
B. Itapon kahit saan.
C. Itapon sa bakanteng lote.
D. Ibalot sa papel bago ito itapon sa basurahan.

_____4. Habang nagdadalaga/nagbibinata sina Rhea at Carlo ay pareho silang


gumagamit ng sariling sabon at tuwalya. Anong pamamaraan ang sinusunod nila?

A. Pangkalinisan C. Pantahanan
B. Pampaaralan D. Panlipunan

_____5. Paano tatanggapin ng batang nagdadalaga o nagbibinata ang


pagbabagong nagaganap sa kanila?
A. Ipagmalaki.
B. Ikahiya.
C. Tanggapin ng maluwag sa kalooban.
D. Huwag lalabas ng bahay.

_____6. Ang mga sumusunod ay pagbabagong nagaganap sa isang nagdadalaga. Alin


sa mga ito ang hindi dapat kasama?

A. Pagkakaroon ng buwanang daloy o pareregla


B. Pagsisimula ng pagkakaroon ng hugis ng dibdib
C. Paglabas ng lalagukan o adam’s apple.
D. Pagtubo ng balahibo sa kilikili at ibabaw ng ari.

_____7. Malamit tuksuhin si Allen ng kanyang mga kaklase dahil sa hindi kanais-nais na
amoy ng kanyang kili-kili. Sa palagay mo, ano ang pikatumpak na dapat niyang gawin?

A. Huwag pansinin ang mga kaklase.


B. Magalit at tuksuhin din sila.
C. Pabayaan ang di kaaya-ayang amoy sa katawan.
D. Maligo araw-araw at maglagay ng tawas sa kili-kili upang maiwasan ang
pagkakaroon ng di kanais-nais na amoy.

_____8. Napansin mong dumadami ang iyong tigidig o maliliit na tagihawat at ito ay
nagiging sanhi ng panunukso sayo. Paano mo ito iiwasan?

A. Kukunsulta ako sa doktor upang magamit o maisagawa ang angkop na


gamitin sa pagpigil ng pagtubo ng tagihawat.
B. Pabayaan ko na lang dahil wala akong pakialam sa mga nanunukso.
C. Aalamin ang tamang gawin para hindi na kumunsulta sa doktor.
D. Magagalit na lang sa mga nanunukso.

_____9. Niyaya ka ng mga kaibigan mo at kamag-aral na mag-swimming. Ano ang


angkop mong gamitin para maiwasang bumakat ang iyong dibdib habang ikaw ay
naglalangoy?

A. Pabayaan kong bumakat ang aking dibdib.


B. Magsusuot ako ng makapal na kamiseta para hindi bumakat ang aking dibdib
C. Magsusuot ako ng manipis na damit upang bumakat ang aking dibdib
D. Magsusuot ako ng angkop na panligo upang maiwasan ang pagbakat ng
aking dibdib.

_____10. Papasok na si Rona sa paaralan ng aksidenteng napasabit at napunit ang


kanyang palda sa nakausling pako ng upuan nila. Ano ang dapat niyang gawin?

A. Hayaan na lang na sira ang palda.


B. Lagyan ng perdible o aspili ang palda.
C. Hindi na papasok sa paaralan.
D. Sulsihan ang nasirang palda bago pumasok.

_____11. Araw ng Sabado at walang pasok. Maglalaro kayo ng iyong kaibigan. Anong
kasuotan ang isusuot mo?

A. Daster C. Damit panlakad


B. Short at t-shirt D. Uniporme

_____12. Nagluluto ang nanay mo ng tanghalian kaya nautusan ka niyang maglaba ng


inyong damit. Ano ang nararapat mong gawin sa mga puti at di-kulay ninyong damit?
A. Pagsamahin ang puti at di-kulay sa pagbababad.
B. Ibabad muna ang mga damit, pagkalipas ng sampung minute ay saka ito
pagbukud-bukurin.
C. Kailangang ihiwalay ang puti at di-kulay na mga damit kung kailan lamang
maisipan.
D. Bago magsimulang maglaba, hiwa-hiwalayin na ang mga damit ayon sa kulay
at dumi.

_____13. Namantsahan ang uniporme ni Heidi habang gumagawa sila ng proyekto.


Ang sumusunod ay mga kailangang gawin sa pagtanggal ng mantsa maliban sa isa.
A. Dapat angkop ang kagamitan sa pag-aalis ng mantsa ng dugo/tinta.
B. Kusutin ng sabon at maligamgam na tubig ang damit na may mantsa.
C. Itapon na ang mga uniporme na namantsahan.
D. Ibabad ang damit na may sariwang mantsa ng dugo sa malamig na tubig bago
kusutin at sabunin.
_____14. Ang mga sumusunod ay wastong paraan ng paglalaba. Alin sa mga ito ang
hindi dapat kasama?

A. Unahing labhan ang mga puting damit saka isunod ang mga de kolor.
B. Banlawan una ang puti bago ang de kolor hanggang mawala ang sabon.
C. Itapon ang mga damit na mayroong mantas ng dugo.
D. Kusuting mabuti ang mga parte ng damit na madumihin katulad ng kwelyo,
manggas, at iba pang parte ng damit.
_____15. Upang mapanatiling malinis at maayos ang pangangatawan, ang bawat
nagbibinata at nagdadalaga ay may tungkuling dapat gampanan sa kanilang sarili tulad
ng ______.
A. Maligo minsan sa isang buwan.
B. Maligo tatlong beses sa isang Linggo.
C. Maligo araw-araw.
D. Iwasan ang pagligo.
_____ 16. Nagpaplantsa ang nakababata mong kapatid ngunit hindi pa siya sanay kaya
natatagalan ang pamamalantsa niya. Ano ang dapat gawin ng nakakatandang kapatid?
A. Pabayaan ang kapatid.
B. Tingnan ang kapatid at pagtawanan.
C. Ipakita at ipaliwanag sa kapatid ang dapat gawin.
D. Kunin sa kapatid ang plantsa at pagalitan.

_____17. Nasira ang gripo ninyo sa kusina, pero wala ang tatay mo. Ano ang
kinakailangang gawin?
A. Tumawag ng karpintero.
B. Tanggalin ang tubo ng gripo.
C. Pabayaan tumulo ang tubig.
D. Gawin ng kasapi sa pamilya na may kaalaman.

_____18. Upang higit na mapadali at mapabilis ang ating gawain, mahalaga ang
paggamit ng makabagong teknolohiya. Ano ang mainam na gamitin sa pagtanggal ng
alikabok at dumi sa tahanan?
A. Walis C. Mop
B. Vacuum D. Basahan
_____19. Nagpalinis ang Nanay sa kanyang anak na si Honey dahil siya ay
magsisimba. Ngunit dumating siya na marumi pa rin ang bahay. Ano ang dapat gawin
ng Nanay sa anak?
A. Paluin ang anak.
B. Pagalitan ang anak.
C. Parusahan ang anak.
D. Ituro sa anak ang mahusay at tamang paraan ng paglilinis.

_____ 20. Kaarawan ng bunsong anak ni Aling Lina. Nais niyang magkaroon ng party.
Ano ang dapat niyang gawin para hindi mahirapan sa paghahanda?
A. Mamili ng mga gagamitin agad.
B. I-utos sa iba ang pamamahala.
C. Gumamit ng mamahaling kasangkapan.
D. Ilista ang lahat ng binabalak gawin at pamimilhin.

_____21. Magluluto si Nanay Cely ng baked macaroni na paborito ng kanyang mga


anak. Saang bahagi ng tahanan siya magluluto at matatagpuan ang mga kagamitan
kakailanganin tulad ng kalan at baked dish?
A. Silid-tulugan C. Kusina
B. Silid-tanggapan D. Garahe

_____22. Namitas ng bulaklak si Amy sa kanilang bakuran at inilagay ito sa silid-


tanggapan. Ano ang kabutihang naidudulot ng paglalagay ng bulaklak o halaman sa
loob ng tahanan?
A. Nakakapagpasigla at nagpapaganda ng tahanan
B. Upang makita ng mga bisita.
C. Nakakakalat sa silid-tanggapan.
D. Upang maitaboy ang mga insekto.

_____23. Ang matinding sikat ng araw ay pumapasok sa silid ni Lulu. Kinabitan niya ng
kurtina ang mga bintana. Paano ginamit ni Lulu ang kurtina?
A. Pandekorasyon.
B. Pampigil ng liwanag.
C. Pinagmukhang mataas ang bintana.
D. Pangkubli sa ginagawa sa loob ng silid.

_____ 24. Nagpunta si Aling Cita sa palengke upang mamili ng kanilang kagamitan sa
pagluluto. Bumili siya ng isang kilong karneng baboy P 190.00, kalahating kilong isda P80.00
at isang taling sitaw sa halagang anim na piso. Magkano lahat ang naipamili ni Aling Cita?
A. P245.00 B. P276.00 C. P279.00 D. P268.00

_____25. Napansin ni Mang Cardo na maraming tindang hinog na mangga sa


palengke, kaya bumili siya upang gamiting panghimagas nilang mag-anak. Kung
dalawang kilo ang binili ni Mang Cardo na nagkakahalaga ng P55.00 ang isang kilo.
Magkano lahat ang kabuuang naibayad ni Mang Cardo?
A. P100.00 B. P110.00 C. P120.00 D. P130.00

____26. Ikaw ay pinaghuhugas ng Nanay mo ng mga kagamitan na ginamit sa


paghahanda at pagluluto ng mga pagkain. Anong paraan ang dapat mong gawin?
A. Maghugas ng mga kagamitan kahit saan.
B. Maghugas ng mga kagamitan ng sabay-sabay
C. Maghugas ng mga kagamitan sa lababo at isahod sa gripo.
D. Maghugas ng mga kagamitan at gumamit ng palanggana.

____ 27. Si Rica ay pinagtatalop ng papaya para sa gagawing tinola. Ano ang tamang
paggamit ng kutsilyo sa pagtatalop ?
A. Hawakan ang kutsilyo ng paharap sa iyo.
B. Hawakan ang kutsilyo ng pabaligtad.
C. Hawakan ang kutsilyo ng palayo sa iyo.
D. Hawakan ang kutsilyo pababa sa iyo.

_____ 28. Ang maganda at kaaya-ayang tindig at galaw ay nakukuha sa pamamagitan


ng mga sumusunod na gawain, maliban sa isa.
A. Pagkain ng masustansiyang pagkain
B. Pagtulog ng maaga at walong oras sa isang araw.
C. Mag-ehersisyo ng regular.
D. Umupo at lumakad na hukot ang likod.

_____ 29. Si Clara ay mananahi ng kanyang proyekto. Ano ang dapat niyang gawin
bago manahi?
A. Manahi kaagad.
B. Linisin muna ang bahagi ng makina
C. Buksan ang makina at manahi agad.
D. Ipatong lahat ng gagamitin sa ibabaw ng makina.

_____30. Wala ng oras si Kirsty na pumunta sa Mall para bumili ng regalo sa kanyang
kaibigan. Naisip niya na bumili na lang sa Online Selling. Alin sa mga sumusunod na
kadahilanan ang hindi mabuting dulot ng pagbili sa Online Selling?
A. Maraming maaaring pagpilian.
B. Hindi maisusukat ang mga damit na napiling bilhin.
C. Mura at magaganda ang mga ibenebenta sa Online Selling.
D. Napapadali at napapabilis ang pagpili ng mga gamit na maaari nating bilhin
gamit ang internet.

_____31. Maraming tao ngayon ang nawiwiling magnegosyo gamit ang Online Selling.
Ano ang mga kailangang malaman at isabuhay upang umunlad ang ganitong negosyo?
A. Makipagtalo sa mamimili.
B. Taasan ang presyo ng mga paninda.
C. Ayos lang na mabagal ang internet connection.
D. Magkaroon ng maayos na post na nais ipagbili at maging magalang sa
mamimili.

_____ 32. Ang soft furnishing ay isang pangkalahatang pangalan para sa mga
bagay na yari sa tela na ginagamit pang-dekorasyon o palamuti sa bahay. Alin dito ang
halimbawa ng kagamitang pambahay (soft furnishing)?
A. Flower vase B. Throw pillow C. Figurines D. Lampshade

_____ 33. Ang mga sumusunod ay ang mga pangkaligtasang gawi sa pananahi. Alin
dito ang hindi kabilang?
A. Umupo ng tuwid na maginhawa ang tuhod
B. Hawakan ang balance wheel at paikutin papunta sa iyo.
C. Paandarin ang makina nang banayad.
D. Padyakan ng mabilis at madiin ang threadle

_____ 34. Pananahi ng apron ang proyektong gagawin ng mga batang mag – aaral sa
ikalimang baitang. Naghahanda na sila sa paggawa ng padron. Upang maging wasto
ang paggawa nito, gawing mas ____ ang padrong pangharap kaysa padron panglikod
A. Makitid B. Maikli C. Malaki D. Malapad

___ 35. Bakit kailangang malaman ang kahalagahan ng pag-alam sa kasalukuyang


kalakaran (market demands/trends) ng kagamitang pambahay?
A. Upang makabili ng mamahaling kagamitang pambahay
B. Upang maipagmalaki sa kapitbahay ang nabiling kagamitan.
C. Upang maibenta ng mahal ang mga nagawang kagamitang pambahay
D. Upang malaman ang mapagkumpitensyang mga banta o mga pagkakataon
para sa paglago ng negosyo.

____ 36. Ito ay tumutukoy sa mithiin sa paggawa ng plano sa pagbuo ng mga kagamitang
pambahay.
A. Hakbang sa paggawa. C. Layunin
B.Talaan ng Materyales D. Sketch

____ 37. Ang mga sumusunod ay ang wastong pangangalaga ng makina maliban sa
isa?
A. Linisin ang bawat bahagi.
B. Hayaang paglaruan ng mga bata.
C. Kumpunihin ang karaniwang sira ng makina.
D. Sundin ang wastong pagbubukas at pagsasara.

____ 38. Si Lerma ay magpapatahi ng bestida para sa kanyang kaarawan .Siya ay


sinukatan ng modesta upang makuha ang tamang sukat ng kanyang katawan gamit
ang_____.
A. Ruler B.Metro C.Medida D. Meter stick

____ 39. Anong bahagi ng makina ang nagsisilbing gabay sa sinulid mula sa spool pin
hanggang sa karayom upang hindi ito mawala sa lugar?
A. Thread guide C. Bobbin case
B. Belt guide D. Drive wheel

____ 40.Ito ay kailangan upang mapadali at maging maayos ang pananahi.


A.Pagpaplano at Paghahanda C.Pagsusukat at Pagtatabas
B.Pamimili at Pagbebenta D.Pagmamarka at Pananahi

____ 41. May mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagpili ng palamuti para sa
tahanan at paggawa ng isang kagamitang pantahanan. Alin sa mga sumusunod ang
dapat isaalang-alang?
A. Uri at laki ng silid na paglalagyan C. Gamit o tungkulin
B. Tampulan ng pansin o focus of attention D. Lahat ng nabanggit

____ 42.Ano-anong paraan ng pagbibigay ng mungkahi/suhestiyon ng iba sa


proyektong nabuo upang siyang magsilbing batayan sa pagpapaganda ng proyekto.
A. Rubrics B. Tsart C. Score Cards D. A at C

____ 43. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pag aayos ng proyekto?


A. Kagamitan C. Salapi
B. Panahon at Oras D. Lahat ng nabanggit

____ 44. Ito ay bahagi ng makinang de-padyak na pinaglalagyan ng sinulid sa ilalim ng


makina.
A.Bobbin B. Bobbin Case C.Bobbin Winder D.Feed Dog

_____ 45. Magluluto si Aling Letty ng nilagang baka dahil ito ay paborito ng kanyang
mga anak. Anong mga sangkap ng pampalasa ang dapat niya gamitin sa pagluluto?
A. Vetsin at pork savor.
B. Chicken cubes at Magic sarap.
C. Sinigang na sampalok at sarsa.
D. Asin, bawang, sibuyas, luya at patis.
_____ 46. Pagkatapos maglaro ng mga mag-aaral sa Baitang 5 ay nakadama sila ng
pagkauhaw. Nagpunta sila sa kantina ng paaralan upang bumili ng pamatid uhaw tulad
ng palamig. Alin kaya sa sumusunod ang pipiliin nila?
A. Palamig na nasa bote.
B. Palamig na gawa sa powdered juice.
C. Palamig na kinulayan ng rosas, gatas at asukal.
D. Palamig na ang sangkap na ginamit ay gatas, asukal at buko ng
niyog.

_____ 47. May mga tuntunin pangkaligtasan at pangkalusugan sa di paggamit ng mga


sangkap na may “Artificial Food Additives” sa paghahanda at pagluluto ng pagkain. Alin
sa mga sumusunod ang hindi kabilang?
A. Paghahanda at pagluluto ng pagkaing organiko.
B. Paggamit ng mga sangkap na gawa sa “Artificial Food Additives”
C. Paggamit ng mga pampalasang sangkap tulad ng sibuyas,
bawang, star anise, salay, dahon at bunga ng sampalok at iba pa.
D.Pagluluto ng pagkain sa pamamagitan ng pagpapasingaw,
pagbabanli at pagpapakulo.

_____48. Ito ay paraan ng paghahain na ang mesa ay nakaayos ayon sa bilang at dami ng
kakain na may nakalagay na placemat at mga gamit sa pagkain. Ang mga pagkain ay nasa
gitna ng mesa at maaaring abutin ng mga kakain.
A. Smorgasboard Style C. Buffet Style
B. Russian Style D. English Style

____ 49. Maagang papasok si Kobe sa paaralan.Kailangan niyang kumain ng almusal


bago pumasok. Anong pagkain ang dapat sa kanya?
A. Kanin at Hotdog
B. Instant noodles at kape
C. Tinapay, corned beef at Tsaa
D. Sinangag na kanin, itlog at mainit na tsokolate

____50. Ito ay larawan na nagsisilbing gabay kung gaano karami ang pagkain ng bawat
pangkat at ginagamit na patnubay tungo sa isang balanced diet na n\agtataglay ng
tamang uri at sukat ng pagkain.
A. Food Chain C. Menu
B. Food Pyramid Guide D. Food Web

Good luck!

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV – A ( CALABARZON )
Sangay ng Lungsod ng Lucena

TALAAN NG ISPISIPIKASYON
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
Ikalimang Baitang

BILANG KINALAGYAN
LAYUNIN LC No.
NG AYTEM NG AYTEM

HOME ECONOMICS
Nagagampanan ang tungkulin sa sarili sa
1.1 3 1,3,15
panahon ng pagdadalaga o pagbibinata
Natatalakay ang mga paraang dapat
isagawa sa panahon ng pagbabagong pisikal 2 2,4
1.2.2
(paliligo o paglilinis ng katawan
Natutukoy ang mga pagbabagong pisikal sa
sarili tulad ng pagkakaroon ng tagiyawat,
1 5
pagtubo ng buhok sa iba’t ibang bahagi ng
1.2.1
katawan at labis na pagpapawis
Naipapaliwanag ang mga pagbabagong
pisikal na nagaganap sa sarili sa panahon ng 1 6
pagdadalaga at pagbibinata 1.2

Naipakikita ang kamalayan sa pang-unawa


sa pagbabago ng sarili sa pag-iwas sa 1 7
panunukso 1.3

Naipaliliwanag kung paano maiiiwasan ang


panunukso dahil sa mga pagbabagong 1.4 2 8-9
pisikal

Naisasa-ayos ang payak na sira ng damit sa


pamamagitan ng pananahi sa kamay (hal.,
pagsusulsi ng punit sa damit o pagtatahi ng 1.6.2 1 10
tastas

Napangangalagaan ang sariling kasuotan 1.6 1 11


Naisasagawa ang wastong paraan ng
paghihiwalay ng puti at di-kulay 1 12
1.7.1
Naisasagawa ang pagkilala at pag-aalis ng
mantsa sa wastong paraan 1 13
1.7.2
Naisasagawa ang wastong paraan ng
paglalaba 1.7 1 14

Nakapagkukwenta nang mahusay sa


1.28.3 2 24-25
pamamalengke
Nasusunod ang mga tuntuning
pangkalusugan at pangkaligtasan sa 2 26-27
1.29.2
paghahanda at pagluluto ng pagkain
Napakikita ang maayos na pag-upo, pagtayo
1 16
at paglakad, wastong pananamit ng plantsa. 1.9.1
Napapanatiling maayos ang sariling tindig. 1.9 1 28
Natutupad ang mga tungkulin sa pag-aayos
1 17
ng tahanan. 1.10
Natutukoy ang mga bahagi ng tahanan at
mga gawain dito. 1 21
1.11
Nakapagsasaliksik gamit ang teknolohiya
upang malaman ang iba't-ibang paraan ng
pag-aayos ng tahanan, mga kagamitan at 1 18
1.12.1
kasangkapan.

Naipaliliwanag ang kabutihang dulot ng


pagsasaayos ng tahanan.
1.12.2 2 19

Nakagagawa ng plano ng pag-aayos at


pagpapaganda ng tahanan.
1.12.3 1 20

Nasusuri ang ginawang pagsasaayos at


pagpapaganda ng tahanan at nababago ito 1.13.3 2
kung kinakailangan. 22,23

Nakapagsasaliksik gamit ang Internet,


magasin, aklat, atbp upang malaman ang
kasalukuyang kalakaran sa pamilihan ng 1.15.1 1 35
mga kagamitan sa bahay (market
demands/trends)
Nakapagsasaliksik gamit ang Internet,
magasin, aklat, atbp upang malaman ang
iba't-ibang uri at paraan ng paggawa ng mga
1 32
kagamitang pambahay (soft furnishing) tulad 1.15.2
ng kurtina, table runner, glass holder/cover,
throw pillow, table napkin, atbp
Nakagagawa ng plano para sa pagbuo ng
1.16 2 36,40
mga kagamitang pambahay
Natutukoy ang mga bahagi ng makinang de-
2 39,28
padyak. 1.17.1
Natatalakay at naipapakita ang wasto at
mainagt na paraan ng paggamit ng makina 3 44,33,37
1.17.2
Nakagagamit ng makina at kamay sa
pagbuo ng mga kagamitang pambahay 1 38
1.17
Nakapipili at nakapamimili ng materyales
upang makabuo ng kagamitang pambahay 41
1.18.2 1

Naipakikita ang pagkamaparaan sa


pagbubuo ng proyekto
1.18.3 1 34
Nasusuri ang proyekto ayon sa sariling
mungkahi at ng iba gamit ang rubrics 1.13.3 1
42
Naisasaayos ang nabuong proyekto kung
kinakailangan 1.20 1 43

Naisasagawa ang iba't ibang paraan ng


pagsasapamilihan ng mga produktong nabuo 1.21.3 2 30,31
gaya ng online selling.

Nasusunod ang di paggamit ng mga


sangkap na may food artificial additives sa 1.29.3 3 45-47
pagluluto
Nakalilikha ng ilang paraan ng kaakit-akit na
paghahanda ng pagkain 1 48
1.30.1
Naisasagawa ang pagpaplano at pagluluto
ng masustansiyang pagkain (almusal,
tanghalian, at hapunan) ayon sa badyet, 1 49
1.24
bilang kasapi, gulang, atbp

Nakagagawa ng menu para sa isang araw


batay sa "food pyramid"/ pangkat ng pagkain 1.26 1
50
KABUUAN 50

Prepared by:

ANALIZA C. DOMINGUEZ
EPP Teacher

Noted:

MARILYN A. MERTO
EPP Principal Adviser
KEY TO CORRECTION
EPP V

1. B 26. D
2. C 27. C
3. D 28. D
4. A 29. B
5. C 30. B
6. C 31. D
7. D 32. B
8. A 33. D
9. D 34. D
10. D 35. D
11. B 36. C
12. D 37. B
13. C 38. C
14. C 39. A
15. C 40. A
16. C 41. D
17. D 42. D
18. B 43. D
19. D 44. C
20. D 45. D
21. C 46. D
22. A 47. B
23. B 48. D
24. B 49. D
25. B 50. B

You might also like