You are on page 1of 3

Activity Sheet in Araling Panlipunan V

Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Nababalangkas ang pagkakaisa o pagkakawatak-watak ng mga Pilipino


sa mga mahahalagang pangyayari at mga epekto nito sa naunang mga pag-aalsa laban sa kolonyalismong
Espanyol.

Code: AP5PKBI Vd-2

Panuto: Anu-ano ang mga dahilan kung bakit ang mga pag-aalsa at mga rebolusyong sinimulan ng mga Pilipino ay
kadalasang hindi nagtatagumpay?

1.

2.

3.

4.

5.

Panuto: Magbigay ng halimbawa sa mga dahilan ng pag-aalsa na nasa ibaba. Tukuyin ang pinag-ugatan ng kanilang
pag-aalsa
A. Relihiyon
1.
2.
3.

B. Paggawa at Buwis
4.
5.

Panuto: Iguhit sa patlang ang kung tama ang pahayag at naman kung hindi
____1. Isa sa dahilan ng pagkabigo ng mga rebolusyonginilunsad ng mga Pilipino ay ang kanilang hindi pagkakaisa.
____2. Ang mga heneral ng mga kilusan ng rebolusyon ay pawang bihasa at magagaling sa paghawak ng armas.
____3. Maliban sa mga kalalakihan ay may mga kababaihan din na kasapi ng katipunan at kasama rin sa mga
pakikidigma.
____4. Nakapagpapalakas ng loob ng iba pang rebolusyonaryo kapag nalalaman nila na nagtagumpay ang ibapang
rebolusyonaryo sa mga karatig bayan.
____5. May mga reboljusyong naging matagumpay ang mga Pilipino.

Panuto: Ipaliwanag sa maikling pangungusap o talata ang pagbabago sa kamalayan na naidulot ng mga sumusunot na
salita o kaisipan o pangyayari sa mga Pilipino.
1. Pagbubukas ng Suez Canal

2. Paglaki ng Middle Class

3. Pagdating ni Gobernador-Heneral dela Torre sa Pilipinas

4. Sekularisasyon

5. Pagbitay sa GOMBURZA
NOTES
Pag - usbong ng Malayang Kaisipan at Naunang Pag - aalsa
Ang pag-aalsa o paggamit ng armas ay unang nagging pagtugon ng mga Pilipino sa pagtrato sa kanila ng mga
Espanyol. Tulad ng ginawa ni Lapu-Lapu noong 1521, ipinasiya ng ibang mga Pilipino na tapatan din ng dahas at armas
ang mga pagmamalupit ng mga Kastila.
Marami at magkakaiba ang dahilan na nagbunsod sa mga P{ilipino upang ang mga Espanyol ay kanilang
kalabanin. Muling pag-aralan ang nasa tsart sa ibaba.
Dahilan Mga Namuno Taon Lugar
Lakandula at Sulayman 1577 Maynila
Labis na Tributo o
Juan de la Cruz o Palaris 1762-1764 Pangasinan
Buwis
Diego at Gabriela Silang 1762-1765 Ilocos
Sumuroy 1649-1650 Samar
Paggawa Malong 1660-1661 Pangasinan
Maniago 1660-1661 Pampanga
Bankaw 1621 Leyte
Tamblot 1621 Bohol
Tapar 1663 Panay
Relihiyon
Dagohoy 1744-1829 Bohol
Apolinario dela Cruz o Hermano
1840 Quezon
Pule

Resulta ng mga Rebelyon


Pawang nabigo ang mga inilunsad na mga rebelyon sanhi ng iba’t ibang kadahilanan. Unang dahilan ang kawalan
ng pagkakaisa. Wala pa sa kamalayan noon ang mga Pilipino na silang lahat ay nagmula sa isang lahi lamang, kaya’t
nararapat na sila ay magtulungan. Magkakaiba ang kanilang dayalekto, kaya hindi nila maunawaan ang isa’t isa. Naging
madali para sa mga Espanyol na gamitin ang taktikang “divide et empera” o divide and rule”. Upang supilin ang pag-aalsa
ng isang lalawigan, hindi na kailangan ang mga puwersang espanyol mula sa Maynila. Nakakukuha sila ng mga tulong
mula sa mga karatig na pook. Nang inilunsad ni Tamblot ng Bohol ang kaniyang pag-aalsa, 300 mandirigmang Cebuano
ang nakuha ng mga Espanyol para tumulong sa kanila.
Pangalawang dahilan ng pagkabigo ng mga rebelyon ay ang kakulangan ng mga armas na siyang gagamitin sa
rebolusyon. Kadalasan ang gamit lamang nila sa kanilang mga pag-aaklas ay ang kanilang mga tabak, itak, sibat at pana
na pawing walang kalaban-laban sa mga baril at kanyon na dala at gamit ng kanilang mga kalaban.
Pangatlong dahilan ay ang kawalan nila ng maayos na estratehiya at pagpaplano. Ang mga pag-aaklas ay agad-
agad na inilulunsad nang walang isinasagawang mahusay na pagpaplano. Ang ilan sa kanilang mga lider ay wala ring
kasanayan o pagsasanay sa paghawak ng mga armas kungkaya’t sila ay hindi handa sa oras na sila ay mapalaban. Ang
ilan naman ay hindi mahusay ang pamamahala sa mga kasapi ng kanilang pangkat o grupo.
Pang-apat na dahilan ay ang pagiging maliliit ng kanilang mga grupo. May mga pag-aalsa na isinasagawa lamang
nila para sa kanilang mga pansariling kadahilanan, kung kaya’t binubuo lamang ito ng maliit na bilang ng mga
mandirigmang kasapi nito. Naging madali para sa mga Espanyol ang pagsupil sa kanila.

Pagsilang ng Nasyonalismo
Sa unang dalawang siglo ng pananakop ng mga Espanyol, tahimik na tagasunod lamang ang mga nakararaming
mga Pilipino. Bagaman may mga rebelyong naganap sa simula pa lamang ng pagdating ng mga Espanyol, hindi ito
nakatulong upang mapag-isa ang mga Pilipino.
Ang pagdating ng huling siglo o ika-19 na siglo ay nagging saksi sa mga maraming pangyayari na nagulot ng
maraming mga pagbabago. Ang mga pagbabagong ito ang siyang nagbukas daan sa pagsilang ng damdaming
nasyonalismo o diwng makabansa ng mga Pilipino.

Pagbubukas ng Suez Canal


Ang paglalakbay mula sa Espanya patungo sa Pilipinas ay nagging mas madali at mas malapit ng 9700
kilometrong layo.Dumami ang mga espanyol sa Pilipinas na nagpalaki rin ng bilang ng mga mestizong Espanyol. Sila ay
mga bunga ng mga mag-asawang Pilipino at Espanyol.
Nakarating din ang maraming makabagong kaisipan na nakalakip sa mga librong inaangkat sa Pilipinas. Ang
Pilipinas ay binuksan sa pandaigig na pamilihan noonpang 1830. Ang paglayang Estados Unidos at France matapos
maglunsad ng rebolusyon ang mga mamayan sa kani-kanilang mga lugar ay nagging inspirasyon ng mga kabataan.

Paglaki ng Middle Class


Nabibilang sa panggitnang antas ng lipunan o ng middle class ang mga mestizong Espanyol, mestizong Tsino, at
mga principalia. Ang mga kabataang nagmula sa mga grupong ito ay pawang mga nakapag-aral. Tinatawag silang mga
illustrado. Sila ang nagpasimula ng pagtawag sa kanilang sarili bilang mga Pilipino.
Ang mga illustrado ay ipinapadala sa ibang Espanya upang makapag-aral. Nakahalubilo nila ang mga kabataang
Espanyol na may mga makabagong pananaw. Sila man ay nakikipaglaban para maisulong sa Espanya ang maraming
pagbabago sa sistema ng kanilang pamahalaan. Nagkapalitan ng mga ideya ang mga kabataang nagmula sa Espanya at sa
Pilipinas kaugnay ng kanilang mga nararanasan.

Pagdating ni Carlos Maria de la Torre


Noong 1868, napatalsik sa kaniyang trono ang pinuno ng kaharian sa Espanya, si Reyna Isabel II. Pumalit ang
isang pamahalaang republika kaya ang naipadalang gobernador-heneral sa Pilipinas ay may liberal ding pamamaraan ng
pamumuno. Siya ay si Carlos Maria dela Torre.
Napamahal siya sa maraming mga Pilipino. Nakikipag-usap siya sa mga PilipinoIpinagbawal niya ang paggamit ng
dahas, ang labis na buwis at ang sapilitang paggawa. Ilan sa mga nakinabang sa kaniyang pamamahala ay ang mga paring
secular at ang mga manggagawa sa arsenal ng armas ng Cavite
Sa maikling panahong itinagal ni dela Torre sa Pilipinas, naranasan ng mga Pilipino ang ilang kalayaan na dati-rati
ay kailanman ay hindi nila natikman. Tatlong taon lamang ang inilagi ni dela Torre bilang gobernador-heneral ng bansa
dahil noong 1871, nakabalik sa kaniyang kapangyarihan si Reyna Isabela II. Lumisan si Carlos Maria dela Torre at
pinalitan siya ni Rafael de Izquierdo. Ang lahat ng mga kalayaang tinamasa ng mga Pilipino ay muling binawi ng bagong
gobernador-heneral sa kaniyang pamumuno sa Pilipinas.

Isyu ng Sekularisasyon
‘ Ang isyu ng sekularisasyon ay isang matinding isyu sa kkaparian noong ika-18 na siglo. Ang sekularisasyon ay ang
pagbibigay ng karapatan sa mga paring Pilipino ng karapatan na magkaroon ng sarili nitong parokya.
Noong ua, ang mga pari sa Pilipinas ay nahahati sa dalawang grupo – ang mga paring secular at ang mga paring
regular na pawing mga Espanyol. Dahil sa pagganda ng buhay ng mga Pilipino, marami sa mga magulang ang nagnaisa na
ipasok sa seminary ang kanilang mga anak na lalaki upang maging pari. Gayunpaman, mababa ang pagtingin ng mga
paring Espanyol sa mga paring Pilipino, kaya katulong lamang sila ng mga ito.
Dahil sa paglaki ng mga parokya at paglisan ng mga Heswita sa Pilipinas, nagkaroon ng kakulangan sa mga pari.
Itinadhana ng hari ng Espanya ang pagpapatupad ng dikring 1774 na nagbigay sa mga Pilipinong pari ng karapatan na
magkaroon na rin ng kanilang sariling parokya.
Nang magbalik ang mga Heswita sa Pilipinas, maraming Pilipinong pari ang natanggalan ng katungkulan at
posisyon sa kani-kanilang mga parokya. Nagkaisa ang mga Pilipinong pari na ipaglaban ang kanilang karapatan na
pamunuan ang kanilang sariling parokya.
Isa sa mga nangunang mga pari sa pagtatanggol ng kanilang mga karapatan ay si padre Pedro Pelaez. Kabilang
siya sa grupo ng mga Espanyol na creoles o insulares. Tubo siyang Pagsanjan, Laguna. Kinilala siya bilang lider ng mga
Pilipinong pari. Naging maikli ang kaniyang pakikipaglaban. Namatay siya noong 1863 sa loob ng gumuhong Katedral ng
Maynil dahil sa lindol.
Pinalitan siya ni Padre Jose Burgos na isa naming mestizong Pilipino. Tubo siyang Vigan, Ilocos Sur at kinilala
bilang isang matalino at mahusay na pari. Ipinagpatuloy niya ang nasimulan ni Padre Pelaez.

Kamatayan ng GOMBURZA
Nang mahirang si Rafael de Izquierdo bilang kapalit ni dela Torre sa pagiging gobernador-heneral, ipinagkait
niyang muli ang mga karapatang tinamasa ng mga Pilipino. Kabilang sa mga naapektuhan nito ay ang mga nagtatrabaho
sa Fort Felipe sa Cavite na isang arsenal ng armas. Pinagbayad silang muli ng buwis.
Noong Enero 20, 1872, pinamunuan ni Sarhento La Madrid ang pag-aalsa ng mga Pilipino sa nasabing arsenal ng
armas. Napatay nila ang maraming Espanyol sa loob ng moog, ngunit nasupil din sila agad. Apatnapu’t isa sa mga nag-
aklas ang napatay, samantalang ang iba ay nakakulong. Pagkaraan ng ilang araw, ang labingtatlo pang nag-aklas ay
ipinapatay na rin.
Sa sumunod na mga araw, marami ang hinuli at ikinulong. Kasamang idinawit sa nasabing pag-aalsa sina Padre
Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Ang layunin ng pagdawit sa kanila ay upang takutin ang mga paring
Pilipino at huwag nang isulong ang isyu ng sekularisasyon. Idinaos ang mabilis na paglilitis sa kanila. Ang kanilang
kamatayan ay nagpaalab sag alit ng mga Pilipino. Inialay ni Jose Rizal ang kaniyang ikalawang nobela na El Filibusterismo
sa tatlong pari.

You might also like