You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION ZAMBALES
NEW TAUGTOG I ELEMENTARY SCHOOL

3rd Quarter Summative Test


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

Pangalan:___________________________________________ Iskor:______________

Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon at piliin ang nararapat na sagot at isulat ang titik ng
tamang sagot sa guhit bago ang bawat bilang.

______1. Bakit kailangang makiisa sa programa ng pamahalaan?


A. Para mapaunlad ang bayan
B. Para mapasaya ang mga namumuno
C. Para magbigay ng problema sa pamahalaan

______2. Nagkaroon ang inyong barangay ng mga alituntunin na bawal lumabas ang mga bata
at meron kang mga kaibigan na gusting pumunta sa iyo, ano ang iyong gagawin?
A. Ako nalang ang lalabas ng bahay
B. Magpanggap na hindi nabatid ang anunsiyo
C. Pagsasabihan ang mga kaibigan sa alituntunin na bawal lumabas ang mga bata

______3. Narinig mo ang anunsyo tungkol sa pagsusuot ng mask sa inyong lugar. Bilang isang
batang residente, ano ang nararapat mong gawin?
A. Pagsabihan ang mga magulang tungkol sa narinig na anunsyo.
B. Huwag ipaalam sa mga magulang ang narinig na anunsyo.
C. Babaliwalain ang narinig dahil paulit-ulit lang ito.

______4. Nakasakay ka sa dyip papuntang paaralan. Napansin mo na ang unahang dyip ay


nagbubuga ng makapal at maitim na usok. Ano ang gagawin mo?
A. Balewalain ang nakita mo dahil sanay ka na sa ganitong usok araw-araw.
B. Sabihan mo na lang ang tatay mo na ihatid at sunduin ka sa paaralan.
C. Sabihan ng may paggalang ang drayber na maaring magdulot ng sakit at nakasasama
sa kapaligiran ang maitim na usok ng kaniyang dyip.

______5. Habang naglalakad pauwi, nadaanan mo ang iyong kaibigan na akmang itatapon sa
ilog malapit sa inyo ang kanilang basura. Ano ang iyong gagawin?
A. Hayaan lang siya dahil gawain mo din iyon.
B. Pigilan at ituro ang tamang tapunan ng basura.
C. Tutulungan ang iyong kaibigan sa kaniyang ginagawa.

karlamaepelonebausa
______6. Nagbakasyon ka sa probinsiya. Isang araw, narinig mo ang lolo mo na inuutusan ang isa
niyang tauhan na magkaingin o pagsunog sa matataas na damo sa bukid. Ipinagbabawal ito
dahil may masamang epekto ito sa tao at sa kapaligiran. Ano ang gagawin mo?
A. Ipaliliwanag mo sa mahinahon na paraan sa lolo mo na ipinagbabawal ito at sasabihin
din ang masamang epekto nito sa tao at sa kapaligiran.
B. Isusumbong mo ang lolo mo sa mga awtoridad.
C. Pagsasabihan mo ang mga manggagawa sa bukid na itigil ito.

______7. Nakita mong itinapon ni Lina ang kanyang basura sa harap ng silid-aralan. Ano ang
iyong gagawin?
A. Ipagsawalang bahala ang nasaksihan.
B. Kausapin si Lina na ilagay sa tamang basurahan ang itinapon.
C. Sabihin sa mag-aaral ang ginawa ni Lina upang mapag-usapan siya.

______8. Napanood mo sa telebisyon ang tamang pagtatapon ng basura. Ito ay ang


paghihiwalay ng uri ng basura. May basurang nabubulok, di-nabubulok at maaari pang gamitin.
Bilang isang mamamayan, paano ka makikiisa sa programang ito?
A. Sundin ang tamang proseso sa paghihiwa-hiwalayin ang mga basurang itatapon.
B. Ipagpatuloy kung ano ang nakasanayang gawi sa pagtatapon ng basura.
C. Huwag pansinin kung anuman ang napanood.

______9. Anong katangian ang ipinakikita ng isang batang tumutulong sa pagpapanatili ng


kalinisan sa kapaligiran?
A. Pagkamalikhain
B. Pagkamatipid
C. Pagmamalasakit

______10. Magkakaroon ng “Clean Up Drive” sa inyong lugar. Napagkasunduan ng mga opisyales


na magtulungan ang lahat. Bawat tahanan ay may itinalagang representante na tutulong sa
paglilinis. Sa paanong paraan mo maipakikita ang iyong suporta?
A. Kusang-loob na makiisa sa programa ng barangay.
B. Sabihin sa mga opisyales na wala kang oras na tumulong.
C. Balewalain kung ano man ang ipinatutupad ng inyong barangay.

Panuto: Isulat sa guhit bago ang bawat bilang ang TAMA kung tama ang isinasaad ng
pangungusap at MALI kung hindi.

_________11. Ang pagbabayanihan ay isang magandang kaugaliang Pilipino.

_________12. Isang mabuting kaugaliang Pilipino ang pagtulong nang may hinihinging kapalit.

_________13. Ang pag-aasikaso sa mga nakatatanda ay isang mabuting kaugaliang Pilipino.

_________14. Nakikiisa at tumutulong sa programang pangkaligtasan at pangkapaligiran sa aming


paaralan o sa aming lugar.

_________15. Ipagbigay-alam sa iba ang impormasyong napakinggan tungkol sa mga kalamidad


na paparating.

_________16. Unahin ang pansariling kapakanan bago pansinin ang kalagayan ng iba.

_________17. Isaisip ang laging pagtulong sa iba lalo na ang pagbibigay babala at impormasyon
tungkol sa kalamidad.
karlamaepelonebausa
_________18. Pagsunod sa mga protocols ngayong pandemya.

_________19. Pagsalita ng mahinahon kung nais ipahayag ang sariling opinion.

_________20. Pagtali sa mga alagang aso upang hindi makakagat.

Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang pagkilos ay nagpapakita ng paglahok sa


pangangampanya para sa pagpapatupad ng mga batas at ekis (X) naman kung hindi. Isulat
ang sagot sa guhit bago ang bawat bilang.

_____21. Paggamit ng videoke kahit ika-10 na ng gabi.


_____22. Paglalaro sa labas ng bahay kahit ito`y ipinagbabawal.
_____23. Pagtapon ng mga basura sa ilog.
_____24. Paggawa ng jingle na may menshae tungkol sa kapayapaan.
_____25. Pag-iwas sa mga programa ng barangay.
_____26. Paglagay ng mga basura sa tamang lalagyan.
_____27. Pagbabahagi ng tamang impormasyon tungkol sa COVID-19.
_____28. Pagpigil ng pagsunog ng mga basura lalo na ang mga plastic.
_____29. Pag-post sa Facebook ng mga protocol na dapat sundin sa panahon ng pandemya.
_____30. Pagsunod sa oras ng curfew ayon sa programa ng barangay o lipunan.

karlamaepelonebausa

You might also like