You are on page 1of 3

DIAGNOSTIC TEST ESP 6

NAME___________________________________ SCORE__________

I - Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat
sa sagutang papel.

1. Nabalitaan mo sa iyong mga kaklase ang paninirang puri sa iyo ng iyong matalik
na kaibigan. Ano ang iyong gagawin?
a. Isusumbong ko siya sa nanay nya
b. Kakausapin ko siya ng maayos
c. Ipagsasabi ko lahat ang ginawa din nyang hindi maganda
d. Magsasawalang kibo na lamang ako.
2. Nalaman mo na iyong kuya ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Ano ang
iyong gagawin?
a. Isusumbong ko siya sa pulis na nag ooplan tokhang
b. Ipagsasabi ko sa aking kaibigan na ang kuya ko ay adik
c. Sasabihin ko sa aking nanay na siya na ang kumausap sa kuya mula sa kanyang
sitwasyon
d. Ipagsasawalang kibo ko na lamang ang mali nyang gawi
3. Nakita mo ang iyong kaklase na nangungupit sa pitaka ng iyong guro. Ano ang
iyong gagawin mo?
a. Sasabihin kong hindi mag-iingay kung ako’y hahatian nya
b. Isusumbong ko agad siya sa aming guro upang siya’y mapahiya.
c. Pakikiusapan ko siya na ibalik niya ang kanyang perang kinuha dahil hindi ito
tama
d. Ipamamalita ko sa aking mga kaklase ang kanyang ginawa.
4. Niyayaya ka ng iyong kaklase na maligo sa ilog ng walang paalam.Sasama ka ba?
a. Oo, dahil masarap maligo sa ilog
b. Oo, dahil malapit lang naman ang ilog sa aming bahay
c. Hindi, dahil wala ka naman pampalit na damit
d. Hindi, dahil hindi pa ako nagpapaalam at pinapayagan
5. Kabilang ka sa mga hurado ng isang paligsahan sa pag-awit. Sa isang lupon ay
naroon ang is among pamangkin. Hindi maganda ang ipinamalas na pagganap ng
pangkat na iyon subalit mataas ang ibinigay mong puntos. Tama ba ang iyong
ginawa?Bakit?
a. Oo, dahil kabilang sa pangkat ang pamangkin ko
b. Oo, dahil para sa akin maganda naman ang kanilang ipinakita
c. Hindi, dahil hindi ibig sabihin na pamangkin mo ang kasali ay papanaluhin mo
kahit alam mong hindi sila ang pinakamahusay
d. Hindi, dahil patas lang naman ang desisyon na panaluhin sila

II - Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng puso ang patlang kung ang
pangungusap ay nagpapakita ng tamang pag gamit ng impormasyon at ekis X
kung hindi.

______ 1. Natalakay sa kaklase nila Marie ang masamang epekto ng paninigarilyo sa


ating katawan. Napanuod din nya ito sa balita. Kaya naman hindi nya ito ginagawa kahit
na niyaya sya ng ibang kaklase dahil alam nyang ito ay mali.

______ 2. Nagkaroon ng programa sa inyong barangay ng tamang pagtatapon ng


basura. Tinuruan kayo kung ano ang mga dapat gawin para sa mabawasan ang basura at
makatulong sa kalikasan. Pagdating mo sa bahay ay ginawa mo ang iyong natutunan
upang makiisa sa programa ng barangay.

______ 3. Lagi kang pinaalalahanan ng iyong magulang na huwag makikipag-away dahil


hindi ito makakabuti sa iyo at sa iyong kapwa. Pinag-aralan nyo din sa inyong klase ang
importansya ng mabuting makikisama sa inyong kapwa at ang pakikipag-usap ng
mahinahon ang dapat gawin. Isang araw, ay nakita mong inaaway ng isang bata ang iyong
kapatid dahil sa inis mo ay nasuntok at natulak mo ang batang umaaway sa iyong
kapatid.

_______ 4. Lagi mong napapanuod sa telebisyon na laging maging handa sa mga


kalamidad na maaring maranasan ng ating bansa o pamayanan. Binalewala mo ang
impormasyong ito kaya naman nang dumating ang kalamidad ay hindi ka handa.

_______ 5. Ikaw ay naglalakad papuntang silid-aralan ng Makita mong mahulog ang


pera ng batang babaeng nasa unahan mo. Walang ibang tao at nagkataon wala kang
baon. Pinulot mo ito pero naalala mo ang mga paalala ng iyong magulang na laging gawin
ang tama. Kaya naman tinawag mo ang batang babae at binalik ibinigay ito sa kanya.

III - Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod.

________ 1. Gamitan ng talino ang pagpapasiya.


________ 2. Isipin ang kapakanan ng iba bago ang sa iyo sa pagpapasya.
________ 3. Hindi na dapat pansinin pa ng iba, magpasiya ka agad.
________ 4. Huwag mo nang pag-isipang mabuti ang mga direksyon.
________ 5. Isipin mo kung ano ang ikabubuti ng lahat, pagkatapos magpasya ka na.
________6.Maging maingat sa pagbuo ng pasya.
________7.Magpasya ng naaayon sa sariling kaalaman lamang.
________8.Mangalap ng iba’t ibang impormasyon para sa wastong pagdidisisyon.
________9.Kailangan ng maraming ebidensya sa pagbuo ng pasya.
________10. Isiping mabuti ang sarili sa pagbubuo ng pasya . .
. _________11.Hindi ko isasaalang-alang ang kapakanan ng iba sa pagpapapsiya.
________12. Pipiliin ko ang pagdedesisyon ng tama para sa ikabubuti ng lahat.
________13. Dapat pag aralan ang isang sitwasyon bago makapagpasiya.
________14. Mas piliiin sa pagpapapsiya ang bagay na makabubuti lamang para sa iyong
sarili.
________15. Dapat maging matalino sa pagpapasiya.

IV - Sagutin ang sumusunod na pangungusap ng Oo o Hindi.

__________1. Nalulutas mo ba ang iyong mga suliranin.?


__________2. Malaya ka bang nakpagpapapsiya.?
__________3. Batay ba sa tamang kaalaman ang paglutas mo ng iyong suliranin .
. __________4.Iniiwan mo ba ang iyong problema ng walang kalutasan?
__________5. Idinudulog mo ba ang iyong problema sa mga nakatatanda sa iyo?
__________6. Pinag-aaralan mo bang mabuti ang pangyayari bago magpasya.
__________7. Kaya mo bang lumutas ng iyong suliraning mag-isa.
__________8. Nagbibigay ka ba ng problema sa iyong pamilya .
__________9. Mahalaga bang humingi tayo ng tulong para malutas ang ating suliranin?
__________10. Nagpapasya ka ba ng suliranin ng biglaan.
__________11. Gumagamit ka ban g talino sa pagpapasya?
__________12. Isipin ang kapakanan ng iba bago ang sa iyo sa pagpapasya?
__________13. Hindi na dapat pansinin pa ang iba, magpapasya ka agad.
__________14. Huwag mo ng pag=isipang mabuti ang mga desisyon.
__________15.Isipin mo kung ano ang ikabubuti ng lahat, pagkatapos magpasya ka na.

You might also like