You are on page 1of 2

EDUKASTON SA PAGPAPAKATAO 5

Ikalawang Markahan - Summative Test 2


(Modyul 2b at 3a)
Name:__________________________ Grade and Section:_____________ Date:________Score:______

Panuto: Basahin at intindihin ang bawat pangungusap.Isulat ang Tama kung nagpapakita ng paggalang at Mali
kung hindi nagpapakita ng paggalang. Isulat ang sagot sa patlang o sa answer sheet.

______1. Nasalubong ni Noni ang babaeng Hindu na may malapad na turban sa ulo na kung tingnan ,parang
mummy at patago siyang lumingon at tumawa.

______2. Naniniwala si Myra na hindi dapat pakialaman ang gamit ng iba nang hindi nagpapaalam.

______3. Pinagtawanan ni Carlo ang nakasalubong niyang pilay habang papasok siya sa paaralan.

______4. Hindi namimili ng aasikasuhing pasyente ang bagong Nurse sa klinika ng bayan.

______5. Madalas tulungan ni Dave sa pagtawid ng kalye ang sinumang matandang nakakasabay sa pagtawid.

______6. Minamaliit ni Princess ang nakatuggali nilang mga mag-aaral ng kabilang paaralan.

______7. Respeto ang kailangan nating ipakita para matanggap natin nang buong puso ang opinyon ng ibang
tao.

______8. Ginawa ni Sharon ang pagtanggap at paggalang niya sa mungkahi ng kanyang kasamahan upang
mas mapadali ang kanilang proyekto.

______9. Iniiwasan ni Cinderella na mapalapit sa kapitbahay nilang dayuhan dahil ayaw niyang magsalita ng
wika nito.

______10. Mahalaga ang paggalang sa opinyon ng iba.

______11. Tinutukso ng mga kaklase mo ang bago ninyong kamag – aral dahil sa kakaiba niyang itsura at
pananamit.

______12. Pagtanggap ng maayos sa mga dayuhan na dumating sa ating pamayanan at bansa.

______13. Pinauna ni Jessie ang matanda na kasabay niyang sumakay sa dyip.

______14. Ang paggalang sa isa’t-isa ang ipapakita kahit may pagkakaiba-iba ng kultura.

______15. Madalas makisali sa usapan ng iba si Kendra.

______16. Lagi na lang tinutukso ng iba mong mga kaklase ang hitsura ni Rolly dahil siya ay anak ng Negro.
______17. Pinagsabihan ng nanay mo ang mga batang nanunukso sa mga batang Igorot na nakaupo sa parke
upang magpahangin.

______18. May dayuhan na nagtatanong ng direksyon sa mga kabataang nakatambay sa harapan ng tindahan
ni Aling Memeng, pinagtawanan lamang nila ito at hindi sinabi ang tamang direksyon.

______19. Nakinig at sumang-ayon si Gng. Reyes sa opinyon ng kanyang kapitbahay tungkol sa proyektong
tinatrabaho nila para sa kanilang barangay.

______20. Si Noel ay masaya na walang pasok, subalit si Tony ay hindi dahil ayon sa kanya ay mawawalan
siya ng matutunan. Ayaw sumang-ayon ni Noel dahil mahilig siyang maglakwatsa. Pinabayaan na
lamang ni Tony si Noel sa kanyang nais.

You might also like