You are on page 1of 3

1|Page

National Capital Region


Division of City Schools
AMPARO ELEMENTARY SCHOOL
Caloocan

ARALING PANLIPUNAN 6
ALTERNATIVE DELIVERY MODE
ACTIVITY 1

Mga Kasanayan sa Pagkatuto


3. Nauunawaan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng soberanya sapagpapantili ng kalayaan ng isang bansa
3.1 Nabibigyang konklusyon na ang iosang bansang Malaya ay may soberanya
3.1.1 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng panloob na soberanya
3.1.2 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng panlabas na soberanya
3.2 Nabibigyang halaga ang mga karapatang tinatamasa ng isang malayang bansa AP6SHK-IIId-3

PAG-ARALAN MO
BUOD NG MGA DATOS TUNGKOL SA ARALIN
ANG PILIPINAS BILANG BANSANG SOBERANO
Apat na elemento ng isang bansa: mamamayan, teritoryo, pamahalaan,
kalayaan o soberanya.
Ang bansang Pilipinas ay nagtamo ng kalayaan noong Hunyo 12, 1898. Sa unang pagkakataon tayo ay
nagkaroon ng soberanya. Pero ito ay nawala nang tayo ay sinakop ng mga Amerikano. Noong Hulyo 4, 1946,
ipinagkaloob naman ng Estados Unidos ang pinakamimithing kalayaan ng bansa. Nagkaroon muli tayo ng tunay na
soberanya.

1. Sagisag ng bansang Pilipinas


Leon – ipinakikita nito ang impluwensiya ng Espanyol.
Agila – ipinakikita nito ang impluwensiya ng Estados Unidos.
Araw – sagisag ito ng mataas ng mithiin ng mga Pilipino na maging isang malayang bansa.
Tatlong bituin – kumakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Republika ng Pilipinas – nangangahulugan ito na ang Pilipinas ay mayroon ng kalayaan

2. Soberanya
Ang soberanya ay ang pagkakaroon ng isang bansa ng kapangyarihang makapagsarili at pamahalaan ang
buo nitong nasasakupan. Ang isang malayang bansa ay may soberanya.
 Dalawang uri ng soberanya
1. Panloob na soberanya - ito ang kapangyarihan ng isang bansa o estado na magpairal at magpatupad ng
mga batas o patakaran upang mapamahalaan ang lahat ng nasasakupan o nasa teritoryo nito.
Kahalagahan ng panloob na soberanya:
a. May namumuno sa mamamayan, ari-arian at tanggapan sa nasasakupan nito.
b. Nakapag-aari ng mga lupain, gusaling pambayan at tanggapan sa nasasakupan nito.
c. Nakapagpapatupad ng batas sa loob ng bansa.
2. Panlabas na Soberanya - ito ang kapangyarihan ng isang bansa na sumasaklaw sa karapatan nito sa
labas ng teritoryo ng bansa.
Kahalagahan ng Panlabas na Soberanya
a. Nakapagsasarili
b. May karapatan at mga pribilehiyo sa ilalim ng pandaigdigang mga batas
c. Nakikipag-ugnayan sa ibang bansa
National Capital Region
Division of City Schools
AMPARO ELEMENTARY SCHOOL
2|Page
Caloocan

GAWIN MO
I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Kailan masasabi na ang isang bansa ay malaya?
A. isang ganap na malaya
B. may kalayaang kinikilala ng ibang bansa
C. may kapangyarihan mamamahala sa nasasakupan
D. lahat ng nabanggit

2. Ito ang kapangyarihan ng isang bansa na makapagsarili at pamahalaan ang buo nitong nasasakupan.
A. demokrasya B. Soberanya C. mamamayan D. teritoryo

3. Ito ang kapangyarihan ng bansa na makipag-ugnayan sa ibang bansa.


A. mamamayan B. Panloob na soberanya C. Soberanya D. Panlabas na soberanya

4. . Ito ang kapangyarihan ng bansa na makapagpatupad ng mga batas sa nasasakupan nito..


A. mamamayan B. Panloob na soberanya C. Soberanya D. Panlabas na soberanya

5. Ito ang simbolong kumakatawan sa impluwensya ng mga mananakop na Amerikano.


A. agila B. Leon C. araw D. tatlong bituin

6. Ito ang sumisimbolo sa hangarin ng mga Pilipinong maging malaya.


A. agila B. Leon C. araw D. tatlong bituin

7. Ito ay sumasagisag sa tatlong malaking pulo ng Pilipinas: Luzon, Visayas, Mindanao.


A. agila B. Leon C. araw D. tatlong bituin

8. Ipinapakita ng simbolong ito ang impluwensya ng mga Espanyol.


A. agila B. Leon C. araw D. tatlong bituin

9. Sa mga salitang Republika ng Pilipinas, anong bansa ang nagtataglay ng kalayaan?


A. Amerika B. Spain C. Pilipinas D. Japan

10. Kailan tayo pinagkalooban ng soberanya ng mga Amerikano?


A. Mayo 1, 1898 B. Hulyo 4, 1946 C. Hunyo 12, 1898 D. Marso 16, 1521

II. Isulat kung anong karapatan ng Pilipinas ang isinasaad ng pangungusap sa bawat bilang. Piliin sa loob ng kahon
at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Nagpapadala ang Pilipinas ng sugo, kinatawan o A. karapatang makapagsarili


embahador sa ibang bansa
B. karapatan sa pantay na pagkilala
2. Ang Pilipinas ay nakikilahok sa pagbibigay-pasya sa
isang isyu sa Samahan ng Bansang nagkakaisa. C. karapatang mamahala sa nasasakupan

3. May karapatan ang Pilipinas na atasan na magkaloob D. karapatang mag-angkin ng ari-arian.


ng personal na paglilingkod na militar o sibil ang mga
mamamayan nito sakali mang magkaroon ng digmaan. E. karapatang makipag-ugnayan

4. Ang mga gusaling pambayan tulad ng paaralan, kampo F. karapatang ipagtanggol ang kalayaan
at embahada ay pag-aari ng bansa.

5. Ang Pilipinas ay hindi maaaring panghimasukan


o pakialaman ng ibang bansa.
National Capital Region
Division of City Schools
AMPARO ELEMENTARY SCHOOL
3|Page
Caloocan
National Capital Region
Division of City Schools
AMPARO ELEMENTARY SCHOOL
Caloocan

ARALING PANLIPUNAN 6
ALTERNATIVE DELIVERY MODE

Mga Kasanayan sa Pagkatuto


4. Nabibigyang katwiran ang pagtatanggol ng mga mamamayan ang kalayaan at hangganan ng teritoryo ng bansa
AP6SHK-IIIe-4

PAG-ARALAN MO
BUOD NG MGA DATOS TUNGKOL SA ARALIN

GAWIN MO

GAWAIN I: Piliin ang titik ng tamang sagot.

You might also like