You are on page 1of 18

5

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Mga Paraan ng Pagtugon ng mga Pilipino sa
Kolonyalismong Espanyol (Hal. Pag-aalsa,
Pagtanggap sa Kapangyarihang
Kolonyal/Kooperasyon)

1
NegOr_Q3_AP5_Module1_v2
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Mga Paraan ng Pagtugon ng mga Pilipino sa
Kolonyalismong Espanyol (Hal. Pag-aalsa, Pagtanggap sa Kapangyarihang
Kolonyal/Kooperasyon)
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Elma O. Cafino


Editor: Hope A. Jandomon
Tagasuri: Nieves S. Asonio
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Richie C. Naingue, Vanesa R. Deleña
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i NegOr_Q3_AP5_Module1_v2
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral
sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila
upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng
kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga


paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral
na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng
ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto
upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa
ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami
na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii NegOr_Q3_AP5_Module1_v2
Alamin

Magandang araw sa iyo mag-aaral sa ika-5 baitang. Inaasahan ko na ikaw ay


nasa mabuting kalagayan at may magandang kalusugan na kahit wala ka sa paaralan
ay marami pa rin kayong matutuhan sa pamamagitan ng modyul na ito na tumatalakay
at nagbibigay ng impormasyon tungkol sa Mga Paraan ng Pagtugon ng mga
Pilipino sa Kolonyalismong Espanyol (Hal. Pag-aalsa, Pagtanggap sa
Kapangyarihang Kolonyal/Kooperasyon)

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay sa iyo sa mapatnubay at


malayang pagkatuto. Layunin din ng modyul na ito na matulungan ang bawat mag-
aaral na kagaya mo na makamit ang kasanayang pang-21 siglo (21st century) habang
isinaalang-alang ang iyong kalagayan at pangangailangan sa pinakaligtas na
pamamaraang maaaring idudulot ng COVID-19.

Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa kuwaderno
ang titik na tumutukoy sa bawat bilang.

1. Ito ay salitang tagalog na nangangahulugang “taga-bulubundukin.”


a. Igorot c. Cordillera
b. Muslim d. Mindanao

2. Ang mga Igorot ay nahahati sa iba’t ibang pangkat etnolingguwistiko, alin sa


mga sumusunod ang hindi kabilang dito?
a. Ibaloi at Isneg c. Kankanaey at Kalinga
b. Moro at Muslim d. Bontoc at Ifugao

3. Ito ang paniniwala ng mga Igorot na itinuturing ng mga Espanyol na isang uri
ng pagsamba sa mga demonyo.
a. Kristiyanismo c. animismo
b. sibilisado d. paganismo

4. Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing hanapbuhay ng mga Igorot


maliban sa isa, alin dito?
a. pagsasaka c. pangangayaw
b. paghahabi ng tela d. pangingisda

1 NegOr_Q3_AP5_Module1_v2
5. Ito ay pamahalaang militar na itinatag ng pamahalaang kolonyal upang
masigurong magiging mapayapa ang partikular na teritoryo at susunod sa mga
patakarang Espanyol ang mga nakatira dito.
a. comandancia c. tribus independientes
b. reduccion d. tributo

6. Ito ay katawagang buhat sa “Moors” o ang pangkat-etnikong sinakop ng Spain


na tulad ng mga katutubong Filipino sa Mindanao na mga tagasunod ng Islam.
a. Muslim c. Igorot
b. Moro d. Ifugao

7. Para sa mga Muslim, ito ay hindi lamang isang relihiyon kundi isa ring paraan
ng pamumuhay.
a. Moro c. Sultan
b. Sultanato d. Islam

8. Ito ang paniniwalang panrelihiyon ng mga Muslim na pagdarasal ng limang


beses sa isang araw.
a. jihad c. salat
b. Muslim d. rajah

9. Ito ay banal na digmaang inilulunsad ng mga Muslim upang ipagtanggol ang


kanilang relihiyon at paraan ng pamumuhay.
a. rajah c. Muslim
b. jihad d. Moro

10. Ito ang tawag sa serye ng labanan ng Muslim at puwersa ng mga Espanyol na
sumalakay sa Mindanao.
a. Digmaang Moro c. Digmaang Igorot
b. Digmaang Muslim d. Digmaang Mindanao

2 NegOr_Q3_AP5_Module1_v2
Balikan

Panuto: Isulat sa patlang ang salitang Tama kung wasto ang isinasaad ng
pangungusap, Mali naman kung hindi. Isulat sa iyong kuwaderno ang tamang sagot.

______1. Ang principalia ay mga pangkat ng mga inapo ng mga datu at maharlika
na pinagkalooban ng mga karapatang panlipunan at pampolitika.

______2. Ang conquistador ay kinatawan ng hari at pinakamataas na opisyal ng


pamahalaan sa Pilipinas bilang kolonya.

______3. Ang Commandancia ay isang pamahalaang militar na itinatag ng


pamahalaang kolonyal upang matiyak na magiging mapayapa ang isang
teritoryo at susunod sa mga patakarang Espanyol ang mga nakatira dito.

______4. Alcalde mayor ang tawag sa opisyal na namumuno sa pueblo o bayan.

______5. Ang kataas-taasang hukuman sa Pilipinas sa panahon ng Espanyol ay


ang Royal Audencia.

______6. Kalakalang Galyon ang tawag sa kalakalang panlabas sa pagitan ng


Pilipinas at Mexico na iniluluwas ang mga produkto sakay ng isang barko.

______7. Tributo ang tawag sa mga produkto o salapi na sapilitang ibinigay sa


pamahalaan ng mga mamamayang may gulang na 15 hanggang 70.

______8. Ang falla ang ibinabayad sa pamahalaan upang makalibre sa paglilingkod


ang isang polista sa sapilitang paggawa.

______9. Hangarin ng patakarang Real Sociedad ang paunlarin ang agrikultura at


industriya ng kolonya.

______10. Ang monopolyo ng tabako ay eksklusibong pagbili ng pamahalaan ng mga


dahon ng tabako sa tagapagtanim nito.

3 NegOr_Q3_AP5_Module1_v2
Tuklasin

Tingnan at suriin ang mga larawan sa ibaba.

(Vergara, n.d) (Favila, Aaron 2019)

1. Ano ang nakikita ninyo sa larawan? Ano ang ipinahiwatig dito?


2. Nakapanood na ba kayo ng ganitong pangyayari sa tunay na buhay?
3. Ano kaya ang kadalasang naidudulot ng kilusang ito?

Suriin

Naging masigasig sa pagpapalaganap ng kolonyalismo ang mga Espanyol sa


Pilipinas. Ginamit nila ang Kristiyanismo at mga patakaran tulad ng reduccion,
encomienda, polo y servicio, at tributo upang maipasailalim sa kanilang
kapangyarihan ang Pilipinas, Gayunpaman, hindi lahat ng mga katutubong pangkat
sa bansa ay napasuko at nasakop ng mga Espanyol. Dahil sa katangiang heograpikal
ng Pilipinas, naging mahirap para sa kanila na masakop ang lahat ng pangkat na
nakatira sa masusukal na kabundukan at magkakahiwalay na pulo. Idagdag pa rito
ang ibayong katapangan na ipinamalas ng ilang katutubong pangkat tulad ng mga
Igorot sa Cordillera at mga Muslim sa Mindanao.

4 NegOr_Q3_AP5_Module1_v2
MGA KATUTUBONG PANGKAT NA HINDI NAPASAILALIM SA MGA ESPANYOL

Hindi naging ganoon kadali para sa mga Espanyol ang pagsakop sa Pilipinas.
Bukod sa paggamit ng dahas, kinailangang gumamit ng mga taktika upang masupil
ang mga katutubo at tanggapin ang kolonyalismo. Bagama’t nasakop ang kapatagang
bahagi ng Luzon at Visayas, hindi naman nasakop ang mga kabundukan sa hilagang
bahagi ng Luzon. Hindi rin nasakop ang mga sultanato sa Mindanao dahil sa lakas at
tapang na ipinamalas ng mga mandirigmang Muslim laban sa mga Espanyol.

Nang hindi masupil ng mga Espanyol ang mga Igorot at Muslim ay higit na
naging marahas ang kanilang pamamaraan. Gamit ang iba’ti bang armas ay
nagpadala ng mga ekspedisyong militar ang pamahalaang kolonyal sa Cordillera at
sa Mindanao upang tiyaking matatalo ang mga katutubong puwersa na kilala sa
kanilang angking lakas at kapangyarihan.

Ang mga Igorot sa Cordillera

TULONG-KAALAMAN
Isa sa mga lugar na hindi napagtagumpayang sakupin ng
Igorot – mula sa mga Espanyol ay ang mga kabundukan ng Cordillera.
salitang Tagalog na Naninirahan dito ang mga Igorot, na nahahati sa iba’t ibang
golot na
nangangahulugang pangkat etnolingguwistiko: Ibaloi, Isneg (o Apayao),
“bulubundukin.” Sa Kankanaey, Kalinga, Bontoc, at Ifugao.Nakabatay ang
pagdagdag ng
unlaping “i,” ito ay kanilang hanapbuhay sa pagsasaka, gayundin sa paghahabi
nangangahulugang ng tela, pagnganganga, at pangangayaw o paglahok sa mga
“taga-
bulubundukin.” digmaan laban sa ibang pangkat etniko. Mayroon din silang
paniniwalang panrelihiyon kung saan tinitingnan ang
kalikasan bilang tahanan ng mga espiritu.

Pananakop sa mga Igorot dahil sa Ginto


Bahagi ng tangkang pananakop ng mga Espanyol sa mga Igorot ay ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Ang paniniwalang animismo ng mga Igorot ay
itinuturing ng mga Espanyol na isang uri ng pagsamba sa mga demonyo. Ayon sa
mga mananakop, upang maligtas ang kaluluwa ng mga Igorot, kailangan nilang
yakapin ang Kritiyanismo. Dagdag pa rito, hangad din ng mga Espanyol na gawing
“sibilisado” ang mga Igorot tulad ng kanilang ginawa sa mga katutubo sa kapatagan.
Sa katunayan, ang hangad ng mga Espanyol ay ang deposito ng ginto sa
Cordillera. Natuklasan nila mula kay Miguel Lopez de Legazpi ang mina ng ginto sa
Cordillera na ayon sa balita ay dinadala ng mga Igorot sa Ilocos. Tulad ng naging
karanasan ng kanilang mga kolonya sa South America, nais din ng mga Espanyol na
makinabang sa deposito ng ginto sa Cordillera.
Noong 1624, tuluyang inihinto ang paghahanap ng minang ginto sa Cordillera.
Kasunod nito, napag-alamang mababang kalidad lamang ang gintong nanggagaling
dito.

5 NegOr_Q3_AP5_Module1_v2
Pananakop sa mga Igorot dahil sa Kristiyanismo
Matapos ang hindi magtagumpay na paghahanap ng ginto sa Cordillera,
ipinadala naman dito ang mga Dominikano at Augustiniano upang gawing Kristiyano
ang mga Igorot. Ninais ng mga Espanyol na mabura ang sinaunang rehiyon ng mga
Igorot at baguhin ang kanilang pamumuhay ayon sa pamantayan ng mga Espanyol.
Bukod dito, hinihikayat din ng mga prayle ang mga Igorot na bumaba ng kabundukan
at maninirahan sa mga itinatag na pueblo sa kapatagan bilang mga mamamayang
may sibilisasyon.
Nagpadala ng misyon ang mga Espanyol sa Cordillera upang maghanap ng
ginto at gawing Kristiyano ang mga Igorot. Ipinag-utos ni Gobernador-Heneral
Francisco de Tello de Guzman ang pagpapadala ng misyong relihiyoso sa Cordillera
sa pamumuno nina Kapitan Mateo de Aranda at Padre Esteban Marin,ang kura paroko
ng Ilocos.
Hindi nagtagumpay ang mga Espanyol sa misyong binyagan sa Kristiyanismo
ang mga Igorot. Una, naging mahirap para sa mga misyonero na tunguhin nang
madalas ang bulubundukin ng Cordillera. Pangalawa, nagkaroon ng kakulangan sa
mga misyonerong maaring ipadala sa lalawigan. Huli, naging mahirap din para sa mga
sundalong Espanyol na ipinadala sa Cordillera na lupigin ang mga mandirigmang
Igorot sa bulubunduking kabisado nila ang pasikot-sikot.

Pananakop sa mga Igorot dahil sa Monopolyo


TULONG-KAALAMAN sa Tabako
Ang comandancia ay
pamahalaang military na Pagsapit ng ika-19 na siglo, muling nagpadala
itinatag ng pamahalaang
kolonyal upang masigurong ng misyon ang mga Espanyol sa Cordillera upang
magiging mapayapa ang magtatag dito ng pamahalaang militar. Ito ay upang
partikular na teritoryo at
susunod sa mga masigurong susunod ang mga Igorot sa ipinatupad ni
patakarang Espanyol ang Gobernador-Heneral Jose Basco y Vargas na
mga nakatira dito.
monopolyo noong 1781.
Sa ilalim ng monopolyo sa tabako, lahat ng maaaning tabako ng mga Igorot ay
bukod-tanging sa pamahalaang kolonyal dapat ibenta. May mga hinirang na
kinatawan ang pamahalaan na siyang may karapatang bumili ng tabako sa mga
katutubo. Gayumpaman, hindi ito sinunod ng mga Igorot na patuloy pa ring
nagbebenta ng tabako nang patago sa ibang mangangalakal.
Upang mabantayan ang mga Igorot gayundin ang mga taga-Pangasinan,
itinatag ang Comndancia del Pais de Igorrotes. Binubuo ito ng beteranong sunadalo
sa pamumuno ni Guillermo Galvey. Nahati din ang rehiyon sa iba’t-ibang
comandancia. Mula 1829 hanggang 1839 ay inilunsad ang armadong pananalakay sa
mga Igorot.
Sa ilalim ng nagsabing monopolyo, iba’t-ibang pang-aabuso ang nararanasan
ng mga katutubo dahil kadalasang dinadaya lamang sila ng mga ahente ng
pamahalaan. Dahil ang mga kinatawan lamang ang maaring bumili ng tabako mula sa
mga Igorot, maari nila itong bilhin sa murang halaga, pagkatapos ay ibenenta sa

6 NegOr_Q3_AP5_Module1_v2
pamahalaan sa mataas na halaga. Gayunpaman, hindi nagtagumpay ang
Comandancia pasunurin ang mga Igorot sa monopolyo sa tabako. Kasunod nito,
noong 1856 ay nabigyan din ang mga Espanyol ng karapatang magmina sa rehiyon
sa pagkakatatag ng Socieded Minero-Metalurgica Cantabro- Filipina de Mankayan.
Ngunit katulad ng naunang patakarang ipinatupad, hindi muling nagtagumpay ang
mga Espanyol na masakop ang mga Igorot. Dahil dito, tinagurian sila ng historyador
na si William Henry Scott bilang tribus independientes o “tribong malaya.”
Ang mga Muslim sa Mindanao
Kagaya ng karanasan sa mga Igorot, hindi rin agad nasakop ng mga Espanyol
ang mga Muslim sa Mindanao. Mula ika-7 hanggang ika-14 na siglo, ay sinakop ng
mga Moors, mga Muslim mula sa kasalukuyang Algeria at Morocco, ang Spain. Batay
sa karanasang ito, batid ng mga Espanyol na hindi magiging madali na magapi ang
mga Muslim sa timog ng Pilipinas.

Ang Tatlong Sultanato sa Mindanao


Mayroong tatlong matatatag na sultanato sa Mindanao pagsapit ng ika-16 na
siglo. Ito ay ang sultanato ng Sulu, sultanato ng Maguindanao, at sultanato ng Buayan.
Tatlong Sultanato ng Mindanao
Sultanato Teritoryong Sakop
Sultanato ng Sulu Jolo, Tawi-Tawi, Cagayan de Oro, Basilan
Sultanato ng Mga pamayanan sa mababang bahagi ng Pulangi River
Maguindanao hanggang Sibugay Bay at Illana
Sultanato ng Buayan Mga pamayanan sa mataas na bahagi ng lambak ng
Pulangi River at bahagi ng Talayan sa Maguindanao

Ang mga sultanato ay may aktibong ugnayang pangkalakalan sa bawat isa at


sa mga karatig sultanato sa Timog-silangang Asya. Nabibigkis din sila ng kasunduang
ipagtanggol ang bawat isa oras ng kagipitan. Upang maging ganap at lehitimo ang
pagsakop nila sa buong Pilipinas, noong 1571 ay sinimulan ng mga Espanyol ang
tangkang pagsakop sa Mindanao.
Hindi basta sumuko ang mga Muslim.
Nilabanan nila ang puwersa ng mga Espanyol na TULONG-KAALAMAN
sumalakay sa Mindanao sa serye ng labanang
tinawag na Digmaang Moro. Dahil sa Ang katawagang “Moro” ay buhat
sa “Moors” o ang pangkat-etnikong
katapangang pinairal ng mga Muslim ay nanatili sinakop ng Spain na tulad ng mga
silang malaya (maliban sa ilang bahagi ng katutubong Filipino sa Mindanao
ay mga tagasunod ng Islam.
Mindanao) hanggang sa pagtatapos ng
kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas.

7 NegOr_Q3_AP5_Module1_v2
Mga Digmaang Moro
Tulad ng Cordillera, naging maigting din ang pagpapadala ng mga Espanyol ng
mga ekspedisyong militar sa Mindanao upang tuluyan na itong mapasailalim sa kanila.
Sa panahong ito, anim na digmaan ang sumiklab sa pagitan ng mga Muslim at mga
Espanyol.

Anim na Digmaang Moro Laban sa Spain


Nagsimula nang gawing kolonya ng Spain ang Pilipinas
Unang Dimaang Moro sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legazpi at nagwakas
(1571-1581) nang salakayin ng mga Espanyol ang Brunei.
Nagsimula nang tangkaing sakupin ng mga Espanyol
Ikalawang Digmaang Moro ang Mindanao at nagwakas nang magsara ang kutang
(1591-1597) itinatag ng mga Espanyol sa rehiyon
Nagsimula ng salakayin ng mga Espanyol ang tatlong
Ikatlong Digmaang Moro sultanato sa Visayas at nagwakas sa pagkakatatag ng
(1599-1635) himpilang pangmilitaring mga Espanyol sa Zamboanga
Ikaapat na Digmaang Moro Nagsimula ng itatag ang kuta ng mga Espanyol sa
(1635-1663) Zamboanga at nagwakas sa pagkakasara nito.
Nagsimula nang muling itatag at buksan ang kuta ng
Ikalimang Digmaang Moro mga Espanyol sa Zamboanga at nagwakas nang
(1718-1762) salakayin ng mga British ang Maynila.
Nagsimula nang magpadala ng ekspedisyong militar ang
Ikaanim na Digmaang Moro mga Espanyol sa Sulu at nagwakas nang mapasailalim
(1848-1898) ng United States ang Pilipinas.

Sa pang-apat na Digmaang Moro inilunsad ang kauna-unahang jihad o banal


na digmaan laban sa mga Espanyol. Ito ay sa pamumuno ni Sultan Kudarat.
Nagtatag ng kuta sa Zamboanga ang mga Espanyol noong 1635 upang
magsilbing lunsaran ng pagsakop nila sa mga sultanato sa Mindanao. Nais din nilang
mapahina ang kapangyarihan ng mga Muslim at maipalaganap ang Kristiyanismo.
Pinangunahan ni Gobernador-Heneral Sebastian Hurtado de Corcuera ang kampanya
ng mga Espanyol laban sa mga Muslim.
Noong 1637 nakuha ng mga Espanyol ang Lamitan na siyang kabisera ni
Kudarat. Isang taon ang lumipas, bumalik si Corcuera sa Jolo at napasuko si Kudarat.
Subalit kasunod nito ay nagpalakas muli si Kudarat at ipinagpatuloy ang paglaban sa
mga Espanyol. Dahil hindi tuluyang magapi si Kudarat, napilitan ang mga Espanyol
na makipagsundo sa Sultan noong 1645. Pansamantalang nagkaroon ng kapayapaan
sa pagitan ng mga Espanyol at mga Muslim subalit taong 1655, pinatay ang sugo ng
mga Espanyol dahil pilit na ipinapatanggap ang Kristiyanismo kay Kudarat. Dito na
naglunsad ng unang jihad si Kudarat. Hindi sumalakay ang mga Espanyol at sa halip
ay isinara ang kuta sa Zamboanga noong 1663. Pansamantalang naging mapayapa
ang Mindanao mula sa panghihimasok ng mga Espanyol at umiral ang kaayusan.

8 NegOr_Q3_AP5_Module1_v2
Sa mga labanang tinalakay, makikita na ang
pangunahing dahilan ng pagsalakay sa Cordillera at
Mindanao ay pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Subalit
naroon din ang layuning matalo ang malakas na puwersa
ng mga katutubo upang maging ganap ang pagsakop sa
(Bayani Art 2018)
Pilipinas at mabigyan ng karangalan ang Spain. Layunin
din ng mga isinagawang pananalakay ng mga Espanyol
ang makakalap ng kayamanan upang magamit sa
pagpapatupad ng kolonyalismo at maipangtustos sa ibang
digmaang kinasasangkutan nila. Gayumpaman, nahirapan
silang maisakatuparan ang kanilang layunin dahil sa
ipinamalas na katapangan ng mga katutubo.

Pagyamanin

Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung tama ang ipinahahayag ng pangungusap at ekis
(x) kung mali. Isulat ang wastong sagot sa iyong kuwaderno.

___1. Naging madali para sa mga Espanyol ang pagsakop sa Pilipinas.


___2. Nang hindi masupil ng mga Espanyol ang mga Igorot at Muslim ay higit na
naging marahas ang kanilang pamamaraan.
___3. Nagtagumpay ang mga Espanyol sa misyong binyagan sa Kristiyanismo ang
mga Igorot.
___4. Nagtatag ng pamahalaang militar ang mga Espanyol upang masigurong
susunod ang mga Igorot sa ipinatupad na patakaran ng monopolyo sa tabako.
___5. Naging masunurin ang mga Igorot sa pagbenta ng kanilang aning tabako sa
pamahalaang kolonyal.
___6. Ang mga Muslim sa Mindanao ay agad nasakop ng mga Espanyol.
___7. Si Sultan Kudarat ang naglunsad ng unang jihad o banal na digmaan ng mga
Moro.
___8. Para sa mga Igorot, ang Islam ay hindi lamang isang relihiyon kung hindi isa
ring paraan ng pamumuhay.
___9. Ang armadong paraan ang pinakaepektibo sa isasagawang pananakop ng mga
Espanyol.
___10. Katanggap-tanggap ng mga Muslim ang kolonyalismong Espanyol kaysa sa
sultanato.

9 NegOr_Q3_AP5_Module1_v2
Isaisip
Iba- ibang paraan ang ipinamalas ng mga katutubong pangkat sa pagtugon sa
kolonyalismong Espanyol, ngunit ang karaniwang tugon nila ay ang pag-aalsa
pagrerebelde at pakikipaglaban. May ilang katutubong lumagda naman sa kasunduan
sa mga Espanyol na nagdulot ng magka-ibang interpretasyon sa dalawang panig lalo
na sa kasunduan ng mga Muslim. Para sa mga Espanyol,hudyat ito ng pagsasakop
ng mga Muslim. Sa kabilang panig naman, ito ay pagkakaibigan at pantay na estado
ng mga Muslim at mga Espanyol. Ito naman ang paniniwala ng mga Muslim.

Isagawa

Gawain B
Punan ang patlang. Piliin mula sa kahon ang tamang sagot at isulat ito sa iyong
kuwaderno.
animismo Sultanato ng Maguindanao Kristiyanismo
Igorot ginto Espanyol Cordillera
Muslim Sultanato ng Sulu Sultanato ng Buayan

Isa sa mga lugar na hindi napagtagumpayang sakupin ng mga Espanyol ay


ang kabundukan ng (1)________________. Naninirahan dito ang
(2)_______________, na nahahati sa iba’t ibang pangkat etnolingguwistiko.
Bahagi ng tangkang pananakop ng mga (3)____________sa mga Igorot ay
ang pagpapalaganap ng(4)______________. Ang paniniwalang (5)_________ ng
mga Igorot ay itinuturing ng mga Espanyol na isang uri ng pagsamba sa mga
demonyo.
Sa katunayan, ang hangad ng mga Espanyol ay ang deposito ng
(6)__________sa Cordillera. Natuklasan nila mula kay Miguel Lopez de Legazpi ang
mina ng ginto sa Cordillera na ayon sa balita ay dinadala ng mga Igorot sa Ilocos.
Kagaya ng karanasan sa mga Igorot, hindi rin agad nasakop ng mga Espanyol
ang mga (7)_____________ sa Mindanao. Mula ika-7 hanggang ika-14 na siglo, ay
sinakop ng mga Moors (Muslim) ang Spain.
Mayroong tatlong matatatag na sultanato sa Mindanao pagsapit ng ika-16 na
siglo. Ito ay ang (8)__________________, (9)_____________________, at
(10)____________________

10 NegOr_Q3_AP5_Module1_v2
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa kuwaderno
ang titik na tinutukoy sa bawat bilang.

1. Ito ay salitang tagalog na nangangahulugang “taga-bulubundukin.”


a. Igorot c. Cordillera
b. Muslim d. Mindanao

2. Ang mga Igorot ay nahahati sa iba’t ibang pangkat etnolingguwistiko, alin sa


mga sumusunod ang hindi kabilang dito?
a. Ibaloi at Isneg c. Kankanaey at Kalinga
b. Moro at Muslim d. Bontoc at Ifugao

3. Ito ang paniniwala ng mga Igorot na itinuturing ng mga Espanyol na isang uri
ng pagsamba sa mga demonyo?
a. Kristiyanismo c. animismo
b. sibilisado d. paganismo

4. Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing hanapbuhay ng mga Igorot


maliban sa isa, alin dito?
a. pagsasaka c. pangangayaw
b. paghahabi ng tela d. pangingisda

5. Ito ay pamahalaang militar na itinatag ng pamahalaang kolonyal upang


masigurong magiging mapayapa ang partikular na teritoryo at susunod sa
mga patakarang Espanyol ang mga nakatira dito.
a. comandancia c. tribus independientes
b. reduccion d. tributo

6. Ito ay katawagang buhat sa “Moors” o ang pangkat-etnikong sumakop sa


Spain na tulad ng mga katutubong Filipino sa Mindanao na mga tagasunod
ng Islam.
a. Muslim c. Igorot
b. Moro d. Ifugao

7. Para sa mga Muslim, ito ay hindi lamang isang relihiyon kundi isa ring paraan
ng pamumuhay.
a. Moro c. Sultan
b. Sultanato d. Islam

11 NegOr_Q3_AP5_Module1_v2
8. Ito ang paniniwalang panrelihiyon ng mga Muslim na pagdarasal ng limang
beses sa isang araw.
a. jihad c. salat
b. Muslim d. rajah

9. Ito ay banal na digmaang inilulunsad ng mga Muslim upang ipagtanggol ang


kanilang relihiyon at paraan ng pamumuhay.
a. rajah c. Muslim
b. jihad d. Moro

10. Ito ang tawag sa serye ng labanan ng Muslim at puwersa ng mga Espanyol
na sumalakay sa Mindanao.
a. Digmaang Moro c. Digmaang Igorot
b. Digmaang Muslim d. Digmaang Mindanao

Karagdagang Gawain

Sanaysay:

Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa iyong pananaw sa ginawang


pakikipaglaban ng mga Igorot at Muslim sa mga Espanyol. (Unang talata)

Kung sakaling may dayuhang mananakop sa Pilipinas sa kasalukuyan,


gagawin mo rin ba ang ginawang paglaban ng mga Igorot at Muslim? Bakit/bakit hindi?
(Ikalawang talata)

Gawing gabay sa pagmamarka ng gawain ang sumusunod na rubrik.

Rubrik sa Pagmamarka ng Sanaysay


Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos
Malinaw na naipahayag ang saloobin 10
tungkol sa tugon ng mga Muslim at
Igorot sa kolonyalismo.
Maayos ang pagkakasulat ng sanaysay 5
at ugnayan ng mga kaisipan.
Kabuuang Puntos 15

12 NegOr_Q3_AP5_Module1_v2
NegOr_Q3_AP5_Module1_v2 13
Paunang Pagsusulit Balikan
1. a 1. Tama
2. b 2. Mali
3. c 3. Tama
4. d 4. Mali
5. a 5. Tama
6. b 6. Tama
7. d 7. Mali
8. c 8. Tama
9. b 9. Mali
10. a 10. Tama
ISAGAWA Pagyamanin
Gawain B Gawain A
1. Cordillera 1. x
2. Igorot 2. /
3. Espanyol 3. x
4. Kristiyanismo 4. /
5. Animismo 5. x
6. Ginto 6. x
7. Muslim 7. /
8. Sultanato ng Sulu 8. x
9. Sultanato ng Maguindanao 9. /
10. Sultanato ng Buayan 10 x
Tayahin
1. a
2. b
3. c
4. d
5. a
6. b
7. d
8. c
9. b
10. a
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat
Gabuat, Maria Annalyn P., Jose, Mary Dorothy L., Mercado, Michael M. 2016. Araling
Panlipunan Pilipinas Bilang Isang Bansa 5. Vival Group Inc\.

Websites

Bayani Art. 2018. "Bayani Art." Bayani Art. November 10. Accessed December 15, 2021.
https://www.bayaniart.com/bambalito/bambalito-battle-of-bangkusay/.

Favila, Aaron. 2019. The Mainichi. March 5. Accessed December 15, 2021.
https://mainichi.jp/english/articles/20190305/p2g/00m/0in/073000c.

Vergara, Venus D. 2021. Scribd. January 21. Accessed December 2021, 2021.
https://www.scribd.com/presentation/491651347/Pananakop-sa-Cordillera-at-sa-mga-
Bahagi-ng-Mindanao.

14 NegOr_Q3_AP5_Module1_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like