You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Filipino 4
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo

Melanie L. Tulod
Manunulat

Nelia G. Abejar Shella C. Navarro


Tagasuri

Dr. Yaledegler C. Maligaya Dr. Raul T. Felix


Jennifer S. Joson Jayson S. Manikan
Mga Validator

Marissa S. Muldong
Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
INAASAHAN
Pagkatapos masagutan ang mga gawaing nakapaloob sa SLeM
na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
● matututuhan at nagagamit ang panagano ng pandiwang
pawatas at pautos sa pagsasalaysay ng napakinggang usapan;
● nakasusunod sa nakasulat na panuto;
● nakasusulat ng panuto gamit ang dayagram;
● at nasasabi ang paksa ng napanood na maikling pelikula

Sundin ang nakasulat na panuto.


1. Isulat ang buong pangalan ng iyong Nanay at guhitan ito.
_______________
2. Gumuhit ng puso. Sa loob ng puso, isulat ang pangalan ng iyong
lola sa ina. _______________
3. Isulat ang salitang BUHAY. Lagyan ng X ang patinig.
_______________
4. Gumuhit ng isang parisukat. Hatiin ito sa apat ng patayo.
_______________
5. Isulat ang numerong sampu. Bilugan ito ng dalawang beses.
_______________

Nakapanood ka na ba ng pelikula? Anong pelikula ang


nagustuhan mo? Sino ang pangunahing tauhan na labis mong
hinangaan? Sagutin ang mga tanong. Punan ang mga hinihinging
impormasyon ukol sa napanood.

I. Pagsusuri

1. Pamagat ____________________________________________________
2. Tauhan ____________________________________________________
____________________________________________________
3.Tagpuan ____________________________________________________
____________________________________________________

2
4. Banghay ng Pelikula
a. Simula ____________________________________________________
_____________________________________________________________
b. Gitna _____________________________________________________
_____________________________________________________________
c. Suliranin o Tunggalian ______________________________________
______________________________________________________________
d. Kasukdulan ________________________________________________
______________________________________________________________
e. Wakas _____________________________________________________
______________________________________________________________
5.Buod
_________________________________________________________
______________________________________________________________

Ang Pandiwa

Ang pandiwa ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng


pananalita. Ang panaguri ng pangungusap ay nagkakaroon ng
kahulugan sa pamamagitan ng pandiwa.
Sa pag-aaral ng mga pandiwa, mahalagang malaman ang iba’t
ibang mga panlaping makadiwa na gaya ng mga sumusunod:

um -an o –han
um- -in o –hin
ma- i-
mag-ika-
maka- ipa-
maki- ipag-
mapa- ipaki
mang ipakipag-

Ang mga panlapi ay nahahati sa tatlong uri ayon sa gamit:


unlapi, gitlapi at hulapi.
Ang pawatas ay binubuo ng salitang-ugat at ng panlapi.
Halimbawa: Ang pawatas na umawit ay binubuo ng salitang-ugat na
awit at panlaping um-, at ang pawatas na magluto ay binubuo ng

3
salitang-ugat na luto at ng panlaping mag-. Ang mga ito ay walang
panahunan.
Ang anyong pawatas ng pandiwa ay katulad ng anyong pautos
na binubuo ng panlapi at salitang-ugat. Iyan ang siyang nagiging
saligan sa pagbuo ng iba’t ibang panahunan.
Ang mga halimbawa ng anyong pawatas at pautos ay ang mga
sumusunod:
Mga Pawatas Mga Pautos
umalis umalis
magluto magluto
itapon itapon
sabihin sabihin
tawagin tawagin

Mga Panahunan
May tatlong anyo ang mga panahunan: ang pangnagdaan,
pangkasalukuyan, at panghinaharap. Sa ganyang pagkakasunud-
sunod ay madaling matatandaan ang mga panahunan ng mga
pandiwa. Ang pandiwa ay nasa anyong pangnagdaan kung ang
sinasabi ng pandiwa ay nagawa na, o nakalipas na.
Si Antonio ay umalis kahapon.
Siya ay nagsalita kanina
Si Nena ay nagsimba.
Ang pandiwa ay nasa anyong pangkasalukuyan kung ang
sinasabi ng pandiwa ay ginagawa o nangyayari pa lamang.
Si Gil ay tumutulong sa kaniyang ina.
Iginagalang nila ang matatanda.
Si Paula ay sumusunod sa kaniyang ama.
Ang pandiwa ay nasa anyong panghinaharap kung ang sinasabi
ng pandiwa ay gagawin o mangyayari pa lamang.
Si Gloria ay maglilinis ng kanilang bahay.
Aalagaan niya ang sanggol.
Ako ay tutulong sa kanya.

Ang mga Panahunan ng Pandiwa sa Um-


Ang anyo ng pawatas at pautos ng pandiwa sa um- ay binubuo
ng panlaping um- at ng salitang-ugat. Ang anyong ito, kahit na hindi
tunay na kabilang sa pag-aaral ng panahunan, ay siyang ginagamit
na batayan sa pagbuo ng iba’t ibang mga panahunan.
umuwi
lumakad

4
Ang Pangnagdaan

Ang anyong pangnagdaan ng pandiwa sa um- ay iyon ding ayos


ng pautos at pawatas.
umuwi
lumakad
Si Luis ay maagang umuwi kagabi.
Si Rosa ay lumakad lamang mula sa Sta. Ana hanggang Paco.

Pangkasalukuyan

Ang anyong pangkasalukuyan ay iyon ding sa pangnagdaan,


inuulit lamang ang unang pantig ng salitang-ugat.
umuuwi
lumalakad
Ang aking ama ay umuuwi araw-araw.
Ang bata ay lumalakad.

Panghinaharap

Ang anyong panghinaharap ay iyon ding salitang-ugat, inuulit


lamang ang unang pantig.
uuwi
lalakad
Uuwi ka ba sa Sabado?
Ako’y lalakad na lamang bukas.

Aspektong Aspektong Aspektong


Pangnagdaan Pangkasalukuyan Panghinaharap
umuwi umuuwi uuwi
lumakad lumalakad lalakad

Pagsasanay #1:
A. Gawin ang bawat panuto.
1. Gumuhit ng isang malaking kahon.
2. Gumuhit ng isang bahay sa gitna ng kahon.
3. Gumuhit ng isang kahoy sa bandang kanan ng bahay.
4. Gumuhit ng araw at mga ulap sa ibabaw ng bahay at puno.
5. Kulayan ang larawang ginawa.

5
B. Sundin ang mga panuto.
1. Gumuhit ng bilog sa gitna ng papel.
2. Isulat ang buo mong pangalan sa loob ng bilog.
3. Salungguhitan ang iyong apelyido.
4. Isulat ang iyong palayaw sa ibaba ng iyong buong pangalan.
5. Ikahon ang iyong palayaw.

C. Tukuyin ang aspekto ng pandiwang may salungguhit gamit ang


mga titik: PN (aspektong pangnagdaan), PK (aspektong
pangkasalukuyan), PH (aspektong panghinaharap), KT (aspektong
katatapos), o PW (aspektong neutral o pawatas).

_____ 1. Ikinuwento ni Aling Nena ang kanyang karanasan bilang


nars sa Amerika.
_____ 2. Masarap pakinggan ang magandang boses ng mang-aawit.
_____ 3. Ang tanggapan namin ay naghahanap ng mga bagong
empleyado.
_____ 4. Kasisimula mo lang ng trabaho, pagod ka na agad?
_____ 5. Ang taong matiyaga ay aahon din sa kahirapan balang araw.
_____ 6. Ibinahagi niya sa amin ang kanyang kaalaman sa
pagtatanim.
_____ 7. Ang lisanin ang inang-bayan ay hindi ko magagawa
kailanman.
_____ 8. Katatawag lang ni Roberto sa telepono at hinahanap ka.
_____ 9. Si Dara ay nagbabanlaw na ng kanyang mga damit.
_____ 10. Ihahanda ko ang lahat ng kasangkapan para sa
pagtatanim.

Ang paggawa ng reaksyon ay tumutukoy sa sulatin na


naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa.
Kalimitang ginagawa ito pagkatapos manood ng pelikula. Doon
itatala ang mga nakita at napuna sa pinanood. Dito naitatala rin ang
opinion batay sa paksang pinag-aaralan. Ito ay naglalayong
maibahagi ng manunulat ang saloobin sa masusing pagsusuri.

6
Ang pagsunod sa panuto ay napakahalaga. Upang lubusang
makasunod sa mga panuto, kailangang unawaing mabuti ang
kahulugan ng bawat salitang ginamit dito.
Ang pawatas ang tawag sa mga pandiwang hindi pa
nababanghay sa ibat’ t ibang aspekto. May tatlong (3) aspekto ang
pandiwa: ang pangnagdaan, pangkasalukuyan at panghinaharap.
Pangnagdaan – ito ay nagsasabi na natapos na ang sinimulang
kilos.
Pangkasalukuyan - ito ay nagsasaad ng kilos na laging
ginagawa o kasalukuyang nagaganap.
Panghinaharap - ito ang aspekto ng pandiwa na hindi pa
nasisimulan, naisasagawa o nangyari.

Gawain A.
Sundin ang bawat panuto.
1. Ano ang paborito mong pagkain? Isulat sa patlang.
_________________
2. Bilugan ang salitang tumutukoy sa pangalan ng buwan.
Lunes Linggo Mayo Sabado
3. Salungguhitan ang pangalan ng isang bulaklak.
rosas bahay ilaw upuan
4. Isulat ang kasunod na bilang. 9 10 11 ____
5. Anong titik ang kasunod ng titik S? Isulat sa patlang. _________

B. Gumuhit ng ekis sa ibabaw ng pandiwa na may naiibang aspekto


sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang aspekto ng pandiwang ito
gamit ang mga titik: PN (aspektong pangnagdaan), PK (aspektong
pangkasalukuyan), PH (aspektong panghinaharap), KT (aspektong
katatapos), o PW (aspektong pawatas).

1. umakyat hinagis abutin pinalo


_____ _____ _____ _____
2. humihiga tumitibok kumakain nahimatay
_____ _____ _____ _____
3. kababasa kaladkarin kaliligo kakukuwento
_____ _____ _____ _____
4. angkinin kukunin suriin bawiin
_____ _____ _____ _____

7
5. dumarami uunlad aayusin tatawagan
_____ _____ _____ _____
6. kampihan kalabanin kalimutan kaaalis
_____ _____ _____ _____
7. magbabantay umiral nakilahok nagdulot
_____ _____ _____ _____
8. pinarurusahan pansinin pumapayag pinipitas
_____ _____ _____ _____
9. sasabog haharapin tutuloy kahuhugas
_____ _____ ____ _____
10. kumikislap kalalabas kapipintura kaiinom
_____ _____ _____ _____

Ito PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT

Gumamit ng wastong aspekto ng pandiwa na nasa loob ng


panaklong upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
1. (umasa) Bakit hanggang ngayon ay __________________ ka pa rin
sa mga magulang mo?
2. (dalawin) _____________nina Ina at Cris ang kanilang lolo at lola
sa Batangas sa darating na Linggo.
3. (makipagdebate) Balita ko __________ ka na naman sa kaibigan
mo kanina.
4. (banggitin) ____________ba sa iyo ni Eduardo kahapon ang plano
niya?
5. (hanapin) Siya ang suspek na ___________ngayon ng mga pulis.
6. (ilihim) __________________ niya sa akin ang tunay niyang
layunin.
7. (buksan) ___________________ ko na ngayon ang mga bintana.
8. (kumain) Huwag ka munang lumangoy dahil _____________ mo
pa lang ng tanghalian.
9. (magsaing) Pagkatapos ko manood ng teleseryeng ito,
_____________ na ako.
10. (paglaruan) ______________________ ngayon ng mga bata ang
kanilang bagong Lego set.

B. Isulat sa patlang ang aspektong naganap na sa bawat pawatas


ng pandiwang nasa loob ng panaklong.

11. Paluhod na( maglakad)________ang ina ng batang may sakit.

8
12. Malugod niyang (basahin)_____________ang aklat na ineregalo sa
kanya.
13. Bakit mo (agawin)__________ang kinakain kong tinapay?
14. Rico, ano’t (manggulat)_____________________ ka na naman ?
Hayun takot na takot pa rin si Helen.
15. (Manood)__________ka pala ng concert ng tanyag na banda.

C. Gawin ang mga sumusunod.


1. Gumuhit ng bilog at sa loob nito isulat mo ang simulang letra ng
pangalan ng guro mo sa Filipino.
2. Gumuhit ng bulaklak na may limang talulot at sa bawat talulot,
isulat mo ang pangalan ng lima mong kaibigan.
3. Gumuhit ng parihaba. Sa loob nito ay magsulat ng dalawang
kahalagahan ng pagsunod sa payo ng magulang.
4. Iguhit ang paborito mong laruan.
5. Gumuhit ka ng parisukat. Sa loob nito ay gumuhit ka ng
dalawang bilog at sa loob ng dalawang bilog ay isulat mo ang
pangalan ng iyong mga magulang.

9
10
Gawain: Pagsasanay #2: 1. PN, 2. PW, 3. PK, 4. KT, 5. PH, 6. PN, 7.
PW, 8. KT, 9. PK, 10. PH
Pag-alam sa Natutuhan:
B. 1. Abutin – PW
2. nahimatay – PN
3. kaladkarin – PW
4. kukunin – PH
5. dumarami – PK
6. kaalis – KT
7. magbabantay- PH
8. pansinin – PW
9. kahuhugas – KT
10. kumikislap - PK
Pangwakas na Pagsusulit
A. 1. Umaasa 2. Dadalawin 3. nakipagdebate
4. binanggit 5. Hinaharap 6. Inilihim 7. Bubuksan
8. kakakain 9. Magsasaing 10. paglalaruan
B.
1. Naglakad
2. babasahin
3. inagaw
4. nanggulat
5. manonood
www.samut-samot.com
Diliman, Quezon City. 1971. pp.58-66.
Valle, at Antonia F. Villanueva. Bedes Publishing House, Inc.
IKAAPAT NA TAON. Nina: Federico B. Sebastian, Bartolome del
PAMPAARALANG BALARILA NG WIKANG PAMBANSA PARA SA
Sanggunian

You might also like