You are on page 1of 11

PAG

6
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Kwarter 1 – Modyul 1
(Linggo 1) PANANAGUTANG
PANSARILI

1
Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand names tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang–aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan ng walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Development Team of the Module

Manunulat: Leah Q. Rebaya

Tagasuri:

Tagaguhit:

Tagalapat:

Mga Tagapamahala: Maripaz T. Concepcion, Sheila C. Bulawan

2
I. Panimula

Mahal na mag-aaral, ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo upang


mapagtibay ang iyong pagpapahalaga at konsepto sa Edukasyon sa Pagpapakatao
6. Ito ay magsisilbing tulay sa iyo upang matutuhan ang mga aralin na nakapaloob
dito.

Ang mga panuto sa bawat gawain ay malinaw na nakasaad kaya


naman, basahin ito nang mabuti upang masagutan nang wasto.

Ang mga ito ay kayang-kaya mong sagutan nang walang gabay ng iyong guro
o ninuman. Ngunit, inaasahang ikaw ay magiging matapat sa pagsagot. Ito ay
binubuo ng pitong bahagi- Paunang Pagtataya, Pglinang ng Kaalaman,
Pagpapalalim, Pagsasapuso, Pagsasabuhay, Pagtataya at Kasunduan. Ang mga
bahaging ito ay inihanda para sa iyo upang magsilbi mong gabay upang masuri mo
nang mabuti ang mga bagay na may kinalaman sa iyong sarili at pangyayari.

II. Layunin

Nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili


at pangyayari.

III. Paunang Pagtataya:

Ang pagpapamalas ng isang desisyon ay hindi lamang para sa


sariling interes o benipisyo, kundi maraming bagay ang dapat isaalang-
alang. Sapagkat sa bawat desisyon na ating ginagawa ay may kaakibat
na kosekwensya. Tulad na lamang kapag ang isang tao ay nakagawa ng
masama, ang magiging kabayaran nito ay masama, at kapag ang
kanyang
nagawa naman ay kabutihan, ang magiging kabayaran nito ay mabuti. Bawat tao ay
may karapatan na mag desisyon batay sa kung ano ang kanyang
naiisip, nararamdaman o base sa sitwasyon. Subalit, ito ay dapat para sa kabutihang
pansarili at ng pamilya. Kaya sa modyul na ito, mahalagang malaman at matutunan
na habang maaga, suriin at pag-isipan ang bawat desisyon na gagawin.

A. Lagyan ng tsek (/) kung wasto ang isinasaad ng pangungusap hingil sa


pagpapamalas ng kahalagahan sa pagsunod sa mga tamang hakbang sa
paggawa ng desisyon at ekis (X) kung hindi.

1. Mahalagang pag-isipan nang mabuti ang bawat desisyon


na ating gagawin upang hindi magsisi sa huli.
2. Kailangang sundin ang ating nararamdaman at naiisip sa
paggawa ng desisyon.

1
3. Ang pagpapamalas ng isang desisyon ay hindi lamang para sa
sariling interes o benipisyo kundi para sa kabutihan din ng
pamilya.
4. Huwag nating hahayaan na tayo ay mapahamak dahil lamang
hindi natin pinag-isipang mabuti ang mga bagay na ating
ginawa o nagawa.
5. Sa pagdedesisyon, hindi mo kailangang isipin kung ano
ang magiging resulta kahit may masaktan ka pang iba.

IV. Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan, Pag-unawa:

Basahin ang tula:

Desisyon

Minsan dumarating sa buhay ng tao


Na siya ay naguguluhan at nalilito
Hindi alam kung saan tatakbo
Upang takasan ang magulong mundo.

Kung minsan din siya ay naipit Sa


desisyong na kanyang naiisip
Ngunit dapat nga bang ito ay ipilit
Kung di maganda magiging kapalit.

Kung sinusubok man kanyang katatagan


Manalig at sumampalataya lamang
Hindi ang dinidikta ng puso ang siyang batayan
Upang problema’y kanyang takasan.

Bago gawin, sanlibong beses isipin


Ang desisyon na nais niyang tahakin
Baka sa huli ay pagsisihan niya din
Desiyong nagawa, di na pwedeng bawiin.

Kaya nga hanggang may oras pa


Mag-isip ng mabuti at tama, Humugot
sa dasal ng lakas at pag-asa Upang sa
huli ay hindi mapariwara.
Sagutan: Ano ang nais iparating na mensahe ng tula? Nangyari na ba saiyo
ang isang pag dedisisyon?

• Self-Check

Tuklasin ang iyong sarili. Sa ibaba, nakalista ang mga pasusuri at


pagpapasya na nagpapakita ng iyong matalino at tamang pagdedisisyon
sa buhay. Lagyan ng (∕) ang hanay na nagawa ko na ba ito, kung
naranasan nyo na ang bawat sitwasyon na nakalagay sa unang hanay.

Mga Gawain Nagawa ko na


ba ito?

1. Bago ako mag pasya,


akin munang pinag-iisipan
ang magiging resulta ng
aking aking gagawing
pagpapasya.
2. Sinisigurado ko na walang
masasaktan sa aking magiging
desisyon lalo na ang
aking pamilya.
3. May mga pangyayari sa aking
buhay na mas pinipili ko
ang makabubuti para sa lahat
kesa para sa aking
pansariling interes lamang.
4. Mas binibigyan ko ng pansin
ang pagtatama ng aking
nagawang maling desisyon.
5. Sa pagsusuri ko ng aking sarili,
kinukonsidira ko ang sinabi ng
aking magulang tungkol sa
akin.
6. Masaya ako kapag nakagawa
ako ng tamang desisyon para
sa ikabubuti ng lahat.
7. Nalulungkot ako kapag
nakagawa ako ng maling
desisyon.
V. Pagpapalalim:

• Ang paggawa ng desisyon ay bahagi na ng buhay. Sa simula pa


lang ng kasaysayan, ang mga lalaki at babae ay kailangan ng
gumawa ng desisyon. Kailangang pumili si Adan kung kanino siya
makikinig, sa Maylikha o kay Eva. Nagpasya man siya, pero ano ang
tingin mo sa desisyon niya? Dahil sa impluwensiya ng kanyang
asawa, mali ang pagpiling nagawa ni Adan. Kaya naiwala niya ang buhay
sa Paraiso, at ng maglaon, ang mismong buhay niya. Pero simula pa lang
iyon ng masaklap na resulta. Hanggang ngayon, dama pa rin natin ang
naging desisyon ni Adan. Sa ating buhay humaharap tayo sa maraming
katanungan gaya ng “ano”, “alin”, “paano”, at “bakit”. Kailangang gumawa
tayo ng pasya mula sa paggising sa umaga hanggang sa pagtulog sa
gabi. Ang ilan sa mga pasyang ginagawa natin ay maituturing na
pangkaraniwan lamang, samantalang ang iba naman ay may kabigatan
dahil sa nakasalalay sa mga ito ang pagbuo ng ating pagkatao at
kapakanan ng kapwa.

• Alamin at naisin ang mabuti. Ang tao ay nilikha na may likas na


pagnanais sa mabuti at totoo. Binigyan siya ng kakayahan upang malaman
kung ano ang mabuti at totoo. Ito ang pinakamainam na paliwanag sa
katotohanang nilikha upang mahalin ang Diyos at ang kabutihan.

• Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon. May ilang


gawaing kaugnay nito tulad ng pag-aaral ng sitwasyon, pangangalap
ng impormasyon, pagsangguni na sinusundan ng pagninilay na naghahatid
sa paghatol ng konsensya. Sa sandaling ito, nailalapat natin ang
ating nalalaman sa mga prinsipyo ng moralidad upang kilatisin ang
mabuti sa isang partikular na sitwasyon.

• Paghatol para sa mabuting pasya at kilos. Nahuhusgahan ang kabutihan


o kasamaan ng isang kilos. Ang hatol na ibibigay sa atin ang magsisilbing
resolusyon sa “krisis” na kinahaharap natin.

• Pagsusuri ng sarili. Pinagninilayan o binabalikan natin ang ating paghatol


upang matuto mula sa ating karanasan. Kung sa pagninilay ay
mapatunayan natin na tama ang naging paghatol ng konsensiya,
kinukumpara natin ang mabuti at masama at higit na pinagtitibay ang ating
moralidad.

VI. Pagsasapuso:

➢ ACTIVITY 1:
Ang pagdedesisyon na masusing pinag-aralan ay mabuti ang
kalalabasan
• Essay

Sagutin ang mga sumunod na katanungan:

1. Bakit kaya naging bahagi na ng buhay ng tao ang pagdedesisyon?

2. Sa anong paraan mo maipapakita ang paggawa ng tamang desisyon na


makabubuti para sa lahat?

3. Mahalaga ba na suriin muna ang iyong sarili bago gumawa ng isang


pasya?

4. Paano mo maipapamalas ang paggawa ng isang mabuting desisyon?

5. Bakit mahalaga na suriin mo muna ang iyong sarili sa paggawa ng isang


desisyon para sa lahat?

➢ ACTIVITY 2:
Ang mga natuklasan mo sa pagdedesisyon ay may malaking
kaugnayan sa iyong sarili

• Repleksyon

Punan ang bawat patlang ayon sa iyong karanasan sa araw-araw na


pamumuhay.
1. Gusto ko maging na tao upang ako ay .
2. Gagawin ko desisyon para sa ng lahat.
3. Palagi akong ng kamay upang sakit ay .
4. Mahalaga na ko ang bawat na aking
gagawin.
5. Magiging ako sa anumang ng aking pasya.

Sagutin nang matapat ang mga tanong:

1. Sa anong pagkakataon nasubok ang iyong katatagan ng loob dahil


sa kinakailangan mo magpasya o sumang-ayon sa pasyang
nabuo para sa pamilya?
2. Paano mo masisiguro na tama ang naging desisyon mo na
ginawa? Ipaliwanag.
3. Ano ang batayan sa pagawa ng tama at mabuting pagdedisisyon

VII. Pagsasabuhay:

Ang matalinong pagdedesisyon, makatutulong sa bagong


panahon. Sa kasalukayan, marami tayong hinaing at problema
sa buhay ngunit lahat ng ating ginagawa ay nakabatay sa ating mga
pasya o desisyon sa buhay kung magiging ano at sino tayo.

Sa mga pagkakataong ikaw ay nahaharap sa matinding pagpapasya, lalo na


kung my kaakibat itong mabigat na rason, ano ang iyong gagawin upang maisagawa
mo nang tama ang iyong gagawing pagpapasya?

Ang mga hakbang sa paggawa ng isang desisyon ay mahalaga. Sa


iyong palagay, mahalaga rin ba na suriin mo rin ang iyong sarili sa paggawa ng
hakbang sa pagdedesisyon?

Bilang isang bata, papaano mo maipapakita ang paggawa ng isang mabuti at


tamang desisyon para sa lahat. Magbigay ng isa o dalawang halimbawa.

VIII. Pagtataya:

Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.

1. Nais mong magpabili ng bagong bag sa nanay mo dahil nakita


mo na may inabot na pera ang tatay mo ngunit nalaman mo na ang pera
palang iyon ay pambili ng gamot para sa kapatid mong may sakit. Nais mo pa
bang magpabili ng bagong bag kahit alam mong mas kailangan ito ng iyong
kapatid?
a. Hindi po, kasi alam kong mas kailangan ng aking kapatid ang gamot
kaysa sa bag na gusto ko.
b. Opo, magpapabili pa rin ako kasi baka may sobra pa sa ibinigay ni
tatay na pera.
c. Opo, dahil gusto ko talaga magkaroon ng bagong bag.
d. Hindi po, dahil baka awayin ni tatay si nanay.

2. Nasa ikaanim na baitang ka palang pero nais mo ng magkaroon


ng nobyo dahil meron na ang iyong ate na tapos na sa pag-aaral at
nagtatrabaho na. Sa iyong palagay, kailangan mo na ba magnobyo?

a. Hindi po, dahil ang pagkakaron ng nobyo ay preparasyon sa


pag- aasawa
b. Opo, kasi magtatapos na ako sa elementarya.
c. Hindi po, magpapaalam muna ako kay titser.
d. Opo, kasi kaya ko na ang aking sarili.

3. Umalis ang nanay mo para magtrabaho. Kabilinbilinan niya na


huwag magpapasok ng kahit sino lalo na kung hindi mo kilala. Maya-maya
may kumatok at nagsabing may ipinakukuhang importanteng bagay sa
loob ng kwarto ng inyong bahay. Papapasukin mo ba ang taong ito?

a. Sasabihin ko sa kanya na binilin ng nanay ko na huwag


magpapapasok ng kahit na sino at kung kinakailangan hintayin niya
nalang ito pag-uwi galing sa trabaho.
b. Hahayaan lang siya dahil hindi ko naman iyon problema.
c. Sasabihan ko siya na bumalik nalang.
d. Papapasukin ko siya kasi kailangan.

4. Nagpasya ang iyong mga magulang na patigilin kana sa iyong


pag-aaral sa pagtatapos mo sa ikaanim na baitang dahil sa kahirapan. Ano
ang iyong gagawin?

a. Kakausapin ang magulang at sasabihin ang desisyong mag-aral


sa kabila ng kahirapan.
b. Magsasaya dahil hindi mo na kailangan pang gumising ng maaga para
pumasok.
c. Magrerebelde at lalayas.
d. Titigil nalang.

5. Sa anong paraan ka makatutulong upang maging madali


ang paglutas ng krisis pangkalusugan na kasalukuyang kinakaharap ng
bansa?
a. Sa pagshare ng mga programa, magandang balita at
aksyong ginagawa ng gobyerno.
b. Sa pagkakalat ng maling balita/fake news.
c. Sa pagpost ng memes sa facebook.
d. Sa pagtitiktok.

IX. Kasunduan:

Magbigay ng isang desisyon na iyong nagawa na at kailanman


ay hindi mo malilimutan. Isulat ito sa iyong kwaderno.
Sanggunian:

https://www.google.com/search?q=learners+life+clip+art&tbm=isch&ved=
ESP 6 Curriculum Guide Rev.2016/inSlideshare
Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

You might also like