You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CATANDUANES

ARALING PANLIPUNAN 5

SUMMATIVE ASSESSMENT #1
Ikatlong Markahan
SY: 2021-2022

Layunin:
- Napahahalagahan ang pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol
- Naipaliliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong Espanyol
(Pagaalsa, Pangtanggap ng kapangyarihan kolonyal, kooperasyon at Pagtakas sa
Kolonyalismo

Sangunian: Aralin Panlipunan 5 Quarter 3 Modyul 1 at Quarter 3 Modyul 2

Pangalan: ____________________________ Baitang/Seksyon: _______________


Paaralan: _____________________________ Iskor: _______________________

I. WRITTEN WORKS
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 1. Piliin ang pangungusap na nagsasaad ng katotohanan


a. naging negatibo ang tugon ng mga Pilipino sa sistemang encomienda sa
kinalaunan
b. magiliw itong tinanggap ng mga Pilipino
c. hindi ito binigyang pansin ng mga Pilipino
d. walang alam ang mga Pilipino sa patakarang ito

_____ 2. Paano tinanggap ng ibang Pilipino ang sistemang reduccion?


a. magiliw itong tinanggap ng mga Pilipino ang mga sinasabi ng mga opisyal
na espanyol
b. walang pag-aalinlangang sinunod ng mga Pilipino ang mga patakaran ng
sistemang encomienda
c. ninais ng iba na maging malaya at manirahan sa kabundukan
d. nagtago ang mga Pilipino sa mga Espanyol

______ 3. Piliin sa mga sumusunod ang patunay na negatibong reaksiyon ng


ibang Pilipino sa kristiyanismo.
a. pag-aalsang relihiyoso
b. pag-aalsang pulitikal
c. pag-aalsang kultural
d. pag-aalsang edukasyon

_______4. Bakit naglunsad ang mga Pilipino ng pag-aalsang pulitikal?


a. dahil sa pagnanais na maibalik sa kanila ang pamamahala
b. dahil sa gusto nilang bumalik sa dati nilang pinaniniwalaan
c. dahil sa pagtanggi sa pagbabayad ng buwis
d. dahil sa gusto nilang manatili sa kabundukan
______ 5. Paano tinanggap ng mga Pilipino ang mga patakarang ipinatupad
ng mga Espanyol?
a. magiliw na tinanggap
b. masayang tinanggap
c. nagustuhan ng karamihan
d. hindi nagustuhan ng iba

_____ 6. Sino ang namuno sa pag-aalsa upang tutulan ang pagpapadala ng mga
manggagawang mula sa Samar patungo sa Cavite upang gumawa ng mga galyon?
a. Diego Silang
b. Lakandula
c. Juan Sumuroy
d. Andres Malon

______ 7. Ano ang pangunahing dahilan bakit hindi nagtagumpay ang mga unang pag-
aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol?
I - wala silang pagkakaisa
II - walang matatapang na lider
III - kulang sila sa armas at taktika
IV - duwag at madaling matakot ang mga Pilipino

a. I at II
b. I at III
c. II at III
d. III at IV

______ 8. Anong kahanga-hangang katangian ng mga Pilipino ang naipakita nila sa mga
unang pag-aalsa?
a. katalinuhan
b. katapangan
c. pagkamadasalin
d. pagkamatiyaga

______ 9. Paano mailalarawan ang pag-aalsa ng mga kapampangan sa pangunguna ni


Francisco Maniago?
a. nakipagbarilan sila nang buong tapang sa mga Espanyol
b. nakiusap sila sa Gobernador-Heneral na palayain ang mga kapampangan
c. hindi nagtanim ang mga kapampangan ng mga palay na gagamitin ng mga
Espanyol
d. Hinarangan nila sa Ilog pampanga ang mga barkong Espanyol na may
dalang produkto papuntang Maynila

_______10. Bilang isang mamamayang Pilipino, paano mo mapapahalagahan ang mga


pagtatanggol na ginawa ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol?

____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

You might also like