You are on page 1of 114

Maligayang Pagbati sa

Inyo!

Welcome
sa
Industrial Arts
Bago tayo magsimula sa ating aralin ngayong hapon,
gagamitin ko itong pagkakataon upang pasalamatan ang mga
sumusunod na tao:
1. Queenzibhel Obenita
2. Charmaigne Bohol
3. Althea Montilla
4. AljunYbanez
5. Jayden Brel Soyme
ARALIN 1
Batayang Kaalaman at
Kasanayan sa Gawaing-kahoy,
Metal, Kawayan, at iba pa
Kawayan
Kawayan
– ay isa sa mga pinakakilalang uri ng halaman dahil sa
taglay nitong tatag.

- Tinatayang may mahigit 49 na uri ng kawayan.

- Walo rito ang karaniwang ginagamit sa ating bansa. Ang


mga ito ang sumusunod:
a. Anos – Isang uri ng namumulaklak na kawayang likas na
natatagpuan sa ating bansa.

- Ginagamit ito sa paggawa ng sawali, pamingwit, at


kasangkapang pangmusika.

- Ginagamit ng ilang hilot ang kutsilyong yari sa anos para


putulin ang lawit ng pusod ng bata.
b. Bayog – uri ng kawayang tuwid, makintab ngunit walang
tinik.
- Ginagamit ito sa paggawa ng bahay, kasangkapan o muwebles,
papel, basket at panggatong.
c. Botong – umaabot ang taas na 14 hanggang 20m at
nabubuhay sa matataas at maiinit na lugar.

- Ginagamit sa paggawa ng bahay, tubong tubig, balsa, paggawa ng


sombrero at pang balot ng gamit.
d. Buho – tinatawag ding sawali at nabubuhay sa
matataas at maiinit na lugar.
- Ginagamit ito sa paggawa ng flute, handicrafts, at mga disenyo sa
mga parke.
 E. Kawayang Bolo – karaniwang kumpol sa
isang lugar, mabalahibo, at may lapad na 5
hanggang 10cm.

- ginagamit ito sa paggawa ng haligi at bubong ng tahanan.


f. Kawayang Kiling – tuwid at may dilaw na tangkay. Ito
ay walang tinik at makinis.
- Ang labong nito ay nagsisilbing pagkain at ginagamit
sa paggawa ng atchara, paggawa ng papel, paggawa ng
tulay at mga bahay.
g. Kawayan Tinik – Karaniwang may tinik at ang tangkay
nito ay umaabot ng 10 hanggang 25m.

- maaari itong ipanggamot.


h. Giant Bamboo – Magaspang at karaniwang nasa
kumpol.
- Ito ay may taas na umaabot mula 20 hanggang 30m at may lapad na
8 hanggang 20cm.
- Bahay, tulay, muwenles at lutuan.
Rattan
2. Rattan – isang uri ng halaman na
tumutubo mula 250 hanggang 650m.
May tendrils ito sa dulo ng mga dahon
kaya ito ay may kakayahang
gumapang sa mga puno.

- Ginagamit sa paggawa ng mga


kasangkapan tulod ng mga
sumusunod:
3.
Himaymay
a. Abaka – klase ng sinulid, seda o
himaymay na gawa sa puno ng
abaka.
- Ginagamit sa paggawa ng sinulid, lubid,
manila paper, at damit.
Buri – pinakamalaking halamang Palmera.
Gamit:
• Ubod – maaring ulamin
• Katas – tuba
• Fiber o buntal – sombrero
• Midrib ng Dahon – walis, basket, at iba
pa.
• Kahoy - Tabla
Rami – Tumutubo sa lugar na may mainit na
klima.
Gamit
• Tela
• Seda
• Bulak
d. Pinya – Ananas Comosus, marami itong mata.
Gamit:
oTela
Niyog
4. Niyog – Isang uri ng palmera. Tinatawag itong “Tree
of Life” dahil sa dami ng gamit na taglay nito.
- Nagmumula dito ang virgin coconut oil, copra, at
panggamot para sa mga may sakit sa pag-ihi.
Kahoy
5. Kahoy – Matigas na bahagi ng puno.
-Yakal, molave, narra, at kamagong – karaniwang kasangkapan sa
paggawa ng bahay.
- Lawaan, palosapis, dao, at mahogany ay ginagamit sa paggawa ng
kuwadro, papel, palit ng posporo.
Katad
6. Katad- Balat ng malalaking hayop, katulad ng
baka o mga wangis-baka.
- Ginagamit sa paggawa ng sapatos, dyaket, mahahabang pangginaw,
palda, at iba pang mga damit.

- Ginagamit din ito sa paggawa ng sinturon, maleta, at mga


kasangkapang pambahay.
7. Metal –uri ng elemento kagaya ng aluminyo, pilak,
ginto at iba pa. Karaniwang makintab, matibay at
konduktor ng elektrisida.
- Gamit sa paggawa ng susi, bubong, seradura, tubo,
alambre, martilyo, tornilyo at kagamitan sa pagluluto.
Seramika
8. Seramika – Uri ng lupa na ginagamit sa mga
produktong seramika ay luwad.
- Pino, malagkit, at ang karaniwang kulay ay dilaw, pula,
o abo.
- Hurno – Ginagamit upang mahulma ito sa nais na mga
anyo at upang matuyo agad.
Plastik
9. Plastik – binubuo ng malawak na uri ng synthetic
organics at compound.
- Ito ay maaring imolde sa ibat-ibang anyo sa solidong
mga bagay.
- Ilan sa mga produktong yari sa plastik ay straw, CD,
mga appliances, at ilang mga bahagi ng mg sasakyan.
Elektrisidad
10. Elektrisidad – materyal na ginagamit sa
pagsusuplay ng koryente , sa pag-iinit at pag-iilaw.
- Halimbawa nito ay mga kable na yari sa tanso, nichrome,
transformer, insulators kagaya ng mga plastic insulator,
seramika at iba pa.
Kabibe
11. Kabibe – matigas na pamprotektang panlabas na
balatnabuo sa pamamagitan ng ng mga maluska,
krustasyano, pagong, pawikan at iba pa.
- Produktong yari sa kabibe ay palamuti sa bahay,
katawan, bag, wallet, at iba pa.
Baging
12. Baging – Materyales na maaaring gamitin sa
paggawa ng iba’t ibang bagay.

You might also like