You are on page 1of 24

PAGSILANG NG NASYONALISMO

MOTIVATION
 Sasimula pa lamang ay nagpakita na ng
pagtutol ang mga Pilipino sa pananakop ng
mga Espanyol. Gayunpaman, ang mga ito ay
naganap sa ilang bahagi lamang ng bansa at
nabigong mapag-isa ang mga Pilipino.
 Itinuturing
ang pagdating ng ika-19 na siglo
(1800-1899) bilang isang mahalagang yugto sa
pagbabago ng kasaysayan ng Pilipinas bilang
isang nasyon.
 Ang nasyonalismo o diwang makabayan ay
tumutukoy sa kamalayan ng tao na maiugnay
ang kanyang sarili sa isang pangkat (o
bansa)na may nagkakaisang mithiing
mapabuti ang kalagayan nito.
ANG PAGLAHOK NG PILIPINAS SA
PANDAIGDIGANG KALAKALAN
 Nagdulot ng natatanging pagbabago ang
malawakang paggamit ng mga makina noong
panahon ng Industrial Revolution. Nangailangan
ang mga industriyalisadong bansa tulad ng
Inglatera, Estados Unidos, Pransya, Olandya, at
Alemansya ng mga hilaw na sangkap para sa
kanilang mga pabrika.
 Naging prodyuser ang bansa ng mga
hilaw na sangkap tulad ng abaka, indigo,
at asukal na ginagamit ng mga dayuhan
sa paggawa ng sari-saring produkto.
Tubo

Abaka
 Dahil sa pandaigdigang kalakalan, naging mas
madalas ang pakikisalamuha ng mga Pilipino sa
mga dayuhan bukod sa mga Espanyol. Higit sa
lahat, kasama ng pagdating ng mga mangangalakal
at mga produkto ay ang pagdating din ng mga
kaisipan, paniniwala, at karanasan mula sa ibang
bansa na bago para sa mga Pilipino.
ANG PAGKAKAROON NG PANGGITNANG URI O
MIDDLE CLASS

 Dahil sa pagbubukas ng kalakalan sa pagitan ng


Pilipinas at ng mundo, maraming Piipino ang
nakalahok sa masiglang ekonomiyang naidulot nito.
 Higit na nakinabang dito ang ilang pamilyang
principalia na karaniwang may hawak ng
malalaking lupang sakahan.
 Nagmula sa mga pamilyang ito ang karamian
sa mga kabataang nakapag-aral sa mga
pamantasan sa bansa at maging sa Europa.
Tinawag na ilustrado ang mga Pilipinong
nakapag-aral noon.
Typical costume of a Principalia family of the
late 18th century. Exhibit in the Villa Escudero
Museum, San Pablo Laguna, Philippines.
https;//en.Wikipedia:org/
PAGBUBUKAS NG SUEZ CANAL

 Tuluyang binago ng pagbubukas ng Suez


Canal noong 1869 ang sistema nang
transportasyon at komunikasyon sa mundo.
Dahil dito, ang paglalakbay mula sa Europa
patungong Pilipinas ay lubhang napabilis.
 Ang mga kaisipan tungkol sa karapatan,
kalayaan, at pagbabago ay nagging
insipirasyon at nakaapekto sa kamalayan ng
mga mamamayan noon.
SUEZ CANAL
ANG DEKRETONG EDUKASYON NG 1863

 Pinagtibay sa buong kolonya ang Dekretong Edukasyon


ng 1863 ayon sa utos ni Reyna Isabel II ng Espanya.
Layunin nito ang pagbuo ng isang sistema ng
pampublikong edukasyon sa Pilipinas. Itinadhana nito
ang pagtatayo ng dalawang paaralang elementarya –
isang paaralang pambabae at isang panlalaki sa bawat
bayan. Bukod dito, ipinag-utos rin ang pagtatatag ng
paaralan para sa pagsasanay ng mga guro sa ilalim ng
pamamahala ng mga paring Heswita.
 Itinalaga ng dekreto ang paggamit ng Espanyol
bilang wika sa pagtuturo.
 Itinuro sa mga paaralang ito ang mga asignaturang
tulad ng Algebra, Geometry, Latin, Griyego,
Pranses, Ingles, Heograpiya, Kasaysayan,
Pilosopiya, Retorika, at iba pa.
 Sa pagsapit ng taong 1866, umabot sa mahigit
1,500 ang mga pampublikong paaralan sa bansa
na may 135,098 lalaking mag-aaral at 95,260
naman an mga babae.
 Nakatulong nang Malaki ang pagtatag ng
pampublikong edukasyon sa pagkakaroon ng mga
mamamayang mulat sa mga pang-aabusong
nagaganap sa kolonya noon.
SI GOBERNADOR-HENERAL
CARLOS MARIA DE LA TORRE
 Noong 1868, napatalsik sa isang rebolusyon si
Reyna Isabel II. Kasunod nito ang pagbabago sa
pamunuan sa Espanya na umabot hanggang sa mga
kolonya nito. Dulot nito, dumating noong 1869 sa
Pilipinas si Carlos Maria de la Torre upang
manungkulan bilang gobernador-heneral. Gumamit
siya ng mga patakaran at pamamaraang liberal.
 Bunga nito, lalong nahikayat ang ilang pangkat na
bumuo ng mga samahan upang humingi ng
pagbabago. Isa rito ng Juventud Escolar Liberal na
itinatag ng mga mag-aaral sa pamantasan. Hilig nila
ang pagbabago sa kurikulum ng pamantasan at ang
paggalang ng mga paring propesor sa kanilang mga
Pilipinong mag-aaral. Kabilang sa mga kasa nito sina
Paciano Rizal, Gregorio Sanciano, at Felipe
Buencamino.
 Sa loob ng tatlong taon, nakaranas ng kaluwagan ang mga
Pilipino. Gayunpaman, nagwakas ito noong 1871 kasabay
ng pagbalik sa kapangyarihan ni Reyna Isabel II. Sa pag-
alis ni Gobernador-Heneral Carlos de la Torre, nawala rin
ang ilang pribilehiyong pansamantalang tinamasa ng mga
Pilipino.
 Pumalit sa kanya ang isa na naming mapanupil na
gobernador-heneral na si Rafael de Izquierdo. Mabilis
niyang binawi ang mga karapatan at mapang-abusong
pamumuno na lalong nagdulot ng pasakit sa mga
mamamayan.
Pinangunahan ng kilusang Propaganda ang
paghinga ng mga reporma sa pamamahala
ng Espanya.
GAWAIN
Sagutin ang mga sumusunod ng tanong.

1.Paano nakaapekto ang pagbubukas ng suez canal sa


paggising ng damdaming makabayan ng mga Pilipino?
2.Paano nakaapekto sa pagsibol ng nasyonalismong
Pilipino ang naganap na industriyalisasyon sa mundo
noon?
PAGSASANAY
Sa inyong kuwaderno sa araling panlipunan 6. Sagutin ang mga sumusunod na
tanong.
1.Nagdulot ng natatanging pagbabago ang malawakang paggamit ng mga
makina noong panahon ng
2.tumutukoy sa kamalayan ng tao na maiugnay ang kanyang sarili sa isang
pangkat (o bansa)
3. Ito ang Pilipinong nakapag-aral noon.
4. Itinuro sa mga paaralang ito ang mga asignaturang tulad ng
5. Pumalit sa kanya ang isa na naming mapanupil na gobernador-heneral na si
TAKDANG ARALIN
Sa inyong kuwaderno sa araling panlipunan
6. Magbigay ng limang (5) salik na nagbigay
daan sa pagbuo ng nasyonalismong

You might also like