You are on page 1of 14

3

Module 7

Filipino
Mga Diptonggo

Pangalan ng Mag-aaral: _____________________________

Pangalan ng Guro: __________________________________

Pangalan ng Paaralan: ______________________________

A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development
COPYRIGHT NOTICE
Section 9 of the Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in
any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office within the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit.” This material has been developed within the
Basic Education Assistance for Mindanao (BEAM) project. Prior approval must be
given by the author(s) or the BEAM Project Management Unit and the source must
be clearly acknowledged.

Produced by the Materials Development Center, Region XI


Mga Diptonggo

Mahal na Mag - aaral

May mga salita tayo sa Pilipino na may


magkasamang tunog ng pantig at malapatinig. Gusto mo
bang malaman kung ano ito? Pag-aralan mo sa modyul na
ito ang ibat-ibang diptonggo.

Ano ang matutunan mo ngayon?

™ Pagtukoy sa mga salitang may diptonggo

Subukan Mong Sagutin

Kopyahin ang mga salitang may aw sa unang hanay


at ang mga salitang may ay sa pangalawang hanay.

Halimbawa: bataw
kulay
- aw -ay
Sagot: bataw kulay

1
Magsimula rito:

- aw -ay

Araw Kalabaw
Bahay agaw
Inihaw ligaw
Tulay patay
Tinapay nanay

- Kung tapos ka na, tingnan ang tamang kasagutan sa


katapusang pahina sa modyul na ito.

Anong ang iskor mo? ________________ Magaling!

Masaya ako para sa iyo. Ngayon, handa ka na ba sa ating


bagong aralin?

2
Mag – Aral Tayo

Nautusan ka na ba ng iyong Tatay? Nasunod mo ba


ito nang buong puso? Basahin mo ang kuwento sa ibaba.

“Talagang Mapagkakatiwalaan”

Nakatingin si Mario sa mga kaibigan. Naglalaro sila sa tabi ng


bakod.

“Halika, Mario.” Sigaw ni Ben. “Magbasketbol tayo. Sumali ka sa


amin”.

Umiling si Mario at sumenyas na hindi siya maaring lumabas. May


ibinilin ang ama niya bago tumungo sa bayan.

“Huwag mong iiwan nang tanaw ang kalabaw na nakasuga sa may


daan. Pati iyong mga manok ay baka makalabas ng bakuran.”

“Kailangan kong madala sa bayan ang ilang ani natin”, wika ng


ama sabay panaog sa bahay.

“Opo, Itay”, sagot ni Mario. “Babantayan ko pang mabuti. Hindi po


ako aalis”.

At binantayan nga ni Mario ang mga hayop.

3
™ Anu-anong mga salita sa kuwento ang may mga
salungguhit?

- sigaw, tanaw, kalabaw, sabay, bahay at itay

™ Sa mga salitang sigaw, tanaw at kalabaw, ano ang


mapapansin sa dalawang titik sa hulihan?

- Ang mga salita ay may nagtatapos sa aw,


hindi ba?

™ Sa mga salitang sabay, bahay at itay naman, ano ang


napapansin mo sa dalawang titik sa hulihan?

- Ang mga salita ay nagtatapos sa ay.

™ Ang mga salitang nagtatapos sa aw at ay


ay tinatawag na diptonggo.
™ Ito ay binubuo ng isang patinig at isang
malapatinig na w o y

Narito pa ang salitang may diptonggo:

1. iw - gi- liw, ba- liw, sa- liw


2. ey - rey – na,
3. aw - da- law, ka- la – baw, a – raw
4. ay - ba- hay, bu- hay, pa- tay
5. uy - aruy
6. oy - ka- hoy, ti- koy, ba- boy

Upang lubos na maintindihan ang mga salitang


diptonggo, gawin mo ang mga pagsasanay.

4
Magsanay Tayo

Gawain 1

Kulayan ang lobo na nagtataglay ng mga salitang


diptonggo.
manok
baka
tikoy
saliw

bata ilaw

utos
sigaw

may
bughaw gulay
kahoy

Tingnan sa Susing Sagot na nasa katapusang pahina


nitong modyul ang tamang sagot.

Anong iskor mo? _____________

Kung 7 o 8 ang nakuha mo, magaling ka! Pwede ka nang


magpatuloy sa Gawain 2. Kung hindi naman, subukan mo
munang sagutin ang pagsasanay sa ibaba.

5
Gawain 1 - A

Panuto: Bilugan ang salitang diptonggo na nasa


pangungusap.

1. Dalhin mo kaya ang sabaw na ito.


2. Ayaw na ni Islaw ang sabaw ng manok.
3. Nasa malaking lata ang mga gulay kong tinda.
4. Si Nonoy ay kumakain ng kasoy.
5. Wala nang huhusay pa kaysa sa akin.

Tingnan sa Susing Sagot kung tama ba ang sagot mo.

Anong iskor mo? _________

Handa ka nang sagutin ang Gawain 2

Gawain 2

Panuto: Punan ang mga patlang ng mga salitang


diptonggo.
Piliin ang salita sa loob ng kahon.

Baboy langaw bataw

Bahay paksiw kaaway

1. Takapan mo ang sabaw nang di dapuan ng


__________.
2. Kulay puti ang __________ nina Leo at Lea.

6
3. __________ na isda ang paborito ko.
4. Dala-dala ni Ando yang kanyang __________.
5. __________ ni Mang Ambo ang batang makulit.

Upang malaman mo ang iyong nakuha, tingnan ang


tamang kasagutan sa katapausang pahina sa modyul na
ito.

Anon ang iskor mo? ______________


“Talagang Magaling ka!”

Maari mo nang sagutin ang sumusunod na tanong.

Ano ang salitang may diptonggo?


Paano binibigkas ang diptonggo?

Tandaan Mo

Ang salitang may diptonggo:

1. binubuo ng isang patinig at isang malapatinig na


woy
2. Ang salitang may ay, oy, aw, iw, ey at uy.
3. Sila ay binibigkas nang may iisang tunog.

7
Subukan Mo

A. Magbigay ng mga halimbawa ng salitang may diptonggo.


Isulat ito sa talulot ng bulaklak.

- gumuhit ng bulaklak

oy
ay
aw

Subukan Muli

B. Basahin ang talata. Bilugan ang mga salitang may diptonggo.

“ Hindi Makalimutang Bakasyon”

Hindi ko makalimutan ang aking bakasyon sa


Bohol. Sa pagsakay pa naming ng bus, ako ay aliw
na aliw na sa aking nakita. May iba’t-ibang bahay,
at iba’t-ibang hayop ang aking nakita. May
kalabaw, tamaraw, baka at may unggoy pa na
nakita ko sa may punong- kahoy. Talagang
napakasaya ng aking bakasyon.

8
Tingnan mo kung tama ba ang iyong mga sagot sa Susing Sagot.

Anong iskor mo? ________________

Kung 7, 8 o 9 ang iskor mo, talagang magaling ka. Maari ka ng


magpatuloy sa susunod na modyul kung hindi naman,
huwagkang mag-alala. Sagutin mo muna ang susunod na
poagsasanay nang matutunan mong mabuti ang araling ito.

9
Susing Sagot

Subukan Mo

- aw -ay

araw bahay
agaw tulay
kalabaw tinapay
inihaw patay
ligaw pilay

Gawain 1

Kahit anong kulay ang gamitin:


Kulayan ang lobong may salitang:

- saliw tikoy kahoy may


- ilaw sigaw gulay bughaw

Gawain 1 - A Gawain 2

1. sabaw langaw
2. ayaw, Islaw, sabaw bahay
3. gulay paksiw
4. Nonoy, kasoy baboy
5. huhusay kaaway

10
Subukang mong Sagutin.

A. Kahit anong sagot/posibleng sagot:

Ay

- bahay - gulay - itay


- patay - nanay - kulay

Aw

- bataw - hataw -halaw


- sitaw - galaw

Oy

- kahoy
- baboy

Subukan Muli

pagsakay bahay punong – kahoy

aliw kalabaw unggoy

ay tamaraw may

11
ACKNOWLEDGEMENT

The Basic Education Assistance for Mindanao (BEAM)gratefully recognizes the special
people who have shared their expertise, skills, time and efforts which made the successful
completion of this Distance Learning Modules (Filipino-Grade III), to wit:

Executive Committee
Dr. Ian D’ Arcy Walsh – BEAM Australian Project Director
Mrs. Susana Teresa Estigoy – BEAM Phil. Project Manager
Mr. Roger Saunders – Materials Development Adviser
Mr. Ramon Bobier – Community Development Adviser
Deborah Helen Moulton – In – Service Adviser
Dr. Gloria Labor – BEAM Deputy Philippine Project Manager
Mrs. Emelita Salvado – Assistant Chief, Elementary Department

The Module Writers:


Hazel V. Luna – MT I
Rita Rellanos – MT I
Eustanisa Salces – MT I
Dr. Grilleta N. Irava, Learning Area Specialist

The Access Team:


Access Program Regional Coordinators – Mrs. Rosemarie D. Ygente (GOA)
And Mrs. Helen Arancon (GOP)
Project Development Officers – Mrs. Josephine K. Calag (GOP)
and Genevieve Cervantes (GOA)

The Materials Development Team:

Mrs. Ma. Ines C. Asuncion – RXI Manager


Flordelyn A. Alagao – Project Officer/ Desktop Publisher
Ross Marie Mabanglo – Project Officer
Gina Lumintac – Project Assistant/ Machine Operator

DLP Office (Digos)


Ms. Helen Arancon – DLP Coordinator
Aldis James Nevelle Moral – Encoder
Danreb C. Latras – Encoder
Eduard L. Pulvera - Encoder

A special thanks goes to Dr. Angelina C. Giducos, CESO V, Schools Division Superintendent
of Davao Del Sur for her strong leadership in providing most valuable technical support to
the writers and being responsible for helping BEAM implement this Distance Learning
Program.

The BEAM Management

12

You might also like