You are on page 1of 37

Araling Panlipunan 6- Ikatlong Markahan

Ang Kahalagahan ng
Pagkakaroon ng Soberanya
sa Pagpapanatili ng
Kalayaaan ng Bansa
Aralin 3
Tuklasin

May ideya ka ba kung ano ang kahulugan


ng soberanya? Sa iyong palagay, aling
elemento ng estado ang hindi pa taglay ng
Pilipinas noong 1898 hanggang 1945?
ESTADO

ELEMENTO

Mamamayan Soberanya

Teritoryo Pamahalaan
Suriin

Ano ang soberanya? Bakit ito


mahalaga? Paano tayo makatutulong sa
ating pamahalaan upang mapanatili nito
ang soberanya?
Ang soberanya ay ang sukdulan o pinakamataas na
kapangyarihan ng estado o bansang mag-utos at
pasunurin ang mga tao. Sumasaklaw ang pagkilos
nito sa lahat ng nangyayari sa bansa
May apat na elemento ang bawat estado

MAMAMAYAN
• Ang pinakamahalagang elemento ng Estado ay ang mga
mamamayang nakatira sa teritoryo nito
• Magkakaiba ang laki ng populasyon ng Estado na
maaaring kinabibilangan ng mga katutubo o kaya'y ng
mga dayo sa lugar
May apat na elemento ang bawat estado

TERITORYO
• Ang pangalawang mahalagang elemento ng Estado ay
ang teritoryo o ang mga lupang naangkin nito
• Dito naninirahan ang mga mamamayan ng Estado
May apat na elemento ang bawat estado

PAMAHALAAN

• Ito ay ang ahensiyang nagpapatupad ng mga batas at


kaayusang nagpapahayag ng mithiin ng Estado.
May apat na elemento ang bawat estado

SOBERANYA

• Ito ay ang pinakamataas na kapangyarihan ng estadong


nagbibigay -pahintulot ditong magpatupad ng mga batas
sa mga mamamayang naninirahan sa teritoryo nito.
Ang mga katangian ng soberanya

PERMANENTE

• Ang awtoridad ng estado ay permanente at mananatili ito


hangga't ang mga mamamayan ay naninirahan sa
teritoryo nito at may sarili silang pamahalaan
Ang mga katangian ng soberanya

MAY AWTONOMIYA

• Ang tanging sakop ng awtoridad ng estado ay ang mga


mamamayan nito at ang iba pang mga tao at bagay na
matatagpuan sa loob ng teritoryo nito.
Ang mga katangian ng soberanya

KOMPREHENSIBO

• Ang kapangyarihan ng Estado ay sumasakop sa lahat ng


mga bagay at taong naninirahan sa loob ng teritoryo nito,
kabilang na ang kanilang mga magiging anak.
Ang mga katangian ng soberanya

HINDI NALILIPAT AT LUBOS O


ABSOLUTE
• hindi maaaring ipasa o ipagkaloob sa kaninuman.
• walang ibang estado o taong maaaring magkaroon ng
hurisdiksyon dito
Ang mga katangian ng soberanya

WALANG TANING ANG PANAHON

• Ang bisa ng kapangyarihan ng ng isang estado ay walang


taning na panahon
• may bisa ito sa ngayon at hanggang sa mga darating na
panahon
May dalawang aspekto ang soberanya, ito ay ang:

Panloob na Soberanya

• tumutukoy sa kapangyarihan ng estadong magpasunod sa


lahat ng taong naninirahan sa teritoryong nasasakupan
nito.
May dalawang aspekto ang soberanya, ito ay ang:

Panlabas na Soberanya
• Tumutukoy sa kalayaan ng estadong itaguyod ang lahat ng
gawain at naisin ng bansa nang hindi pinakikialaman ng
ibang bansa. Kasama rin dito ang kapangyarihan ng bansang
makipagkasundo at makipag-ugnayan sa ibang bansa.
Ang isang bansa ay may mga karapatang tinatamasa.

Karapatan sa Kalayaan
Karapatan sa Pantay na Pribilehiyo
Karapatan sa Saklaw na Kapangyarihan
Karapatan sa Pagmamay-ari at Karapatan sa
Pakikipag-ugnayan
Taglay na kapangyarihan ng Estado

Kapangyarihang pampulisiya
• Kapangyarihang tumutukoy sa pagbibigay ng mga
restriksiyon sa pagtataguyod at pangangalaga sa kulusugan,
kaligtasan, moralidad, pangkalahatang kapakanan at
pampublikong interes.
• Ito ay kadalasang itinatalaga sa lokal na sangay ng
pamahalaan
Taglay na kapangyarihan ng Estado

Kapangyarihang mamahala ng ari-ariang sakop ng teritoryo

• Karapatan ng estadong mag-angkin ng pribadong ari-arian


para sa paggamit ng publiko
• Itinatakda ng Konstitusyon ng Pilipinas ang pagbibigay ng
karampatang kompesasyon para sa anumang ari-ariang
pribadong kinuha ng pamahalaan sa pamamagitan ng utos
ng Korte.
Taglay na kapangyarihan ng Estado

Kapangyarihang magbuwis

• Kapangyarihan ng estadong mangolekta ng halagang batay


sa komputasyon ng kita ng osang tao o halaga ng ari-arian
para sa gastusin ng pamahalaan
Pagkakaiba ng isang Estado at isang Bansa
• Ang isang bansa ay isang pangkat ng mga taong may ninuno
at kasaysayan at kadalasa’y naninirahan sa isang partikular
na lugar sa ilalim ng isang pamahalaan.
• Ang isang bansa ay maaring isang estado ngunit hindi lahat
ng bansa ay itinuturing na estado.
Pagkakaiba ng isang Estado at isang Bansa
• Ang estado ay hindi napapasailalim sa kontrol na panlabas
samantalang ang bansa ay maaaring umasa sa kontrol na
panlabas pagdating sa mga usaping pampulitika.
• Ang estado ay may pamahalaan at nakatakdang mga
teritoryo samantalang hindi ito ipinagpapalagay sa isang
bansa.
Pagkakaiba ng isang Estado at isang Bansa
• Ang ating teritoryo ay kailangang maipagtanggol sa mga panloob
at panlabas na panganib. Ang Kagawaran ng Tanggulang Bansa o
Deparment of National Defense at ang pangunahing kalakip
kawanihan nito, ang Sandatahang lakas ng Pilipinas o Armed
Forces of the Philippines (AFP) ay may tungkuling tiyakin ang
ganap na kapangyarihan ng estado at integridad ng pambansang
teritoryo.
Pagkakaiba ng isang Estado at isang Bansa

• Ang Hukbong Katihan o Philippine Army (PA),Hukbong


Himpapawid ng Pilipinas o Philippine Air Force(PAF) at
Hukbong Pandagat ng Pilipinas o Philippine Navy ay
mga sangay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP)na
katulong nito sa pagtupad ng mga layunin.
Iba’t ibang ahensiya ang pamahalaang tumutulong
upang lalong mapangalagaan ang ating teritoryo.

• Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal


• Kagawaran ng Ugnayang Panlabas
• Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman
PAGYAMANIN

Kilalanin ang tinutukoy sa bawat bilang.


Piliin ang letra ng tamang sagot sa loob ng
kahon at isulat ito sa sagutang papel.
A
________1. Elemento ng estadong tumutukoy sa
pinakamataas at ganap na
kapangyarihan upang mag-utos o magpatupad ng
mga batas at patakaran
para sa ikabubuti ng bansa.
D
_____2. Tumutukoy sa kapangyarihan ng estadong
magpasunod sa lahat ng taong
naninirahan sa teritoryong nasasakupan nito.
E
_____3. Kalayaan ng estadong itaguyod
ang lahat ng gawain at naisin ng bansang
hindi pinakikialaman ng ibang bansa.
C
_____4. Tawag sa mga kinatawang
lumabag sa batas ng bansang kanilang
pinuntahan.
F
_____5. Kapangyarihan ng estadong
pansarili lamang at hindi maaring ilipat sa
ibang
bansa.
TAYAHIN
Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang
papel.

1. Kailan natamo ang ating kalayaang ganap na kinikilala


ng mga bansa?
A. Disyembre 10, 1898
B. Hulyo 4, 1946
C. Hunyo 12, 1898
D. Setyembre 21, 1972
TAYAHIN
Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang
papel.

2. Kailan masasabi na ang isang bansa ay malaya?


A. may kalayaang kinikilala ng ibang bansa
B. isang ganap na malaya
C. may kapangyarihan mamamahala sa nasasakupan
D. lahat ng nabanggit
TAYAHIN
Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang
papel.

3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng soberanyang


panloob?
A. pakikialam sa suliranin sa Tsina
B. pag-alis sa bansa
C. pagpapatupad sa sariling batas
D. pag-angkin sa teritoryo ng karatig bansa
TAYAHIN
Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang
papel.

4. Aling ahensiya ng pamahalaan ang may pangunahing


tungkulin sa pagtatanggol
ng ating bansa?
A. ROTC
B. Hukbong Katihan ng Pilipinas
C. Sandatahang Lakas ng Pilipinas
D. Kagawarang Panlakas
TAYAHIN
Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang
papel.
5. Sino ang maaaring magtanggol sa ating bansa sa oras ng
digmaan?
A. mga piling mamamayan
B. mga pinuno sa pamahalaan
C. lahat ng Pilipino
D. mga mamamayang may 21 taong
gulang
HANGGANG SA MULI
MGA KA-
KASAYSAYAN !!!

You might also like