You are on page 1of 26

5

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Pinagmulan ng Unang Pangkat ng
Tao sa Pilipinas
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Florrie Anne V. Solis
Editor: Alma G. Pineda EdD
Tagasuri: Leslie D. Pasion
Katherine M. Dela Cruz
Evelyn G. De Guzman
Jerine Michyla D. Ocampo
Liezel M. Gotgotao
Mary Jane P. Mangune
Edquel Reyes
Tagaguhit: Isagani D. Tique
Tagalapat: Armando Deogines A. Garcia
Edquel M. Reyes
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, Ceso V
Ronelo Al K. Firmo PhD, Ceso V
Librada M. Rubio EdD
Ma.Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Elizabeth O. Latorilla PhD
Sonny N. De Guzman EdD
Remedios C. Gerente

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Region III

Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
5

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Pinagmulan ng Unang Pangkat ng
Tao sa Pilipinas
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan Baitang 5 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pinagmulan ng Unang
Pangkat ng Tao sa Pilipinas!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang magkakaugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Baitang 5 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa
Pilipinas!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahin ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at inilaan para sa iyo upang matutunan ang
konsepto ng Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas. Ang paggamit ng
modyul na ito ay maari sa iba’t ibang sitwasyon ng pagkatuto. Ang wikang ginamit
ay kinikilala ang magkakaibang antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga
aralin ay nakaayos ayon sa pamantayang pagkasunod-sunod ng kurso. Ngunit ang
pagkakaayos kung paano mo basahin ay maaring magbago para itugma sa iyong aklat
na ginagamit ngayon.

Natatalakay ang pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas a. Teorya


(Austronesyano) b. Mito (Luzon, Visayas, Mindanao) c. Relihiyon - AP5PLP-le-5

Ang araling tatalakayin sa modyul na ito ay tungkol sa pinagmulan unang


Pangkat ng tao sa Pilipinas batay sa;

A. Teorya (Austronesyano)
B. Mito (Luzon, Visayas, Mindanao)
C. Relihiyon

Pagkatapos ng pagtalakay sa araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. natutukoy ang pinagmulan ng unang tao sa Pilipinas;


2. naiisa-isa ang mga paliwanag sa pinagmulan ng mga pangkat ng tao; at
3. nasasabi ang iba’t-ibang batayan tungkol sa pinagmulan ng mga unang pangkat
ng tao na nanirahan sa Pilipinas.

1
Subukin

Panuto: Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

Hanay B
Hanay A

_____________ 1.Ito ay ang sinasabing mga a. Alamat ni Malakas at


ninuno ng mga Pilipino ayon Maganda
kay Peter Bellwood.
_____________ 2.Ito ang tawag sa sasakyan na b. Pandaragat at Paglalayag
ginamit ng mga Pilipino upang
makarating sa Pilipinas.
c. balangay
_____________ 3.Ito ang tawag sa aklat ng mga
Kristyano.
_____________ 4.Saan niluto ng bathala ang d. Laor
unang tao na kanyang
ginawa.
_____________ 5.Ito ang pinakakilalang alamat e. Alikabok
sa pag-usbong ng lahing
Pilipino. Pinaniniwalaan na
ang tao ay nagmula sa f. Austronesyano
nabiyak na kawayan.
_____________ 6.Ito ang pangalan ng mga
unang tao ayon sa bibliya. g. Adan at Eba
_____________ 7.Ito ang pangalan ng bathalang
humubog sa mga unang tao.
h. Bibliya
_____________ 8.Ito ang nagging dahilan upang
makarating ang mga tao mula
Timog China sa Pilipinas. i. Hurno
_____________ 9.Batay sa bibliya ang tao ay
mula sa anong bagay j. Pakikipagkalakalan
_____________ 10. Saan bihasa ang mga
ninuno ng mga Pilipino

2
Aralin
Pinagmulan ng Unang
3 Pangkat ng Tao sa Pilipinas

Nagkaroon ng iba’t ibang migrasyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbyahe


sa tubig o paglalakad gamit ang tulay na lupa. Sila ay pinaniniwalaang mga unang
tao sa Pilipinas.

Mayroong mga paliwanag tungkol sa pinagmulan ng daigdig. Isa na rito ay ang


pagkabitak-bitak ng mga lupa na naging sanhi ng pagkabuo ng mga lupain sa
kasalukuyan. Kasama nito, sinasabi na ang anyo nito ay iba sa dati nitong anyo
bilyong taon na ang nakararaan. Iba’t iba rin ang paliwanag ng mga siyentista tungkol
sa pinagmulan ng mga kapuluan sa daigdig. Katulad ng teorya ng wave migration ni
Henry Otley Beyer. Batay rito, may mga pangkat-pangkat ng tao na nagmula sa iba’t
ibang bahagi ng Asya. Unang nakarating ang mga Negrito sa Pilipinas mula Borneo
gamit ang tulay na lupa na nagdurugtong noon sa Pilipinas at Asya. Sumunod ay ang
mga Indones na sakay ng mga bangka mula Timog China at Indochina. At ang huli ay
ang pagdating ng mga Malay.

Tunghayan sa araling ito ang mga teorya ng mga unang pangkat ng tao na
nanirahan sa Pilipinas noong unang panahon.

3
Balikan

Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral ng iba’t ibang paniniwala ng mga


bagay-bagay na may batayan subalit hindi lubusang napapatunayan. Nalaman natin
na mayroong iba’t-ibang paliwanag sa pinagmulan ng Pilipinas.
Panuto: Balikan ang ating nakaraang aralin, tukuyin kung ano batayan sa
pinagmulan ng Pilipinas ang ipinapakita ng bawat sa ibaba. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1._____________________ 2._______________________ 3._____________________


_______________________ ________________________ _______________________
_______________________ ________________________ _______________________
_______________________ ________________________ _______________________
_______________________ ________________________ _______________________
_______________________ ________________________ _______________________
_______________________ ___________________ _______________________
___ ___

Mga Tala para sa Guro


Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa
Pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas batay sa Teorya
ng Austronesyano), Mito at Relihiyon. Mainam na gabayan ang
mga mag-aaral sa pagtalakay ng aralin sa pamamagitan ng
paggamit ng modyul na ito.

Maaaring ipaliwanag sa mga magulang kung paano


matutulungan ang kanilang mga anak sa paggamit ng modyul na
ito.

4
Tuklasin

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Gawing gabay ang mga larawan sa loob ng kahon.

Pamprosesong Tanong:

1. Sino kaya ang mga unang Pilipino?


2. Ano-ano kaya ang kanilang mga katangian?
3. Saan kaya nanggaling ang mga unang Pilipino?
4. Paano kaya sila nakarating sa Pilipinas?
5. Paano kaya sila namuhay noong unang panahon?

5
Suriin

Ang sasakyang balangay ay


sinasabing ginamit ng ating mga ninuno
upang makarating sa kapuluan ng Pilipinas.
Dito nagmula ang salitang “Barangay”.
Sinasabi ng mga antropologo na
magkakamag-anak ang mga nakasakay sa
mga balangay. Kaya kung mapapansin natin
na ang mga magkaka barangay ay
magkakamag-anak.

Halina’t ating pag-aralan ang mga iba’t ibang paliwanag tungkol sa pinagmulan ng
mga unang pangkat ng mga tao sa Pilipinas.

Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas

Teoryang Mito o Alamat


Relihiyon
Austronesyano

A. Teoryang Austronesyano

Ayon sa arkeologong Australian na si Peter Bellwood, ang mga Austronesian


ang ninuno ng mga Pilipino. Naging batayan niya ang pagkakatulad ng wikang
gamit sa Timog-silangang Asya at sa Pacific. Pinaniniwalaan na ang mga ito ay
dumating noong 2500 B.C.E mula Taiwan. Ang teoryang ito ang mas
pinaniniwalaan sa kasalukuyan.

6
Mapa ng pagkalat ng
Austronesian sa
Timog Silangang Asya

Makikita natin ang paglalakbay ng mga Austronesian mula sa Taiwan


patungong Pilipinas. Gayundin sa Sumatra, sa Indonesia at Malaysia, pati na rin sa
Papua New Guinea, Samoa, Hawaii, Easter Island, New Zealand, hanggang sa
Madagascar, at iba pang mga lugar sa Pacific.

Isa pang pag-aaral sa pinagmulan ng lahing Pilipino ay ang teorya ni Wilhelm


Solheim II. Taliwas sa teoryang ito sa teorya ni Bellwood. Kabilang ang mga Pilipino
sa mga taong galing sa Timog Silangang Asya na mahilig maglakbay dagat patungo sa
mga kalapit na lugar. Naniniwala na Austronesian ang mga unang Tao sa Pilipinas
batay sa kanyang Nusantao Maritime Trading and Communication Network Hypothesis.
Nusantao ay hango sa salitang Austronesian na nusa at tao nangangahulugang “tao
mula sa timog”.

Ang mga Austronesian ay nanggaling naman sa Indonesia at nagtungo sa


Pilipinas mula sa Mindanao. Nagpatuloy ang mga Austronesian mula sa Pilipinas
patungo sa hilaga hanggang makarating sa Timog China. Ang pangunahing dahilan
ay ang pagpapalawak ng teritoryo ng mga Austronesyano sa pakikipagkalakalan.
Pinaniniwalaang nagmula ang mga ito sa Celebes at Sulu, lumawak at nauwi sa
pakikipagkasunduan, kasalan at migrasyon ng mga tao sa Timog Silangang Asya
hanggang makarating sa Pilipinas.

Ang mga ninunong Austronesyano ay kinikilalang mga bihasa sa pandaragat


at paglalayag. Ito ay maiuugnay sa imbensyon ng bankang may karatig na pagpakilala
sa mga kakayahan sa sopistikadang paglalayag.

7
Bakit sinasabi ang mga austronesyano ang ninuno ng mga Pilipino?

1. Pagkakahawig ng mga kultura at wika, kumalat o nagpalipat


2. Ang wikang austronesyano ay batayan ng maraming wika sa Pilipinas mayroon
tayon 87 na wika sa Pilipinas na nauugnay sa Austronesian
3. Mga kultura na namana natin sa mga Austronesyano
a. Tradisyion sa paggawa ng palayok; magkakahawig sa ang mga palayok mula
sa Madagascar at Vietnam na nakuha sa kuweba na Tabon sa Palawan at
kweba ng Ayub sa Cotobato
b. Paglilibing sa tapayan; manunggul jar
c. Paghahabi
d. Paggawa ng abaloryo (bead works, palamuti)
e. Kaalaman sa paglalayag at pandaragat

B. Mito o Alamat

Ang pinakakilalang alamat


tungkol sa pag-usbong ng lahing
Pilipino
ay ang Alamat ni Malakas at
Maganda.

Narinig niyo naba ang kwentong ito?


Halina’t ating tunghayan.

Ayon sa alamat, may isang ibon


ang walang sawa sa paglipad nang
makakita siya ng dalawang puno ng
kawayan.

Nang dumapo ang ibon sa kawayan, tinuka niya ito nang tinuka hanggang sa
mayroong tinig na magmula sa loob nito. Ang sabi ng nilalang na ito ay “Palayain mo
ako dito munting ibon”. Ngunit hindi agad ito ginawa ng ibon. Naisip niyang baka isa
lamang itong patibong. Sumulpot ang isang butiki at ng tukain na ito ng ibon, bigla
namang nabiyak ang isang kawayan. Mula dito ay lumabas ang isang makisig na
lalaki. Nagpakilala siya rito bilang si “Malakas” at humingi ng pabor upang tukain ang
isa pang kawayan. Lumabas naman ang isang napakagandang babae. “Ako si
Maganda” ang sabi nito. Dinala ng ibon ang dalawa sa luntiang lupain. At dito na
namuhay sina Malakas at Maganda. Ang pagsasama ng dalawa ay pinaniniwalaang
pinagmulan ng lahing Pilipino.

8
Isa pang tanyag na alamat ay ang
“Pagluluto ng Luwad” kung saan hinango
ang mga tao sa Negrito, Puti, at
Kayumanggi. Ayon sa matatanda, ang
bathalang lumikha ng daigdig ay si Laor.
Namuhay siyang nag-iisa dito sa daigdig ng
mahabang panahon. Ngunit, hindi nagtagal
ay nakaramdam siya ng lungkot. Nagisip
siya ng paraan upang maiwasan ito.

Isang araw, naisipan niyang kumuha


ng lupa upang gawing mga tao. Niluto niya sa
hurno ang lupang kanyang ginawa.
Sa hindi malamang sanhi ay
nakalimutan niya itong alisin. Kung kaya’t
nasunog ang lupa. Naging maitim at sunog.
Ito ang mga ninuno nating Negrito.

Hindi nasiyahan ang Bathala sa una niyang


pagsubok. Kaya kumuha uli siya ng lupa at
hinubog na anyong tao at isinilid sa hurno. Sa
takot na ito’y masunog, kaagad niyaitong hinango
sa kalan. Ang lumabas ngayon ay hilaw at maputi.
Ito naman ang ninunong mga puting lahi.

Muling humubog si Bathala ng lupa at


iniluto sa hurno. Palibhasa’y ikatlo na niyang
pagsubok ito, hindi napaaga at napahuli ang
paghango niya sa hurno. At ito ang pinagmulan ng
lahing kayumanggi na kinabibilangan ng mga
Pilipino.

C. Relihiyon o Biblikal

Ang Bibliya ay ang banal na aklat ng mga


Kristiyano. Dito nakalahad ang pinagmulan ng tao.
Sa aklat ng Genesis mababasa ang paglalang ng
Diyos sa daigdig. Ayon sa Bibliya, ang mundo ay
nilalang ng diyos sa loob ng pitong araw.

9
Ang tao ay mula sa alabok na hinulmang tao ng Diyos at binigyan ng buhay.

Pitong araw na Paglikha ng Diyos sa Daigdig

Unang Araw – Ang paglikha ng daigdig at liwanag.


Ikalawang Araw – Ang paaghihiwalay ng tubig sa kaitaasan at sa ibaba at ang
pagkakaroon ng kalawakan.
Ikatlong Araw – Ang paglalang ng mga buhay na halaman.
Ika-apat na Araw – Ang paglalang sa araw, buwan, at bituin.
Ikalimang Araw – Ang paglalang sa mga isda at mga hayop na lumilipad.
Ikaanim na Araw - Ang paglalang sa mga hayop sa lupa at tao.

Una ay nilikha niya si Adan, ang unang


lalaki sa mundo at mula sa kanyang tadyang
ay hinulma niya si Eba, ang unang babae sa
mundo.

Sila ang kauna-unahang tao na


nalikha ng Diyos at sa kanila nagmula ang
lahat ng tao sa daigdig. Sa mga sumunod
na kabanata ng Genesis ay mababasa ang
pagdami ng lahi ni Adan at Eba at kumalat
ang mga ito sa iba’t ibang panig ng mundo
kasama na ang mga Pilipino.

Ikapitong Araw – Hangganan ng paglalang ng Diyos sa daigdig.

10
Pagyamanin

Gawain A
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba ng crossword puzzle. Hanapin sa crossword
puzzle ang sagot at isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

t a i w a n l I b o n r v

a m f n d q s o h u r n o

w k y p a a f d k a o y n

d i g g n a m u y a k m l

Mga Tanong:
1. Saan bansa sinasabi nagmula ang mga sinaunang Pilipino?
2. Anong hayop ang tumuka sa kawayan upang lumabas si Malakas
at Maganda?
3. Saan niluto ni Bathalang Laor ang unang taong kanyang ginawa?
4. Anong kulay ang huling tao na niluto ni Bathalang Laor?
5. Ito ang pangalan ng unang lalaking nilikha ng Diyos sa mundo.

Gawain B
Panuto: Basahin at unawain mabuti ang nakalahad sa bawat bilang ibigay ang
hinihinging kasagutan sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
___________________________1. Ito ay isa mga aklat ng Bibliya na kung saan
mababasa ang paglalang ng Diyos sa daigdig.
___________________________2. Ito ang pangalan ng unang babae na hinugot sa
tadyang ni Adan na unang lalaki sa mundo.
___________________________3. Ito ay ang alamat na kung saan nagluto ng mga
tao si Bathalang Laor upang maibsan ang
kanyang kalungkutan sa pag-iisa.
___________________________4. Dito nagmula si Malakas at Maganda.
___________________________5. Ang mga ninunong ito ay bihasa sa pandaragat
at paglalayag.

11
Gawain C
Panuto: Ayusin sa tamang pagkasunud-sunod ng mga pangyayari batay sa paglikha
ng Diyos sa daigdig. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang paghihiwalay sa tubig at kalawakan.
2. Ang paglalang sa mga isda at hayop na lumilipad.
3. Ang paglikha ng Diyos sa daigdig at liwanag.
4. Ito ay ang hangganan ng paglalang ng Diyos sa daigdig.
5. Ang paglalang sa araw, buwan, at bituin.
6. Ang paglalang sa hayop sa lupa at ang mga unang tao sa daigdig.
7. Ang paglalang sa mga buhay na halaman.

Gawain D
Panuto: Ibigay ang kahinaan at kalakasan ng mga paliwanag sa pinagmulan ng unang
pangkat tao sa Pilipinas. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Mga Paliwanag Kalakasan Kahinaan
A. Teoryang
Austronesyano
B. Mito o Alamat
Malakas at Maganda
Pagluluto ng Luwad
C. Relihiyon

Rubrik sa Pagsulat ng Opinyon


Pamanatayan Nakuhang Puntos
Pagsunod sa uri ng anyong hinihingi
Lawak at lalim ng pagtalakay
Balirala
Wastong gamit ng wika
Paglimita sa paggamit ng mga salitang hiram
Hikayat
Paraan ng pagtalakay sa paksa
Pagsunod sa tiyak na panutong ibinigay sa gawain

5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katangap-tanggap
2 - Mapaghuhusay
1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong na pansanay

12
Isaisip

Ngayong nalaman na natin ang iba't ibang batayan sa pinagmulan ng mga


unang pangkat ng tao sa Pilipinas, ating tukuyin ang sinasabi sa bawat pangungusap.
Gawain A
Panuto: Basahin at unawain mabuti ang mga tanong na nasa ibaba ng kahon.
Hanapin sa loob ng kahon ang kasagutan. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa sagutang papel.
a. Ang Alamat ni Malakas at Maganda. b. Bibliya

c. Teoryang Austronesyano d. Alamat ng Pagluluto ng Luwad


e. Adan at Eba
______ 1. Ayon dito, ang tao ay nilikha at niluto ni Bathala Laor noong unang
panahon. Dito rin hinango ang mga Negrito, Puti, at Kayumanggi.

______ 2. Ayon kay Peter Bellwood, ito ay ang mga ninuno ng mga Pilipino.

______ 3. Ito ay ang mga unang tao nilalang ng Diyos batay sa aklat ng Genesis.

______ 4. Ayon sa batayang ito, ang unang pangkat ng tao ay galing sa kawayan na
nabiyak sa pagtuka ng ibon.

______ 5. Ito ang tawag sa banal na aklat ng mga Kristyano na naging batayan sa
paglalang ng Diyos sa daigdig.

Gawain B
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang TAMA kung wasto ang ipinapahayag
na paliwanag sa pinagmulan ng pangkat ng tao sa Pilipinas at salitang MALI
kung hindi wasto. Salungguhitan ang salitang nagpamali sa pahayag.
________ 1. Ang sasakyang balangay ang sinasabing ginamit ng mga pangkat ng
Pilipino upang makarating sa Pilipinas.

________ 2. Ayon sa teoryang Austronesyano, ang mundo ay nilalang ng Diyos.

________ 3. Ayon sa Alamat ni Malakas at Maganda, ang unang pangkat ng tao sa


Pilipinas ay nagmula sa pinagbiyak na kawayan.

________ 4. Ayon sa Alamat ng Pagluluto ng Luwad, ang tao ay nilalang mula sa bato.

________ 5. Ang tao ay mula sa alikabok na hinulmang tao ng Diyos at binigyang


buhay.

13
Isagawa

Panuto: Basahin mabuti ang katanungan at ipaliwanag ang iyong sagot. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

Katanungan:
Para sa iyo, ano ang katanggap-tanggap na batayan sa pinagmulan ng unang
pangkat ng tao sa Pilipinas? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagmamarka

Pamanatayan Puntos Nakuhang Puntos

Mga nilalaman. 5

Maayos ang organisasyon ng mga ideya. 3

Wasto ang gramatika. 2

Kabuuang Puntos 10

14
Tayahin

Panuto: Unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Ano ang sinasabing ginamit na sasakyan ng mga unang pangkat ng tao


upang makarating sa isla ng Pilipinas?
a. barko
b. eroplano
c. balangay
d. yate

2. Ano ang teoryang nagsasabi na ang ninuno ng mga Pilipino ay nagmula sa


Timog Silangang Asya?
a. Teorya ng Austronesian
b. Teorya ng Core Population
c. Teorya ng Tectonic
d. Teorya ng Wave Migration

3. Ano ang pangalan ng arkeologong Australian na nagsasabing ang mga


ninuno ng mga Pilipino ay mga Austronesyano.
a. Wilhelm Solheim II
b. Edison Samuel
c. Patrick Matthew
d. Petter Bellwood

4. Saan kilala ang mga ninunong Pilipino?


a. pakikipagdigma at pagsasaka
b. pandaragat at paglalayag
c. pagmimina at pagtatanim
d. pangangaso at pagluluto

5. Ito ay salitang Austronesyano na ang ibig sabihin at “tao mula sa timog”


a. maso
b. basa
c. nusa
d. kaso

6. Ito ay ang pinakakilalang alamat tungkol sa pinagmulang lahing Pilipino.


a. Alamat ni Malakas at Maganda
b. Alamat ng Mabait at Magalang
c. Alamat ni Matangkad at Mayumi
d. Alamat ni Matapat at Masipag

15
7. Sa anong alamat hinango ang mga Negrito, Puti, at Kayumanggi?
a. Paghahabi ng Damit
b. Pagluluto ng Tinapay
c. Pagmimina ng Ginto
d. Pagluluto ng Luwad

8. Ito ay ang pangalan ng bathalang nagluto ng mga tao sa hurno


a. Lani
b. Laor
c. Leo
d. Lara

9. Ilang araw nilalang ng Diyos ang mundo?


a. 4
b. 8
c. 7
d. 9

10. Ano ang ginamit ng Diyos upang hulmahin ang tao?


a. buhangin
b. papel
c. alikabok
d. bato

16
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa at isulat ng sariling paliwanag tungkol sa posibleng pinagmulan ng


tao. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng pagguhit ng tula, paggawa ng
kwento, awit, o poster. Pumili lamang ng isa sa mga ito at gawing gabay ang
rubrik sa ibaba. Gawin at isulat ito sa sagutang papel.

Rubrik sa Pagmamarka

Mga Kraytirya Nakuhang Puntos

Organisasyon/Presentasyon

Nilalaman

Pagiging Malikhain

5-Pinakamahusay
4-Mahusay
3-Katanggap-tanggap
2-Mapaghuhusay
1-Nangangailangan pa ng mga pantulong na pansanay

17
18
Isaisip Tayahin
Gawain A. 1. C
2. A
1. D 3. D
2. C 4. B
3. E 5. C
4. A 6. A
5. B 7. D
Gawain B. 8. B
1. TAMA 9. C
2. MALI, salungguhitan ang teoryang 10.C
austronesyano at palitan ito ng BIBLIYA
3. TAMA
4. MALI, salungguhitan ang bato at
palitan ito ng LUPA
5. TAMA
Subukin Pagyamanin Pagyamanin
Gawain C.
1. F Gawain A. Ang paglikha ng Diyos sa
2. C daigdig at liwanag.
3. H 1. TAIWAN
4. I 2. IBON Ang paghihiwalay sa tubig at
5. A 3. HURNO kalawakan.
6. G 4. KAYUMANGGI
5. ADAN Ang paglalang sa mga buhay
7. D
8. J na halaman.
9. E Gawain B.
Ang paglalang sa araw,
10.B 1. GENESIS buwan, at bituin.
2. EBA
3. PAGLULUTO NG Ang paglalang sa mga isda at
LUWAD hayop na lumilipad.
4. KAWAYAN
Ang paglalang sa hayop sa
5. AUSTRONESYANO
lupa at ang mga unang tao sa
daigdig.
Ito ay ang hangganan ng
paglalang ng Diyos sa daigdig.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Aklat

Gabuat, Maria Annalyn P., Mercado, Michael M., and Jose, Mary Dorothy dL. 2016.
Pilipinas Bilang Isang Bansa. Quezon City: Vibal Group Inc., pages 50-53.

Elektronikong Hanguan

Kasaysayan-ng-pilipinas.blogspot.com. 2020. Pinagmulan Ng Tao - Teorya At Alamat.


[online] Available at: <http://kasaysayan-ng-
pilipinas.blogspot.com/2014/05/pinagmulan-ng-tao-teorya-at-
alaman.html?m=1> [Accessed 9 August 2020].

profile, V., 2020. Pinagmulan Ng Lahing Pilipino. [online] Pagtuklas.blogspot.com.


Available at: <http://pagtuklas.blogspot.com/2011/03/pinagmulan-ng-
lahing-pilipino.html> [Accessed 9 August 2020].

profile, V., 2020. Ang Wave Of Migration Theory, Dapat Pa Bang Paniwalaan??. [online]
Kaspilchops.blogspot.com. Available at:
<http://kaspilchops.blogspot.com/2008/08/ang-wave-of-migration-theory-
dapat-pa.html> [Accessed 9 August 2020].

Slideshare.net. 2020. Teoryang Pinagmulan Ng Lahing Pilipino. [online] Available at:


<https://www.slideshare.net/romelynreyes/teoryang-pinagmulan-ng-lahing-
pilipino-77702245> [Accessed 9 August 2020].

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like