You are on page 1of 36

Ang Sangay ng Pamahalaan

Hudikatura o Panghukuman
YUNIT 3
Ang Pamamahala sa Ating Bansa
Layunin:
Sa araling ito, inaasahan na:
 natatalakay ang mga namumuno,kapangyarihan,
tungkulin at limitasyon ng sangay ng pamahalaang
hudikatura o tagahukom;
 naipapakita ang pakikipagtulungan sa pamahalaan sa
pamamagitan ng pagsunod sa batas;
 nakapag-uulat ng isang pangyayari na may kinalaman
tungkol sa hudikatura sa ating bansa.
Mahalagang Tanong

Para sa iyo, ano ang tatlong pinakamahalagang


katangian ng mabuting pinuno ng pamahalaan?

Ipaliwanag kung bakit ang mga ito ang iyong


napili?
Sangay Panghukuman o Hudikatura
• Nagbibigay-pakahulugan
sa mga batas.

• Ito rin ang naglilitis o


nagpapataw ng parusa
sa mga lumalabag nito.
Sangay Panghukuman o Hudikatura
Nakasalalay ang
kapangyarihang
panghukuman sa
Kataas-taasang
Hukuman at sa
mga nakabababang
hukuman.
Sangay Panghukuman
•Ang mga hukuman sa bansa ay malaya at hindi
pinakikialaman ng ibang sangay ng pamahalaan.
Sangay Panghukuman
•Ang mga hukuman ang
inaasahang mag-aayos at lulutas
ng mga sigalot na
kinasasangkutan ng mga
mamamayan.
Sangay Panghukuman
• Ang mga ito ay nagbibigay ng
hatol nang naaayon sa batas.

• Ito ang nagpapasiya kung


mayroong naganap na
pagsasamantala at paglabag
sa batas.
Sangay Panghukuman
•Ang mga hukuman
ay inaasahang
magkakaloob ng
pantay na pagtingin
sa mga
mamamayan.
Sangay Panghukuman
• Ang mga ito ay may tungkuling
magbigay katanungan sa lahat
batay sa mga katibayang
inilalahad.
• Ang sinumang napatunayang
nagkasala ay pinapatawan nito
ng mga kaparusahan batay sa
bigat ng pagkakasala at itinakda
ng batas

Maaaring panoorin - https://www.facebook.com/watch/?v=403453313956435


Ang Mga Hukuman
SUPREME COURT

COURT OF APPEALS SANDIGANG BAYAN

COURT OF TAX REGIONAL TRIAL SHARI’A DISTRICT


APPEAL COURT COURT

MUNICIPAL TRIAL METROPOLITAN SHARI’A CIRCUIT


COURTS IN CITIES TRIAL COURTS COURTS

MUNICIPAL TRIAL CIRCUIT TRIAL


COURTS COURTS
Ang katas-taasang Hukuman
(Supreme Court)
• Pinakamataas na
hukuman sa ating
bansa.
• Binubuo ito ng punong
Hukom at labing apat
na Kagawad na Hukom.
• Ang mga hukom na ito
ay hinihirang ng ating
pangulo.
Ang katas-taasang Hukuman
(Supreme Court)
• Kung nabakante ang posisyon ng
isang hukom, kailangang punan
ito sa loob ng 90 araw.
• Ang mga hukom ng Korte
Suprema ay maaaring maglingkod
hangga’t malinaw pa ang kanilang
kaisipan.
• Ngunit dapat silang magretiro
pagdating nila sa edad na 70.
ANG BUMUBUO SA HUDIKATURA
Kataastaasang Hukuman
KORTE SUPREMA (Supreme Court)
• Ang namumuno:
1. ang Punong Mahistrado
(Chief Justice)
2. ang 14 na mga mahistrado
(Associate Justice).
• 70 na taong gulang
• hinihirang ng pangulo
Judicial Council at Bar Council.
ANG BUMUBUO SA HUDIKATURA
Kataastaasang Hukuman
hinihirang ng pangulo

• Judicial Council at Bar Council.


• Judicial Council at Bar Council.
Ang kapangyarihan ng Kataas-taasang Hukuman
1.Pag-aaral at
pagpapatupad nang
maayos ng mga batas at
pagpapasiya kung
mayroong naganap na
pagmamalabis o
pagsasamantala ng
kapangyarihan ng mga
mababang hukuman.
Ang kapangyarihan ng Kataas-taasang Hukuman
2.Pagtatakda ng pagbabago sa lugar ng paglilitis upang
maiwasan ang pagkaantala ng pagpapairal ng
katarungan.
Ang kapangyarihan ng Kataas-taasang Hukuman
3. Pagdidisiplina sa mga huwes ng mababang hukuman.
4. Paghirang sa lahat ng mga pinuno at mga kawani ng
mga hukuman ayon sa itinakda ng Batas ng Serbisyo
Sibil.
5. Pagpapasiya tungkol sa mga isinampang isyu at
usapin na may kinalaman sa kontribusyon at
nonstitutionality o pagiging konstitusyunal ng anumang
batas ng bansa, pandaigdigang Kasunduan, at mga
kautusan ng pangulo.
Hukuman Para sa Pag-aapila
(Court of Appeals)
• Binubuo ng isang punong
Mahistrado at 49 na Kagawad
na Mahistrado na hinihirang ng
pangulo.
• Dinidinig ng hukumang ito ang
mga desisyon sa mga kasong
sibil at kriminal na iniaapila
mula sa Panrelihiyong mga
Hukuman ng Paglilitis (Regional
Trial Court) at ibang mababang
hukuman.
Hukuman Para sa Pag-aapila (Court of Appeals)
 May kapangyarihan din itong
sumalungat, magpatibay, o
magbago ng mga pasiyang
iginawad ng nakabababang
hukuman.
 Ang mga hatol o pasiyang
iginawad ng hukumang ito ay
hindi na maaaring baguhin
maliban na lamang kung ito
ay i-aapila at ilalapit sa Korte
Suprema sa pamamagitan ng
pagsampa ng petisyon.
Ang Regional Trial Court
Ito ay humahawak sa mga kasong
sibil tulad ng mga:
• kaso sa pag-aangkin ng mga ari-
arian
• mga usapin nang hindi
pagkakasundo ng may-ari ng
lupa at mga kasama nito
• pag-aampon
• pagpupuslit ng mga kalakal.
Ang Metropolitan Trial Court
• Lumilitis sa mga kasong
cadastral.
• Ang mga kasong ito ay may
kinalaman sa paglutas ng
mga usapin sa lupain na hindi
maaaring pagpasiyahan ng
pambayang hukuman.
• Ito rin ang lumilitis sa lahat
ng mga kasong may
kaugnayan sa paglabag sa
mga kautusang panlungsod.
Ang Municipal Trial Court
• Ito ay may kapangyarihang
magpasiya sa mga kasong
paglabag sa mga ordinansa ng
munisipyo tulad ng pagsusugal,
pagdadala ng armas, at mga bagay
na pumuputok at pangangasiwa ng
mga loterya at bookies.
• Ang mga kasong pinagpasiyahan
nito ay maaaring idulog sa
pambayang hukuman sa paglilitis.
Mga Natatanging Hukuman at Tanggapang ligal
Ang Shari’a District Courts
• Matatagpuan sa ilang bahagi ng
Mindanao.
• Katumbas nito ang Judicial
Regional Trial Courts.
• Ngunit naiiba ito sa mga Regional
Trial Court dahil sinusunod at
ipinatutupad nito ang Muslim
Code on Personal Laws.
Mga Natatanging Hukuman at Tanggapang ligal

Samantala, nakatakda sa ating konstitusyon ang


pagtatag ng dalawang tanging tanggapang ligal:
•Ang Judicial may tungkuling pumili at magrekomenda ng mga taong

•Bar Council karapat-dapat na italaga sa hukuman

•Ang Ombudsman – may kapangyarihang mag-imbestiga ng mga kaso


ng pagnanakaw at panunuhol sa pamahalaan
Mga Natatanging Hukuman at Tanggapang ligal

Ang Ombudsman
• may kapangyarihang mag-imbestiga ng mga kasong pagnanakaw at
panunuhol sa pamahalaan.
Katulad ng Ombudsman, ang Hukuman Para sa Pag-aapila sa
Buwis ( Court of Tax Appeal) at ang Sandiganbayan ay mga
natatanging hukuman din na itinatag ng pamahalaan.
Ang Court of Tax Appeal-may saklaw sa mga usaping may
kinalaman sa mga buwis na ipinataw ng Kawanihan ng Rentas
Internas.
Ang Sandiganbayan -nagpapasya sa mga kaso tungkol sa
pagnanakaw o korupsiyon ng mga pinuno at kawani ng
pamahalaan.
Natatanging hukuman din na itinatag ng pamahalaan.

Hukuman Para sa Pag-aapila sa Buwis ( Court of Tax Appeal)


-may saklaw sa mga usaping may kinalaman sa mga buwis na ipinataw ng
Kawanihan ng Rentas Internas.
Natatanging hukuman din na itinatag ng pamahalaan.
Sandiganbayan
-nagpapasya sa mga kaso tungkol sa pagnanakaw o korupsiyon ng mga pinuno
at kawani ng pamahalaan.
PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE (PAO)
- upang mabigyan ng tulong ang mga mamamayan sa mga usaping legal.
Itinatag ito upang mabigyan ang mga nasasakdal na mahihirap ng libreng
paglilingkod ng mga abogado
Check and Balances
-nagtatadhana na maaaring pakialaman o suriin ng isang sangay ng pamahalaan
ang ginagawa ng iba.
Mahalagang Tanong

Para sa iyo, ano ang tatlong


pinakamahalagang katangian ng
mabuting pinuno ng pamahalaan?
Ipaliwanag kung bakit ang mga ito ang
iyong napili?

You might also like