You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Filipino 4
Sanhi at Bunga, Timeline
Pagkakasunod-sunod ng mga Impormasyon
Elemento ng Kuwento
Paglalarawan sa Tauhan ng Kuwento
Ikalawang Markahan-Ikatlong Linggo

Rosalynn I. Basilla
Manunulat

Dr. Buena C. Dela Cruz Mylene Tuvilleja


Nelia G. Abejar
Tagasuri

Dr. Yaledegler C. Maligaya Dr. Raul T. Felix


Jennifer S. Joson Jayson S. Manikan
Mga Validator
Marissa S. Muldong
Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan,
Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

1
Pagkatapos masagutan ang mga gawaing nakapaloob sa SLeM na ito,
ang mga mag-aaral ay inaasahang:

● Nasasabi ang sanhi at bunga ayon sa nabasang pahayag,


napakinggang teksto, at napakinggang ulat (F4PB-IIdi-6.1)
● Nakasusulat ng timeline tungkol sa mga pangyayari sa binasang teksto.
(F4PU-IIc-d-2.1)
● Naisasalaysay nang may tamang pagkakasunod-sunod ang nakalap na
impormasyon mula sa napanood (F4PD-IId-87)
● Nailalarawan ang elemento ng kuwento (tagpuan, tauhan, banghay, at
pangyayari) (F4PN-IIe-12.1)
● Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinilos, ginawi, sinabi at naging
damdamin (FPS-IIe-f-12.1)

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang isinasaad ng mga


pangungusap ay wasto at MALI kung hindi wasto.
1. Ang sanhi ay dahilan ng mga pangyayari.
2. Ang bunga naman ay ang kinalabasan ng mga pangyayari.
3. Ang timeline ay isang linya na nagpapakita ng oras at pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari.
4. Ang tagpuan ay nagsasabi kung sino ang gumaganap sa kuwento.
5. Nagdeklara ng pandemic ang World Health Organization dahil sa
mabilis na paglaganap ng COVID 19. Ang mga salitang may
salungguhit ay halimbawa ng SANHI ng mga pangyayari.
6. Sa kuwentong ang “Pambihirang Sombrero”, si Mia ang pangunahing
tauhan.
7. Ang wakas ay bahagi ng banghay na nasa pinakahuli o dulo ng
kuwento.
8. Sa panimulang pangyayari, isinasaad dito ang gitnang pangyayari ng
kuwento.
9. Ang banghay ay ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
10. Pinaalalahanan ang mga mamayan na ugaliing magsuot ng face
mask lalo na sa labas ng kanilang tahanan dahil sa panganib na dulot
ng COVID 19. Ang mga salitang may salungguhit ay halimbawa ng
BUNGA ng mga pangyayari.

2
Panuto: Isulat ang letrang A kung Naganap, B kung Nagaganap at C kung
Magaganap ang mga pandiwang may salungguhit na ginamit sa bawat
pangungusap.
1. Si tatay ay gumawa ng kulungan ng aso kahapon.
2. Ipagluluto kita ng paborito mong ulam.
3. Ibabalita daw mamaya ang bilang ng mga taong may COVID 19.
4. Naghuhugas ng kamay si Aya habang kumakanta.
5. Mabilis na umakyat ang pusa sa puno.

Elemento ng Kuwento
Tauhan – ang mga gumanap sa kuwento
Tagpuan – ang lugar kung saan nangyari ang kuwento
Banghay - ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

Mga Bahagi ng Banghay

Ang simula ay bahagi ng banghay na nagsasaad at nagpapakita ng kilos,


kalinangan ng tao, hadlang at suliranin sa kuwento o akda.

Ang gitna ay bahagi ng banghay na tumatalakay sa masisidhing pangyayari


na kakaharapin ng tauhan na kailangan niyang mapagtagumpayan.

Ang kasukdulan ay ang elemento ng banghay na nagpapakita ng mataas na


bahagi ng kapanabikan na maaaring magbunga sa maaksyon o
madamdaming pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.

Ang wakas ay bahagi ng banghay na nasa pinakahuli o dulo ng akda o


kuwento na siyang nagtatakda ng magiging resulta ng mga pangyayari sa
kuwento o akda.

3
Basahin ang kuwento.

A Ba Ka Da
Ni Rosalynn I. Basilla

Isang maliit na kahon ang pamana sa akin ng aking Inay. “Ingatan mo


ito anak, ito lamang ang maipamamana ko sa iyo.” Malinaw pa rin sa aking
isipan ang ala-alang iyon at tandang -tanda ko pa rin ang kaniyang mahinang
tinig.

Maaga kaming naulila sa aming mga magulang, kaya lumaki kaming


magkakapatid sa aming lolo at lola. Dahilan kung bakit maraming beses kong
naisip na huwag ng magpatuloy sa pag-aaral. Tutulong na lamang ako kina
lolo at lola na magtrabaho sa bukid, ngunit ayaw nila. “Lita, mahalaga ang
edukasyon apo, balang araw hindi ka magsisisi na ikaw ay nakapag-aral at
iyan ay ipamamana mo rin sa magiging anak mo.”

Lumipas ang maraming taon, dahil sa tiyaga, pagsisikap at paalala ng


aking lolo at lola, nakatapos ako sa pag-aaral at isa na akong guro sa aming
bayan.

Sa mahabang panahon, naalala ko ang munting kahon na iniwan sa


akin ng aking Inay. Ngayon ko lamang ito mabubuksan. Isang maliit na
aklat pala ang laman ng kahon at may nakalakip na sulat. Ang mensahe ng
aking Inay ay magiging gabay ng aking mga mahal sa buhay.

“Ibahagi mo ang aklat na ito sa iyong


mga mahal sa buhay”.
“Ang edukasyon ang ating gabay at
sandata sa hamon ng buhay”.

4
GAWAIN #1
Panuto: Kumuha ng isang malinis na papel. Pagsunud-sunurin ang mga
pangyayari sa kuwentong binasa gamit ang pormat sa ibaba.

1. Pamagat ng Kuwento
2. Mga Tauhan
3. Tagpuan
4. Simula
5. Gitna
6. Kasukdulan
7. Wakas
GAWAIN #2
Panuto: Ilarawan si Lita ayon sa kaniyang kilos, sinabi o damdamin sa
kuwentong binasa.

Si Lita ay
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
GAWAIN #3

Sa kuwentong iyong binasa, may mga pangyayari na tumutukoy sa


pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari at tinatawag itong SANHI,
samantalang ang BUNGA naman ay ang kinalabasan o dulot ng naturang
pangyayari.

Halimbawa:
Si Lita ay naging isang guro dahil sa pagsisikap at tiyaga sa pag-aaral.

Sanhi: dahil sa pagsisikap at tiyaga sa pag-aaral

Bunga: Si Lita ay naging isang guro.

5
GAWAIN #3
Panuto: Isulat kung sanhi o bunga ang mga salitang may salungguhit.

________1. Maagang naulila sa mga magulang si Lita kaya lolo at


lola niya ang nag-alaga sa kanilang magkakapatid.
________2. Nakapagtapos ng pag-aaral si Lita dahil sa kaniyang
sipag at tiyaga.
________3. Iniingatan ng kaniyang ina ang munting kahon kaya
naipamana niya ito kay Lita.
________4. Naalala niya ang kaniyang mga magulang kaya ayaw
na niyang mag-aral.
________5. Masaya si Lita dahil sa mensahe ng kaniyang ina.

GAWAIN #4

Ang timeline ay isang linya na nagpapakita ng oras at pagkakasunod-


sunod ng mga pangyayari.

Panuto: Kumuha ng isang bond paper/typewriting. Gumawa ng timeline


gamit ang pormat sa ibaba. Maaaring gumuhit o magdikit ng iyong larawan.

Ang Timeline ng Buhay Ko


Pangalan: _______________________________________

Kapanganakan Unang Kaarawan

Pagtatapos sa Kinder Unang Baitang Ikalawang Baitang

Ikatlong Baitang Ikaapat na Baitang

6
● Ang kuwento ay may tauhan, tagpuan at banghay. Ang simula, gitna,
kasukdulan at wakas ay mga banghay ng kuwento.

● Sanhi - mga pangyayari na tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng


isang pangyayari

● Bunga - kinalabasan o dulot ng naturang pangyayari

● Timeline - isang linya na nagpapakita ng oras at pagkakasunod-


sunod ng mga pangyayari

Panuto: Punan ng nawawalang salita ang patlang. Hanapin sa loob ng kahon


ang sagot.

sanhi tauhan timeline wakas banghay bunga

1. Ang ________ ay mga pangyayari na tumutukoy sa pinagmulan o dahilan


ng isang pangyayari.

1. Sa kuwento, ang mga gumaganap na karakter ay tinatawag na mga


_______________.

2. Ang _________ ay bahagi ng banghay na nasa pinakahuli o dulo ng akda o


kuwento na siyang nagtatakda ng magiging resulta ng mga pangyayari sa
kuwento.

3. Ang _____________ ay isang linya na nagpapakita ng oras at


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

4. Ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ay


tinatawag na ______________.

7
PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT

I. Panuto: Tukuyin ang maaaring maging Sanhi o Bunga upang mabuo ang
mga pangungusap. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Sumunod siya sa batas trapiko kaya ________________.


A. naiwasan ang sakuna C. nangunguna siya sa klase
B. nagdulot ng sakuna D. hindi alam ang gagawin

2. Naligo sa ulan si John Carlo kaya _________________________.


A. bumaha sa kanilang lugar C. naiwasan ang sakuna
B. sinipon siya D. lumamig ang simoy ng hangin

3. Masipag mag-aral si Jonathan kaya _______________________.


A. ligtas siya sa sakit C. nangunguna siya sa klase
B. maiiwasan ang sakuna D. bumaba ang kaniyang grado

4. Bumaha sa ibang lugar sa Pilipinas dahil ___________________.


A. lumakas ang hangin
B. lumamig ang simoy ng hangin
C. nawalan ng kuryente
D. umulan buong magdamag

5. Maganda at mahusay sumagot si Rabina Mateo _____________.


A. dahil Ilongga siya
B. dahil maliit siya
C. dahil marami ang bumoto sa kaniya
D. kaya nanalo siyang “Miss Universe Philippines”

II. Basahin ang kuwento.

May isang batang gamu-gamo na naaakit sa liwanag ng apoy mula sa


lampara. Nakita siya ng kaniyang ina at binalaan siya. “Anak, huwag kang
lalapit sa apoy dahil matutupok ka nito. Ngunit hindi nakinig ang batang
gamu-gamo at patuloy pa rin sa kaniyang pagkamausisa.
Nilapitan niya ang apoy hanggang sa nangyari na nga ang ikinatatakot
ng kaniyang ina. Natupok ng apoy ang mga pakpak ng batang gamu-gamo na
siyang naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.

8
Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

6. Ang batang gamu-gamo at kaniyang ina sa kuwentong binasa ay mga


________.
A. banghay C. sanhi
B. bunga D. tauhan

7. May isang batang gamu-gamo na naaakit sa liwanag ng apoy mula sa


lampara. Anong bahagi ito ng kuwento?
A. gitna C. tagpuan
B. simula D. wakas

8. Nilapitan niya ang apoy hanggang sa nangyari na nga ang ikinatatakot


ng kaniyang ina. Anong bahagi ito ng kuwento?
A. gitna C. simula
B. kasukdulan D. wakas

9. Alin ang naging wakas ng kuwento?


A. Hindi siya sumunod sa kaniyang ina.
B. Naaakit ang batang gamu-gamo sa apoy mula sa lampara.
C. Namatay ang batang gamu-gamo.
D. Pinagsabihan siya ng kaniyang ina.

10. Hanapin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa


kuwento. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. A. Lumapit ang ang batang gamu-gamo sa apoy.


2. B. Binalaan siya ng kaniyang ina.
3. C. Natupok ang kaniyang pakpak dahilan ng kaniyang pagkamatay.
4. D. Naaakit ang batang gamu-gamo sa apoy.
Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
5.
A. ABCD C. CADB
B. BCDA D. DBAC

9
10
Pangwakas na Pagsusulit
1. A
2. B
3. C
4. D
5. D
6. D
7. B
8. B
9. C
10. D
Pag-alam sa Balik-tanaw Unang Pagsubok
Natutuhan
1. A 1. TAMA
1. Sanhi
2. C 2. TAMA
2. Tauhan
3. C 3. TAMA
3. Wakas
4. B 4. MALI
4. Timeline
5. A 5. TAMA
5. Banghay
GAWAIN #3 6. TAMA
1. Sanhi 7. TAMA
2. Bunga 8. MALI
3. Bunga 9. TAMA
SUSI SA PAGWAWASTO
depinisyon-at-halimbawa/
● https://philnews.ph/2020/02/26/ano-ang-sanhi-at-bunga-
sa-gamu-gamo
● https://casacopdom.wordpress.com/ang-kwento-ng-ina-tungkol-
Sanggunian

You might also like