You are on page 1of 16

6

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pagkamapanagutan
Ikalawang Markahan - Unang Linggo

1|Pah in a
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO – Ikaanim na Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Pagkamapanagutan
Ikalawang Markahan - Unang Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang
parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Manunulat: Jocelyn A. Villaviray


Editor/Tagasuri: Bonnie P. Apostol
Tagaguhit/ Taga-anyo: Anna Lea D. Felismenia
Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle Ablian-Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Lani A. Miraflor EdD
Ronald Ryan L. Sion
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Schools Division of Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzam
PAGKAMAPANAGUTAN

Panimula

Naranasan mo na bang mangako sa isang tao? Natupad mo ba ito? Masasabi


mo bang ikaw ay may isang salita?
Ang pagbibitaw ng pangako ay may kaakibat na responsibilidad o
pananagutang dapat itong tuparin. Dapat mong isipin na sa bawat pangakong
napako, tiwala ng kapwa ang mawawala. Kaya naman iyong tandaan na ang
pagtupad sa pangako ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa iyong sarili at sa tiwala
ng iyong kapwa.
Sa iyong palagay, paano ipinakikita ang pagkamapanagutan sa pagtupad ng
pangako? Halina’t ating pag-aralan at matuto sa talakayan.

Kasanayang Pampagkatuto

Naipakikita ang kahalagahan ng pagiging responsible sa kapwa: pangako o


pinagkasunduan – (EsP6P-IIa-c-30)

Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Gawaing Pagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:


a. Naipakikita ang mga paraan ng pagtupad ng pangako o pinagkasunduan,
b. Nakasusunod sa mga patakaran sa tahanan at paaralan ayon sa
napagkasunduan,
c. Naiuugnay ang sariling karanasan ng pagiging responsible sa pagtupad
sa pangako o pinagkasunduan.

1|Pah in a
Balik Aral

Ano-ano ang mga paraan ng pagkalap ng impormasyon? Piliin ang mga


sangguniang palagi mong ginagamit upang makakuha ng impormasyon. Isulat ito
sa iyong sagutang papel at banggitin kung anong mga impormasyon ang madalas
mong nakukuha sa mga ito.

1.

2.

3.

4.

5.

2|P ah ina
Pagtalakay sa Paksa

Pangakong Napako
ni Jocelyn A. Villaviray

Si Lourd at Dominick ay magkaibigan, sa lahat ng lakaran sila ay laging


nagyayayaan. Magaling sa Matematika si Lourd at sa Ingles naman si Dominick.
Kapag may hindi maunawaan ang bawat isa sa kanilang kahinaan ay hindi sila nag-
aatubiling magtulungan.

May proyekto ang magkaibigan sa Matematika kaya naman kinausap agad ni


Dominick si Lourd ukol dito. “Lourd, dating gawi ha, tulungan mo ako upang
matapos ang aking proyekto”, sabi ni Domincik. “Huwag kang mag-alala ako ang
bahala sa iyo, matatapos natin iyan”, sagot ni Lourd. Pagkatapos ng klase ay ibinaba
lamang ni Lourd ang gamit. “Nanay aalis muna ako, pupunta ako kina Dominick
upang tulungan siyang gawin ang aming proyekto sa Matematika”, paalam ni Lourd.
“Sige, papayagan kita ngunit siguraduhin mong huwag magpapagabi ha,” sagot ni
aling Josie. “Salamat po inay, opo uuwi po ako bago mag-alas sais”, patakbong
tinuran niya.

Dahil sa may kahirapan ang kanilang proyekto ay hindi agad natapos ng


magkaibigan ang kanilang proyekto. “Sa Sabado na lamang natin ituloy gawin ito
Dominick, mag-aalas sais na kailangan ko nang umuwi dahil iyon ang paalam ko
kay nanay”, wika ni Lourd. “Anong oras ka paparito sa Sabado?”, tanong ni
Dominick. “Pagkapananghalian ay pupunta na ako dito,” sabi ni Lourd. “Hihintayin

3|Pah in a
kita kung ganun sa Sabado, umuwi ka na upang hindi ka na masyadong gabihin,
mag-iingat ka”, paalala ni Dominick sa kaibigan. At umuwi na nga si Lourd.

Pagsapit ng Sabado, umaga pa lamang ay abala na si Lourd sa gawaing


bahay. Tinapos niya ng maaga ang lahat ng kaniyang gagawin upang matulungan
si Dominick, dahil dito ay nakapananghalian sila ng maaga. Paalis na sana siya ng
tinawag siya ni James. “Lourd, halika maglaro muna tayo ng basketbol sa plasa”,
aniya. “Naku, pupunta ako kina Dominick upang tapusin ang ating proyekto sa
Matematika”, sagot ni Lourd. “Mamaya na lamang, maaga pa naman, halika na at
ng makapaglaro na tayo, pamimilit ni James. Dahil sa pagnanais din niyang
makapaglaro ay sumama siya. Lumipas ang dalawang oras, naalala niya ang
pangako sa kaibigan. Dali-dali siyang nagpaalam at patakbong tinungo ang bahay
nina Dominick. Pagdating doon ay natapos na ni Dominick ang kanyang proyekto
sa tulong ng kanyang kuya. “Pasensiya ka na, niyaya ako ni James maglaro sa
plasa, nawili ako kaya ngayon lamang ako nakarating”, nanlulumong paliwanag ni
Lourd. “Sa susunod, huwag kang mangangako kung hindi mo kayang tuparin”.
malungkot na tugon ni Dominick. “Hindi na ako mangangako akin na lamang itong
gagawin huwag ka sanang magalit sa akin’, pagsusumamo ni Lourd. “Dahil mabuti
ka namang kaibigan, ikaw ay aking patatawarin, ngunit dapat mong tandaan na sa
bawat pangako mong napapako kawalan ng tiwala sa iyo ang kapalit”, paalala ni
Dominick.

Tayahin ang pang-unawa:


Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba ayon sa kwentong inyong binasa.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Sino-sino ang dalawang magkaibigan?

2. Anong asignatura ang kahinaan ni Dominick na siya namang kagalingan ni


Lourd?

3. Paano ipinakita ni Lourd ang pagtupad niya sa kasunduan nila ng kanyang inay?

4. Ano naman ang kasunduan nila ni Dominick? Natupad ba ito? Bakit?

5. Anong aral ang natutunan mo sa kuwentong binasa?

Ang lahat ay nakararanas na mabigyan ng pangako, at nagbibigay din tayo


ng pangako. Ang tanong, iniisip ba natin ang anomang pangakong ibinibigay
natin? Paano kung may mga pagkakataong hindi natin iyon natutupad dahil simple
lang ang ipinangako, kaya puwede itong hindi tuparin.

Narito ang ilan sa mga paalala upang matulungan tayo sa ating pagsisikap
na maging mapanagutan sa bawat pangakong ating binibitiwan.

4|P ah ina
1. Laging isipin na “Ang pangako ay pangako”. Walang simple o kumplikado
mahirap o madaling gawing mga pangako, dahil ang laging nakabigkis sa ating
mga salita ay ang pananagutan sa pagtupad nito.

2. Mag-isip munang mabuti bago magbigay ng pangko. Iyon lang kaya mong gawin
ang ipangako. Sabi nga, “Huwag mong ipangako ang buwan, kung hindi mo ito
kayang ibigay”.

3. Laging pag-isipan na bawat pangakong ibinibigay sa iba ay kontrata din sa iyong


sarili. Higit sa lahat, ayaw natin mapahiya sa iba.

4. Maghanda rin sa mga hindi maiiwasang pangyayari na maaaring maging hadlang


sa iyong ibinigay na pangako, halimbawa ikaw o ibang kasapi ng pamilya ay
nagkasakit, mayroong biglaang problema sa tahanan o paaralan, at iba pang
mga pangyayaring di maiiwasan. Kapag nangyari ito, buong katapatang humingi
ng paumanhin.

5. Tandaan na ang pagtupad sa pangko ay larawan ng iyong katapatan sa


kapwa.

Higit sa lahat, ang pagiging mapanagutan sa pagtupad ng pangako ay


tanda ng mabuting pagkatao o karakter. Ang karakter ang nagpapatibay sa
pagkakaroon ng tiwala na bunga ng pagiging mapanagutan.

Ang iyong salita ay mahalaga. Tuparin ang bawat pangako.

Tandaan: Ang pagtupad sa ipinangako ay isang ugaling hangad natin na taglay ng


bawat taong makasasalamuha natin. Ito ay dahil alam natin na ang pagtatagal at
ikagaganda ng bawat ugnayan sa pagitan ng mga tao ay nakasalalay sa tiwalang
ipanagkaloob ng bawat isa sa kaniyang kasama. Kapag may pagdududa ka sa
pagiging may isang salita ng iyong kasama at hindi ka sigurado sa kaniyang
katapatan, malamang na ganoon din ang magiging pakikitungo niya sa iyo. At ang
isang ugnayan na walang tiwala sa isa’t isa ay tiyak na hindi magtatagumpay sa
layunin nito.

5|Pah in a
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1 – Kilalanin Mo Ako

Panuto: Punan ang patlang ng tamang salita upang mabuo ang diwa. Piliin ang titik
ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel

1. Iyon lang kaya mong gawin ang ipangako. __________________ muna ng mabuti
bago magbigay ng pangako.
a. Magdesisyon b. Mag-isip c. Magtanong d. Magmadali
2. Laging pag-isipan na bawat pangakong ibinibigay sa iba ay _______________ din
sa iyong sarili.
a. kontrata b. katuwaan c. kalokohan d. katapangan
3. Tandaan na ang pagtupad sa pangko ay larawan ng iyong _________________
sa kapwa.
a. Kasinungalingan b. kalituhan c. kayabangan d. katapatan
4. Maghanda rin sa mga hindi maiiwasang pangyayari, kapag nangyari ito buong
katapangang humingi ng ___________________.
a. paumanhin b. tulong c. payo d. pahintulot
5. Walang simple o kumplikado mahirap o madaling gawing mga pangako, dahil
ang laging nakabigkis sa ating mga salita ay ang _______________ sa pagtupad nito.
a. pananagutanb. pagyayabang c. pagsusumamo d. katuwaan

Pinatnubayang Pagsasanay 2- Mapanuring Isip

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagtupad sa


pangko at MALI kung hindi. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

________1. Umuuwi ako pagkatapos ng klase dahil iyon ang patakaran sa bahay.
________2. Nag-aaral ako kahit wala sila nanay at tatay dahil iyon ang pangako ko.
________3. Isinasauli ko ang anumang bagay na hiniram ko sa napagkasunduan
araw.
________4. Ginagawa ko ang aking takdang aralin at ipinapasa ito sa takdang araw.
________5. Inuutos ko ang gawaing nakaatang sa akin sa aking nakababatang
kapatid.

6|P ah ina
Pinatnubayang Pagsasanay 3- Bugso ng Damdamin
Panuto: Sa paaralan ay may mga patakaran na pinagkakasunduan sa pagitan ng
mga mag-aaral, mga guro at mga magulang. Iguhit ang kung nagpapakita
ito ng pagtupad sa kasunduan at kung hindi. Iguhit ito sa sagutang papel

________1. Magsuot ng tamang uniporme pagpasok ng paaralan.


________2. Ilagay ang mga basura sa tamang lagayan sa basurahan
________3. Sulatan ang pader sa paaralan.
________4. Iwasan ang magtakbuhan sa loob ng paaralan.
________5. Pumila ng maayos sa oras ng flag ceremony.
________6. Bumati sa mga guro saan man sila makita.
________7. Makibahagi sa mga programa ng paaralan.
________8. Maglaro sa klase habang nagtuturo si titser.
________9. Iwasang lumiban sa paaralan.
________10. Kailangang dumalo ng mga magulang sa pagpupulomg sa
paaralan.

Pang-isahang Pagsasanay – Pangakong napako

Panuto: Umisip ng 5 pangyayari sa inyong buhay kung saan ay hindi ka tumupad


sa pangako o kasunduan. Itala sa tapat nito ang bunga ng iyong ginawa at kung
ano ang nararapat na gawin upang maitama ito. Isulat ito sa sagutang papel.

Mga hindi natupad na


Bunga nito Dapat gawin
pangako

7|Pah in a
Pagsusulit

Panuto: Suriin at ibigay kung anong kasunduan ang dapat mong tuparin sa bawat
larawang ipinapakita sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

1.

2.

8|P ah ina
3.

4.

5.

9|Pah in a
Pangwakas

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Lagyan ng tsek (√) ang
tapat ng bilang kung nagpapakita ng mabuting gawi sa pagtupad sa pangako o
kasunduan at ekis (x) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Sinasabi ang totoo kahit alam mong nababahala ang iyong kaibigan.

2. Sinisikap mong tuparin ang iyong pangako na magsisimba at magdarasal


sa isang takdang oras o araw.

3. Tinutupad mo ang pangako mo na hindi na mahuhuli sa flag ceremony.

4. Nanghihiram ka ng pera sa iyong kaibigan kahit alam mong wala kang


pambayad.

5. Nagsasabi ng mga salitang makaaapekto sa mga miyembro ng pamilya.

6. Tinutupad ang anumang pinagkasunduan sa tahanan man o sa paaralan.

7. Matatag sa iyong paninindigan na maging responsible at produktibo.

8. Nagbabayad ng utang sa itinakdang araw.

9. Ginagawa ang lahat upang matupad ang bawat ipinangako mo.

10. Tinutupad ang iyong tungkulin bilang isang mamamayang Pilipino na


pangalagaan ang ating kapaligiran.

10 | P a h i n a
11 | P a h i n a
Kilalanin Mo Ako
1. C 2. A 3. D 4. D 5A
Mapanuring isip
1. Tama 2. Tama 3. Tama 4. Tama 5. Mali
Bugso ng Damdamin
1. 2. 3. 4. 5.
6. 7. 8. 9. 10.
Pagusulit
1.Magsuot ng uniporme sa pagpasok sa
paaralan
2.Umuwi sa tama o nakatakdang oras upang
sa hapag palaging buo ang pamilya.
3.Huwag tumawid sa kalsada kung
pinahihinto ng pulis, hintayin ang kanyang
hudyat bago tumawid.
4.Iwasang mag-ingay sa silid-aklatan
Magbasa lamang ng tahimik dito
5. Tumayo ng tuwid at umawit ng taos-puso
habang inaawit ang Lupang Hinirang
Pangwakas
1. √ 5. x 9. √
2. √ 6. √ 10. √
3. √ 7. √
4. x 8. √
Susi sa Pagwawasto
PUBLICATION AND TRADING, INC. and Helen G. Trinidad
Growing in Changing Times for Grade 6, 2013, Philippine Copyright 2012, VICARISH
Gregorio Araneta Avenue, Quezon City, Philippines
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon Ikaanim na Baitang, Vibal Group Inc. 1253
Mga Sanggunian
Pasasalamat

Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales


ang taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng
tagumpay para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag
at pamamahagi ng Ikalawang Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang
tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng naaangkop na kagamitang
pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
(MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga pamantayan ng
pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:

Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga


manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan
upang makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at
mga tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang
kawastuhan at katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng
Edukasyon;

Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang


patuloy na paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang gugugulin sa
paglilimbag ng mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga
magulang at mag-aaral sa tahanan.

Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat


asignatura sa kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro,
sa kanilang lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na
pagsubaybay sa pag-unlad ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at

Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy


sa kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay
upang maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang
bawat mag-aaral na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.

12 | P a h i n a
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong
panahon ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay
na malasakit na pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.

Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna, maaaring sumulat o
tumawag sa:

Schools Division of Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like