You are on page 1of 34

Welcome

My Dear
Pupils
Grade Six
Panalangin
Lupang Hinirang
Panunumpa sa Katapatan sa Watawat
Calabarzon March
Lipeño
Panatang Makabayan
Galaw Pilipinas
MABUHAY !!!
FILIPINO 6
CLASS
Ma’am Zara Jane M. Maralit
GURO SA FILIPINO 6
Paggamit ng Wastong
Pangngalan at Panghalip sa
Pakikipag-usap sa Iba’t-
ibang Sitwasyon.

UNANG KWARTER WEEK 2


Pagganyak Igagalaw ko,
Pangalanan Mo.
Magpatukoy ng isang bagay sa loob ng
silid-aralan. Pahulaan ang inisip sa mga
kaklase sa pamamagitan ng paggawa ng
mga kilos upang masabi kung ano ang
bagay na ito
Basahin Natin

1. Nagpunta sina Juan sa ilog.


2. Gumawa sila ng balsa gamit ang
pinagtabitabing katawan ng puno ng saging.
3.Habang naglalaro ang magkakaibigan,
natulog naman si Juan sa isang balsa.
Tanong :
Ano-ano ang pangngalan
sa bawat pangungusap?
Gamitin natin ito sa
pangungusap.
Tandaan :

Pangngalan- Ito ay bahagi pangungusap na


tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, at
lugar .
Halimbawa:
Tao – Trishia, Maricar, guro, inhenyero
Hayop- kambing, ibon, isda, unggoy
Bagay- Bote, upuan, aklat, kahon
Pook – Amerika, Batangas ,Lipa, Lodlod, bayan
Pangyayari- piyesta, pagpupulong, kaarawan
Tandaan :

Panghalip- ito ang salitang ginagamit na


pamalit sa pangngalan. Ito ay ginagamit kung
ang pangngalan ay magkasunod na ginagamit
sa isang pangungusap.
Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo,
atin, inyo , kita, kata, mo, siya, kanila, siya,
kaniya, ito, iri/ire, niri/nire , nito, ganito,
ganiri, iyan, niya, diyan, iyon, yaon, niyon,
noon, doon
Tandaan :

 Ang mga Pangngalan ay nagiging paksa


ng bawat pangungusap o talakyan.
Nagiging detalyado ang mga pinag-
uusapan sa tulong ng mga pangngalan.
 Ang mga Panghalip ay nagbibigay ng
pagkakataon sa atin upang palawakin pa
ang ating pag-uusap ng hindi inuulit ang
mga binibitawang salita.
Pagtatapos ng unang
araw. Maraming
Salamat!!!
Ikalawang Araw

A.Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin


ang uri ng pangngalan may salunggguhit sa bawat bilang.
1. Si Salie ang tumawag kay Mel kanina.
2. Nagbasa ng diyaryo sa klase si Gng. Felecio
3. Sina Isabel at Zia ang nagbayad sa BATELEC .
4. Si Kuya Tom ang nagbigay ng kamiseta kay Kuya
Sam.
5. Ibinebenta ni Aling Glen ang mga biik.
Gawain 2

Magmasid sa paligid ng paaralan.


Iguhit ang larawan ng nakatawag ng
iyong pansin. Gamit ang pangngalan
at panghalip ay gumawa ng mga
pangungusap upang ilarawan ang
iyong namasid
Paglalapat

Ano ang maganda naidudulot ng


paggamit ng pangngalan o
panghalip sa ating pakikipag-usap
sa ibat-ibang sitwasyon?
Paglalahat

Ano ang
pangngalan at
panghalip?
Panuto: Isulat sa patlang kung ang pangngalang o
Pagtataya : panghalipna may salungguhit ay ngalan ng tao,
bagay, hayop, pook, o pangyayari.

________1. Natakot ang pusa nang lumapit ang isang


malaking aso.
________2. Sasakay tayo ng bus at dyip
________3. Tumawag ang kaibigan mo sa telepono
kahapon.
________4. Ang bagong sapatos na ito ay regalo mula
sa ninong ko.
________5. Maghahanda tayo para sa kaarawan
Pagbibigay Kahulugan sa
mga Kilos ng mga Tauhan
sa Napakinggang Pabula

UNANG KWARTER WEEK 2


Ikalawang Aralin
Subukin Panuto: Kilalanin kung anong hayop ang gumagawa nito.
Piliin sa ibaba ang tamang sagot at isulat ito sa sagutang
papel.
KILOS PAHAYAG HAYOP
1. humihila ng mabibigat na malakas
bagay
2. Umiiyak kapag may ulan takot sa ulan
3. sumusunod sa amo na matapat
bantayan ang bahay
4. Nangunguha ng mga gutom
pagkain

Aso pusa kambing ahas kalabaw


Tuklasin Panuto:Basahin at unawain ang kuwento.
Ang Pamilya Langgam
May magpamilyang langgam na sobrang sipag.
Araw-araw ay naghahanap sila ng pagkain upang
pagdating ng tag-ulan ay may sapat silang
makakain. Tuwing lalabas ang magpamilya,
naiiwan ang inang langgam. Ang mga anak at
ama lamang ang naghahanap- buhay. “ Huwag
lilihis sa linya upang hindi maligaw, “paalala ng
ama sa mga anak.
Tuklasin Panuto:Basahin at unawain ang kuwento.

Pagsapit nang hapon ay tinatawag ng ama, isa-


isa ang mga anak kung kumpleto sila.” magaling
mga anak , walang naligaw sa ating mga kasama.”
masayang wika ng ama, “Yeheeey,” masayang
sigaw ng mga anak.
“O sige mga anak magpahinga na muna kayo ha!
Bukas maglalakbay tayong muli, salamat sa tulong
ninyo marami tayong naipong pagkain , at mga
butil ,” pahayag ng amang langgam.
Mga tanong:

1.Ano ang pamagat ng pabula?


2.Sino-sino ang mga tauhan sa pabula?
3. Anong katangian ang nagustuhan mo sa inang
langgam?
4.Sa iyong palagay, tama ba ang ginagawa ng ama
sa pagpapahanap ng pagkain sa kanyang mga
anak?
5.Bakit kaya ginagawa ng mag-ama ang pag-alis sa
bahay araw-araw?
Mga tanong: Panuto: Basahin ang mga sumusunod ayon sa kilos at pahayag ng mga tauhan sa
narinig na pabula. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel

1. Walang tigil sa paggawa ang pamilyang langgam. Anong


kaugalian ang ipinakita ng pamilya langgam ayon sa kilos
nila?
A. pagkamasipag B. pagkamatulungin
C. pagkamasunurin D. pagkamatipid
2. Tuwing lalabas ang magpamilya, naiiwan ang inang
langgam. Ano ang kahulugan ng kilos ng tauhan mula sa
pabula?
A. tamad B. lagalag C. masayahin D. maasikaso sa
bahay
3. “Huwag lilihis sa linya, upang hindi maligaw,” paalala ng
ama sa mga anak. Ang ama ay isang _______
A. masipag B. palautos C. malungkot D. maalalahanin
Mga tanong: Panuto: Basahin ang mga sumusunod ayon sa kilos at pahayag ng mga tauhan sa
narinig na pabula. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel

4. Pagsapit ng hapon ay tinatawag ng ama isa-isa ang mga


anak kung kumpleto sila. Anong ibig sabihin ng tinatawag isa-
isa ayon sa kilos ng mga langgam?
A. kinokolekta ang mga langgam
B. hinahayaan lang ang mga langgam
C. pinaparusahan ang mga langgam
D. tiningnan kung kumpleto ang mga langgam
5. “Salamat sa tulong ninyo, marami tayong naipong pagkain
at mga butil,” pahayag ng amang langgam. Anong kahulugan
ng kilos ng mga langgam batay sa napakinggang pabula?
A. pagpapasalamat B. pagpupuri C. pagdadakila D.
pagbibigay
Pagtataya: Panuto:Ibigay ang kahulugan ng katangiang nabanggit sa bawat bilang batay sa mga
isinasaad na kilos. Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong sagot

1. Inayos ni ibon ang mga gamit ng kaniyang nakababatang sisiw na nagkalat


sa sahig.
A. masipag B. matulungin C. burara sa gamit D. maayos sa mga gamit
2. Nagdarasal muna ang mag-anakna ibon bago kumain.
A. Makatao B. Maka-Diyos C. Makabansa D. makakalikasan
3. “Maghugas kayo ng kamay bago kumain,” utos ng inang ibon sa mga sisiw
nito.
A. Masipag B. Matiyaga C. matulungin D. Maalalahanin
4. “Maraming salamat sa mga tulong,” banggit ni Amang ibon sa mga kasama
sa paglilinis ng paligid.
A. mapagtimpi B. mapag-unawa C. mapagpasalamat D. mapagpakumbaba
5. “Hindi ko makalilimutan ang ibinigay ninyong halaga sa pagpapagamot ng
aking ina,” nabanggit ni Amang ibon sa mga kasama sa trabaho.
A. pagkamasinop B. pagpapasalamat C. pagpapakumbaba D. pagtanaw ng
utang na loob
Binabati kita !!!!!
Napakahusay ng iyong
ipinakita ngayong araw….
Salamat !
May mga katanungan ba?
Thursday
Module • Basahin ang Modyul sa Filipino
Activity Week 2 pahina 12
FILIPINO • At Sagutan ang Gawain sa
6: Pagkatuto 1 pahina 12
Friday
• Basahin ang Modyul sa Filipino Week 2 pahina
13-16
• Sagutan ang Gawain sa Pagkatuto 3 pahina 16.

You might also like