You are on page 1of 11

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Kwarter 1 – Modyul 1
(Linggo 1)
PANANAGUTANG PANSARILI

1
Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand names tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang–aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan ng walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Development Team of the Module

Manunulat: Leah Q. Rebaya

Tagalapat: Leah Q. Rebaya, Antonio L. Morada

Tagasuri: Maripaz T. Concepcion, EPS – EsP, Lungsod Masbate


Dinnah A. Banares, EPS – LRMDS, Lungsod Masbate
Noel D. Logronio, Punong Tagamasid Pang-edukasyon ng CID,
Lungsod Masbate
Tagapamahala: Sheila C. Bulawan, EPS II – EsP

2
I. Panimula

Mahal na mag-aaral, ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo upang


mapagtibay ang iyong pagpapahalaga at konsepto sa Edukasyon sa Pagpapakatao
6. Ito ay magsisilbing tulay sa iyo upang matutuhan ang mga aralin na nakapaloob
dito.

Ang mga panuto sa bawat gawain ay malinaw na nakasaad kaya naman,


basahin ito nang mabuti upang masagutan nang wasto.

Ang mga ito ay kayang-kaya mong sagutan nang walang gabay ng iyong guro
o ninuman. Ngunit, inaasahang ikaw ay magiging matapat sa pagsagot. Ito ay binubuo
ng pitong bahagi- Paunang Pagtataya, Pglinang ng Kaalaman, Pagpapalalim,
Pagsasapuso, Pagsasabuhay, Pagtataya at Kasunduan. Ang mga bahaging ito ay
inihanda para sa iyo upang magsilbi mong gabay upang masuri mo nang mabuti ang
mga bagay na may kinalaman sa iyong sarili at pangyayari.

II. Layunin

Nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at


pangyayari.

III. Paunang Pagtataya:

Ang pagpapamalas ng isang desisyon ay hindi lamang para sa


sariling interes o benipisyo, kundi maraming bagay ang dapat isaalang-
alang. Sapagkat sa bawat desisyon na ating ginagawa ay may kaakibat
na kosekwensya. Tulad na lamang kapag ang isang tao ay nakagawa ng
masama, ang magiging kabayaran nito ay masama, at kapag ang kanyang
nagawa naman ay kabutihan, ang magiging kabayaran nito ay mabuti. Bawat tao ay
may karapatan na mag desisyon batay sa kung ano ang kanyang naiisip,
nararamdaman o base sa sitwasyon. Subalit, ito ay dapat para sa kabutihang pansarili
at ng pamilya. Kaya sa modyul na ito, mahalagang malaman at matutunan na habang
maaga, suriin at pag-isipan ang bawat desisyon na gagawin.

A. Lagyan ng tsek (/) kung wasto ang isinasaad ng pangungusap hingil sa


pagpapamalas ng kahalagahan sa pagsunod sa mga tamang hakbang sa
paggawa ng desisyon at ekis (X) kung hindi.

_________1. Mahalagang pag-isipan nang mabuti ang bawat desisyon na


ating gagawin upang hindi magsisi sa huli.
_________2. Kailangang sundin ang ating nararamdaman at naiisip sa
paggawa ng desisyon.

1
_________3. Ang pagpapamalas ng isang desisyon ay hindi lamang para sa
sariling interes o benipisyo kundi para sa kabutihan din ng
pamilya.
_________4. Huwag nating hahayaan na tayo ay mapahamak dahil lamang
hindi natin pinag-isipang mabuti ang mga bagay na ating ginawa
o nagawa.
_________5. Sa pagdedesisyon, hindi mo kailangang isipin kung ano ang
magiging resulta kahit may masaktan ka pang iba.

IV. Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan, Pag-unawa:

Basahin ang tula:

Desisyon

Minsan dumarating sa buhay ng tao


Na siya ay naguguluhan at nalilito
Hindi alam kung saan tatakbo
Upang takasan ang magulong mundo.

Kung minsan din siya ay naipit


Sa desisyong na kanyang naiisip
Ngunit dapat nga bang ito ay ipilit
Kung di maganda magiging kapalit.

Kung sinusubok man kanyang katatagan


Manalig at sumampalataya lamang
Hindi ang dinidikta ng puso ang siyang batayan
Upang problema’y kanyang takasan.

Bago gawin, sanlibong beses isipin


Ang desisyon na nais niyang tahakin
Baka sa huli ay pagsisihan niya din
Desiyong nagawa, di na pwedeng bawiin.

Kaya nga hanggang may oras pa


Mag-isip ng mabuti at tama,
Humugot sa dasal ng lakas at pag-asa
Upang sa huli ay hindi mapariwara.

2
Sagutan: Ano ang nais iparating na mensahe ng tula? Nangyari na ba saiyo
ang isang pag dedisisyon?

• Self-Check

Tuklasin ang iyong sarili. Sa ibaba, nakalista ang mga pasusuri at


pagpapasya na nagpapakita ng iyong matalino at tamang pagdedisisyon
sa buhay. Lagyan ng (∕) ang hanay na nagawa ko na ba ito, kung naranasan
nyo na ang bawat sitwasyon na nakalagay sa unang hanay.

Mga Gawain Nagawa ko na


ba ito?

1. Bago ako mag pasya, akin


munang pinag-iisipan ang
magiging resulta ng aking
aking gagawing pagpapasya.
2. Sinisigurado ko na walang
masasaktan sa aking magiging
desisyon lalo na ang aking
pamilya.
3. May mga pangyayari sa aking
buhay na mas pinipili ko ang
makabubuti para sa lahat kesa
para sa aking pansariling
interes lamang.
4. Mas binibigyan ko ng pansin
ang pagtatama ng aking
nagawang maling desisyon.
5. Sa pagsusuri ko ng aking sarili,
kinukonsidira ko ang sinabi ng
aking magulang tungkol sa
akin.
6. Masaya ako kapag nakagawa
ako ng tamang desisyon para
sa ikabubuti ng lahat.
7. Nalulungkot ako kapag
nakagawa ako ng maling
desisyon.

3
V. Pagpapalalim:

• Ang paggawa ng desisyon ay bahagi na ng buhay. Sa simula pa lang


ng kasaysayan, ang mga lalaki at babae ay kailangan ng gumawa ng
desisyon. Kailangang pumili si Adan kung kanino siya makikinig, sa
Maylikha o kay Eva. Nagpasya man siya, pero ano ang tingin mo sa
desisyon niya? Dahil sa impluwensiya ng kanyang asawa, mali ang
pagpiling nagawa ni Adan. Kaya naiwala niya ang buhay sa Paraiso, at ng
maglaon, ang mismong buhay niya. Pero simula pa lang iyon ng masaklap
na resulta. Hanggang ngayon, dama pa rin natin ang naging desisyon ni
Adan. Sa ating buhay humaharap tayo sa maraming katanungan gaya ng
“ano”, “alin”, “paano”, at “bakit”. Kailangang gumawa tayo ng pasya mula sa
paggising sa umaga hanggang sa pagtulog sa gabi. Ang ilan sa mga
pasyang ginagawa natin ay maituturing na pangkaraniwan lamang,
samantalang ang iba naman ay may kabigatan dahil sa nakasalalay sa mga
ito ang pagbuo ng ating pagkatao at kapakanan ng kapwa.

• Alamin at naisin ang mabuti. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais
sa mabuti at totoo. Binigyan siya ng kakayahan upang malaman kung ano
ang mabuti at totoo. Ito ang pinakamainam na paliwanag sa katotohanang
nilikha upang mahalin ang Diyos at ang kabutihan.

• Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon. May ilang


gawaing kaugnay nito tulad ng pag-aaral ng sitwasyon, pangangalap ng
impormasyon, pagsangguni na sinusundan ng pagninilay na naghahatid sa
paghatol ng konsensya. Sa sandaling ito, nailalapat natin ang ating
nalalaman sa mga prinsipyo ng moralidad upang kilatisin ang mabuti sa
isang partikular na sitwasyon.

• Paghatol para sa mabuting pasya at kilos. Nahuhusgahan ang kabutihan


o kasamaan ng isang kilos. Ang hatol na ibibigay sa atin ang magsisilbing
resolusyon sa “krisis” na kinahaharap natin.

• Pagsusuri ng sarili. Pinagninilayan o binabalikan natin ang ating paghatol


upang matuto mula sa ating karanasan. Kung sa pagninilay ay mapatunayan
natin na tama ang naging paghatol ng konsensiya, kinukumpara natin ang
mabuti at masama at higit na pinagtitibay ang ating moralidad.

VI. Pagsasapuso:

➢ ACTIVITY 1:
Ang pagdedesisyon na masusing pinag-aralan ay mabuti ang
kalalabasan

4
• Essay

Sagutin ang mga sumunod na katanungan:

1. Bakit kaya naging bahagi na ng buhay ng tao ang pagdedesisyon?

2. Sa anong paraan mo maipapakita ang paggawa ng tamang desisyon na


makabubuti para sa lahat?

3. Mahalaga ba na suriin muna ang iyong sarili bago gumawa ng isang pasya?

4. Paano mo maipapamalas ang paggawa ng isang mabuting desisyon?

5. Bakit mahalaga na suriin mo muna ang iyong sarili sa paggawa ng isang


desisyon para sa lahat?

➢ ACTIVITY 2:
Ang mga natuklasan mo sa pagdedesisyon ay may malaking kaugnayan
sa iyong sarili

• Repleksyon

Punan ang bawat patlang ayon sa iyong karanasan sa araw-araw na


pamumuhay.

5
1. Gusto ko maging _________ na tao upang ako ay __________.
2. Gagawin ko ________ desisyon para sa ___________ ng lahat.
3. Palagi akong _________ng kamay upang sakit ay ________.
4. Mahalaga na __________ ko ang bawat _________ na aking gagawin.
5. Magiging ________ ako sa anumang __________ ng aking pasya.

Sagutin nang matapat ang mga tanong:

1. Sa anong pagkakataon nasubok ang iyong katatagan ng loob dahil sa


kinakailangan mo magpasya o sumang-ayon sa pasyang nabuo para sa pamilya?
2. Paano mo masisiguro na tama ang naging desisyon mo na ginawa? Ipaliwanag.
3. Ano ang batayan sa pagawa ng tama at mabuting pagdedisisyon

VII. Pagsasabuhay:

Ang matalinong pagdedesisyon, makatutulong sa bagong


panahon. Sa kasalukayan, marami tayong hinaing at problema sa
buhay ngunit lahat ng ating ginagawa ay nakabatay sa ating mga pasya
o desisyon sa buhay kung magiging ano at sino tayo.

Sa mga pagkakataong ikaw ay nahaharap sa matinding pagpapasya, lalo na


kung my kaakibat itong mabigat na rason, ano ang iyong gagawin upang maisagawa
mo nang tama ang iyong gagawing pagpapasya?

Ang mga hakbang sa paggawa ng isang desisyon ay mahalaga. Sa iyong


palagay, mahalaga rin ba na suriin mo rin ang iyong sarili sa paggawa ng hakbang sa
pagdedesisyon?

Bilang isang bata, papaano mo maipapakita ang paggawa ng isang mabuti at


tamang desisyon para sa lahat. Magbigay ng isa o dalawang halimbawa.

VIII. Pagtataya:

Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.

_________ 1. Nais mong magpabili ng bagong bag sa nanay mo dahil nakita


mo na may inabot na pera ang tatay mo ngunit nalaman mo na ang pera palang
iyon ay pambili ng gamot para sa kapatid mong may sakit. Nais mo pa bang
magpabili ng bagong bag kahit alam mong mas kailangan ito ng iyong kapatid?

a. Hindi po, kasi alam kong mas kailangan ng aking kapatid ang gamot
kaysa sa bag na gusto ko.

6
b. Opo, magpapabili pa rin ako kasi baka may sobra pa sa ibinigay ni tatay
na pera.
c. Opo, dahil gusto ko talaga magkaroon ng bagong bag.
d. Hindi po, dahil baka awayin ni tatay si nanay.

________ 2. Nasa ikaanim na baitang ka palang pero nais mo ng magkaroon


ng nobyo dahil meron na ang iyong ate na tapos na sa pag-aaral at
nagtatrabaho na. Sa iyong palagay, kailangan mo na ba magnobyo?

a. Hindi po, dahil ang pagkakaron ng nobyo ay preparasyon sa pag-


aasawa
b. Opo, kasi magtatapos na ako sa elementarya.
c. Hindi po, magpapaalam muna ako kay titser.
d. Opo, kasi kaya ko na ang aking sarili.

________ 3. Umalis ang nanay mo para magtrabaho. Kabilinbilinan niya na


huwag magpapasok ng kahit sino lalo na kung hindi mo kilala. Maya-maya may
kumatok at nagsabing may ipinakukuhang importanteng bagay sa loob ng
kwarto ng inyong bahay. Papapasukin mo ba ang taong ito?

a. Sasabihin ko sa kanya na binilin ng nanay ko na huwag magpapapasok


ng kahit na sino at kung kinakailangan hintayin niya nalang ito pag-uwi
galing sa trabaho.
b. Hahayaan lang siya dahil hindi ko naman iyon problema.
c. Sasabihan ko siya na bumalik nalang.
d. Papapasukin ko siya kasi kailangan.

________ 4. Nagpasya ang iyong mga magulang na patigilin kana sa iyong


pag-aaral sa pagtatapos mo sa ikaanim na baitang dahil sa kahirapan. Ano ang
iyong gagawin?

a. Kakausapin ang magulang at sasabihin ang desisyong mag-aral sa


kabila ng kahirapan.
b. Magsasaya dahil hindi mo na kailangan pang gumising ng maaga para
pumasok.
c. Magrerebelde at lalayas.
d. Titigil nalang.

________ 5. Sa anong paraan ka makatutulong upang maging madali ang


paglutas ng krisis pangkalusugan na kasalukuyang kinakaharap ng bansa?

a. Sa pagshare ng mga programa, magandang balita at aksyong


ginagawa ng gobyerno.

7
b. Sa pagkakalat ng maling balita/fake news.
c. Sa pagpost ng memes sa facebook.
d. Sa pagtitiktok.

IX. Kasunduan:

Magbigay ng isang desisyon na iyong nagawa na at kailanman


ay hindi mo malilimutan. Isulat ito sa iyong kwaderno.

8
Sanggunian:

https://www.google.com/search?q=learners+life+clip+art&tbm=isch&ved=
ESP 6 Curriculum Guide Rev.2016/inSlideshare
Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

You might also like