You are on page 1of 4

EPP 5

Ikalawang Markahan - Summative Test 1


(Modyul 1 at 2 )
Name:________________________Grade and Section:____________Date:_______Score:_______

Panuto: A. Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin at isulat sa
patlang o sa ANSWER SHEET ang titik ng wastong sagot.

_______1. Ito ay pag-aalis ng gusot-gusot sa damit upang maibalik sa dating hugis at ayos ang mga damit.

A. Paglalaba B. Pamamalantsa C. Pagsusulsi D. Pagtutupi

_______2. Tinatakpan ang butas ng damit kapag may butas ito.

A. Pagtutupi B. Pagsusulsi C. Pagtatagpi D. Pagtatahi

_______3. Ito ang uri ng pagtatahi sa damit upang hindi lumaki ang sira ng damit.

A. Pagtutupi B. Pagtatagpi C. Paglalaba D. Pagsusulsi

_______4. Ang damit ay hindi madaling masira at mas magamit sa mahabang panahon kapag ________

ng maayos ang damit.

A. Pinaplantsa B. Tinatahi C. Nilalabhan D. Tinutupi

_______5. Ito ay pag-aayos ng damit ayon sa kulay at gamit nito na nakalagay sa cabinet, aparador o
malinis na kahon.

A. Pagtutupi B. Pamamalantsa C. Pagsusulsi D. Pagtatagpi

_______6. Ang may sira o punit na damit ay kailangang sulsihan o tahiin _______labhan.

A. Bago B. Matapos C. Habang D. Sa katawan

_______7. Ang damit na di palaging sinusuot ay ilagay sa gawing _______ _______sa loob ng kabinet.

A. Ibabaw B. Likuran C. Ilalim D. Pinto

_______8. Alin sa mga sumusunod ang gagawin kung may mantsa ang mga damit?

A. Itago sa kabinet.
B. Itapon sa basurahan.
C. Plantsahin ang mga damit.
D. Labhan agad ang mga damit upang hindi dumikit ang mantsa.

_______9. Ang mga sumusunod ay nagsasaad ng pangangalaga sa damit maliban sa:

A. Tahiin ang mga punit ng damit.


B. Pahanginan ang damit upang maalis ang amoy pawis.
C. Alisin ang mga mantsa habang maaga pa.
D. Kapag may maliit na butas ang damit itinatapon agad ito.

_______10. Bakit kailangang pangalagaan ang ating kasuotan?

A. Maayos tingnan sa paningin ng ibang tao.


B. Mapanatili ang kagandahan ng kasuotan.
C. Magagamit ang kasuotan sa mahabang panahon.
D. Lahat sa nabanggit.
_______11. Anong mantsa ang maaring alisin sa pamamagian ng pagkuskos ng yelo sa tela
hanggang tumigas ito at kayurin sa kutsilyo?
A. Mantika C. Pintura
B. Chewing gum D. Kalawang
_____12. Nasabit ang damit ni Erma at napunit. Natutuhan niya ang wastong pagkukumpuni. Ang
damit niya ay kanyang _____.

A. Huhubarin at susulsihin. C. Hahayaang lumaki ang sira.


B. Itatago D. Ipapatahi sa nanay.

_____13. Ano ang pinakamahalagang paraan upang maging malinis ang kasuotan?
A. Paglalaba C. Pag –aalmirol
B. Pamamalantsa D. Pagutupi

_____14. Ang pagsusuot ng malinis at tamang damit ay nagdudulot ng pagtitiwala, kagandahan at _____

A. Malinis B. Maayos C. Paggalang D. Magara

_____15. Ito ang mabisang ginagamit sa pang-alis sa mantsa ng tinta.

A. Alcohol B. Mainit na tubig C. Yelo D. Langis

B. Isulat sa patlang ang T kung ang isinasaad na pahayag ay tama at M kung mali.

________16. Ang sabong panligo ay mainam na pantanggal ng mantsa ng dugo.

________17. Ang maayos at malinis na pananamit ay nagpapakita na may pagpapahalaga sa sarili.

________18. Ang paglalaba ay isang gawain na dapat matutunan ng bawat kasapi ng mag-anak.

________19. Kilalanin ang uri ng tela ng damit bago ito tanggalan ng mantsa.

________20. Itapon agad sa basurahan ang damit kung may mantsa kahit pwede pa itong
mapakinabangan.

You might also like