You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

Enero 28, 2020

I. LAYUNIN:
Natatalakay ang mga lokal na pangyayari tungo sa pag-usbong ng pakikibaka ng bayan Reporma
sa ekonomiya at pagtatatag ng monopolyang tabako

II. PAKSANG ARALIN:


a. Paksa: Konteksto ng Reporma at Pagtatatag ng Monopolyang Tabako
b. Sanggunian: K to 12 – AP5PKB-IV-a-b-1
Yunit IV, Aralin 1,
Pilipinas Kong Hirang, Eleonor D. Antonio, et.al., ph. 158
Araling Panlipunan 4, Teacher’s Guide, ph. 62
http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_epekto_ng_monopolyo_ng_tabako
https://link.quipper.com/en/classes/573ae1223c4bee1eef0002f5/courses
https://www.youtube.com/watch?v=29PperCg82c
c. Kagamitan: powerpoint presentation, venn diagram, manila paper, pentel pen

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
Magpabalita sa mga bata ng napapanahong balita.
2. Balik-aral
Anu-ano ang pagbabago sa kultura ng mga Pilipino sa Panahon ng Espanyol?
Panlinang na Gawain
Pagganyak
Tumawag ng mga boluntir. Gamit ang kanilang katawan, ipasulat ang mga letrang bumubuo sa mga
salitang, gawain at sibika. Ipahula sa pangkat o klase ang nabuong salita. Bigyan ng kredit ang naunang
nakahula.
Itanong:
 Madali bang hulaan ang mga letra kapag isinusulat gamit ang katawan?
 Alam ba ninyo ang ibig sabihin ng salitang nabuo ninyo?
 Sa palagay ninyo, ano ang ibig sabihin ng mga salitang, Monopolya?
Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga bata.
Iugnay ang mga ito sa aralin.
3. Paglalahad
Anu-ano ang mga kabutihang dulot ng monopolyo ng tabako?
Anu-ano naman ang mga kasamaang naidulot nito?

Bilang kolonya ng Spain, naging mabigat na pasanin ang Pilipinas sa kalagayang pananalapi nito. Hindi
makalikom ang pamahalaan sa Pilipinas ng sapat na salapi upang tustusan ang pangangailangan nito.
Bilang tugon sa suliraning ito, ipinatupad ang monopolya ng tabako sa ilalim ng mahigpit na pamamahala
ng pamahalaan.
Sa araling ito, inaasahan na maipapaliwanag mo ang mga kabutihan at kasamaang naidulot
monopolyo ng tabako sa ating bansa.

4. Pagtalakay

Upang lumaki ang kita, nagkaroon ng pagbabago sa ekonomiya sa panahon ni


Gobernador-Heneral Jose Basco y Vargas. Noong 1781, itinatag ang monopolyo
ng tabako. Kontrolado ng pamahalaan ang malawakang pagsasaka at pagbili ng
tabako tulad ng sa Ilocos, Cagayan, Nueva Ecija at Marinduque. Ito ay tumagal
hanggang 1881.Ang bawat mag-anak ng magsasaka ay may takdang dami ng
tabako na dapat anihin. Sila ay nagtanim ng 40,000 halaman ng tabako sa isang
taon. Ito ay binili ng lahatan ng pamahalaan sa mababang halaga. Ipinagbawal
din ng pamahalaan ang paghithit ng mga mamamayan sa sariling ani.
Pinagmumulta sila kung ang kanilang ani ay nasira o nasalanta ng bagyo. May mabigat na parusa sa
sinumang lumabag sa mga alituntunin.
May kabutihang naidulot ang monopolyo. Natupad ang mithiin ng Basco na lumaki ang kita ng
pamahalaan at makapagsarili ang bansa. Nagkaroon ng trabaho ang libu-libong mamamayan. Nang
lumaon, mas marami ang kasamaang naidulot nito. Inabuso ng mga pinunong namahala rito ang kanilang
tungkulin kayat katakut-takot na paghihirap ang dinanas ng mga mamamayan. Ang mga magsasakang
nasiraan ng pananim ay hindi lamang pinagmulta kundi binawian pa ng lupa. Hindi rin sila binayaran.
Nagkaroon ng puslitan at suhulan. Sa halip na mapunta sa pamahalaan ang salapi, napunta ito sa bulsa ng
mga opisyal. Umabot ito sa kaalaman ng Hari ng Espanya kayat ipinatigil niya ang monopolyo.

5. Paglalahat

 Upang lumaki ang kita, nagkaroon ng pagbabago sa ekonomiya sa panahon ni Gobernador-


Heneral Jose Basco.
 Ang monopolyo ng tabako ay naitatag.
Tabako lamang ang itinatanim sa Hilagang Luzon.
 May takdang dami ng itatanim at may takdang presyo rin. Nahirapan ang mga Pilipino dahil
kinapos sa pagkain.

6. Paglalapat
Ang klase ay hahatiin sa tatlong grupo. Makinig sa panuto na sasabihin ng guro.

Pangkat 1
Sagutin ang mga tanong. Ilagay sa cartolina.
1. Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng monopolyo ng tabako sa ating bansa?
2. Sinong pinunong Espanyol ang nagpasok ng mga pagbabagong pang-ekonomiya sa kolonyang
Pilipinas?
3. Paano naapektuhan ang mga Pilipino ng reporma ni Basco?
4. Anu-ano ang mga lalawigang sakop ng monopoly ng tabako?
5. Bakit nagpatupad ng mga reporma o pagbabago sa kabuhayan ang Espanya sa kolonya?

Pangkat 2
Gamit ang Venn Diagram, isa-isahin ang iba’t ibang kabutihan at kasamaang dulot ng monopolyo
ng tabako sa ating bansa.

Kabutihang dulot Kabutihang dulot

Monopolyo

ng Tabako

Pangkat 3
Magkaroon ng isang maikling pagsasadula ng pagtatatag ng monopolyang tabako naganap sa ating
bansa.
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos sa Dula-dulaan

Pamantayan Pinakamahusay Mahusay-husay Mahusay


4-5 2-3 0-1
Pagbibigay ng Diyalogo Malinaw, angkop ang Hindi gaanong malinaw at Malabo at hindi
lakas o hina ng boses angkop ang boses. maintindihan ang
pagbibigay ng dayalogo
Malikhain at Epektibong Malinaw at may Hindi gaanong malinaw at Walang pagkilos
Galaw o Pagkilos paglalapat ang kilos- lapat ang pagkilos-galaw.
galaw, ekspresyon ng
mukha, diyalogo, atbp.
Kawastuhan ng Diwang Malinaw ang mensaheng Hindi gaanong malinaw Malabo ang mensahe.
nais Ipahayag o nais iparating. ang mensahe.
Pinapagawa
Malikhaing Pagbubuo at Epektibo ang mga Hindi gaanong epektibo Walang bisa ang
Paggamit ng mga materyales, nakadagdag materyales.
Materyales sa ikahuhusay ng
pagtatanghal.
Nilalaman Malawak ang kaalamang Hindi gaanong malawak Walang bagong kaalaman
ibinahagi ang kaalamang ibinahagi. na ibinahagi.

IV. PAGTATAYA:
Iguhit ang masayang mukha  ang bawat bilang kung ang pahayag ay nagpapakita ng kagandahang

naidulot na monopolyo ng tabako, malungkot na mukha  kung ito ay nagpapakita ng kasamaang

naidulot nito sa ating bansa. Gawin ito sa notbuk.

_____ 1. Marami sa mga opisyal ng pamahalaan ang naging mapagsamantala.

_____ 2. Natutustusan na ng kinikita sa monopolyo ng tabako ang pangangailangan ng kolonya at hindi na

kailangan pang humingi ng suporta mula sa Espanya

_____ 3. Malaking lupain din ang nalinang upang gawing taniman ng tabako.

_____ 4. Naging mapang-abuso ang ilang mga opisyal sa tuwing maghahalungkat ng mga bahay ng

magsasaka na pinaghihinalaang nagtatago ng tabako.

_____ 5. Nanguna ang Pilipinas sa pag-aani ng tabako sa buong silangan.


V. TAKDANG-ARALIN:

Ilarawan.
Sino sa mga Pilipinong nag-alsa laban sa mga Español ang higit mong hinangaan? Bakit?

VI. MGA TALA

VII. REPLEKSYON

Mapanuri Makatuwiran Maasikaso


A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80%
sa pagtataya Mapagmasid Mapitagan Mapagparay Malikhain
a
Mapanuri Makatuwiran Maasikaso
B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan
ng iba pang gawain para sa remediation Mapagmasid Mapitagan Mapagparay Malikhain
a
C. Nakatulong ba ang remediation? Bilang ng Mapanuri Makatuwiran Maasikaso
mag-aaral na nakaunawa sa aralin
Mapagmasid Mapitagan Mapagparay Malikhain
a
Mapanuri Makatuwiran Maasikaso
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation Mapagmasid Mapitagan Mapagparay Malikhain
a
Strategies used that work well:
___ Group collaboration ___ Games
___ Power Point Presentation ___ Answering
preliminary activities/exercises
___ Discussion ___ Role Playing/Drama
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo na
___ Discovery Method ___ Lecture Method
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
Why?
___ Complete IMs
___ Availability of Materials
___ Pupils’ eagerness to learn
___ Group member’s Cooperation in doing their tasks
__ Bullying among pupils
__ Pupils’ behavior/attitude
__ Colorful IMs
F. Anong suliranin ang aking naranasan na __ Unavailable Technology
solusyon sa tulong ng aking punonggruo at Equipment (AVR/LCD)
superbisor? __ Science/ Computer/ Internet Lab
__ Additional Clerical works
__Reading Readiness
__Lack of Interest of pupils
Planned Innovations:
__ Localized Videos
G. Anong kagamitang panturo ang aking ginamit/
__ Recycling of plastics to be used as Instructional Materials
nadiskubre na nais kong ibahagi sa mga kapwa
__ local poetical composition
ko guro?
__Fashcards __Pictures

You might also like