You are on page 1of 2

ASIGNATURA Araling Panlipunan Baitang 5

MARKAHAN Ikatlo Pangkat


PAMANTAYAN SA Naipapaliwanag ang mga paraan ng CODE
PAGKATUTO pagtugon ng mga Pilipino sa
kolonyalismong Espanyol.
MGA DAHILAN NG PAG-AALSA NG MGA KATUTUBO LABAN SA MGA ESPANOL.

1. Pagbawi sa nawalang kalayaan


2. Pang-aabuso at masamang Gawain ng mga pinunong Espaῇol
3. Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinuno ng Espaῇol
4. Sapilitang paggawa
5. Kahigpitan sa relihiyon
6. Paniningil ng labis- labis na buwis

ANG PAG-AALSA NI MAGAT SALAMAT (1587 – 1588)

Lalong matindi ang pag-aalsa ni Magat Salamat, anak ni Lakan Dula, kaysa sa unang
pag-aalsa ng kanyang ama at tiyuhin. Nagtatag siya ng lihim na samahan upang ipaglaban at
makamit muli ang kalayaan ng mga katutubong Pilipino noong unang bahagi ng 1587. Ang mga
kasapi ay buhat sa iba’t ibang panig ng Gitnang Luzon at sa Pulo ng Cuyo at Borneo.

Nakipagsabwatan din sila kina Juan Gayo at Dionisio Fernandez na magpasok ng mga
sandata buhat sa Japan. Hindi nagtagumpay ang kanilang balak na itaboy ang mga Espaῇol
dahil sa kasamaang palad, natuklasan ang lihim na kilusan. Sila ay dinakip at binitay.

ANG REBELYON NINA BANCAO AT TAMBLOT (1621 – 1622)

Naganap ang rebelyong panrelihiyon dahil nais talikdan ng ilang Pilipino ang
Kristiyanismo. Nais nilang bumalik sa pananampalataya sa mga diyos ng kanilang mga ninuno.
Ang pag-aalsa sa Bohol ay pinamunuan ni Tamblot. Sa Leyte, ito ay pinamunuan ni Bancao.
Nagpadala ang pamahalaan ng mga sundalong Espaῇol at sundalong Pilipino galling Cebu
upang supilin ang rebelyon.

ANG REBELYON NINA LAKANDULA AT SULAYMAN

Naging matindi ang galit nina Lakandula at Sulayman at sila ay nag-alsa. Naganap ito sa
Tondo noong 1574. Natigil lamang ang pag-aalsa ng mga Pilipino nang ibalik kina Lakandula at
Sulayman ang kanilang karapatan.

ANG REBELYON NI FELIPE CATABAY

Dahil sa pagmamalabis ng mga Espanyol, pinamunuan nina Felipe Catabay at Gabriel


Tayag ang paghihimagsik ng mga Gaddang sa Cagayan Valley. Pinaki-usapan sila ng
dominikanong si Tomas na itigil na ang labanan. Dahil sa mahusay magsalita ang pari, nakinig
sila at sumuko.

https://www.youtube.com/watch?v=yz2PePLMhVM

https://www.youtube.com/watch?v=ZtR_ra6WM5w
Test I: Pagpupuno ng mga impormasyon sa talahanayan. Direksiyon: Isulat sa
talahanayan ang dahilan ng pag-aalsa ng bawat pangalang nakasulat, uriin ito ayon sa
pampulitika, panrelihiyon, pang-aabuso at isulat kung ano ang naging bunga ng kanilang
pag-aalsa.
Dahilan/Sanhi ng Uri ng
Pag-aalsa Dahilan sa Pag- Bunga
aalsa
1. Magat
Salamat
2. Lakan Dula

3. Sulayman
4. Felipe
Catabay
5. Bancao

Test II: Pangkatang Gawain


Direksiyon: Sa pamamagitan ng paggamit ng mga graphic organizer, magbigay ng pagtataya sa
mga sanhi at bunga ng mga rebelyon sa pamamagitan ng pagsagot ng mga sumusunod na
mga tanong:
1. Tama ba o mali ang mga ginawang pag-aalsa ng mga taong ito laban sa mga
Espanyol? Magbigay ng mga paliwanag.
2. Maganda ba o hindi ang naging bunga ng mga pag-aalsa? Ipaliwanag ang
sagot.
Pagtataya ng gawa gamit ang sumusunod na rubriks.

5 4 3 2 1
Pagkakar oon Lahat ng Lahat ng Ilan sa Maraming mga Walang
ng ibedensiy naipahaya g ay naipahaya g ay naipahaya g ay naipahaya g ang pinagbatay ang
a ng mga may pinagbata may pinagbata walang gaanong walang ebidensiya ang
pahayag yang matibay na yang matibay na matibay na pinagbata yan mga ipinahayag.
matibay na ebidensiya. ebidensiya. ebidensiya.
ebidensiya.
Linaw ng Malinaw na Malinaw ang Katamtam an Di gaanong Di malinaw ang
pagpapah ayag malinaw ang pagpapah ayag lamang ang malinaw ang pagpapapa
pagpapah linaw ng pagpapah hayag
ayag pagpapah ayag
ayag
Kabuuang Napakaga nda Maganda ang Katamtam an Di gaanong Di maganda ang
pagpapah ayag ng pagpapah pagpapah ayag. lamang ang maganda ang pagpapaha yag.
ayag. ganda ng pagpapah
pagpapah ayag.
ayag.

You might also like