You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
SISIMAN ELEMENTARY SCHOOL
WALING-WALING ST., BRGY. SISIMAN, MARIVELES, BATAAN

LESSON PLAN
Name of Teacher: CHRISTINE D. SISMAET
Date and Time: October 13, 2022, 1:40 p.m.
Subjects: Araling Panlipunan 5
Grade & Section: Grade V – Amethyst
Quarter: First Quarter

I. LAYUNIN
Pamantayang Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa
Pangnilalaman kasanayang pangheograpiya, ang mga teorya sa
pinagmulan ng lahing Pilipino upang mapahahalagahan ang
konteksto ng lipunan/pamayanan ng mga sinaunang
Pilipino at ang kanilang ambag sa pagbuo ng kasaysayan ng
Pilipinas.
Pamantayan sa Naipamamalas ang pagmamalaki sa nabuong kabihasnan ng
Pagganap mga sinaunang Pilipino gamit ang kaalaman sa kasanayang
pangheograpikal at mahahalagang konteksto ng kasaysayan
ng lipunan at bansa kabilang ang mga teorya ng pinagmulan
at pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas at ng lahing Pilipino.
Mga Kasanayan sa Nasusuri ang pang-ekonomikong pamumuhay ng mga
Pagkatuto Pilipino sa panahong pre-kolonyal
a. panloob at panlabas na kalakalan
AP5PLP- Ig-7
II. NILALAMAN Panloob at Panlabas na Kalakalan noong Unang Panahon
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Aralin Panlipunan 5 (Pilipinas Bilang Isang Bansa) pp. 78-79
Kagamitang
Pangmag-aaral
3. Mga Pahina sa
textbook
4. Karagdagang
kagamitan mula sa
Learning Resources
B. Iba Pang Powerpoint Presentation, mga larawan, graphic organizer,
Kagamitang Panturo at table
IV.PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa Balik-aral
nakaraang aralin Pangkatin ang mga sumusunod na larawan. Ilagay ang mga ito sa
at/o pagsisimula ng tamang kahon:
bagong aralin.

B. Paghahabi ng Pagganyak: .
layunin ng aralin
Pagpapakita ng larawan ng kalakalan noong unang panahon.
Ano ang ipinakikita sa larawan? Gumamit ng graphic organizer:

Sagutan ang mga sumusunod na katanungan:


1. Sa inyong palagay, anong panahon ang ipinakikita sa larawan?
2. Ano ang ginagawa ng mga tao sa lugar na ito?
3. Base sa larawan, anu-ano ang mga bagay o produkto na hawak
ng mga tao?
4. Ano ang tawag sa kalakalang ito na kung saan ang mga
produkto ay ipinagpapalit din sa ibang produkto?
5. Paano napaunlad ng mga sinaunang Pilipino ang sistema ng
kalakalan sa ating bansa?
(Powerpoint Presentation)
C. Unlocking of Kalakalan
Difficulties Relihiyon
(Powerpoint Presentation)
D. Pag-uugnay ng LARO (Guessing Game)
mga halimbawa sa
bagong aralin Sabihin ang FACT kung sa tingin mo ang mga sumusunod na
pahayag ay totoo, samantalang BLUFF naman kung hindi.

1. Unang isinagawa ang pakikipagkalakalan ng mga Pilipino sa


pagitan ng iba’t-ibang barangay.
2. Ang bansang America ang kauna-unahang bansa kung saan
nakipagkalakalan ang mga sinaunang Pilipino.
3. Ang pagpapalitan ng mga produkto noong unang panahon ay
tinawag na barter.
4. Unang ginamit ng mga unang Pilipino ang salapi sa kanilang
pakikipagkalakalan.
5. Mahalagang mineral sa panahong ito ang ginto.
6. Ang pagsasaka ang isa sa naging pangunahing kabuhayan ng
mga Pilipino noong unang panahon.
7. Ang patakaran ng mga unang Pilipino sa pagmamay-ari ng lupa
ay pumapabor sa mga mahihirap na tao.
8. Dahil sa katubigang nakapaligid sa Pilipinas ay naging
pangunahing hanapbuhay din ng mga sinaunang Pilipino ang
pangingisda.
9. Ang pagmimina ay isa pang gawaing ekonomiko noong
sinaunang panahon.
10. Patpat at sangkalan ang gamit sa pagpapalayok ng mga
babaeng mula sa Visayas.
E. Pagtalakay ng Ang pangangalakal ay tumutukoy sa kusang palitan ng mga
bagong konsepto at produkto sa pagitan ng dalawang tao. Ito ang nakasanayan ng
paglalahad ng mga sinaunang Pilipino. Ang mga sobra sa kanilang mga
bagong Kasanayan pangangailangan ay natutunan nilang ipagpalit para sa ibang mga
produkto ng ibang pamayanan. Ito ang naging simula ng
#1
pakikipagkalakalan. Unang isinagawa ang pakikipagkalakalan ng
mga sinaunang Pilipino sa pagitan ng iba’t-ibang barangay at sa
paglipas ng pahanon ay sa mga karatig na lugar sa Timog-
silangang Asya. Sa simula ay nakipagpalitan sila ng kani-kanilang
mga produkto. Ang pagpapalitan ng produkto na ito ang tinawag
na sistemang barter.

Sa kalaunan, gumamit sila ng ginto at kabibe bilang salapi at


nagkaroon din sila ng mga kasangkapang panimbang at panukat
para sa pagtataya ng dami at halaga ng bilihin. Hindi rin nagtagal
ay naitatag ang sistema ng pakikipagkalakalan gamit ang salapi.

Naging sentro ng kalakalan ang maliliit na barangay. Kalimitang


palay, isda, kopra, niyog, torso, at ginto ang kanilang ikinakalakal.

Ang pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Pilipino ay napalago.


Maliban sa pakikipagpalitan ng produkto sa ibang pamayanan ay
lumawak ang pakikipag-ugnayan hanggang sa mga dayuhang
mangangalakal. Naging mabunga ang mahabang panahon na ito
ng pakikipagkalakalan sa mga dayuhan sapagkat bukod sa mga
produkto ay napayaman din ang kulturang Pilipino dahil sa mga
impluwensya ng mga nakaugnayang ibang lahi.

Nakipagkalakalan ang mga Pilipino sa mga tag-India, Indonesia,


China at sa mga Arab. Hindi naging tuwiran ang kalakalan sa
pagitan ng India at Pilipinas. Batay sa mga pananaliksik, ang mga
produktong mula sa India tulad ng Kristal, alaloryo, at mga
kasangkapang gawa sa metal ay dinala sa Pilipinas mula sa
Indonesia. Mahalagang produktong mineral sa panahong ito ang
ginto. Ang kalakalang India-Indonesia at Pilipinas ay tinatayang
naganap noong bago mag-ikatlo hanggang ikalawang dantaon
B.C.E. hanggang ikalimang dantaon C.E.
Samantala, ang Pilipinas at China ay nagsimulang
makipagkalakalan sa isa’t-isa noong 900 hanggang 1400 C.E. ilan
sa mga produktong Chinese ang tapayan, salamin, timbanga, at
jade.
Simula noong ikasiyam na dantaon naman nang
makipagkalakalan ang mga Pilipino sa mga Arabo. Ikasampung
dantaon nang nagging sentro ng kalakalang Muslim ang Sulu at
Mindanao. Ang mga produktong dala ng mga Arabo ay ang mga
kasangkapang gawa sa tanso, tapete at seramika.

Sa panahong ito lumabas ang kakayahan ng mga Pilipinong


makiangkop sa kanilang kapaligiran at pakinabangan ang mga
makukuha mula rito. Naging malikhain sila nang madagdagan ang
kanilang mga produkto at naitatag ang iba’t-ibang industriya nito.

Ang mga bagong produkto ay bunga ng pagkamalikhain at


maparan ng mga Pilipino, bagay na kahanga-hanga sa kanila.

F. Pagtalakay ng Nasusuri ang panloob at panlabas na kalakalan sa pamamagitan


bagong konsepto at ng table.
pagalalahad ng 1. Lugar ng kalakalan
bagong Kasanayan 2. Pamamaraan ng pangangalakal
#2 3. Mga produktong kinakalakal
G. Paglinang sa Piliin ang titik ng wastong sagot:
kabihasaan (Tungo 1. Ang mga sobra sa produkto ng mga Pilipino noong unang
sa formative panahon ay natutunan nilang ipagpalit ng _____________.
assessment) a. Ginto
b. Hayop
c. Bigas
d. Ibang produkto ng ibang pamayanan

2. Ang pagpapalitan ng produkto na ito ay tinatawag na


____________.
a. barter b. exchange stock c. palitan d. produkto sa
produkto

3. Sa kalaunan ay gumamit ng ______________ang mga


Pilipino sa pakikipagpalitan ng mga produkto.
a. Pera b. tanso c. ginto at kabibe d. metal

4. Ang mga produktong galling sa India ay ang mga


sumusunod:
a. Gulay, prutas at bigas
b. Kristal, abaloryo at mga kasangkapang gawa sa metal
c. Isda,
d. Tela, tapayan at mga bag

5. Ang tapayan, salamin, timbangan at jade ay mga


produktong galing sa _______.
a. Arab b. Indonesia c. India d. China
H. Paglalapat ng A. Igrupo ang klase sa dalawa, ipakita ang kalagayan ng
aralin sa pang- kalakalang panloob at panlabas noong sinaunang panahon
sa pamamagitan ng still image.
araw-araw na buhay B. Gawaing indibidwal pagkatapos ng pagsasadula;
Paghambingin ang kalakalang panloob noon at ngayon sa
pamamagitan ng:
1. Lugar ng kalakalan
2. Pamamaraan ng pangangalakal
3. Mga produktong kinakalakal
Paghambingin ang kalakalang panlabas noon at ngayon sa
pamamagitan ng:
1. Lugar ng kalakalan
2. Pamamaraan ng pangangalakal
3. Mga produktong kinakalakal
I. Paglalahat ng Ilarawan ang pang-ekonomikong pamumuhay ng mga
aralin Pilipino sa panahong pre-kolonyal sa pamamagitan ng
paglalagay ng angkop na salita sa mga patlang.

Ang pakikipagkalakalan ng mga Pilipino noong unang


panahon ay nagsimula sa mga sobrang produkto sa kanilang
pangangailangan. Unang isinagawa ang pakikipagpalitang
ito sa pagitan ng iba’t-ibang _____________ at sa paglipas
ng panahon ay sa mga karatig na lugar sa ___________.
Sa simula ay nakipagpalitan sila ng kani-kanilang mga
_____________. Ang pagpapalitan ng produkto na ito ang
tinatawag na sistemang ____________.
Hindi naging tuwiran ang kalakalan sa pagitan ng
__________at Pilipinas. Batay sa mga pananaliksik, ang
mga produktong mula sa __________ tulad ng
___________________________________________ay
dinala sa Pilipinas mula sa Indonesia. Mahalagang
mineral sa panahong ito ay ang ______________.
J. Pagtataya ng Totoo ba? Isulat ang Opo kung ang pangungusap ay .
aralin nagpapaliwanag ng umiral na ugnayan ng mga sinaunang
Pilipino sa pakikipagkalakalan nila sa mga dayuhan. Kung
hindi, isulat ang Hindi po at iwasto ang pangungusap:
_________1. Unang isinagawa ang pakikipagkalakalan ng
mga Pilipino sa Timog-silangang Asya.
_________2. Sa kalaunan, gumamit ng ginto at kabibe ang
mga Pilipino bilang pambayad sa mga produktong kanilang
nakakalakal.
_________3. Ang barter ay isang uri ng tela na mula sa
China.
_________4. Ang mga kasangkapang panimbang at panukat
ay ginamit sa pagtataya ng dami at halaga ng bilihin.
_________5. Ang mga Pilipino ay namulat sa uri ng
kalakalan na kung saan ang palitan ng product ng sinusunod
na sistema.
K. Karagdagang
gawain para sa
takdang-aralin at
remediation.

V. REMARKS
VI. REFLECTION
A. No. of learners who
earned 80% on the
formative assessment
B. No. of Learners who
require additional
activities for remediation
C. Did the remedial
lessons work? No. of
learners who have caught
up with the lesson.
D. No. of learners who
continue to require
remediation
E. Which of my teaching
strategies worked well?
Why did these work?
F. What difficulties did I
encounter that my
principal or supervisor
can help me solve?
G. What innovation or
localized materials did I
use/discover that I wish
to share with other
teachers?

Prepared by:

CHRISTINE D. SISMAET
Teacher I

Noted by:

JULIET B. BATALLONES
School Principal I

Address: Waling-waling St. Sisiman, Mariveles, Bataan 2105 School ID: 104647
Telephone: (047) 935-0072 e-mail: sisimanelementary@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
SISIMAN ELEMENTARY SCHOOL
WALING-WALING ST., BRGY. SISIMAN, MARIVELES, BATAAN

During the lesson proper..

Freeze Frame Group B

Freeze Frame Group A

You might also like