You are on page 1of 28

6

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 5
Paghahambing sa Iba’t ibang
Uri ng Pelikula
Filipino – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Paghahambing ng Iba’t ibang Uri ng Pelikula
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Marian R. Parairo
Shelanie C. Santos
Romel C. Roque
Tagasuri ng Nilalaman: May Crisette L. Magayon
Tagasuri ng Wika: May Crisette L. Magayon
Tagasuri ng Paglapat: Romel C. Roque
Tagapamahala: Gregorio C. Quinto, Jr.
Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Anastacia N. Victorino
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
6

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 5
Paghahambing ng Iba’t ibang
Uri ng Pelikula
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para sa iyo. Ito ay nakaayon sa


Most Essential Learning Competencies (MELCs) at nilikha upang matulungan
ang mga mag-aaral na kagaya mo na matutuhan ang iba’t ibang aralin sa Filipino
5. Saklaw ng modyul na ito na maging angkop ang iyong kasanayan sa iba’t ibang
sitwasyon ng pagkatuto.
Naglalaman ito ng mga pagsasanay na makatutulong sa iyo upang
matutuhan ang paghahambing-hambing ng iba’t ibang uri ng pelikula.

Sa katapusan ng modyul, ikaw ay inaasahang:

• napaghahambing-hambing ang iba’t ibang uri ng pelikula;


• natutukoy ang iba’t ibang uri ng pelikula; at
• nakapagbibigay ng halimbawa ng iba’t ibang uri ng pelikula.

Subukin

A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong batay sa paghahambing ng


iba’t ibang uri ng pelikula. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa uri ng pelikulang historikal?


A. Nananaig dito ang damdamin ng takot at lagim na likha ng mga pangyayari sa
katha.
B. Sa pelikulang ito gumagamit ng guhit na larawan na pinagagalaw upang
kumilos. Nilalapatan din ito ng boses ng tao.
C. Mga pelikulang tumatalakay sa totoong kasaysayan ng isang tao na nagkaroon
ng malaking kontribusyon sa bansa.
D. Ito ang pelikulang tumatalakay sa pag-ibig na ang intensiyon ay magpakilig at
makadama ng romansa.

2. Ang Science Fiction na uri ng pelikula ay _____________________.


A. Batay ito sa mga pangyayaring hindi tanggap ng agham gaya ng daigdig ng
mga alien, mga kakaibang nagagawa ng tao at pagpunta sa ibang panahon.
B. Binibigyan nito ng pokus ang bakbakang pisikal. Ito ay maaaring batay sa tunay
na buhay o kathang-isip lamang.
C. Ito ang pelikulang tumatalakay sa pag-ibig na ang intensiyon ay magpakilig at
makadama ng romansa.
D. Isa itong pelikula kung saan ang bidang babae at lalaki ay nagsisipag-awitan.

1
3. Piliin sa sumusunod ang tumutukoy sa uri ng pelikulang animasyon.
A. Nananaig dito ang damdamin ng takot na likha ng mga pangyayari sa katha.
B. Ito ang pelikulang puno ng emosyon na ang nais ay paiyakin ang manonood.
C. Sa pelikulang ito gumagamit ng guhit na larawan na pinagagalaw.
D. Ito ay gawa sa malilikot na imahinasyong ginagamitan ng mahika.
4. Paano mo makikilala ang uri ng pelikulang pag-ibig?
A. Mga pelikulang tumatalakay sa totoong kasaysayan ng isang tao na nagkaroon
ng malaking kontribusyon sa bansa.
B. Pelikula itong tumatalakay sa maalamat at makasaysayang buhay na puno ng
hiwaga.
C. Tumutukoy ito sa totoong istorya ng buhay ng isang tao na binibigyang diin ang
naging bahagi niya sa lipunang kaniyang ginagalawan.
D. Ito ang pelikulang ang intensiyon ay magpakilig at makadama ng romansa.
5. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa uri ng pelikulang pantasya?
A. Binibigyan nito ng pokus ang bakbakang pisikal. Ito ay maaaring batay sa tunay
na buhay o kathang-isip lamang.
B. Pelikula itong tumatalakay sa maalamat at makasaysayang buhay na puno ng
hiwaga.
C. Mga pelikulang tumatalakay sa totoong kasaysayan ng isang tao na nagkaroon
ng malaking kontribusyon sa bansa.
D. Ito ay gawa sa malilikot na imahinasyong ginagamitan ng mahika pero malayo
sa totoong nangyayari sa tunay na buhay.

B. Panuto: Lagyan ang tsek (✓) tama kung ang paghahambing na tinutukoy tungkol
sa iba’t ibang uri ng pelikula at ekis (✗) naman kung mali. Isulat ang sagot
sa patlang bago ang bilang.
______1. Ang pelikulang epiko ay tumatalakay sa maalamat at makasaysayang buhay
na puno ng hiwaga samantalang ang animasyon ay gumagamit ng guhit na
larawan na pinagagalaw upang kumilos.
_____2. Nananaig sa pelikulang katatakutan ang damdamin ng takot at lagim na likha
ng mga pangyayari sa katha at ang pelikulang pantasya ay may intensiyon
na magpakilig at makadama ng romansa.
_____3. Ang pangunahing layunin ng komedya ay magpatawa o magbigay-aliw sa
pamamagitan ng eksaheradong mga sitwasyon samantalang ang musikal ay
isang pelikula kung saan ang mga bida ay nagsisipag-awitan.
_____4. Drama ang pelikulang puno ng emosyon na ang intensiyon ay paiyakin ang
manonood at ang aksyon naman ay binibigyan ng pokus ang bakbakang
pisikal.
_____5. Ang pelikulang historikal ay tumatalakay sa totoong kasaysayan ng isang
tao na nagkaroon ng malaking kontribusyon sa bansa samantalang ang
science fiction ay totoong istorya ng buhay ng isang tao na binibigyang diin
ang naging bahagi niya sa lipunang kaniyang ginagalawan na nagpaangat
sa kaniya sa iba.

2
Balikan

Panuto: Batay sa pamagat ng mga pelikulang nakatala sa ibaba, isulat ang


letrang P kung ito ay piksyon at DP kung di-piksyon.

____1. Agimat ____6. Enteng


Kabisote

____7. Goyo ang


____ 2. Ang Panday Batang
Heneral

____3. Bonifacio ____8. Heneral


Ang Unang Luna
Pangulo

____9. Jose Rizal


____4. Darna
sa Dapitan

____10. Shake
____5. El Presidente Rattle and
Roll

3
Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang kuwento. Sagutin ang kasunod na mga tanong nito.

Ang Mundo ni Mark


Ni: Marian R. Parairo
Sa labas pa lamang ay naririnig na ang samu’t saring tinig ng Baitang 6. Nang
marinig ng mga mag-aaral ang pamilyar na tunog ng takong ng sapatos ay sabay-
sabay na tila sinusian ang kanilang mga bibig, lalo na nang pumasok sa pinto Si Titser
Sally.
“Magandang umaga po, Titser Sally!” halos sabay-sabay na sambit ng mga
mag-aaral. Bukod tanging si Mark ang tila tuod na napipilitan lang ibuka ang mga labi
upang bumati.
“Class, ngayong umaga ay pag-aaralan natin at tatalakayin ang iba’t ibang uri
ng pelikula,” bungad nito. Inayos niya ang laptop at projector upang ipakita at mabasa
ng mga bata ang aralin na inihanda niya.
Nagpatuloy si Titser Sally sa pagsasalita. “Alam kong hindi na bago sa inyo
ang mga uri ng pelikulang ito dahil madalas itong napapanood. Ang ilan sa mga ito ay
ang aksyon, animasyon, pantasya, katatakutan at komedya.”
Saglit na huminto sa pagbabasa si Titser Sally. Tumawag siya ng mag-aaral
na magbibigay pa ng dagdag na halimbawa. Natuwa siya dahil bawat tawagin niyang
pangalan ay nakasasagot nang tama sa tanong niya.
“Bukod sa mga pelikulang aking tinalakay, ano pa ba ang mga alam ninyong
uri ng pelikula na wala sa aking nabanggit?” tanong ni Titser Sally.
Isa-isang nagtaasan ng kamay ang mga mag-aaral pero wala ni isa man sa
mga ito ang tinawag niya. Ang nahagip ng mga mapanuring mata niya ay ang tahimik
lang at nakaupong si Mark. Madalas niyang mapansin na tila may malalim siyang
iniisip simula pa noong bagong lipat sa paaralan dalawang linggo pa lamang ang
nakararaan.
“Mark, naiintindihan mo ba ang ating talakayan?” tanong ni Titser Sally.
“Opo, titser,” sagot ni Mark.

4
Sinubok siya ni Titser Sally. Tinanong niya ito ng mahirap na tanong at laking
gulat niya ng masagot niya ito nang wasto. May itinatago pa lang galing si Mark.
“Ngayong tapos na ang ating talakayan sa mga uri ng pelikula, mayroon akong
gustong ipanood sa inyo. Ito ang labinlimang minutong piling eksena sa pelikulang
Magnifico,” saad ni Titser Sally.
“Pagkatapos ninyo itong panoorin ay magsusulat kayo ng inyong sariling
reaksyon tungkol sa inyong pinanood kaya intindihin ninyo itong mabuti…”
Halos tahimik ang lahat ng mga mag-aaral at pilit inuunawa ang bawat eksena
sa pinanood nilang pelikula. Tanging mga boses ng mga tauhan sa pelikula lamang
ang naririnig sa apat na sulok ng silid-aralan. Nang nasa kalagitnaan na ng palabas
ay biglang yumuko ang ulo ni Mark. Hindi
ito nalingid kay Titser Sally dahil umpisa pa
lang ay si Mark na ang kaniyang tinututukan
ng kaniyang palihim na tingin.
Sa pagtatapos ng pelikula ay tahimik
ang lahat. Tila nadala ng emosyon ang mga
mag-aaral sa pelikulang pinanood. Sinabi
na lang ni Titser Sally na takdang-aralin na
lang nila ang kanilang reaksyon na isusulat
sa isang malinis na papel. Nang magbigay
ng senyales si Titser Sally na maaari ng
umuwi ay maayos na lumabas ang mga
mag-aaral. Nahuli si Mark at akmang tatayo na sa kinauupuan. Nilapitan siya ni Titser
Sally kaya’t hindi na niya naitago ang pamumula ng kaniyang mga mata nang iangat
niya ang kaniyang mukha.
“May problema ka ba, anak?” wika ni Titser Sally at ginamit ang salitang ‘anak’
imbes na ‘Mark’ upang ipadamang hindi lang siya titser nito kundi isang inang
maaaring maging karamay niya lalo na kapag may mabigat siyang nararamdaman.
“Wala po, titser,” sagot ni Mark. “Naka-relate lang po ako sa pelikula.”
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkuwento na si Mark. Ulila na siya sa
magulang. Wala rin siyang kapatid. Tanging lola niya ang kasa-kasama niya sa
bahay. Dahil mahina na ito at alagain, siya ang nagsisilbi nitong mga kamay at paa.
Pinagsisilbihan niya ito bago pumasok. Inaalagaan at ipinaghahanda ng pagkain.
Umaasa na lang sila sa ipinadadalang tulong ng iba niyang mga tito at tita. Mahal na
mahal niya ang lola niya at kahit alagaan niya ito habambuhay ay hindi siya
magsasawa.
Humanga si Titser Sally sa katatagan at kabaitan ni Mark. Tinapik niya ito sa
balikat sabay sabing “Napakasuwerte ng lola mo sa iyo. Basta tuloy lang ang buhay.
Maging positibo lamang lagi at huwag mong kalilimutang tumawag sa Diyos.
Nagiging matatag ang tao dahil sa mga pagsubok na nararanasan. Alam kong ang
mga susunod ay kakayanin mo ring lahat. Normal lang ang maging malungkot subalit
huwag kang mamuhay sa lungkot at hayaang malugmok ka rito…karapatan mo ring
sumaya at maglibang.”

5
Sagutin ang mga tanong.

1. Tungkol saan ang kuwento?


2. Ano ang pelikulang pinanood ng mga mag-aaral?
3. Anong uri ito ng pelikula?
4. Bakit naging emosyonal si Mark pagkatapos panoorin ang pelikula?
5. May maganda bang naidudulot ang panonood ng pelikula? Magbigay ng dalawang
mabuting dulot nito.

Suriin
6. P

Sa araw-araw na buhay ng tao, hindi maiiwasan na sila ay mapagod. Kailangan


nilang magpahinga at maglibang. Isa sa maaari nilang gawin ay manood ng pelikula.
Katulad ng nabanggit sa kuwentong binasa, may iba’t ibang uri ng pelikula na
maaaring panoorin.
Ang pelikula ay kilala rin sa tawag na sine o pinilakang tabing. Ito ay isang
larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining
o bahagi ng industriya ng libangan o negosyo.

Mga Uri ng Pelikula

1. Drama - Ito ang pelikulang punong-puno ng emosyon na ang intensiyon ay paiyakin


ang manonood. Nakapokus ito sa mga personal na suliranin o tunggalian
ng mga tauhang gumaganap.

Halimbawa:

6
2. Aksiyon – Binibigyan nito ng pokus ang bakbakang pisikal. Ito ay maaaring batay
sa tunay na buhay o kathang-isip lamang.

Halimbawa:

3. Animasyon - Sa pelikulang ito, gumagamit ng guhit na larawan na pinagagalaw


upang kumilos. Nilalapatan din ito ng boses ng tao.

Halimbawa:

4. Epiko - Pelikula itong tumatalakay sa maalamat at makasaysayang buhay na


punong-puno ng hiwaga.

Halimbawa:

7
5. Historikal - Ito naman ang pelikulang tumatalakay sa totoong kasaysayan ng
isang tao na nagkaroon ng malaking kontribusyon sa bansa.

Halimbawa:

6. Pantasya - Ito ay gawa sa malilikot na imahinasyong ginagamitan ng mahika


pero malayo sa totoong nangyayari sa tunay na buhay.

Halimbawa:

7. Katatakutan – Nananaig dito ang damdamin ng takot at lagim na likha ng mga


pangyayaring katha.

Halimbawa:

8
8. Musikal – Isa itong pelikula na kung saan ang bidang babae at lalaki ay
nagsisipag-awitan. Masasabi ring musikal ang isang pelikula kung ang
mga bida ay nagsisipagsayawan sa maka-klasikong kaugalian man o
makabagong tunog at indak ng musika.

Halimbawa:

9. Komedya – Ang pangunahing layunin nito ay magpatawa o magbigay-aliw sa


pamamagitan ng eksaheradong mga sitwasyon, kilos, diyalogo at
ugnayan ng mga tauhan. Puno rin ito ng biruan.

Halimbawa:

10. Pag-ibig – Ito ang pelikulang tumatalakay sa pag-ibig na ang intensiyon ay


magpakilig at magpadama ng romansa.

Halimbawa:

9
11. Science Fiction – Batay ito sa mga pangyayaring hindi tanggap ng agham gaya
ng daigdig ng mga alien, mga kakaibang nagagawa ng tao at
pagpunta sa ibang panahon.

Halimbawa:

12. Period – Tumutukoy ito sa totoong istorya ng buhay ng isang tao na binibigyang
diin ang naging bahagi niya sa lipunang kaniyang ginagalawan na
nagpaangat sa kaniya sa iba.

Halimbawa:

Iba’t iba ang dahilan kung bakit nanonood ang tao ng pelikula. Ang ilan ay gustong
sumaya at maaliw. Ang iba naman ay gustong madagdagan ang kaalaman, magkaroon
ng inspirasyon sa pinanonood at pansamantalang mapatid ang mga problema.
Magkakaiba man ng layunin sa panonood, lumalabas lang na bahagi na ng kulturang
Filipino ang pelikula bilang isang libangan.
Nagiging malaya ang mga manonood sa pagpili ng pelikula. Madalas
nakare-relate sila sa pinanonood, maging ang kanilang emosyon ay nadadala na rin.
Minsan, nakalilimutan nilang hindi na pala akma ang pinanonood batay sa kanilang edad
at unti-unting naisasabuhay sa maling paraan ang mga natutuhan doon. Dapat tandaan
na ang panonood ay may kaakibat na responsibilidad. Maging matalino sa pagpili ng
panonoorin. Kung hindi maiiwasan, ang patnubay ng magulang ang kinakailangan upang
magkaroon ng gabay sa panonood.

10
Pagyamanin

Gawain 1

A. Panuto: Hanapin sa hanay B ang uri ng pelikulang tinutukoy sa hanay A. Isulat


ang letra ng sagot sa patlang bago ang bilang.

A B

_______1. Pelikulang gumagamit ng mga guhit na A. animasyon


larawan na pinagagalaw upang kumilos.
_______2. Gawa ito sa malilikot na imahinasyon na
B. drama
ginagamitan ng mahika.
_______3. Intensiyon ng pelikulang ito na magpakilig
at magpadama ng romansa. C. pag-ibig
_______4. Pelikulang punong-puno ng emosyon na
ang intensiyon ay paiyakin ang
manonood. D. pantasya
_______5. Batay ito sa mga pangyayaring hindi
tanggap ng agham gaya ng daigdig ng
E. science fiction
mga alien.

B. Panuto: Pag-aralan ang analohiya. Piliin ang wastong uri ng pelikula batay sa
ibinigay na pamagat. Isulat ang letra ng iyong sagot sa loob ng bilog bago
ang bilang.

1. Anak: drama = Urduja: ___________


A. aksyon C. historikal
B. epiko D. komedya
2. DoReMi: Musikal = Encantadia: __________
A. animasyon C. pantasya
B. pag-ibig D. science fiction
3. Bad Boy: Aksyon= Halimaw sa Banga: ____________
A. animasyon C. katatakutan
B. epiko D. pantasya
4. Sukob: Katatakutan = Rizal sa Dapitan: ____________
A. drama C. pag-ibig
B. historikal D. period
5. Ping Lacson: Period = Inang Yaya: ____________
A. animasyon C. musikal
B. drama D. pag-ibig

11
Gawain 2

A. Panuto: Punan ang kahon ng tamang letra upang mabuo ang iba’t ibang
uri ng pelikula. Gawing gabay ang mga code sa ibaba.

CODE
A B C D E F G H I J K L M
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13

N O P Q R S T U V W X Y Z
14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26

1. Binibigyan nito ng pokus ang bakbakang pisikal. Ito ay maaaring batay sa tunay
buhay o kathang-isip lamang.

S N
1 11 19 25 15 14

2. Pelikula itong tumatalakay sa maalamat at makasaysayang buhay na puno ng


hiwaga.

I K
5 16 9 11 15

3. Sa pelikulang ito, gumagamit ng guhit na larawan na pinagagalaw upang kumilos.


Nilalapatan din ito ng boses ng tao.

I M S O
1 14 9 13 1 19 25 15 14

4. Ang pangunahing layunin nito ay magpatawa o magbigay-aliw sa pamamagitan


ng eksaheradong mga sitwasyon, kilos, diyalogo at ugnayan ng mga tauhan.
Puno rin ito ng biruan.

M E Y
11 15 13 5 4 25 11

5. Nananaig dito ang damdamin ng takot at lagim na likha ng mga pangyayaring


katha.

T T K U N
11 1 20 1 20 1 11 21 20 1 14

12
B. Panuto: Magtala ng pamagat ng pelikulang napanood mo na sa loob ng
telebisyon. Isulat naman ang uri nito sa nakalaang patlang.

_______________________ _______________________
Pamagat Pamagat

1. Uri ng pelikula : ______________ 2. Uri ng pelikula : ______________

_______________________ _______________________
Pamagat Pamagat

3. Uri ng pelikula : ______________ 4. Uri ng pelikula : ______________

_______________________
Pamagat

5. Uri ng pelikula : ____________

13
Gawain 3

A. Panuto: Isulat ang Wasto kung ang tinutukoy na paghahambing sa uri ng pelikula
ay tama at Di-wasto kung mali. Isulat ang sagot sa kahon bago ang
bilang.

1. Aksyon ang uri ng pelikula na nakapokus sa bakbakan at ang period


naman ay totoong istorya ng buhay ng isang tao.
2. Ang drama ay pelikulang ang intensiyon ay paiyakin ang manonood
samantalang sa epiko ay nananaig ang takot at lagim.
3. Musikal ay uri ng pelikula kung saan ang mga bida ay nagsisipag-
awitan at historikal naman ay tumatalakay sa totoong kasaysayan ng
isang tao.
4. Ang komedya ay may layuning magpatawa o magbigay-aliw at ang
pag-ibig naman ay pelikulang ang intensiyon ay magpakilig.
5. Science Fiction ay batay sa mga pangyayaring hindi tanggap ng
agham at ang animasyon ay tumatalakay sa maalamat at
makasaysayang buhay na punong-puno ng hiwaga.

B. Panuto: Paghambingin ang pares ng pelikula na nakatala sa ibaba.

1. drama at komedya
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. epiko at animasyon
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. historikal at period
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. pantasya at musikal
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. katatakutan at pag-ibig
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

14
Isaisip

Panuto: Punan ng letra ang bawat kahon upang mabuo ang tinutukoy sa bawat
pangungusap.

1. Nananaig dito ang damdamin ng takot at lagim na likha ng mga pangyayaring


katha.

2. Kung nais mong malaman ang totoong kasaysayan ng isang tao na nagkaroon
ng malaking kontribusyon sa bansa, ang pelikulang ito ang iyong panoorin.

3. Sa pelikulang ito ay gumagamit ng guhit na larawan na pinagagalaw upang kumilos


at magsalita gamit ang inilapat na boses ng tao.

4. Tumutukoy ang pelikulang ito sa buhay ng isang tao na binibigyang diin ang naging
bahagi nito sa lipunang kaniyang ginagalawan na nagpaangat sa kaniya sa
iba.

5. Ang pelikulang ito ay batay sa mga pangyayaring hindi tanggap ng agham gaya ng
daigdig ng mga alien, mga kakaibang nagagawa ng tao at pagpunta sa ibang
panahon.

15
6. Ito ay tumatalakay sa maalamat at makasaysayang buhay na punong-puno ng
hiwaga.

7. Gawa ang pelikulang ito sa malilikot na imahinasyong ginagamitan ng mahika pero


malayo sa totoong nangyayari sa tunay na buhay.

8. Ang pelikulang ito ay punong-puno ng emosyon na ang intensiyon ay paiyakin ang


manonood.

9. Binibigyan ng pokus ang bakbakang pisikal sa pelikulang ito.

10. Ang pangunahing layunin nito ay magpatawa o magbigay-aliw sa manonood.

16
Isagawa

A. Panuto: Tingnan ang mga larawan. Isulat sa loob ng kahon kung anong uri ng
pelikula ito.

1. 2. 3.

4. 5.

B. Panuto: Magbigay ng isang halimbawa ng pelikula batay sa sumusunod na


uri. Isulat ito sa loob ng kahon.

1. Drama -

2. Pantasya -

3. Historikal -

4. Science Fiction -

5. Animasyon -

17
Tayahin

A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong batay sa paghahambing ng


iba’t ibang uri ng pelikula. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Kung ang pelikulang drama ay punong-puno ng emosyon na ang intensiyon ay


paiyakin ang manonood, ano naman ang pelikulang komedya?
A. batay sa mga pangyayari na hindi tanggap ng agham
B. binibigyan ng pokus ang bakbakang pisikal
C. pelikula na kung saan ang layunin ay magpatawa o magbigay-aliw
D. tumatalakay sa maalamat at makasaysayang buhay na puno ng hiwaga
2. Kung ang pokus ng pelikulang aksyon ay bakbakan, ano naman ang musikal?
A. ang mga bida ay nagsisipag-awitan
B. mahika na malayo sa totoong nangyayari sa tunay na buhay
C. pangyayaring hindi tanggap ng siyensiya
D. totoong istorya ng buhay
3. Ang pelikulang epiko ay tumatalakay sa maalamat at makasaysayang buhay na
punong-puno ng hiwaga. Ang pelikulang animasyon naman ay _______________.
A. gawa sa malilikot na imahinasyong ginagamitan ng mahika pero malayo sa
totoong nangyayari sa tunay na buhay
B. gumagamit ng guhit na larawan na pinagagalaw upang kumilos at magsalita
na nilapatan ng boses ng tao
C. tumatalakay sa pag-ibig na ang intensiyon ay magpakilig at makadama ng
romansa
D. tumatakay sa totoong kasaysayan ng isang tao na nagkaroon ng malaking
kontribusyon sa bansa.
4. Batay sa mga pangyayari na hindi tanggap ng agham gaya ng daigdig ng mga
alien ang pelikulang science fiction, ano naman ang pantasya?
A. gawa sa malilikot na imahinasyong ginagamitan ng mahika
B. maalamat at makasaysayang buhay na punong-puno ng hiwaga
C. mga kuwentong halaw sa pinagmulan ng isang bagay
D. tumatakay sa totoong istorya ng buhay
5. Ang pelikulang historikal ay hango sa totoong kasaysayan ng isang tao na
nagkaroon ng malaking kontribusyon sa bansa. Ang period naman ay tumutukoy
sa anong klaseng pelikula?
A. mga kuwento tungkol sa mga sikat na tao
B. mga larawang pinagagalaw upang kumilos at magsalita
C. kuwento mula sa malikhaing isip ng manunulat
D. totoong istorya ng buhay na nagpaangat sa kaniya sa iba

18
B. Panuto: Isulat ang Tama sa loob ng kahon kung ang paghahambing na tinutukoy
tungkol sa iba’t ibang uri ng pelikula ay wasto at kung Mali, isulat ang
tamang sagot.

1. Ang pelikulang komedya ay may layuning magpatawa o


magbigay-aliw samantalang ang drama naman ay
punong-puno ng emosyon na ang intensiyon ay paiyakin
ang manonood.

2. Epiko ang pelikulang tumatalakay sa maalamat at


makasaysayang buhay na punong-puno ng hiwaga at ang
science fiction naman ay gawa sa malilikot na
imahinasyong ginagamitan ng mahika.

3. Period ang pelikulang tumutukoy sa totoong istorya ng


buhay ng isang tao na binibigyang-diin ang naging bahagi
niya sa lipunan samantalang historikal naman ang
pelikulang tumatalakay sa totoong kasaysayan ng
isang tao na nagkaroon ng malaking kontribusyon sa
bansa.

4. Ang aksiyon na uri ng pelikula ay nakapokus sa bakbakang


pisikal at ang musikal na pelikula naman ay tumatalakay
sa pag-ibig na ang intensiyon ay magpakilig at
magpadama ng romansa.

5. Katatakutan ay uri ng pelikula na nananaig ang


damdamin ng takot at lagim samantalang ang
animasyon naman ay gumagamit ng guhit na
larawan na pinagagalaw upang kumilos.

19
Karagdagang Gawain

A. Panuto: Hanapin at isulat ang limang (5) uri ng pelikulang matatagpuan sa


word search.

1.

2.

3.

4.

5.

20
B. Panuto: Kumpletuhin ang mga letra sa crossword puzzle upang mabuo ang iba’t
ibang uri ng pelikula.

S Y

Pahalang

1. Ito ay pelikula kung saan ang bidang babae at lalaki ay nagsisipag-awitan.

3. Pelikulang punong-puno ng emosyon na ang intensiyon ay paiyakin ang


manonood.

4. Pelikulang tumatalakay sa maalamat at makasaysayang buhay na


punong-puno ng hiwaga.

Pababa

2. Ito ay gawa sa malilikot na imahinasyong ginagamitan ng mahika pero malayo


sa totoong nangyayari sa tunay na buhay.

5. Ang pangunahing layunin nito ay magpatawa o magbigay-aliw sa pamamagitan ng


eksaheradong mga sitwasyon, kilos, diyalogo at ugnayan ng mga tauhan.

21
22
Gawain 2
A.
A. 1. AKSYON
2. EPIKO A.
1. C 1. epiko
2. A 3. ANIMASYON
4. KOMEDYA 2. pantasya
3. C 3. pantasya
4. D 5. KATATAKUTAN
4. science fiction
5. D 5. historikal
B.
1. ✓ B. Nasa guro ang
2. ✗ B. Sariling sagot ng pagpapasya
3. ✓ mag-aaral
4. ✓
5. ✗
Gawain 3
A.
1. Wasto
1. P 6. P 2. Di-wasto A. B.
2. P 7. DP 3. Wasto 1. C 1. Tama
3. DP 8. DP 4. Wasto 2. A 2. mali
4. P 9. DP 5. Di-wasto 3. B 3. Tama
5. DP 10. P 4. A 4. Mali
B. Sariling sagot ng 5. D 5. Tama
mag-aaral
A.
GAWAIN 1
A. B.
1. katatakutan
1. A 1. B
2. historikal
2. D 2. C
3. animasyon
3. C 3. C
4. period
4. B 4. B
5. science fiction
5. E 5. B
6. epiko
B.
7. pantasya
8. drama
9. aksyon
10. komedya
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Department of Education. Most Essential Learning Competencies (MELCs) PDF


File. Filipino 6, 168. 2020.https://commons.deped.gov.ph/K-to-12 -MELCs
with-CG-Codes.pdf.

LRMDS. Filipino 6 Piksyon at Di-Piksiyon. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/7152.

Reyes, Alvin Ringgo C. Kasaysayan sa Filipino 6. Legaspi Village, Makati City: Diwa
Learning Systems Inc.2018.

Youtube. Filipino 6 - Iba’t ibang Uri ng Pelikula. Last Modified July 21, 2020.
https://www.youtube.com/watch?v=CQpbuTaoP-Y.

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

24

You might also like