You are on page 1of 6

Quezon City, Metro Manila

BALARA ELEMENTARY SCHOOL


School Disrict VIII
H. Ventura St. Balara Filters Brgy Pansol Quezon City

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


SA EPP V (HOME ECONOMICS)
S.Y. 2023-2024
Pangalan: ___________________________________________Puntos: _______________
Seksyon: ___________________________________________ Petsa: _________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik nang tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.

___1. Ang pagbabagong pisikal ng nagdadalaga at nagbibinata ay nagaganap sa edad


na________.
A.8 hanggang 12 C.12 hanggang 16
B.10 hanggang 16 D. 14 hanggang 16
___2. Ano ang tawag sa hormones na tinataglay ng mga babae?
A. estrogen B. pituitary gland C. sex glands D. testosterone
___3. Ang pagbabagong nagaganap sa katawan ng mga batang lalaki at batang babae ay
tinatawag na ____.
A. circumcision B. fertilization C. menstruation D. puberty
___4. Bakit kailangang kumpunihin agad ang sirang damit tulad ng butas, tastas, at punit
bago ito labhan?
A. Upang hindi na lumaki ang sira.
B. Upang magmukha itong bago. C.
Upang tuluyan na itong masira.
D. Upang hindi mapagalitan ng nanay.
___5. Ano ang dapat gawin sa damit na hinubad at basa ng pawis? A.
Ihanger at itago ito sa loob ng kabinet.
B. Ihagis sa lagayan nang maruming damit.
C. Pahanginan ang damit na basa sa pawis.
D. Tiklupin at ilagay sa lagayan ng maruruming damit.
___6. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapakita ng wastong pangangalaga sa
kasuotan. Alin dito ang hindi kabilang?
A. Ihanger ang mga malinis na damit panlakad.
B. Tanggalin agad ang mantsa ng damit habang sariwa pa.
C. Punasan muna o lagyan ito ng sapin ang uupuang lugar bago umupo.
D. Labhan muna ang mga may sirang damit tulad ng tastas at punit bago ito tahiin.
___7. Paano tatanggalin ang dumikit na chewing gum sa damit? A.
Kuskusin ng sabong panligo.
B. Buhusan ng alcohol na 70% solusyon.
C. Labhan sa maligamgam na tubig na may sabon.
D. Kuskusin ng yelo ang ang kabila ng damit na may chewing gum hanggang
tumigas at tanggalin ito sa pamamagitan ng kamay.
___8. Ito ay isang paraan na ginagawa sa mga damit na gawa sa telang cotton upang
maging makintab at makinis ang habi ng tela at di madaling kapitan ng dumi.
A.pag-aalmirol B.paglalaba C. pamamalantsa D. pananahi
___9. Magbibihis ka na ng iyong uniporme ng mapansin mo na may mantsa ang iyong
blusa. Ano ang dapat mong gawin?
A. Aalisin kaagad ang mantsa. C. Isasama sa maruruming damit.
B. Huhubarin at itatago muna. D. Papalabhan sa nanay ang blusa

___10. Ano ang pinakamabisang gawin upang mapanatiling malinis at mabango ang ating
mga kasuotan?
A. pag-aalmirol B. paglalaba C. pagtatahi D. pamamalantsa
___11. Bakit kailangang labhan ang ating kasuotan?
A. Tumatagal ang damit kapag laging malinis.
B. Napapanatili nito ang kagandahan ng damit.
C. Masarap isuot ang damit na malinis at mabango.
D. Lahat ng mga nabanggit na pangungusap ay tama.
___12. May wastong paraan ang paglalaba ng mga damit. Ano ang una mong dapat gawin?
A. Sabunin ang mga damit.
B. Basain isa - isa ang mga damit.
C. Banlawang mabuti ang mga damit.
D. Paghiwalayin ang mga puti at mga de-kolor.
___13. Nagbibihis ka dahil mamasyal kayo ng pamilya mo. Napansin mong may di
kanais nais na amoy ang iyong suot na damit. Paano mo masosolusyunan ito? A.
Huhubarin at itatago ulit sa kabinet.
B. Isusuot pa din dahil paborito mo itong damit.
C. Itatapon na lang ang damit dahil di kanais nais ang amoy nito.
D. Papalitan ang damit at ilalagay ito sa lagayan ng maruming damit upang
malabhan.
___14. Magpaplantsa si John ng unipormeng polo na isusuot niya papasok ng eskwelahan.
Anong bahagi ng polo ang dapat niyang unahing plantsahin?
A. harap B. kuwelyo C. likod D. manggas
___15. Bakit natin kailangang plantsahin ang ating mga kasuotan?
A. Upang maging malinis.
B. Upang maging matibay.
C. Upang bumalik ang kulay ng damit.
D. Upang maibalik ang dating hugis at ganda.
___16. Anong kasuotan ang dapat mong unang paplantsahin?
A. pambahay B. panloob C. panyo D. uniporme
___17. Ano ang unang hakbang sa paggawa ng anumang proyekto?
A. Pagpili ng tela.
B. Paggawa ng padron.
C. Pagpaplano ng proyekto.
D. Pagbebenta ng proyekto.
___18. Sa paggawa ng apron matapos mong kunin ang sukat ng katawan ano ang susunod
mong gagawin?
A. Paggupit ng tela.
B. Pagbuo ng apron.
C. Paggawa ng padron.
D. Pagpaplano ng proyekto.
___19. Ang mga sumusunod ay pangkaligtasang gawi sa pananahi maliban sa isa. Alin dito
ang hindi kabilang?
A. Iwasang ilagay ang mga daliri sa presser foot.
B. Iuna ang tulis ng gunting kung iaabot sa ibang tao.
C. Maging maingat sa paggamit ng mga kagamitan sa pananahi.
D. Mag-ingat sa paghawak nang matutulis na gamit tulad ng karayom, aspile at
gunting.
___20. Ang bahaging ito ng makinang de-padyak ang nagpapaandar o nagpapahinto sa
makina katulong ang gulong sa ilalim.
A. balance wheel B. drive wheel C. feed dog D. treadle
___21. Nasa itaas na bahagi ito ng ulo ng makina kung saan inilalagay ang karete ng
sinulid.
A. belt B. bobbin case C. spool spin D. thread guide
___22. Sa pagtatahi sa makinang de-padyak upang paandarin ang makina, dito itinatapak
ang mga paa at ipinipedal.
A. drive wheel B. presser foot C. slide plate D. treadle
__23. Naatasan kayong gumawa ng potholder bilang inyong proyekto. Bilang
paghahanda kayo ay gagawa muna ng padron. Alin sa mga sumusunod ang hindi
kabilang sa paggawa ng padron?
A. Linyahan ang padron.
B. Ihanda ang pattern paper.
C. Tahiin sa makina ang potholder.
D. Ilipat sa padron ang disenyo ng potholder.
___24. Napansin mo na marami kayong retasong tela sa inyong tahanan. Paano mo ito
mapapakinabangan at mapagkakakitaan? A. Ipapamigay.
B. Itatapon na lang.
C. Itatago sa kabinet.
D. Tatahiin upang gawing basahang bilog.
___25. Natutunan mo ang pagtatahi gamit ang makina. Naisipan mong gumawa ng gamit
sa kusina na maari mong pagkakitaan. Alin sa mga sumusunod ang maari mong
gawin?
A. Kubre kama B. potholder C. punda D.tuwalya
___26. Alin sa mga sumusunod na malikhaing proyekto ang ginawa sa pamamagitan ng
pananahi?
A. dustpan B. flower vase C. kitchen towel D. pencil
organizer
___27. Isa ka sa napili para sa Skills competition na gagawin sa inyong eskwelahan. Paano
mo paghahandaan ang paggawa ng isang kaakit akit at kapakipakinabang na
proyekto?
A. Hindi ako sasali sa kompetisyon.
B. Ipapagawa ko sa iba ang aking proyekto.
C. Gagawin ko ng mabilisan ang aking proyekto.
D. Pagpaplanuhan at pagagandahin ko ang aking gagawing proyekto.
___28. Ang mga salik na dapat isaalang alang sa pagpaplano ng masustansiyang pagkain
ng mag -anak ay ang mga sumusunod, maliban sa__________.
A. badyet B.bisita C. menu D. resipi
___29. Araw ng Linggo at kumpleto ang miyembro ng iyong pamilya. Ano ang maari mong
ilutong ulam bilang pagkain ninyo sa pananghalian?
A.adobo at pinakbet B. bacon at itlog C. kakanin D. leche flan
___30. Nais mong mapakain ng masustansiyang pagkain ang iyong pamilya. Ano ang iyong
batayan sa pagpaplano nito?
A.food pyramid B.. halaga C. kagamitan D. oras
___31. Napagplanuhan mo na ipagluto ng sinigang na baboy ang iyong mga magulang at
mga kapatid bilang sorpresa sa kanila. Anong proseso ang una mong dapat gawin sa
pagluluto nito?
A. Pakuluan ang karneng baboy.
B. Hiwain ang mga gulay na kasama sa pagluluto.
C. Ihanda at hugasan ang mga sangkap na gagamitin.
D. Ilagay ang mga gulay kapag malambot na ang karne.
___32. Maagang gumising ang nanay upang magluto ng agahan. Alin sa mga sumusunod
ang maaring niyang iluto?
A. Nilagang baka, kanin at fruit salad.
B. Tinola, tortang talong, kanin at leche flan.
C. Daing na bangus, sinangag, gatas at saging.
D. Adobong manok, corn soup, kanin at pakwan.

___33. Gamit ang meal pattern, bakit kailangang planuhin nang maayos ng mag anak ang
kanilang pagkain sa araw araw?
A. Dahil maraming pagkain sa bahay.
B. Para maraming pagkaing nakahain.
C. Dahil magaling magluto ang mga magulang.
D. Para makasiguro sa malusog na pamumuhay.
___34. Inutusan si Anna ng kanyang nanay na bumili ng karneng baboy sa palengke.
Ano ang katangian ng sariwang karne ang dapat niyang piliin? A. May
masangsang na amoy.
B. Medyo nangingitim na ang laman.
C. Mamula mula at di mabaho ang amoy.
D. Malambot at naghihiwa-hiwalay na ang laman.
___35. Bibili ng sariwang prutas sa palengke si Isabel. Paano siya makatitipid sa
pagbili? A. Kaunti lang ang bibilhing prutas.
B. Bumili ng malapit ng mabulok dahil mas mura.
C. Bumili ng hindi na sariwa para mas mababa na ang presyo.
D. Bumili ng napapanahong prutas dahil mas mababa ang presyo.
___36. Bakit kailangang isaalang alang ang badyet at sustansya sa pagpili ng pagkain ng
pamilya?
A. Upang makatipid.
B. Upang di magkasakit.
C. Upang maging malusog.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
___37. Mamamalengke si Aling Minda. Ano ang maari nyang bilhin na masustansya
kung maliit lang ang kanyang badyet? A. Bacon, ham at hotdog.
B. Fries, nuggets at burger.
C. Gulay, isda at mga prutas.
D. Sardinas, at iba pang canned goods.
___38. Nautusan kang bumili ng itlog sa palengke, ano ang katangian ng sariwang itlog
na dapat mong isaalang alang? A. Manipis ang balat.
B. Magaan ang timbang.
C. Magaspang ang balat.
D. May masangsang na amoy.
___39. Nais mong mag ulam ng karne dahil mayaman ito sa protina ngunit napakamahal
nito. Ano ang gagawin mo?
A. Bibili na lang ako ng de lata.
B. Bibili pa din ako ng karne kahit mahal.
C. Manghihiram ng pera pambili ng karne.
D. Hahanap ako ng ibang pagkain na mayaman din sa protina.
___40. Upang maging maayos ang paghahanda ng pagkain ang mga sumusunod na paraan
ang dapat sundin maliban sa isa.
A. Gumamit ng apron, headband, bandana o hairnet.
B. Maghugas ng kamay bago hawakan ang mga lulutuin.
C. Hayaan lamang na may mga suot na alahas sa kamay.
D. Gumamit ng potholder sa paghawak ng mga kaldero at kawali.
___41. Ano ano ang mga sangkap na gulay ang kakailanganin mo kung ikaw ay magluluto
ng pinakbet?
A. Pechay, mais, sitaw at sibuyas.
B. Talong, okra, ampalaya at kalabasa.
C. Kangkong, kamatis, gabi at labanos.
D. Repolyo, carrots, sayote at cauliflower.
___42. Ang mga sangkap na toge, sayote, carrots, repolyo at lumpia wrapper ay para sa
anong resipi?
A. chopsuey B. lumpiang gulay C. okoy D. turon
___43. Sa wastong paraan ng paghahanda ng mga sangkap nakasalalay ang kaayusan at
kalidad ng isang lutuin. Paano mo ito masisiguro ?
A. Kumpletuhin ang lahat ng sangkap.
B. Hugasang mabuti ang mga sangkap.
C. Panatilihing malinis ang pook galawan.
D. Ang lahat ng mga nabanggit ay tama.
___44. Anong paraan ng pagluluto sa konting mantika ng bawang, sibuyas, kamatis at iba
pang sangkap bago ihalo sa pangunahing sahog?
A.Paggigisa B. Paghuhurno C. Pag-iihaw D. pagsasangkutsa
___45. Upang mapanatiling malusog at malakas ang katawan, laging masusustansiyang
pagkain ang dapat na nakahain sa hapag tulad ng mga_____________.
A. gulay, isda at prutas
B. processed foods at de lata
C. lechon, at inihaw na liempo
D. ice cream, tinapay at kakanin
___46 Nais mong masiguro ang sustansiya at kalidad ng pagkaing iyong ihahain. Ano ang
nararapat mong gawin?
A. Pabayaang walang takip ang pagkain.
B. Bumili ng mamahaling mga sangkap sa pagluluto.
C. Pumili ng mga sangkap na mura kahit hindi na sariwa.
D. Panatilihing malinis ang mga kasangkapang gagamitin.
___47. Ang mga sumusunod ay dapat gawin upang mapabilis ang paghahanda ng
pagkaing lulutuin. Alin dito ang di kabilang?
A. Piliin ang menu na madaling lutuin.
B. Gumawa ng menu para sa isang linggo.
C. Isaayos ang lahat ng mga kasangkapan at sangkap na gagamitin.
D. Pumunta sa palengke sa oras na marami na ang mga taong mamimili.
___48. Kaarawan mo at magkakaroon kayo ng paatitipon. Maraming bisita ang dadalo.
Paano mo masisiguro na maayos mong mapapakain ang iyong mga bisita?
A. Uunahin ko pakainin ang mga kaibigan ko.
B. Hahati hatiin ko na lang sa mga bisita ang mga handa.
C. Hahayaan ko na lang silang nag unahan sa pagkuha ng pagkain.
D. Gagamit ako ng istilong buffet sa paghahain ng pagkain para makakain lahat.
___49. Ang ___________ ng pagkain ay isa sa mga dapat isaalang alang upang maging kaakit
akit ito.
A.halaga B. kulay C. menu D. resipi
___50. Pihikan sa pagkain ang bunso mong kapatid. Ano ang gagawin mo upang maging
kaakit - akit sa paningin niya ang iyong ihahaing pagkain?
A. Laging matatamis na pagkain ang ihain.
B. Gumamit ng magagandang kagamitan.
C. Magluto ng marami at iba’t ibang pagkain.
D. Gumamit ng iba’t ibang hugis at anyo sa paghahanda ng pagkain.

You might also like