You are on page 1of 16

5

EPP Agriculture
Modyul 5:
Pag-aalaga ng Hayop na may
Dalawang Paa at Pakpak o Isda
EPP Agriculture – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Modyul 5: Pag-aalaga ng Hayop na may Dalawang Paa at Pakpak o Isda
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM


Awtor : Josephine M. Borja
Co-Awtor - Content Editor : Noel T. Lagman
Co-Awtor - Language Reviewer : Noel T. Lagman
Co-Awtor - Illustrator : Criselda C. Serrano
Co-Awtor - Layout Artist : Estrella R. Robles

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Mariveles : Francisco B. Bautista
District Lead Book Designer : Rosemarie G. Agustin
District LRMDS Coordinator, Mariveles : Noel T. Lagman
School LRMDS Coordinator : Melody C. Mañalac
School Principal, EPP/TLE : Leonila Alcid
District Lead Layout Artist, EPP/TLE : Fernalyn C. Magpoc
District Lead Illustrator, EPP/TLE : Mary Grace V. Gabay
District Lead Evaluator, EPP/TLE : Noel T. Lagman

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, EPP/TLE : Evelyn V. Mendoza
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer : Rommel M. Magcalas

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
5

EPP Agriculture
Modyul 6:
Pag-aalaga ng Hayop na may
Dalawang Paa at Pakpak o Isda
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito na isa sa mga lawak ng Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan (EPP) ay naglalayong maturuan ang mga mag-aaral ng mga
kasanayan tungkol sa pag-aalaga ng hayop.
Ang mga araling nakapaloob dito ay inaasahang matututuhan ng mga mag-aaral
habang nasa kanilang mga tahanan. Ang mga magulang, kapatid at iba pang
kasama sa bahay ay inaasahang magiging gabay ng mga bata upang malinang nang
husto ang kanilang kakayahan sa mga araling tatalakayin.
Pagkatapos ng mga aralin sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang
matutuhan mo ang:
1. Naipapaliliwanag ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop na may
dalawang paa at pakpak o isda. (EPP5AG0e-11);
2. Natutukoy ang mga hayop na maaaring alagaan gaya ng manok, pato,
pugo at tilapia. (EPP5AG0g-15); at
3. Nakakagagawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan na dapat
ihanda upang makapagsimula sa pag-aalaga ng hayop at isda.
(EPP5AG0g-15)

Kabutihang Dulot ng Pag-


Aralin
aalaga ng mga Hayop na
1 may Dalawang Paa at
Pakpak o Isda
Ang pag-aalaga ng hayop na may dalawang pakpak at isda ay isang
kapakipakinabang na gawain. Maraming produkto ang makukuha natin sa mga
aalagang hayoptulad ng karne at itlog. Isa rin libangan ang pag-aalaga nito bukod
sa ito ay napagkakakitaan. Ang pag-aalaga ng hayop ay nagsisilbing pinagkukunan
ng pagkain ng pamilya.

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
maunawaan ang kahalagahan ng pag-aalaga ng mga hayop na may
dalawang paa at pakpak o isda.

1
Suriin

Kasiya-siya at kapaki-pakinabang na gawain ang pag-aalaga ng hayop. Maraming


kabutihang naidudulot ang pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa at pakpak
pati na ang pag-aalaga ng isda.

Ang mga manok ay inaalagaan dahil sa ibinibigay nitong karne at


sariwang itlog na mayaman sa protina. Isa rito ay ang white leghorn
na mahusay magbigay ng sariwang itlog. Ang mga dumi naman ng
manok ay pinatutuyo upang gawing pataba sa mga halaman.
Maaari ring gawing palamuti ang mga balahibo nito o gawing
materyales sa paggawa ng mga proyekto.

Ang pato, itik, pugo at bibe ay nagbibigay din ito ng karne at


itlog na mayaman sa protina. Ang itik ay mainam magbigay ng
itlog na ginawang balut at ang pato naman ay mainam
pagkuhanan ng karne. Ang pugo din ay nagbibigay ng itlog at
karne.

Ang pag-aalaga ng isda katulad ng dalag,


bangus, hito at tilapia ay isang kawiwiling libangan. Madaling alagaan
ang tilapia. Karaniwan itong inalagaan sa sapa at palaisdaan. Ngunit
kung walang sapat na lugar maaring maghanda ng isang drum o timba
upang doon sila ay alagaan.

Sa Pilipinas, lalo na sa mga lalawigan, karaniwan ang pag-aalaga ng hayop sa mga


bakuran. Mayroong mga nag-aalaga ng manok, itik, baboy, kambing, at iba pang
hayop upang maipagbili bilang pagkain. Popular ang ganitong

Pagyamanin

Panuto A: Hanapin mo sa word puzzle ang sampung salita na may kinalaman sa


mga kabutihang naidudulot ng mga hayop na may dalawang paa at pakpak o isda.
Isulat ito sa iyong sagutang papel.

2
Isaisip

Ang pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa at pakpak o isda ay isang


kapakipakinabang na gawain at nagsisilbing libangan. Ang mga manok ay
nagbibigay ng karne, itlog at maging ang mga balahibo nito ay nagagamit din sa
paggawa ng iba’tibang proyekto tulad ng pamaypay, headdress at marami pang
iba. Maaaring namang gamiting pataba sa mga halaman ang mga dumi nito.
Kawili-wili ding alagaan ang mga isda tulad ng hito, tilapya at dalag bukod sa ito
ay nakatutulong sa pangangailangan ng mag-anak sa pagkain. Protina ang
sustansyang taglay ng mga ito na tumutulong sa paglaki at pag-unlad ng mga
buto at kalamnan.

Aralin Mga Hayop na Maaring


2 Alagaan Gaya ng Manok,
Pato, Pugo at Tilapia
Tunay na nakalilibang ang pag-aalaga ng hayop. Ating simulan ang aralin at alamin
kung ano-anong mga hayop na may dalawang paa at pakpak o isda ang maaari
nating simulan para alagaan

3
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
maunawaan ang mga hayop na mainam alagaan.

Suriin

Maraming uri ng hayop ang mainam alagaan sa ating bakuran. Ang pagpapasya
nito ay nasa uri ng kapaligiran na kanilang kinabibilangan. Kung ang tahanan ay
malapit sa ilog o dagat, maaring mag-alaga ng isda, pato, itik o bibe. Ang manok ay
maaring alagaan kahit sa maliit na espasyo sa ating tahanan.

Mga Hayop na Maaring Alagaan

Manok - Ang manok ay isang uri ng ibon na ating ginagawang pagkain.


Ang lalaking manok ay tinatawag na tandang, inahin naman ang sa
babaeng manok at ang mga anak o inakay ay tinatawag na sisiw.
Dumalaga naman ang tawag sa mabatabatang inahin kung ito ay wala
pang isang taon.

Ang mga manok ay may iba’t-ibang uri. May mga manok na mainam sa pangingitlog
tulad ng White Leghorn, Minorca at Mikawa. Ang mainam naman alagaan para sa
karne ay ang Arbor Acre, Cobb, Hubbard, Pilch, Dekalb at iba pa. May mga uri din ng
manok na mainam sa pangingitlog at sa kanilang karne tulad ng Plymouth Rock,
Rhode Island Red at New Hampshire. Tinatawag din broiler ang mga manok na
mainam magbigay ng karne at layer naman ang mga manok na mainam magbigay
ng itlog.

Pato, Bibe at Itik - Ang pato, itik at bibe ay mga uri din ng ibon. Ang
mga bibe o pato ay may mapuputing balahibo samantalang ang itik
naman ay may mga kayumanggi at itim na balahibo. Karaniwang
inaalagaan ang ito sa mga lugar na malapit sa tubig na kung saan may
mga suso at tulya na nagsisilbi nilang pagkain. Maaari din silang
pakainin ng mga pagkaing ibinibigay sa manok. Mainam silang magbigay ng itlog at
karne.

Ang mga itik ay hindi naglilimlim kaya ito ay pinalilimliman lamang sa manok. Ang
pato at bibe ay naglilimlim ng kanilang itlog at mabuting mag-akay ng kanilang
munting sisiw. Makalilimlim ng 12 hanggang 15 itlog ang isang babaeng bibe sa
isang upuan. Ang itlog ng pato at bibe ay nagpipisa sa loob ng 33 araw

4
Pugo - Ang pugo ay isang maliit na ibon na mainam magbigay ng itlog
at karne. Ang dumi at balahibo nito ay maaring gawing pataba o
organikong abono. Ang lahing Japanese Seattle ay mahusay magbigay
ng itlog at malaman na karne. Ang pugo na mabilis lumaki at dumami ay galing sa
Bulacan, Rizal at Batangas. Ang katawan ng pugo ay mabilog at maiiksi ang kanilang
mga paa at leeg.

Tilapya - Ang pag-aalaga ng isda ay madaling gawin. Ang tilapya ay


isang uri ng isdang nakakain. Nabubuhay ang mga ito sa
tubigtabang at tubig-alat ng mga pook na tropikal tulad ng Pilipinas.
Ito ay mabilis lumaki at dumami kaya dapat iwasan ang
magsiksikan ang mga ito sa fishpond.

Isaisip

Maaari tayong mag-alaga ng manok at pugo kahit maliit lamang ang ating
bakuran. Kung malapit naman tayo sa tubig tulad ng sapa, ilog at dagat, mainam
tayong magalaga ng mga isda, bibe, pato at itik. Ang tilapya ay madaling alagaan
at paramihin.

Uri ng manok na Aalagaan:


1. Broiler-na inaalagaan para sa taglay nitong karne.
2. Layer- na inaalgaan para sa mga itlog nito.
Tandang ang tawag sa lalaking manok, inahin ang sa babaeng manok at sisiw
naman sa mga inakay o anak ng manok. Ang mabatabatang inahin ay tinatawag
na dumalaga.

Isagawa

Ngayon ay alam mo na ang mga hayop na maaari mong alagaan. Itala ang mga
inalagaang hayop ng iyong pamilya at isulat din ang pakinabang na ibinibigay nito
inyo at sa pamayanan.

Hayop na Inalagaan ng pamilya Pakinabang sa Pamilya at pamayanan

1.
2.
3.

5
4.
5.

Mga Pamantayan 5 4 3 2 1

Nakapagtala ng hayop na inalagaan.

Nakapagbigay ng mga pakinabang na


dulot ng pag-aalaga ng hayop.

Naisaga ang Gawain nang may kawilihan

Paggawa ng Talaan ng mga


Aralin Kagamitan at Kasangkapan
3 na Dapat Ihanda Upang
Makapagsimula sa Pagaalaga
ng Hayop o Isda
Mahalaga sa pag-aalaga ng hayop na maging handa ang lahat ng mga kasangkapan
at kagamitan. Makakasiguro na ang ating aalagaang hayop ay lalaking malusog
kung maibibigay natin ang wasto at sapat pangangailangan nila.

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
maunawaan ang mga kagamitang maaring ihanda sa pagsisimula
ng pag-aalaga ng hayop o isda.

6
Tuklasin

Basahin nang tahimik ang maikling usapan ng mag-ama tungkol sa paghahanda ng


mga kagamitan sa pag-aalaga ng manok. Sagutin ang sumusunod na tanong sa
ibaba.
Si Jco ay palabas ng bahay nang makita ang kanyang Tatay na abala.
Jco: Ano po ang ginagawa ninyo Tatay?

Tatay: Kulungan ng manok anak. Balak ko kasing mag-alaga nito kaya


inihahanda ko ang kanilang tirahan. Kailangan ko din gumawa ng patukaang gawa
sa kawayan. Bibili din ako ng inuman at ilaw para sa mga sisiw.
Jco: Nakakatuwa naman po Tatay. Ngayon pa lamang ay masaya na ako sa aalagan
nating manok. Maaari po ba akong tumulong?

Tatay: Oo, naman anak. Mas makabuluhan ang gawaing ito at tiyak na
makakatulong sa ating pamilya. Kailangan lamang na maihanda natin ang mga
kasangkapang kailangan ng manok upang maging matagumpay ito.

Jco: Di po ba kailangan ding ihanda ang mga gamot at pagkain? Para po hindi sila
magkasakit at maging malusog ang kanilang katawan.
Tatay: Tama ka Joco. Marami pa tayong dapat ihanda. Tara tulungan mo na ako.

At masayang nagtulungan ang mag-ama sa paggawa ng kulungan.


Talakayin na natin. Basahin mo at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
1. Sino-sino ang nag-uusap?
2. Tungkol saan ang kanilang pinag-usapan?
3. Anong hayop ang balak alagaan ng tatay?
4. Anu-anong kasangkapan ang kailangan ihanda ng Tatay sa pag-aalaga ng
manok?
5. Natuwa ba si Jco sa sinabi ng Tatay tungkol sa kanyang balak na
pagaalaga ng manok?
6. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa ng Tatay na ihanda ang lahat ng
kasangkapan sa pag-aalaga ng manok? Bakit?

Suriin

Ang mga gawain ay magiging madali at magaan kung pinaghahandaan ito nang
mabuti. Laging isaalang-alang na maging maingat at wasto sa pagpili ng
kasangkapan, kagamitan at materyales na gagamitin upang magtagal ang
pakinabang nito sa atin.

7
Sa araling ito, malalaman mo ang kahalagahan ng pagtatala ng mga kagamitan at
kasangkapang dapat ihanda bago simulan ang pag-aalaga ng hayop at isda.

Kasangkapan at Kagamitan sa Pag-aalaga ng Manok

1. Kulungan- nagsisilbing tirahan ng manok upang maging


ligtas sa init at lamig ng panahon.

2. Artificial Brooder- ilaw na nagbibigay init sa mga sisiw


mula unang araw hanggang ika-apat na linggo.

3. Lagayan ng patuka at inumin- tiyakin na hindi


natatapon ang mga pagkain at naabot ng mga sisiw.

4. Dropping Board- yero o tabling-inilalagay sa ilalim ng


kulungan upang mapadali ang paglilinis ng dumi ng manok.

5. Pagkain ng manok- tinuturing na pinakamagastos na kailangan


ng manok.
a. Starting Mash- pagkain para sa bagong pisang sisiw hanggang 6
na linggo.
b. Growing Mash- pagkain para sa anim na linggo hanggang sa
maipagbili o hanggang sa mangitlog ang inahin.
c. Laying Mash- pagkain para sa manok na nagsisimulang
mangitlog.

6. Gamot at Bitamina- kailangan ng mga manok upang


mapanatiling malusog at magbigay ng mataas na uri ng karne
at itlog.

7. Malinis na Tubig- higit na kailangan ng manok ang


malinis na tubig na kadalasang dito inihahalo ang mga
bitamina na pandagdag sa resistensya upang malabanan ang
sakit.

Kasangkapan at Kagamitan sa Pag-aalaga ng Pugo


1. Kulungan- na magsisilbing panangga sa init at lamig ng panahon.
2. Pagkain – starting mash hanggang isang buwan.
3. Buhangin- ito ay ginagamit sa pangingitlog ng pugo.
4. Gamot at bitamina na magsisilbing panlaban sa sakit.
5. Malinis na tubig na maiinom ng mga alaga nating hayop.

8
Kasangkapan at Kagamitan sa Pag-aalaga ng
Tilapya

1. Fishpond- May tamang sukat ang fishpond na


gawa sa semento upang magkasya ng mga tilapyang
aalagaan. Ngunit kung walang lugar na paglalagyan,
maaring gumamit ng drum na magiging sapat lamang
ang aanihing tilapya sa pangangailangan ng mag-anak.
2. Pagkain-ang mga pagkain ng tilapya ay lumot,
maliliit na halamang dagat o sapa, suso, darak, at
tinapay. May mga pagkaing komersyal din na mabibili sa
pamilihan.

Pagyamanin

Panuto: Itala mo kung anong kagamitan o kasangkapan ang tinutukoy na


kailangang ihanda mo bago magsimulang mag-alaga ng hayop.
_____1. Paglalagyan ng aalagaang isda na gawa sa semento.
_____2. Pagkain ng pugo sa loob ng isang buwan.
_____3. Dito gawa ang limliman ng bibe kapag mangingitlog.
_____4. Ilaw na nagbibigay init sa mga sisiw.
_____5. Pagkain ng manok para sa anim na linggo.
_____6. Nagsisilbing tirahan ng mga hayop upang maging ligtas sa init at lamig ng
panahon.
_____7. Inilalagay sa kulungan ng pugo na ginagamit sa pangingitlog.
_____8. Inilalagay na tabla o yero sa ilalim ng kulungan upang mapadali ang
paglilinis ng dumi ng manok.
_____9. Pinakamagastos na pangangailangan sa pag-aalaga ng hayop.
_____10. Pagkain para sa manok na nagsisimulang mangitlog.

Isaisip

Basahin ang maikling talata at ayusin ang mga salitang nakasalungguhit upang
mabuo ang mga konseptong natutuhan.

Maraming dapat isaalang-alang na kagamitan kung tayo ay magsisimulang


magalaga ng hayop. Kailangan ng lngakunu upang masiguro na ligtas sila sa init
at lamig. Upang maging malakas at hindi magkasakit, lagi silang painumin ng
tanbmiai. Lagyan ng malinis na bgtiu ang kanilang inuman para manatili silang
maliksi at masigla. Bigyan din sila ng sapat at wastong pikanga. Sa mga
aalgaang isda, mainam na magtayo ng isang maliit na ofndsihp. Ilan lamang yan
sa mga dapat nating ihanda kung mag-aalaga ng hayop.

9
Susi sa Pagwawasto

Aralin 1 Aralin 2 Aralin 3

10
Sanggunian
Peralta, Gloria A., Arsenue, Ruth A., Ipolan, Catalina R., Quiambao, Yolanda L.,
De

Guzman, Jeffrey D. Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5, Batayang


Aklat, Vicarish Publication and Trading, Inc. 2016

Ventura, Ana B., Deliarte, Evelyn D., Makabuluhang Gawaing Pantahanan at


Pangkabuhayan 5, Adriana Publishing Co., Inc., 2006 https://the-chicken-
chick.com/droppings-boards-because-poop-happens/
https://www.fisheries.kerala.gov.in/aquaculture

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like