You are on page 1of 24

Pag-aari ng

HINDI
Pamahalaan

6
IPINAGBIBILI

Araling Panlipunan
Kwarter 3- Modyul 1
Pangunahing Suliranin Pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan - Grade 6
Alternative Delivery Mode
Kwarter 3 - Modyul 1: Pangunahing Suliranin Pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig

Unang Edisyon 2020


Isinasaad ng Batas Pambansa Bilang 8293, seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man,
kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ito ginawa kung may
hangarin na ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga hiram na materyal (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na
ito ay pag-aari ng sinumang nagtataglay ng naturang karapatang-ari. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng tagapaglathala
(publisher) at ng mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte Tagapamanihala ng


mga Paaralan: Edilberto L. Oplenaria

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 6


Manunulat: Geraldine S. Rivas, Melbe C. Bongo, Maricar G. Juarez,
Illustrator and Layout Artist: Christine Melody Q. Maramara
Proofreader, In-House Content and Language Editors: Ashlima L. Racmat

Management Team
Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Rosemarie T. Macesar, Ph. D.
Assistant Schools Division Superintendent

Members Mary Arlene C. Carbonera, Ed.D., OCI-CID Chief


Angelito D. Barazona, Ed.D., EPSvr - ArPan
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMDS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Ricardo S. Abalo, Principal I
Antonieta B. Epe, Ph.D., Principal II
Ma. Fe L. Mesias – Principal I
Ellen O. De Guzman, Ed.D., Principal II
Aida M. Alquilita, Principal I
Ashlima L. Racmat, MT-II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Division of Lanao del Norte
Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod,
Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com

6
2
Araling Panlipunan
Kwarter 3- Modyul 1
Pangunahing Suliranin Pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga guro,


punong guro, tagamasid pampurok at tagamasid ng programang pang-edukasyon
ng Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng Lanao del Norte. Hinihikayat namin ang
mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag - email ng inyong mga
puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lanao del Norte
sa lrmdsldn@gmail.com.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This module is for educational purposes only.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.)
included in this module are owned by their respective copyright holders. The publisher and authors
do not represent nor claim ownership over them. Sincerest appreciation to those who have made
significant contributions to this module.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


TALAAN NG MGA NILALAMAN
Pahina
COVER PAGE
COPYRIGHT PAGE
TITLE PAGE
Talaan ng mga Nilalaman

Alamin 1
Subukin 2

Aralin 1

Balikan 3
Tuklasin 4
Suriin 5
Pagyamanin 6
Isaisip 7
Isagawa 7
Karagdagang Gawain 8

3
Susi ng Pagwawasto 9
Sanggunian 10

Aralin 2

Balikan 11
Tuklasin 11
Suriin 12
Pagyamanin 14
Isaisip 14
Isagawa 15
Tayahin 16
Karagdagang Gawain 17
Susi ng Pagwawasto 18
Sanggunian 19

4
Panimula
Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 nang pag-aaral sa Araling
Panlipunan! Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Ikatlong Kwarter, Unang
Linggo. Ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang
gabay sa pag-aaral sa mga paksa sa Araling Panlipunan 6 na binubuo ng mga aralin
na kinakailangang matapos sa loob ng isang linggo.

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa
pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa pagtugon sa mga suliranin, isyu at
hamon ng kasarinlan

Pamantayan sa Pagganap:
Nakapagpakita ng pagmamalaki sa kontribosyon ng mga nagpunyaging mga
Pilipino sa pagkamit ng ganap na kalayaan at hamon ng kasarinlan

Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na:


Natatalakay ang suliraning pangkabuhayan pagkatapos ng digmaan at ang
naging pagtugon sa mga suliranin

Natatalakay ang ugnayang Pilipino-Amerikano sa konteksto ng kasunduang


militar na nagbigay-daan sa pagtayo ng base militar ng Estados Unidos sa
Pilipinas.

Simulan na natin ang iyong paglalakbay, halina’t tuklasin ang itinatagong ganda ng
modyul na ito.

1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Sagutin ang mga
tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.
1. Ano ang naging isang malaking hamon ng pamahalaang Komonwelt?
A. kawalan ng hanapbuhay C. kawalan ng mapapasyalan
B. marami ang namamatay D. walang nagugutom
2. Bakit naging isang hamon ang kawalan ng hanapbuhay?
A. Marami ang mga manggagawa.
B. Kakulangan ng puhunang pangtustos.
C. Walang mga impraestrukturang magamit.
D. Marami ang gustong kumuha ng pagkain.

3. Bakit naghirap ang mga Pilipino pagkatapos ng digmaan?


A. Umaasa sa ayuda ng gobyerno.
B. Minamaliit ang kakayahan ng mga Pilipino.
C. Kinaugalian ng mga Pilipino ang manana habit.
D. Nawalan ng hanapbuhay ang mga Pilipino.

4. Alin sa mga sumusunod na probisyon ng kasunduang base militar ang hindi


nakabubuti para sa mga Pilipino?
A. Tatagal ang kasunduang ito sa loob ng 99 taon at maaaring palawigin ang taon.
B. Ito ang nagbigay-daan sa pag-ayon ng dalawang panig na magtulungan at
pangalagaan ang katiwasayan ng kanilang teritoryo.
C. Maaaring patawan ng buwis sa sahod ang mga Amerikanong sundalo at
empleyado na naglilingkod sa mga base militar
D. Ipinagbabawal na gamitin o daanan ng mga Amerikano ang mga daungan sa
pagitan ng mga base militar sa buong kapuluan.

5. Bakit kailangan nating pahalagahan ang kasunduang base militar ng mga


Amerikano sa Pilipinas?
A. Nagkaroon ng pantay na karapatang tinatamasa ang mga Pilipino.
B. Naisaayos ang mga taniman at sakahan at muling napakinabangan.
C. Nalutas ang suliranin sa salapi dulot ng pananakop ng mga Hapones
D. Nakapagbibigay sila ng proteksyon laban sa ibang mananakop at nakakatulong
ito upang sanaying ang sundalong Pilipino.
Aralin
Mga Suliraning
1 Pangkabuhayan Pagkatapos
ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig at ang Naging
Pantugon Nito

Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag tama at M naman kung mali. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ang tawag sa Pilipinong piniling pumanig sa mga Hapones ay Makapili.


2. Ang mga sundalong kabilang sa USAFFE na hindi nasawi ay pinili nilang
manahimik na lamang at nagtago.
3. Ang HUKBALAHAP ay isang kilusang gerilya na pinamunuan ni Luis Taruc.
4. Walang naging ambag ang mga kilusang gerilya sa pakikipaglaban ng mga
Pilipino sa mga Hapones.
5. Ang mga sibilyan ay may malaking ginampanan sa pakikibaka ng mga Pilipino
para sa kalayaan noong panahon ng mga Hapones.

3
Tingnan ang larawan sa ibaba. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

Tanong:
1. Ano ang iyong makikita sa larawan?
_______________________________________________________________________

2. Base sa iyong nakita na larawan, masasabi mo bang uunlad ang bayan kapag ganito ang
nangyayari?
_____________________________________________________________________

4
Masaya ba kayo sa nakita ninyong larawan? Bakit?
Ngayon ang ating aralin ay tungkol sa ang suliraning pangkabuhayan
pagkatapos ng digmaan at ang naging pagtugon sa mga suliranin . Pag-aralan mo
ang aralin na ito.

Ang Pilipinas ay tinatayang pangalawa ang lawak ng pinsalang natamo nito


sa Warsow, Poland nang bagsakan ito ng bomba ng mga bansang Alyado. Ang
mga kilalang gusali sa Maynila tulad ng Philippine General Hospital (PGH),
Unibersidad ng Pilipinas at Batasan ay nasunog.
Matapos ang digmaan ay nabago ang takbo ng kalakalan at kalinangan sa
muling pagtatag ng lungsod . Naging bodega ng mga kompanyang
nagkakargamento at naging tirahan ng mga informal setters na galing sa probinsiya
ang Intramuros, na siyang kinagawiang sentro ng kultura at politika.
Marami pa ring mga tao mula sa probinsiya ang nagsilipat sa Maynila sa pag-
aakalang dito matatagpuan ang magandang buhay na inaasam-asam kahit na sa
malaking pinsalang nangyari dito. Bunga nito, patuloy na nagsikip ang Lungsod ng
Maynila at Lungsod ng Quezon. Kaya ang pagdami ng illegal settlers ay naging
laganap na problema.
Itinatag ng pamahalaan ang National Resettlement and Rehabilitation
Administration o NARRA upang masolusyonan ang problemang informal settlers. Ito
ang samahang nangangasiwa sa paglilipat ng mga informal settlers sa iba’t ibang
pook sa labas ng Maynila at iba pang lungsod. Binigyang-tuon rin ng pamahalaan
ang pagpapaunlad ng mga rural na komunidad upang makumbinsi ang mga taong
manatili at manirahan dito. Maraming kalsada at tulay ang ipinagawa noong 1954.
Ang proyektong pang-irigasyon upang mapaunlad ang buhay ng mga magsasaka ay
napagawa rin ng pamahalaan. Kaya’t maraming pamilya ang nalipat ng tirahan sa
mga proyektong pook-tirahan sa iba’t ibang panig ng kapuluan noong 1955.
Ang kawalan ng hanapbuhay ng karamihan sa mga Pilipino ay naging isang
malaking hamon sa pamahalaang Komonwelt. Pagkatapos ng digmaan ay unti-
unting itinayo ng mga namumuhunan ang kanilang nasalantang kabuhayan. Dahil
sa kakulangan ng puhunang pangtustos at kakulangan ng mga manggagawang may
kakayahang pamunuan ang industriyang itinatag ay nahirapang bumalik ang mga
industriyang nasimulan. Nagdulot ng masasamang gawain ng mga mamamayan ang
ganitong kalagayan. Natuto silang magnakaw, mang-agaw, manlamang sa kapuwa,
manloko, at marami pang ibang masamang gawi.
Kaakibat ng kakulangan sa hanapbuhay o mapagkukunan ng hanapbuhay ay
ang kahirapan. Pagkatapos ng digmaan ay naghirap ang maraming Pilipino. Sila ay
nawalan ng tahanan, trabaho, o kabuhayan. Maging ang kanilang kagamitan na
kailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay ay nawala o nasira. Nagdulot ang
mga ito ng matinding kahirapan sa karamihan ng mga Pilipino. Sinikap ng
pamahalaang Komonwelt na malunasan ang kahirapan sa bansa. Isinasagawa ito
ng pamahalaan kahit gaano kaliit ang pagtulong. Ang arina,
5
commeal, keso, powdered milk, powdered egg, at iba pa ay ang mga ipinarating na
tulong mula sa ibang bansa.

Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat kahon upang matukoy ang mga ito. Isulat ang
sagot sa iyong kwaderno.

1. Ito ay itinatag ng pamahalaan upang masolusyonan ang problemang informal


settlers.

2. Lugar kung saan ang mga tao mula sa probinsiya ay nagsilipat sa pag-
aakalang dito matatagpuan ang magandang buhay na inaasam-asam.

3. Uri ng komunidad na binigyang-tuon ng pamahalaan ang pagpapaunlad


upang makumbinsi ang mga taong manatili at manirahan ditto.

4. Ito ang ibinagsak ng mga kaalyadong bansa sa Pilipinas na puminsala sa bansa.

5. Ito ay kaakibat ng kakulangan sa hanapbuhay o mapagkukunan ng


hanapbuhay.

6
Panuto: Pumili ng salita sa loob ng kahon para mabuo ang bawat pahayag.

NARRA illegal settlers hanapbuhay


kahirapan digmaan hamon

1. Matapos ang ______________________ ay nabago ang takbo ng kalakan at kalinangan


sa muling pagtatag ng Lungsod.

2. Ang kawalan ng ______________________ ng karamihan sa mga Pilipino ay naging


isang malaking hamon sa pamahalaang Komonwelt.

3. Naging laganap na problema ang pagdami ng __________________________.

4. Itinatag ng pamahalaan ang ________________________ upang masolusyonan ang


problema ng informal settlers.

5. Kaakibat ng kakulangan sa hanapbuhay o mapagkukunan ng hanapbuhay ay ang


______________________.

Panuto: Lagyan ng tsek (✔) kung ang ipinapahayag ng pangungusap ay tama at ekis (✖)
kung mali. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

_____1. Walang pinsalang natamo ang Pilinas pagkatapos ng digmaan.

_____ 2. Maraming mga tao mula sa probinsiya ang nagsilipat sa Maynila sa pag-aakalang
dito matatagpuan ang magandang buhay na inaasam-asam kahit sa malaking
pinsalang nagyari dito.

_____ 3. Hindi naipatayo ang kalsada at tulay ang ipinagawa noong 1954.

_____ 4. Natutong magnakaw, mang- agaw, manlamang sa kapuwa,


manloko ang mga 7
Pilipino.

_____ 5. Nagdulot ng matinding kahirapan sa mga Pilipino ang digmaan sa panahon ng


Komonwelt.

Panuto: Sumulat ng isang talata tungkol sa suliraning pangkabuhayan pagkatapos


ng digmaan at ang naging pagtugon sa mga suliranin.

8
9
Isaisip Isagawa
1 digmaan 1X
2 hanapbuhay 2 
3 illegal settlers 3X
4 narra 4 
5 kahirapan 5 
Pagyamanin
1 NARRA
2 MAYNILA Tuklasin
3 RURAL 1 Nasirang impraestraktura
4 BOMBA 2 Hindi
5 KAHIRAPAN
Balikan Subukin
1T 1A
2T 2B
3T 3D
4M 4A
5T 5D
Sanggunian

Alcala, Jose A. & Oxales, Edna B. Pilipinas sa Makabagong Mundo: Isang Hamon 6.
FNB Educational, Inc.2018

Baisa – Julian, Ailene.. & Lontoc, Nestor. Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6.
Phoenix Publishing House, Inc. 2019.

Aralin
10
2 Ugnayang Pilipino-
Amerikano at Kasunduang
Militar

Balikan

Sa pamamagitan ng fishbone organizer, isulat ang mga sanhi kung bakit lumaganap
ang mga suliraning pangkabuhayan sa bansa. Sa katapat na linya ay itala naman ang mga
ginawa ng pamahalaan upang matugunan ang mga suliraning ito. Gawin ito sa iyong
kwaderno.

Mga Suliraning
Pangkabuhayan
ng Bansa

Tuklasin

Panuto: Maglaro ng Loop a Word: Bilugan sa loob ng kahon ang salitang tinutukoy sa bawat
bilang. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong at isulat ang inyong sagot sa kuwaderno.
A B N M R S T Y H K I K L M

M I L I T A R Y B A S E S D

E H G P A N D A T A T L K I

R B N H D D B O N B R U J M

I C T L S A N L I R U B C L

K B L S B T M H S K K W I H

A S E W N A D T I L T G I D

N T R M T H R R Y U U V M S

O R T S M A C F T M R I K N

P J I B L N L V H N A T G R

11
_____________________1. Ito ay kasunduang nagpapahintulot na manatili ang 23
Amerikanong base-militar sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.
_____________________2. Sila ang nag alok ng tulong militar kay Pangulong Manuel
Roxas.
_____________________3. Hukbong gumagamit ng mga armas at iba pang kagamitang
pang militar.
_____________________4. Ito ay maaaring patawan sa sahod ng mga Amerikanong
sundalo at empleyado na naglilingkod sa mga base militar.
_____________________5. Ito ay pag-aari ng Estados Unidos hanggang sa magwakas ang
kasunduan.

Pagkatapos mong masagot ang gawain, suriin natin kung ano ang koneksiyon
nga mga salitang iyong sinagot.

Suriin

Ano kaya ang dahilan ng pagtatag ng mga base militar dito sa Pilipinas? Tingnan
natin kung tama ang inyong mga sagot. Halina’t basahin natin ang kasunduang base militar
sa pagitan ng mga Amerikano at Pilipino.
Nagdulot ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ng matinding kahirapan sa mga
mamamayang Pilipino. Dahil dito, napilitan si Pangulong Manuel Roxas na tanggapin ang
inalok na tulong militar mula sa mga Amerikano. Walong buwan pagkaraang makamit ng
mga Pilipino ang kasarinlan mula sa mga Amerikano inapubrahan ng dalawang panig ang
mga sumusunod na kasunduang base-militar:
1. Military Bases Agreement
Ito ay kasunduang nagpapahintulot na manatili ang 23 Amerikanong base-
militar sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas. Isa ito sa maituturing na hakbang na ginawa
ni Pangulong Manuel Roxas na nagbigay ng higit na kapangyarihan sa Amerika na
mahawakan ang kaganapan sa Pilipinas. Ang kasunduang ito ay nilagdaan niya sa
loob ng Malacañang noong Marso 14, 1947 at ang Amerikanong si Embahador Paul
V. Mcnutt.
2. Military Assistance Agreement
Ito ay kasunduang pinahihintulutan ng Pilipinas ang mga Amerikano ng
karapatang tumulong sa pamamahala at pagpaplano ng Hukbong Sandatahan ng
Pilipinas gayundin ang pagtutustos ng mga armas at kagamitang pangmilitar nila. Ito
ay nilagdaan noong Marso 21, 1947 upang higit pang lumakas ang pananatili ng
kapangyarihang militar ng mga Amerikano sa Pilipinas.
Ang sumusunod ay mga mahahalagang nilalaman ng mga kasunduang ito:

 Ang Digmaang Pandaigidig sa Pasipiko ang nagbigay-daan sa pag-ayon ng Pilipinas


at Estados Unidos na magtulungan upang pangalagaan ang katiwasayan ng teritoryo
ng dalawang bansa.

12
 Hiniling ng mga Amerikano na magbigay ng tulong-militar ang Pilipinas upang
maprotektahan ang Estados Unidos laban sa pananakop.
 Ipinagbabawal sa kasunduan na gamitin o daanan ng mga Amerikano ang mga
daungan sa pagitan ng mga base militar sa buong kapuluan, mapatubig man, lupa o
himpapawid.
 Ipinagkaloob ng Pilipinas sa Estados Unidos ang karapatang panatilihin ang mga
base militar ng Amerika sa iba’ ibang panig ng bansa.
 Tatagal ang kasunduang ito sa loob ng 99 taon at maaaring palawigin ang taon.
 Maaaring gamitin ng mga Amerikanong kasapi ng militar ang lahat ng mga
pampublikong daan, tulay, daungan at iba pa batay sa kondisyon.
 Maaaring patawan ng buwis sa sahod ang mga Amerikanong sundalo at empleyado
na naglilingkod sa mga base militar.
 Lahat ng istruktura sa loob ng mga base militar ng Amerika ay pag-aari ng Estados
Unidos hanggang sa magwakas ang kasunduan.

Ang base militar ay isang pasilidad na direktang pagmamay-ari at


pinamamahalaan para sa hukbong sandatahan. Naglalaman ito ng mga kagamitan at
tauhang militar at dito nagsasagawa ng mga pagsasanay at operasyon. Sa pangkalahatan,
nagsisilbing tirahan o kampo para sa isa o higit pang pangkat ng mga sundalo ang base
militar ngunit maaari rin itong gawing sentro ng mga operasyong militar dahil dito
matatagpuan ang mga pinunong militar. Karaniwan sa mga ito ay nakadepende sa mga
tulong mula sa labas upang maisagawa ang mga operasyon nitó. Sa kabilang banda,
mayroon namang malalaking pasilidad na may sapat nang pagkain, tubig, at kagamitan
upang makatagal habang nakikipaglaban.
Isa sa mga base-militar sa bansa ay ang US Naval Base Subic Bay sa Olongapo,
Zambales. Ito ang pangunahing pasilidad para sa pag-aayos ng mga barkong pandigma,
pagpupuno ng mga suplay, at pahingahan ng hukbong pandagat ng Estados Unidos. Ang
base na ito ang sinasabing pinakamalaking overseas military installation ng puwersa nila.
Kabilang rin sa itinatag na mga base sa bansa ang mga sumusunod:

Clark Field Air Base (Pampanga) Tawi-Tawi Naval Anchor- age (Sulu)
Fort Stotsenburg (Pampanga) Naule Point (Zambales)
Mariveles Military Reservation Taumpi- tao Point (Palawan)
POL Terminal and Training Area (Bataan) Coast Guard No 354 (Palawan)
Leyte-Samar Naval Base, Subic Bay (Olongapo) Talampulan Island
Caiacao-Sangley Point Naval Base (Cavite) Angeles General Depot (Pampanga)
Bagobantay Transmitter Area (Lungsod Quezon)
Castillejos, Coast Guard No 356 (Zambales)
United States Armed Forces Cemetery No. 2 (Rizal)
Camp John Hay Leave and Recreation Center (Baguio)

May karapatan din ang Estados Unidos sa mga base ng:


Mactan Island Army and Navy Air Base (Cebu) Appari Naval Air Base
Florida Blanca Base (Pampanga) Camp Wallace (La Union)
Puerto Princesa Army and Naby Air Base (Palawan) Tawi-Tawu Naval Base (Sulu)
Nagkaroon ito ng pagbabago noong 1966 na ginawang 25 taon na lamang ang
bisà at noong 1979 na inililipat sa Pilipinas ang kapangyarihan sa mga base. Ibinasura
naman ng Senado ng Pilipinas ang balak na dagdagan ang taon ng pananatíli ng mga base
ng Estados Unidos noong Setyembre 16, 1991

13
Pagyamanin

Panuto: Basahin at suriin ang bawat pangungusap. Isulat ang Tama kung ito ay nagsasabi
ng katotohanan uko sa ugnayang Pilipino-Amerikano at Kasunduang Base Militar
at Mali naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

______1. Pinagkalooban ng Amerika ang Pilipinas ng karapatang panatilihin ang mga


kanilang mga base militar sa iba’t ibang panig ng bansa.
______2. Napilitan lamang si Pangulong Manuel Roxas na tanggapin ang inalok na tulong
militar mula sa mga Amerikano dahil sa hirap na dulot ng digmaan.
______3. Ang base militar ay naglalaman ng mga pampublikong daan, tulay at daungan ng
mga sundalo.
______4. Ang Military Assistance Agreement ay kasunduang nagpapahintulot na manatili
ang 23 Amerikanong base-militar sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.
______5. Maaaring patawan ng buwis sa sahod ang mga Pilipinong sundalo at empleyado
na naglilingkod sa mga base militar.

Isaisip

Panuto: Punan ng mga salita o pangkat ng mga salita bawat patlang upang mabuo ang
talata. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

Tandaan!

Walong buwan pagkaraang makamit ng mga Pilipino ang kasarinlan mula sa


mga Amerikano, dalawang kasunduan ang inaprubahan sa pagitan ng Pilipinas at
Estados Unidos: ang 1._____________________ noong Marso 14, 1947 at ang
2.________________ noong Marso 21, 1947. Nilagdaan ang mga kasunduang ito nina
Pangulong 3._________________ at Ambassador 4.________________ ng Estados
Unidos. Ilan sa mga mahahalagang nilalaman ng mga kasunduang ito ay:
 Ang Digmaang Pandaigidig sa Pasipiko ang nagbigay-daan sa pag-ayon ng
dalawang bansa na magtulungan upang pangalagaan kanilang teritoryo.
 Hiniling ng mga Amerikano na magbigay ng tulong-militar ang Pilipinas upang
maprotektahan ang Estados Unidos laban sa pananakop.
 Ipinagbabawal sa kasunduan na gamitin o daanan ng mga
5.__________________ ang mga daungan sa pagitan ng mga base militar sa
buong kapuluan, mapatubig man, lupa o himpapawid.

14
Isagawa

Panuto: Gamit ang graphic organizer sa ibaba, talakayin at sagutin ang mga katanungang
nakatala. Gawin at isulat ito sa kwaderno.

Rubrik sa Pagmamarka ng Sagot


Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos
Malalim at malawak ang pag-unawa sa tanong 5
Naaayon, wasto at makatotohanan ang mga datos
3
na ginamit.
Maayos ang pagkakasulat ng sagot. 2
Kabuuang Puntos 10

Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang mga tanong
at isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong kuwaderno.

1. Ano ang dahilan ng pagbago ng takbo ng kalakalan at kalinangan sa muling pagtatag


ng lungsod ng Maynila?
A. pagkakaisa C. digmaan
B. inggitan D. pagtutulungan

2. Ano ang naging isang malaking hamon ng pamahalaang Komonwelt?


A. kawalan ng hanapbuhay C. kawalan ng mapapasyalan
B. marami ang namamatay D. walang nagugutom

3. Ano ano ang ipinarating na tulong mula sa ibang bansa?


A. arina, asukal, gatas, itlog at isda
B. isda, karne, arina, keso at tinapay
C. bigas, asukal, noodles, sardinas at tinapay
D. arina, commeal, keso, powdered milk at powdered egg

4. Bakit nakipagsundo si Pangulong Manuel Roxas sa mga Amerikano hinggil sa base


militar?
A. Dumami ang mga illegal settlers.
B. Maituturing na ganap na estado ang Pilipinas.
C. Mabilis ang paglaki ng populasyon sa mga pook-urban.
D. Matinding kahirapan ang dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa bansa.

5. Ang ating mga bayaning sundalong Pilipino noon ay nakipaglaban upang makamit
ang kalayaan nating tinatamasa ngayon. Kung ikaw, bilang isang mag-aaral, sa
paanong paraan mo maipapakita ang katapangan at katapatan sa bansa?
A. Pagsali sa mga rally at pag-aalsa
B. Mangarap na maging sundalo paglaki
C. Makipag-away sa mga kalaro at kaklase
D. Pagsunod sa mga batas at pag-aaral nang mabuti

16

Karagdagang Gawain
Panuto: Gamit ang Semantic Web, itala ang mga probisyong napapaloob sa Kasunduang
Base Militar sa Pilipinas – mabuti at hindi mabuting naidulot sa Pilipinas. Gawin ito
sa iyong kwaderno.
Kasunduang Base
Militar

Mga Probisyong Mga Probisyong


May Mabuting May Hindi Mabuting
Naidulot sa Pilipinas Naidulot sa Pilipinas

17
https://www.lrmds.deped.gov.ph/detail/6004
https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18250547839
18
Sanggunian
Karagdagang Gawain
Mga Probisyong May Mabuting Naidulot sa Pilipi
Ang Digmaang Pandaigidig sa Pasipiko ang nagb
Tayahin
daan sa pag-ayon ng Pilipinas at Estados Unidos
1C
magtulungan upang pangalagaan ang katiwasay
2A
teritoryo ng dalawang bansa.
3D
Ipinagbabawal sa kasunduan na gamitin o daana
4D
Amerikano ang mga daungan sa pagitan ng mga
5D
militar sa buong kapuluan, mapatubig man, lupa
himpapawid.
MaaaringPagyamanin
patawan ng buwis sa sahod ang mga
Amerikanong 1 Tama
sundalo at empleyado na naglilingk
2 Tama
mga base militar.
3 Mali
Mga Probisyong4 MaliMay Hindi Mabuting Naidulot sa
Ipinagkaloob5ng Pilipinas sa Estados Unidos ang
Mali
karapatang panatilihin ang mga base militar ng A
iba’ ibang panig ng bansa.
Hiniling ng mga Amerikano na magbigay ng tulon
ang Pilipinas upang maprotektahan ang Estados
laban sa pananakop.
Tatagal ang kasunduang ito sa loob ng 99 taon at
Balikan maaaring palawigin ang taon
Maaaring isagot: Maaaring gamitin ng mga Amerikanong kasapi ng
Sanhi ang lahat ng mga pampublikong daan, tulay, dau
iba pa batay
1. Paglaki ng populasyon sa kondisyon.
at pagdami ng informal
Lahat ng istruktura sa loob ng mga base militar n
settlers sa pook urban
Amerika ay pag-aari ng
2. Suliranin sa pagsikip at kakulangan ng Estados
tirahan Unidos hanggan
ng mga Pilipino samagwakas
pook urban ang kasunduan.
Solusyon ng Pamahalaan
Tuklasin
1. Pagtatag ng pambansang pangasiwaan ng
Isaisip 1 Military Bases Agreement
paglilipat-tirahan at pagsasaayos ng
1 Military Bases Agreement 2 Amerikano
pangangasiwa sa paglilipat ng mga informal
2 Military Assistance Agreement settlers 3 Sandatahan
3 Manuel Roxas 2. Pagpapaunlad ng mga 4 Buwis
rural na komunidad sa
4 Paul V. Mcnutt pamamagitan ng ipinapagawang
5 Instrukturakalsada at tulay
5 Amerikano upang maganyak silang manirahan doon
Susi ng Pagwawasto
https://www.slideshare.net/elsaorani/q3-m3l3-ang-bagong-republika-1946

Baisa – Julian, Ailene.. & Lontoc, Nestor. Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6.
Phoenix Publishing House, Inc. 2016.

19
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Lanao del Norte


Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound,
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com

You might also like