You are on page 1of 8

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Parañaque

FILIPINO 4 IKAANIM NA LINGGO


Kwarter 2

AKO AT SI YAYA MARING

Balikan Natin

A. Balikan natin ang iyong mga ginawa kaninang umaga?


Ano ang iyong ginawa kaninang umaga?
Ano naman ang iyong ginagawa ngayon?
Ano ang iyong gagawin bukas?
Itala ang mga ito sa tsart sa ibaba.

Ginawa mo Kaninang Umaga Ginagawa mo Ngayon Gagawin mo Bukas

B. Naranasan na ba ninyong magbakasyon sa probinsya o sa ibang bansa?


Ano-anong pag-iingat ang ginagawa ninyo bago kayo umalis ng bahay?
Ano naman ang ginagawa ninyo pagdating ninyo sa inyong bahay?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Unawain Natin
Basahin at unawain ang kuwento.

Muntik Nang Mabiktima ng Dugo-dugo Gang si Yaya

“Kring… Kring…” agad sinagot ni Yaya Maring ang telepono. “Hello, sino po sila?”
ang tanong niya.
“Opo,opo! Sus mi! Kawawa naman si Sir. Saan ko po dadalhin ang mga alahas pati
laptop at iPad? Sige po, sige po,” nagmamadali niyang sabi sa kausap.

1
“Bea, naaksidente raw ang daddy mo. Tumawag ang kaibigan niya. Dalhin ko raw sa
kanya ang mga alahas, laptop, at iPad na nasa kabinet sa kuwarto ninyo. Aalis ako agad at
kailangan daw nila ipambayad sa ospital,” umiiyak at nagmamadali niyang sabi sa kausap.
“Yaya, teka muna. Hindi po gagawin ni daddy na ipadala sa inyo ang mga gamit na
iyon dahil may health card siya at kung kailangan niyang magpaospital ay ang card na iyon
lang ang ipakikita niya,” sabi ko naman. “Teka po, tatawag lang ako sa opisina ni daddy.”
“Dad, umiiyak po si yaya. May tumawag po rito. Sabi naaksidente po kayo at
ipinadadala kay yaya ang mga alahas natin, pati iPad at mga laptop,” sabi ko kay daddy na
nasa opisina at hindi naman pala naaksidente. “Uuwi po kayo at tatawag ng pulis? Sige po,
sasabihin ko kay yaya na masasamang tao ang tumawag at huwag na huwag siyang aalis
para dalahin ang mga gamit natin.”

Sagutin mo ang mga tanong sa ibaba.

1. Ano ang sinabi ng taong tumawag kay yaya Maring?


_____________________________________________________________
2. Ano ang balak gawin ni yaya dahil sa sinabi ng taong tumawag?
_______________________________________ __________________
3. Totoo ba na naaksidente ang Daddy ni Bea?
____________________________________________________________
4. Ano ang ginawa ni Bea na nakapigil sa muntik na sanang panloloko sa kanilang
pamilya?
___________________ ________________________________________
5. Ano ang natutuhan mo sa kuwentong ito?
_________________________________________________________
6. Ano ang sasabihin mo sa iyong yaya at iba pang kasamahan sa bahay para hindi kayo
mabiktima ng masasamang taong nagpapanggap sa telepono?
___________________________________________________________

Basahin ang mga pandiwang hango sa kuwento at nakasulat sa talahanayan sa ibaba.

A B C
tumawag umiiyak aalis
naaksidente nagmamadali uuwi
dalhin ipinadadala tatawag

Masasabi mo ba kung alin sa pangkat ng mga salita ang nangyayari sa kasalukuyan? _____
Alin ang mangyayari pa lang? ___________
Alin ang nangyari na? ___________
2
Ilapat Natin
Gawain 1
Panuto: Kilalanin ang hinihinging aspekto o panahunan ng mga pandiwa para
mabuo ang talahanayan sa ibaba. Isulat sa patlang ang wastong pandiwa.

Naganap Nagaganap Magaganap


Pawatas
(perpektibo) (imperpektibo) (kontemplatibo)

mag-ingat nag-ingat nag-iingat ________________

magkaisa ______________ nagkakaisa magkakaisa

magtanong nagtanong _______________ magtatanong

makinig nakinig nakikinig _______________

magsumbong nagsumbong _______________ magsusumbong

Ang pandiwa ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw.


Halimbawa: tumawag, kinukuha, dadalhin,

Mga Aspekto o Panahunan ng Pandiwa

Naganap (tinatawag ding perpektibo) – Ito ay aspekto o panahunang nagpapakita na ang


pandiwa ay natapos na o nangyari na.

Halimbawa:
Sinagot ni yaya Maring ang telepono.
Natuwa ang magulang ni Bea dahil sa katalinuhang ipinakita niya.

Nagaganap (tinatawag ding imperpektibo) – Ito ay aspekto o panahunang nagpapakita na


ang pandiwa ay kasalukuyang nangyayari o palaging ginagawa. Maaari itong ipakilala ng
mga salitang ngayon, lagi o palagi, araw-araw, madalas at iba pa.

Halimbawa:
Nagmamadaling kinuha ni yaya ang mga gamit sa kuwarto namin.
Nag-iingat na lagi si yaya Maring para hindi na mabiktima ng masasamang tao.

3
Magaganap (tinatawag ding kontemplatibo) – Ito ay aspekto o panahunang nagpapakita na
ang pandiwa ay mangyayari pa lang o gagawin pa lang.
Halimbawa:
Uuwi at tatawag ng pulis si Daddy.
Sasabihin ko sa aking mga kapamilya ang natutuhan ko kay Bea.
Mag-iingat na kami palagi.

Gawain 2
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung ang panagano
ng pandiwa ay pawatas, pautos o paturol. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

____________ 1. Maglingkod ka nang tapat sa pamahalaan.


____________ 2. Mamimigay ng mga regalo sa Pasko si Marie.
____________ 3. Ikaw ay magtanim sa iyong bakuran.
____________ 4. Tumawag ka ng pulis kapag may aksidenteng nasaksihan.
____________ 5. Ang tao ay gumagawa ng paraan upang mabuhay.

Mayroon ding mga panagano ang pandiwa. Ang panagano ay nagpapahayag ng


kabagayan ng pagkaganap o ng pangyayari.

Mga Panagano ng Pandiwa

Pawatas - ito ay binubuo ng panlaping maka-pandiwa at ng salitang-ugat na nilalapian,


gaya ng maglaro, magtago, magtanim, maligo at mabuhay. Ito’y walang panahon at
panauhan at pinakapayak na anyo ng pandiwa.
Halimbawa:
Ang mga bata ay hindi dapat maglaro sa tubig-ulan.
Ang magnanakaw ay sanay manloko ng kapwa.

Pautos - ito ay walang kaibahan sa pandiwang pawatas. Ang mga pandiwang pautos ay
hanapin, maglaro, magtago, magtanim at magluto.
Halimbawa:
Hanapin mo ang iyong kapatid.
Maglaro ka bago lumubog ang araw.
Magtago ka sa ilalim ng papag.
Magluto ka na ng ulam.

4
Paturol - ito ay nagpapahayag ng pagkaganap ng gawain o pangyayari sa tatlong panahon
pangnadaan, pangkasalukuyan at panghinaharap, gaya ng nagsaya, nagsasaya at
magsasaya at nagbayad, nagbabayad, at magbabayad.
Halimbawa:
Ang bayan ay nagsaya sa araw ng kalayaan.
Ako ay nagsasaya sa kaarawan ko.
Magsasaya ang daigdig sa araw ng Pasko.

Gawain 3
Narito ang ilan sa mga pag-iingat na dapat nating gawin sa ating mga tahanan.

1. Isara palagi ang pintuan.


2. Iwasan makipag-usap sa mga hindi natin kakilala.
3. Isulat ang mga numero na maaaring tawagan sa oras ng peligro.
4. Magpaalam palagi sa magulang kung saan pupunta.
5. Umuwi sa tamang oras.

Ang pagsunod sa panuto ay napakahalaga. Upang lubusang makasunod sa


mga panuto, kailangang unawaing mabuti ang kahulugan ng bawat salitang ginamit
dito. Ang maayos na pagsunod dito ay isang pagpapatunay lamang na ang
bumabasa, nakikinig at sumusunod ay mga taong madaling makaintindi.
Ang hindi pagsunod dito ay nagpapatunay lamang ng kamangmangan o
pagwawalang-bahala. Maraming pagkakamali, pagkalito o pagkagambala ang bunga
ng hindi pagsunod sa mga panuto.

Panuto: Sundin ang mga nakasulat na panuto.


1. Gumuhit ng isang puno sa tabi ng isang bahay kubo.
Sagot:

2. Isulat ang buong pangalan ng matalik mong kaibigan sa loob ng isang bilog.
Sagot:

3. Gumuhit ng tatlong tatsulok sa loob ng isang parisukat.


Sagot:

4. Iguhit ang paborito mong alagang hayop.


Sagot:

5
5. Gumuhit ng tatlong lobo at kulayan ng pula, asul at dilaw.
Sagot:

Suriin Natiin
Pagsasanay 1
Panuto: Lagyan ng ang mga pandiwang nasa aspektong naganap sa bawat
hanay.

1. uminom matuwa mag-ayos nanggulat


2. kumakain sinabi naglaba inaalis
3. matuyo maglaba dumating nagising
4. sumakay binabasa nanggupit aaliwin
5. tatawagin pinalo nag-aayos sumakay

Pagsasanay 2

Panuto: Bilugan ang pandiwang nasa aspektong nagaganap sa loob ng panaklong.


1. Ang mga nagnanakaw ay (sumasalisi, sumalisi) sa mga kabahayan tuwing gabi.
2. (Natuwa, Natutuwa) ang mga mamamayan sa tahimik na pamayanan.
3. (Sumusunod, Susunod) ka ba sa mga payo ng iyong magulang?
4. (Ginamot, Ginagamot) ni Dr. Reyes ang mga maysakit.
5. Ang mga basura ay (hinakot, hinahakot) ng mga basurero gabi-gabi upang luminis
ang kapaligiran.

Pagsasanay 3
Panuto: Salungguhitan ang pandiwa sa mga pangungusap at tukuyin ang aspeto nito.
Halimbawa:
Naganap Si nanay ay nagluto ng masarap na ulam.
__________ 1. Sina Ana at Liza ay nagkita sa parke.
__________ 2. Kasalukuyang naglalaro ang apo ni Mang Tony sa kanilang bahay.
__________ 3. Magdadala ako ng paying dahil baka biglang umulan mamaya.
__________ 4. Nanood ako kanina ng Sineskwela.
__________ 5. Nagdasal ng tahimik si Jia para sa mga tinamaan ng sakit na COVID.

Pagsasanay 4
Panuto: Isulat sa patlang ang aspektong magaganap ng pandiwang nasa loob ng
panaklong.

6
(sumiklab) 1. Lumayo ka riyan at mukhang __________________ na ang apoy sa siga.
(ganapin) 2. Sa aming barangay __________________ ang popular na programa sa
telebisyon.
(gayahin) 3. Hinding-hindi ko _________________ ang mga masasamang ugali.
(magturo) 4. _________________ ako ng mabuting pag-uugali sa mga kapatid ko.
(hanap) 5. Balang araw, ________________ ako ng maayos na trabaho.

Tayain Natin

A. Panuto: Guhitan ang salitang kilos sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang


kung ito ay naganap, nagaganap o magaganap pa lamang.
_________________ 1. Binigyan ko ng tinapay ang mabait na pulis.
_________________ 2. Magtatanim kami ng mga bulaklak sa likod bahay.
_________________ 3. Ang magkakaibigan ay masayang naglalakad sa parke.
_________________ 4. Pinupulot ni Dara ang mga piraso ng kahoy.
_________________ 5. Masarap kumain ng mga bungang kahoy.

B. Panuto: Isulat sa iba’t ibang aspekto ang pawatas ng mga pandiwang nasa
loob ng kahon.

Pawatas Naganap Nagaganap Magaganap


sumikat
diligin

ginupit
yakapin
magsuot

C. Panuto: Sundin ang mga nakasulat na panuto. (5 puntos)


6. Gumuhit ng bahay kubo sa ibaba ng bundok.
7. Isulat ang iyong buong pangalan sa loob ng parihaba.
8. Gumuhit ng tatlong bituin sa loob ng bilog.
9. Iguhit ang iyong paboritong prutas.
10. Isulat ang buong pangalan ng ating paaralan.

7
Likhain Natin

Panuto: Sumulat ng talata tungkol sa mga pangyayaring nasaksihan mo


ngayong panahon ng pandemya. Gamitin ang iba’t ibang aspekto o kapanahunan ng
pandiwa sa iyong pagsasalaysay.
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman 2 puntos
Gamit ng Wika 2 puntos
Paraan ng Pagkakaayos 1 puntos
Kabuoan 5 puntos

You might also like