You are on page 1of 20

6

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
Pagpapangkat ng mga Salitang
Magkakaugnay
Filipino– Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Pagpapangkat ng mga Salitang Magkakaugnay
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim : Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Romel C. Roque

Tagasuri ng Nilalaman : May Crisette L. Magayon


Tagasuri ng Wika : May Crisette L. Magayon
Tagasuri ng Paglapat : Romel C. Roque
Tagapamahala : Gregorio C. Quinto, Jr.
Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Anastacia N. Victorino
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
6

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
Pagpapangkat ng mga Salitang
Magkakaugnay
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba‟t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi
ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain
at pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para sa iyo. Ito ay nakaayon sa


Most Essential Learning Competencies (MELCs) at nilikha upang matulungan
ang mga mag-aaral na kagaya mo na matutuhan ang iba‟t ibang aralin sa
Filipino 6. Saklaw ng modyul na ito na maging angkop ang iyong kasanayan sa
iba‟t ibang sitwasyon ng pagkatuto.
Binuo ang modyul na ito upang malinang ang iyong kaalaman tungkol sa
paggugrupo ng mga salitang may kaugnayan sa isa‟t isa.

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


 napapangkat ang mga salitang magkaugnay; at
 nakagagawa ng patalastas at usapan gamit ang iba‟t ibang bahagi ng
pananalita.

Subukin

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng mga salita ang magkakaugnay?
a. mabait, mabuti, huwaran
b. mabait, masama, huwaran
c. mabait, matalinghaga, huwaran
d. mabait, matalino, idolo
2. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng mga salita ang magkakaugnay?
a. pandama, pang-amoy, pangkanta
b. pandinig, pandama, pang-amoy
c. panlakad, pandama, pang-amoy
d. panlakad, pantakbo, pandama
3. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng mga salita ang magkakaugnay?
a. editoryal, pahinang panlibangan, obitwaryo
b. editoryal, patalastas, obitwaryo
c. ulong balita, pahinang panlimbagan, obitwaryo
d. ulong balita, patalastas, pahinang panlibangan

1
4. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng mga salita ang magkakaugnay?
a. pabalat, talaan ng nilalaman, pahina ng editoryal
b. pangalawang salita, pabalat, talaan ng nilalaman
c. talaan ng nilalaman, pabalat, glosari
d. talaan ng nilalaman, pantakip, pabalat
5. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng mga salita ang magkakaugnay?
a. Andres Bonifacio, Dr. Jose Rizal, Douglas MacArthur
b. Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Marcelo del Pilar
c. Ferdinand Magellan, Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio
d. Ninoy Aquino, Ferdinand Magellan, Dr. Jose Rizal
6. Alin sa mga sumusunod na salita ang kabilang sa pangkat ng mga salitang
magkakaugnay? Lunes, Miyerkules, Sabado, ___________
a. Ligo b. Linga c. Linggo d. Lingo
7. Alin sa mga sumusunod na salita ang kabilang sa pangkat ng mga salitang
magkakaugnay? juice, kape, softdrinks, ___________
a. gatas b. kanin c. tinapay d. ulam
8. Alin sa mga sumusunod na salita ang kabilang sa pangkat ng mga salitang
magkakaugnay? bundok, burol, talampas, ___________
a. ilog b. kapatagan c. karagatan d. look
9. Alin sa mga sumusunod na salita ang kabilang sa pangkat ng mga salitang
magkakaugnay? line graph, bar graph, pie chart, ___________
a. barometer b. photograph c. pictograph d. seismograph
10. Alin sa mga sumusunod na salita ang kabilang sa pangkat ng mga salitang
magkakaugnay? bahay, palengke, plaza, ___________
a. busilak b. munisipyo c. pangarap d. tanawin

Balikan

A. Panuto: Buoin ang patalastas. Piliin ang wastong salita mula sa kahon at isulat ito
sa nakalaang mga patlang.

ng online manood

tungkol sa Facebook live

2
PATALASTAS
Nananawagan ang Samahang Makakalikasan sa lahat ng residenteng
naninirahan sa Barangay Maligaya na (1)_____________ sa (2)_____________
ng proyekto (3)_____________ BMPP o “Basura Mo, Pangkatin Project”.
Gaganapin ito sa (3)_____________, ika-15 ng Mayo 2021 sa ganap na ikawalo
ng umaga. Layunin nito na mabigyang kaalaman ang mga mamamayan
(5)_____________ tamang proseso ng paghihiwalay ng mga basura.
Para sa inyong mga katanungan, mangyari lamang na tumawag sa
numerong 0932-241-1550 o makipag-ugnayan kay Kagawad Eli dela Cruz.
--- Salamat po!

B. Panuto: Buoin ang usapan ng magkaibigan sa ibaba sa pamamagitan ng


pagsalungguhit sa angkop na salita sa loob ng bawat panaklong.

.
Ang Magkaibigan

Marko : Nabalitaan mo ba ang isasagawa (1)_____________ [ng, nang, g]


Facebook live ng Samahang Makakalikasan?
Victor : Oo, nakita ko ngang nakapaskil ang patalastas nito sa tindahan malapit
sa ating Barangay Hall.
Marko : Sasabihan ko sila inay na (2)_____________ [manood, nanonood,
nanood] noon.
Victor : Ako man, babanggitin ko kina tatay upang malaman din nila ang
wastong gagawin (3)_____________ [ayon sa, hinggil sa, alinsunod sa]
paghihiwa-hiwalay ng basura.
Marko : Tiyak na marami ang matutuwa (4)_____________ [subalit, datapwat,
dahil] maganda ang hangarin ng samahan.
Victor : Tama, sigurado ako na (4)_____________ [kami, sila, ikaw] ay
makikiisa sa panonood. Magkaibigan nga talaga tayo Marko. Hindi lang
sa salita maging sa ganitong mga gawa.

3
Tuklasin

Panuto: Basahin ang maikling kuwento sa ibaba.


Kayang-kaya kung Sama-sama
Ni: Romel C. Roque, PhD

Maagang gumising ang pamilya Cruz sa araw na iyon upang magsimula ng


kanilang gawain. Ang bawat isang miyembro nila ay may kani-kaniyang
responsibilidad na ginagampanan.
Si Tatay Ruben, bilang haligi ng tahanan ang siyang namamahala sa mga
gawain gaya na lamang ng paglilinis ng bakuran. Siya ang nagpapangkat ng
kanilang mga basura. Hinihiwalay niya ang mga nabubulok sa hindi nabubulok na
basura. Ang mga supot na plastik at mga bote ay kaniyang iniipon sa isang lagayan.
Samantala, inilalagay naman niya sa compost pit ang mga nabubulok na basura
sapagkat ang mga ito ay magiging pataba kapag nagtagal.
Gawain naman ni Nanay Marina ang paglilinis ng loob ng tahanan. Bitbit ang
panlampaso at timba na may tubig, nililinis niyang mabuti ang sahig. Gamit ang
sabon at basahan, pinupunasan niya ang alikabok sa mesa maging sa bintana.
Ang panganay sa magkakapatid na si Kuya Bong ay nagtatanim ng halaman
sa mga oras na iyon. Dala ang pala at asarol, matiyaga siyang nagtatanim ng mga
punlang halaman sa munti nilang hardin. Bagaman at maliit lamang ito, pinananatili
niya ang kalinisan nito.
Ang ate na si Carla ang nangangasiwa sa pag-aayos ng kanilang
pinagkainan. Siya ang nakatalaga sa pag-uurong ng mga baso at plato maging sa
mga kutsara at tinidor. Hilig niya ang gawaing ito sapagkat bata pa lamang ay
nakagawian na niya itong gawin.

4
Samantala, makikita rin sa loob ng bahay ang bunso sa mag-anak. Walang
iba kung hindi ang batang si Letlet. Siya ay nasa ikatlong baitang pa lamang. Siya
ang nagwawalis ng mga kalat dito gamit ang walis at kung minsan ay ang tambo.
Makabubuti sa isang pamilya ang pagkakaroon ng paghahati sa mga gawaing
bahay. Nakatutulong ito upang matanim sa isipan ng bawat isa lalo na sa mga anak
ang pagiging responsable. Ang pagtulong sa mga magulang ay nagpapakita rin ng
tunay na pagmamahal sa kanila. Tunay ngang ang lahat ay kayang-kayang gawin
lalo na kung sama-sama at nagtutulungan ang bawat isa.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng wastong sagot
sa patlang bago ang bilang.
___ 1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
a. Tatay Ruben, Nanay Marie, Kuya Bong, Ate Carla at Letlet
b. Tatay Ruben, Nanay Marina, Kuya Bong, Ate Carla at Lotlot
c. Tatay Ruben, Nanay Marina, Kuya Bong, Ate Carla at Letlet
d. Tatay Ruben, Nanay Marina, Kuya Bong, Ate Cara at Letlet
___ 2. Ano ang pamagat ng binasang akda?
a. Kaya Natin „to
b. Kayang-kaya kung Sama-sama
c. Kayang-kaya kung Tulong-tulong
d. Sama-sama tayo
___ 3. Bakit inilalagay ni Tatay Ruben sa compost pit ang mga nabubulok na
basura?
a. nagiging pataba ang mga ito kapag nagtagal
b. nais niya lamang itong gawin
c. sapagkat wala ng iba pang malagyan
d. utos ito ng kaniyang asawa
___ 4. Ano ang ginagawa ni Nanay Marina?
a. paghuhugas ng pinggan
b. paglalaba ng mga damit
c. paglilinis ng loob ng tahanan
d. pagwawalis sa harapan ng bahay
___ 5. Bakit mahalaga ang pagtutulungan sa mga gawain?
a. Nagbibigay ito ng pagkakataon upang masanay ang bawat isa.
b. Nakatutulong ito upang matanim sa isipan ng bawat isa lalo na sa mga
anak ang pagiging responsable.
c. Pinalalakas nito ang emosyon ng bawat isa.
d. Pinatitibay nito ang komunikasyon sa lahat ng kasapi ng pamilya.

5
Suriin

Matapos mong sagutan ang naunang bahagi ng modyul ay basahin mo


naman ang mga sumusunod na salita na binanggit sa kuwentong iyong binasa:

 supot na plastik at bote


 panlampaso at timba na may tubig
 pala at asarol
 baso at plato
 kutsara at tinidor
 walis at tambo

Ano ang iyong napansin sa ibinigay na mga salita? Ano ang kaugnayan ng
pares ng mga salita sa isa‟t isa?
Ang mga salitang ito ay mga halimbawa ng salitang magkakaugnay dahil sila
ay pinangkat nang maayos.
Ang pagpapangkat o clustering ng mga salita ay isang paraan upang higit na
mapalawak ang talasalitaan o kaalaman sa mga salita. Sa pamamagitan nito,
madaling mabigyang-kahulugan ang mga salita.
Ang mga salitang magkaugnay o associated words ay tumutukoy sa mga
salitang magkatulad o magkaugnay ang kahulugan. Ang mga salitang ito ay
maaaring kaugnay ng isang konsepto o kaisipan o kaugnay na kahulugan ng isang
salita. Ang mga ito rin ay maaaring magkapareha, magkasingkahulugan o kaya
naman ay magkasalungat. Sa pamamagitan ng kaalaman sa pagpapangkat o
pag-uugnay ng mga salita ay mas napalalawak ng isang tao ang kaniyang
bokabularyo.
Narito ang ilan sa mga halimbawa at gayundin ang dahilan ng pagkakaugnay
ng mga salita:
 nanay at tatay (mga magulang)
 ate, kuya at bunso (mga magkapatid)
 lapis at papel (mga gamit sa pagsusulat)
 santan at rosas (mga halimbawa ng bulaklak)
 Andres Bonifacio, Antonio Luna at Gregorio del Pilar (mga bayani sa bansa)
 mahaba at maiksi (mga salitang magkasalungat)
 katha at likha (mga salitang magkasingkahulugan)

6
Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Bilugan ang salitang hindi kaugnay ng iba pang salita sa bawat bilang.
1. gumamela mahogany rosal sampaguita
2. palaruan pamasahe pasahero traysikel
3. bangus hito sisig tilapia
4. bisikleta dyip kotse motorsiklo
5. bata lolo musmos paslit
6. pagtitiis pagtitiyaga pangarap sakripisyo
7. bukas karamdaman pag-asa positibo
8. maganda marikit masaya mayumi
9. mabango mahalimuyak masamyo matapang
10. dalamhati kagalakan problema suliranin

Gawain 2
Panuto: Basahin ang mga salita sa Hanay A at piliin sa Hanay B ang kaugnayan ng
mga ito. Isulat ang letra ng tamang sagot sa kahon bago ang bilang.
Hanay A Hanay B
1. abogado - nars a. bahagi at kabuuan
2. bintana - bahay
b. magkasalungat na salita
3. nagdaralita - naghihirap
4. mouse - kompyuter c. magkasingkahulugan na
5. telepono - telegramo salita
6. guro - inhinyero d. midyum sa komunikasyon
7. lumubog - lumutang
e. halimbawa ng propesyon
8. liham - internet
9. intindihin - unawain o larangan
10. dahop - sagana

Gawain 3
Panuto: Alin sa sumusunod na larawan ang hindi kaugnay sa pangkat? Isulat ang letra ng
iyong sagot sa patlang pagkatapos ng bawat bilang.

1. ________
a. b. c.

bayabas mansanas talong

7
2. ________
a. b. c.

burol lawa talon

3. ________
a. b. c.

kumakain nag-aaral nagsusulat

4. ________
a. b. c.

mesa pito upuan

5. ________
a. b. c.

aklat bag sombrero

8
6. ________
a. b. c.

damit kutsilyo plantsa

7. ________
a. b. c.

kabinet paaralan simbahan

8. ________
a. b. c.

holen lapis papel

9. ________
a. b. c.

suman puto tinapay

9
10. ________
a. b. c.

palakol tabo timba

Isaisip

Ano ang iyong natutuhan sa aralin? Buoin ang talata sa pamamagitan ng


pagpili sa kahon ng mga salitang aangkop sa bawat pahayag. Isulat ang iyong sagot
sa patlang pagkatapos ng bilang.

Ang aking natutuhan sa aralin ay ang mga salitang magkaugnay o


(1)____________. Ito ay tumutukoy sa mga salitang (2)____________ o
magkakaugnay ang kahulugan. Ang mga ito rin ay maaaring kaugnay ng isang
(3)____________ ng isang salita. Maaaring magkapareha, magkasingkahulugan o
kaya naman ay (4)____________ ang mga salitang pinag-uugnay. Sa pamamagitan
ng kaalaman sa pagpapangkat o pag-uugnay ng mga salita ay mas napalalawak ang
(5)____________ ng isang tao.

magkatulad bokabularyo konsepto


magkasalungat associated words pagpapangkat

Isagawa

Panuto: Paano mo ipinakikita ang pagiging makakalikasan? Buoin ang iyong sagot sa
anyong talata at bilugan ang limang pares ng magkaugnay na salita na
iyong ginamit. Isulat ito sa nakalaang mga patlang.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
10
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGGAWA NG TALATA

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1

NILALAMAN
- pagsunod sa uri at anyong
hinihingi
- lawak at lalim ng ginawang
pagtalakay
WIKA
- wasto ang gamit ng mga salita
- nagagamit nang wasto ang mga
bantas, malaki at maliit na letra

HIKAYAT
- pagsunod sa tiyak na panuto na
nakasaad na gagawin

Paraan ng Pagmamarka:
5 - Pinakamahusay
4 - Mahusay
3 - Katanggap-tanggap
2 - Mapaghuhusay pa
1 - Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay

11
Tayahin

Panuto: Pangkatin ang mga salita sa ibaba ayon sa pagkakaugnay-ugnay ng mga


ito. Isulat ang iyong sagot sa wastong talahanayan.
Pamuhatan Araw ng Kalayaan Pagdadagdag
Pagbabawas Diksyonaryo Encyclopedia
Atlas Patunguhan Lagda
Araw ng Kagitingan

Kasanayan sa Makasaysayang Uri ng Bahagi ng


Matematika Pangyayari Sanggunian Liham

Karagdagang Gawain
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga salitang magkakaugnay sa bawat bilang. Isulat
ang iyong sagot sa loob ng kahon.
1. lihim: sikreto

2. langit : lupa

3. nabatid : nalaman

4. ibon : pugad

5. garahe : kotse

12
6. kaldero : kanin

7. maitim : maputi

8. nalaman : nabatid

9. hari : reyna

10. tinapay : keso

13
Susi sa Pagwawasto

14
Sanggunian

Antonio, Eleonor D., Banlaygas, Emilia L. Villlacrusis, Marlyn T., Dimalanta, Merlita
R., Pateña, Arleen R., Batayan at Sanayang aklat sa Wika, Pahayag 6:
Kagamitan ng Mag-aaral, Rex Bookstore, Incorporation, 2005.

Castillo, Lorna B. & Dichoso, Jennifer F. Yamang Filipino. Batayan at Sanayang Aklat
sa Filipino. Legaspi Village, Makati City: Diwa Learning Systems Inc. 2018.

Department of Education, Most Essential Learning Competency PDF File, Filipino 6,


168. 2020.

Youtube. Pagpapangkat at pagtukoy ng mga salitang magkakaugnay. Last Modified


January 25, 2020. https://www.youtube.com/watch?v=Jwztq6TlA0Q&t=5s.

Youtube. Mga Bagay na Magkaugnay. Last Modified November 6, 2020.


https://www.youtube.com/watch?v=S38nBS5Gz1Q.

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address:lrmdsbulacan@deped.gov.ph

16

You might also like