You are on page 1of 5

SCHOOLS DIVISION OFFICE – MALABON CITY

District of Malabon I

MALABON ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 5

Guro: MARILYN M. ESPINA Petsa: JANUARY 11, 2024


Baitang at Pangkat V – PERSEVERANCE Oras: 1:00 - 1:40 PM

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa konteksto, ang
bahaging ginampanan ng simbahan sa, layunin at mga paraan ng
pananakopng Espanyolsa Pilipinas at ang epekto ng mga ito sa
lipunan.
B. Pamantayang Pagganap Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa
konteksto at dahilan ng kolonyalismong Espanyol at ang epekto ng
mga paraang pananakop sa katutubong populasyon.
C. Kasanayang Pampagkatuto 6. Nasusuri ang relasyon ng mga paraan ng pananakop ng
Espanyol sa mga katutubong populasyon sa bawat isa
(AP5PKEI-Ie-f-6)
Layunin 1. Natatalakay ang mabuti at di mabuting dulot ng
sapilitang paggawa sa panahon ng pananakop ng mga
Espanyol.
2. Napakapaghahayag ng damdamin at saloobin sa mga
pananakop ng mga Espanyol sa pamamagitan ng
pagsasadula/madamdaming pagbigkas.
3. Napapahalagahan ang pagtitiyaga at pagtitiis ng mga
Pilipino sa pagpapatupad ng sapilitang paggawa.
II. NILALAMAN
Paksa: Mabuti at Di - Mabuting Dulot ng Sapilitang Paggawa sa Panahon
ng Pananakop ng mga Espanyol
III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO
A. Sanggunian
1. TG at LM Teksbuk TG pp.42-46, LM pp.130-132
2. LRMDC Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo larawan ng mga sinauna at kasalukuyang gamit, graphic organizer,
meta cards, powerpoint presentation at batayang aklat
IV. PAMAMARAAN
I. Panimulang Gawain
A. Balik-Aral 1. Balitaan
Tumawag ng mga mag-aaral na mag-uulat batay sa kanilang
napakinggan, napanood o nabasang balita.
2. Pagsasanay
Suriin ang larawan.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
a. Magkano ang tributo na binabayad ng mga Filipino noong 1571?
b. Mula 1571 hanggang 1589, tumaas sa 2 reales ang tributo na
binabayad ng mga Filipino sa mga Espanyol. Magkano ang
binabayad na halaga na tributo ng mga Filipino noong 1589?
c. Mula 1589 hanggang 1851, muling tumaas ang halaga ng tributo
sa 12 reales. Ilang taon ang pagitan bago ito tumaas?
3. Balik-aral:
a. Ano ang Polo y Servicio?
b. Anong tawag sa mga taong naglilingkod sa sistemang Polo y
Servicio?
c. Bakit ipinatupad ng mga Espanyol ang Polo y Servicio?
B. Pagganyak Magpakita ng larawan ng mga OFW na nagtratrabaho sa ibang
bansa.
1. Ano ang ginagawa ng mga tao sa larawan? Saan sila
nagtratrabaho?
2. Sa tingin ninyo, gaano kahirap mapalayo ang mga OFW
sa mga mahal nila sa buhay?
3. Bakit nila ito ginagawa?
Kung ang OFW ay nahihirapan kahit nakakatulong sa mga
mahal nila sa buhay sa pamamagitan ng kanilang
pagtratrabaho sa ibang bansa. Ano pa kaya ang madarama ng
taong pinagtratrabaho sa malayong lugar na walang bayad?
- Iugnay ito sa paksang tatalakayin.
C. Paghahabi sa Layunin Magpakita ng larawan ng Polo y Servicio.
1. Ano ang nakikita mo sa larawan?
2. Madali ba para sa iyo, ang ganitong gawain o hanapbuhay?
3. Gaano naging madali sa mga katutubong Pilipino ang mag-
trabaho sa polo y servicio?
D. Pag-uugnay ng Halimbawa Magpanood ng video patungkol sa naging epekto ng Polo y Servicio
sa mga Pilipino noong panahon ng kolonyalismong Espanyol.
II. Paglinang na Gawain
E. Pagtatalakay sa Konsepto at 1. PANGKATANG GAWAIN
Kasanayan #1 Hatiin ang klase sa limang pangkat at talakayin ayon sa
sumusunod na mga paksa.
Pangkat I – Isadula ang mga pangyayari na naganap sa Polo y
Servicio. Ipakita rin ang naging epekto nito sa mga Pilipino.
Pangkat II – Iguhit ang mga mabuting naidulot ng polo y
servicio sa bansa.
Pangkat III – Gumawa ng Bubble Map. Isulat rito ang mga hindi
mabuting naidulot ng Polo y Servicio sa mga Pilipino.
Pangkat IV – Gumawa ng Panel Discussion kung nakatulong ba
o hindi nakatulong ang Polo y Servicio sa mga mamamayan at
sa kolonya noong panahon ng mga Espanyol.
2. PAG-UULAT NG BAWAT PANGKAT
PAGPAPAKITA NG RUBRIC PARA SA PANGKATANG
MGA PAMANTAYAN PUNTOS 1 2 3 4 5
Nakatapos ng gawain sa 5
takdang oras
Nagawa nang maayos at 5
tama ang pangkatang
gawain.
Nagpakita ng 5
pakikipagtulungan ang
bawat miyembro ng bawat
pangkat.
F. Pagtatalakay sa Konsepto at Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Kasanayan #2 1. Paano ninyo mailalarawan ang Sapilitang Paggawa o Polo y
Servicio na ipinatupad noong panahon ng mga Espanyol?
2. Sa inyong palagay, bakit ginamit ng mga Espanyol ang
patakarang ito sa mga Pilipino?
3. Ano-anong mga pahirap o pasakit ang dinanas ng mga
Polista sa ilalim ng Polo Y Servicio?
4. Bilang isang mag-aaral paano mo pahahalagahan ang lahat
ng hirap at sakripisyo ng mga Polista noong panahon ng
pananakop ng mga Espanyol?
5. Bakit naging kapaki-pakinabang para sa mga Espanyol ang
sapilitang paggawa?
G. Paglinang sa Kabihasaan Panuto: Itaas ang Thumbs-up kung tama ang isinasaad ng
pangungusap. Kung hindi naman ay itaas ang Thumbs-down.
1. Kalimitang hindi nababayaran ang paglilingkod na
ginagawa ng mga Polista.
2. Nang dahil sa Polo y Servicio maraming mga
manggagawa ang umunlad ang buhay.
3. Marami sa mga manggagawa ang namatay sa gutom at
dumanas ng matinding hirap sa paggawa.
4. Mabuti ang naging epekto ng Polo y Servicio sa mga
manggagawa noong panahon ng Kolonyalismo.
5. Nang dahil sa Sapilitang Paggawa nawalay ang mga
kalalakihan sa kanilang mga pamilya.
III. Pangwakas na Gawain
H. Paglalahat ng Aralin  Ang ibang kalalakihang manggagawa ay ipinapadala sa
________________ upang doon magtrabaho. Ang mga
_______________ ang naiwang magtrabaho sa mga
bukirin sapagkat ang ilan sa mga kalalakihan ay dinala
sa malalayong lugar upang magtrabaho sa Polo.
Marami sa mga manggagawa ang _______________ at
_______________ dahil sa walang tigil na paggawa.
Ngunit dahil sa Polo y Servicio maraming mga
_______________ ang naipatayo sa bansa.

I. Paglalapat ng Aralin Kung muling ibabalik ang Polo y Servicio sa ating kapanahunan. Ano
ang dapat baguhin sa polisiya ng sapilitang paggawa upang ito ay
makatulong sa mga Pilipino at sa bansa?
J. Pagtataya ng Aralin Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin
ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Ang mga sumusunod ay ang mga hindi magandang epekto na
naidulot ng polo y Servicio sa mga Pilipino maliban sa isa. Ano ito?
A. Marami ang namatay sa giyera sa tuwing sila ay isinasama sa mga
digmaan.
B. Mabigat ang kanilang naging mga trabaho at ipinapadala sila sa
malalayong lugar.
C. Naghirap ang mga Pilipino sapagkat ang mga kalalakihan ay
iniwan ang kanilang mga sakahan sa panahon ng anihan kung kayat
sila ay nakaranas ng matinding taggutom.
D. Maraming polista ang gumanda ang buhay dahil tinumbasan ng
mga Espanyol ng malaking halaga ang kanilang pinagtrabahuhan.
2. Ang mga sumusunod ay ipinapagawa sa mga Polista maliban sa
isa. Ito ay ___________________________________.
A. Pagtotroso C. Paggawa ng simbahan
B. Paniningil ng buwis D. Paggawa ng mga gusali at daan
3. Bilang isang mamamayang Pilipino, paano mo bibigyang halaga
ang mga nagawang sakripisyo ng mga Polista sa panahon ng
kolonyalismo?
A. Balewalain ang kanilang mga nagawa.
B. Bigyang pagpapahalaga ang mga natitirang imprastraktura na
nananatiling nakatayo hanggang sa ngayon.
C. Gibain o tuluyan ng palitan ang mga lumang gusali o
imprastraktura sapagkat luma na ang mga ito.
D. Pagtawanan o gawing katawa-tawa ang pagiging masunurin at
mababang loob ng mga Pilipino noong panahon ng kolonyalismo.
4. Sa kabila ng mga paghihirap na naranasan ng mga Polista, alin sa
mga sumusunod ang naging magandang epekto nito sa ating bansa?
A. Bumaba ang produksyon ng pagkain.
B. Marami sa pamilya ng mga Polista ang namatay sa gutom.
C. Nawalay ang mga ama sa kanilang asawa at mga anak.
D. Dumami ang mga imprastruktura na naipatayo katulad ng mga
simbahan, tulay, munisipyo at iba pa.
5. Bilang isang mamayang Pilipino, paano mo bibigyang halaga ang
mga nagawang sakripisyo ng mga Polista sa panahon ng
kolonyalismo?
A. Balewalain ang kanilang mga nagawa.
B. Bigyan pagpapahalaga ang mga natitirang imprastruktura na
nanatiling nakatayo hanggang sa ngayon.
C. Gibain o tuluyan ng palitan ang mga lumang gusali o
imprastruktura na nanatiling nakatayo sa ngayon.
D. Pagtawanan o gawing katawa-tawa ang pagiging masunurin at
mababang loob ng mga Pilipino noong panahon ng kolonyalismo.
K. Pagpapahalaga Napapahalagahan ang mga gawang Pilipino dahil sa sipag at tiyaga
nito sa paggawa.
L. Karagdagang Gawain Gawin ang ISIP, HAMUNIN Titik D LM p.136
V. MGA TALA
PAGNINILAY

A. Bilang ng mga mag-aaral na


nakakuha ng 80% sa formative
assessment?
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng remediation?
C. Bilang ng mga mag-aaral na
pumasa?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
nagangailangan pa rin ng remediation?
E. Alin sa aking mga istratehiya sa
pagtuturo ang tumugon na
pangangailangan? Bakit ito nakatulong?
F. Anu-anong mga suliranin ang
aking hinarap na nakatulong sa akin
ang aking Punong-Guro at Superbisor?
Tulong mula sa:
Ulong-Guro:
Punong-Guro:
Superbisor:
G. Anong mga inobasyon o localized
material ang aking ginamit o natuklasan
na maaari kong maibahagi sa iba?
Inihanda ni: MARILYN M. ESPINA
Guro sa Araling Panlipunan V

You might also like