You are on page 1of 16

5

EPP Agriculture
Modyul 1:
Abonong Organiko
EPP Agriculture – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Modyul 1: Abonong Organiko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM


Awtor : Rubylyn R. Tejadilla
Co-Awtor - Content Editor : Maricel A. Hualde
Co-Awtor - Language Reviewer : Aileen R. Nuňez
Co-Awtor - Illustrator : Carmelita S. Manimtim
Co-Awtor - Layout Artist : Rubylyn R. Tejadilla

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Mariveles : Francisco B. Bautista
District Lead Book Designer : Rosemarie G. Agustin
District LRMDS Coordinator, Mariveles : Noel T. Lagman
School LRMDS Coordinator : Carmelita S. Manimtim
School Principal, EPP/TLE : Leonila Alcid
District Lead Layout Artist, EPP/TLE : Fernalyn C. Magpoc
District Lead Illustrator, EPP/TLE : Mary Grace V. Gabay
District Lead Evaluator, EPP/TLE : Aileen R. Nuñez

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, EPP/TLE : Evelyn V. Mendoza
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer : Rommel M. Magcalas

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
5

EPP Agriculture
Modyul 1:
Abonong Organiko
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang maipamalas ang pang-


unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng gulay at ang
maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay.
Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:
1. Nakagagawa ng abonong organiko (EPP5AG-0b-4)

a. Natutukoy ang kahalagahan ng paggawa ng abonong organiko


b. Natutukoy ang mga pamamaraan ng paggawa ng abonong
organiko;

Aralin

1 Abonong Organiko

Mahalaga ang lupa sa lahat ng nilalang. Ito ay tinatayuan ng mga gusali at bahay
ng mga tao. Ito ang tirahan ng mga hayop. Lupa rin ang tinutubuan ng mga halaman
at punong kailanagan ng mga tao at hayop sa pang-araw-araw na buhay.

Malaki ang pakinabang natin sa lupa. Nararapat lamang na ibalik natin sa lupa ang
kailangan nitong pagpapayaman at pag-aalaga upang magpatuloy ito sa pagbibigay
sa atin ng masaganang ani.

Kailangan linangin, gamitin at alagaan ang lupang taniman at ang mga pananim
nito. Mga kamay na masipag, matiyaga, at mapamaraan ang kailangan upang
magawa itong produktibo. Mahalagang malaman ng mga mag-aaral ang tamang
pangangalaga, hindi lamang pananim kundi pati na rin ang lupang taniman. Kapag
hindi malusog at hindi maganda ang lupa, hindi magiging masagana ang ani nito.

Subalit kung malusog at maganda ang lupa, magiging malusog at mabunga ang
pagtatanim dito.

Ang paggawa ng organikong pataba ay maganda sa lupa at sa halaman sapagkat ito


ay nakatutulong upang lumago at tumaba ang halaman.

Ang mga nabubulok na basura tulad ng mga balat ng prutas at gulay, mga tuyong
dahon at mga tirang pagkain ay maaring pang gamitin sa mas kapakipakinabang na
paraan. Kaya nararapat na magkaroon tayo ng kaalaman sa paggawang organikong
pataba sa pamamagitan ng paggawa ng compost.

1
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
matukoy ang kahalaga at pamamaraan ng paggawa ng abonong
organiko sa pamamagitan ng compost pit at basket composting.

Tuklasin

Maraming nakatambak na basura sa inyong likod bahay. Nariyan ang mga lumang
gulong, lumang sisidlan ng tubig, mga lumang yero at iba pang di nabubulok na
bagay. Nakita mo ring maraming nakakalat ang mga tuyong dahon at damo at sa
isang banda natanaw mo ang mga pinagbalatan ng prutas at gulay. Sa iyong palagay
ano ang marapat mong gawin sa mga ito?

2
Suriin

Sa paghahalaman, kailangan ang abono upang maging mataba at malago ang ating
mga pananim. Ito ay maaaring magmula sa likas na yaman. Sa pamamagitan ng
composting, ang mga sariwa o mga nabubulok na basura tulad ng mga balat ng gulay
at prutas, mga dahon ng halaman at mga dumi ng hayop ay pwedeng gawing abono.
Tinatawag itong abonong organiko o compost.

Bakit tayo gumagamit ng Compost?


• Kailangang maparami ang ani, ngunit hindi sana naabuso ang
lupa
• Mas kakaunti ang “methane gas” ng damo kung makokompost
muna bago ihalo sa lupa.
• Pinatataba muli ng compost ang lupa, kaya darami ang ani.
Bakit maganda ang Compost?
• Pinalalambot ang lupa. Pinagaganda ang pagsalat (texture) at
bungkal ng lupa (Tilt)
• Hindi mabilis matuyo ang lupa.
• Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak ng
tubig (water holding capacity) Pinaluluwag ang paghinga ng
lupa
• Ibinibigay ang mga sustansiyang wala sa abonong kemikal.
Pinatataba ang lupa o nagiging maganda ang ani.
• Matipid; maaaring mabawasan ang dami ng kemikal na abono
Paggawa ng Compost

Mahalaga ang pataba sa halaman. Ito ay nagpapayaman sa lupa upang makuha


ng ugat ng mga pananim ang mga sustansyang kailangan upang lumaki itong
malusog.

Sa likod ng bakuran o isang


lugar ay maaaring gumawa ng
hukay o balon kung saan
hahayaang mabulok ang mga
basura tulad ng tuyong dahon,
damo, balat ng pagkain, at dumi
ng hayop upang maging pataba
pagkaraan ng ilang buwan.
Compost pit ang tawag sa
hukay na ito. Isang matipid na
paraan upang magkaroon ng
sapat na panustos ng patabang
organiko.

3
Paraan ng Paggawa ng Compost Pit

1. Gumawa ng hukay sa lugar na tuyo, patag, at malayo layo sa bahay.


Humukay ng may isang metro ang lalim.
2. Pagsamasamahin ang mga tuyong dahon, nabubulok na gulay, prutas,
pagkain, at iba pang nabubulok na bagay.
3. Ilatag ang nabubulok na bagay sa hukay hanggang umabot ng 30 sm ang
taas.
4. Patungan ito ng dumi ng hayop.
5. Patungan ito muli ng lupa, abono, o apog.
6. Paulit-ulit na gawin ang pagtatambak hanggang sa mapuno ang hukay.
7. Diligan ang ibabaw araw-araw. Kung tag-ulan, takpan ito ng yero.
8. Palipasin ang dalawang buwan o higit pa, mayroon ng abonong organiko
na magagamit na pataba sa halaman.

Ang abonong organiko ay napabubuti ang hilatsa ng lupa at malusog na paglaki


ng mga pananim. Ito ay napakaepektibong pataba na hindi magastos. Narito ang
isa pang paraan ng paggawa ng compost sa may maliliit na espasyo.
Ang basket composting ay isa paraan ng pagpapabulok ng basura sa isang
lalagyan. Maaring gumawa nito sa pamamagitan ng pinagpatong patong na
gulong ng sasakyan, lumang sisidlan ng tubig, o resaykel na bagay. Narito ang
paraan ng paggawa ng basket composting.

Paraan ng Paggawa ng Basket Composting

1. Maghanda ng mga lalagyang maaaring iresaykel.


2. Pagsama-samahin ang mga pinagbalatan ng prutas, gulay, mga damo,
dayami at iba pang nabubulok na basura.
3. Ilagay rito ang mga pinagsama-samang nabubulok na bagay tulad ng
dahon, prutas, gulay at mga tirang pagkain.
4. Lagyan muli ng lupa at diligin.

4
5. Takpan ng dahon ng saging o yero upang hindi langawin.
6. Gawin ang proseso hanggang mapuno ang lalagyan.
7. Palipasin ang dalawang buwan, haluin ang mga pinagsama-samang
bagay. Pagkatapos nito, ang compost ay maaari nang gamitin bilang
pataba.

Pagyamanin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Bakit kailangang paghiwalayin ang mga nabubulok sa hindi nabubulok
na mga basura?
2. Maraming nakatambak na nabubulok na basura sa inyong bakuran,
ano ang maari mong gawin upang maging kapaki-pakinabang sa mga
ito?
3. Anong kabutihan ang naibibigay ng paggamit ng abonong organiko?
4. Ano ang iyong gagawin upang maging kawili-wili ang paggawa ng
compost sa lahat ng kasapi ng pamilya?
5. Paano ang wastong paraan ng paggawa ng basket composting o compost
pit?

Isaisip

Ang compost o abonong organiko ay isang uri ng pataba mula sa mga tuyong
damo o dahon, mga balat ng mga prutas at gulay at mga dumi ng hayop na
binubulok sa isang hukay sa isang malawak na lugar o sa isang lalagyan. Ito ay
lubos na nakatutulong sa atin upang mas lumusog at mapaganda ang lupang
taniman. Ito ay napakaepektibong pataba na hindi magastos.

Gumagamit tayo ng Compost dahil sa sumusunod na dahilan.

1. Kailangang maparami ang ani, ngunit hindi sana naabuso ang


lupa
2. Mas kakaunti ang “methane gas” ng damo kung makokompost
muna bago ihalo sa lupa.
3. Pinatataba muli ng compost ang lupa, kaya darami ang ani.

5
Maganda ang Compost sa lupa dahil sa sumusunod na dahilan.

1. Pinalalambot ang lupa. Pinagaganda ang pagsalat (texture)


at bungkal ng lupa (Tilt)
2. Hindi mabilis matuyo ang lupa.
3. Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak
ng tubig (water holding capacity) Pinaluluwag ang paghinga
ng lupa
4. Ibinibigay ang mga sustansiyang wala sa abonong kemikal.
5. Pinatataba ang lupa o nagiging maganda ang ani.
6. Matipid; maaaring mabawasan ang dami ng kemikal na
abono

May dalawang uri ng paraan ng paggawa ng compost o abonong organiko;

Compost pit
- Pagsasama-sama ng mga nabubulok na basura katulad ng dumi ng
hayop, dahon, balat ng prutas, damo at iba pa. Ito ay maaaring gawin sa
bakanteng lote.

Basket composting
- Pagsasama-sama rin ng mga nabubulok na basura sa isang lalagyan. Ito
ay ginagawa kung walang masyadong malawak na ispasyo.

Isagawa

Panuto A: Iguhit ang (dahon) kung ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng


kahalagahan ng paggawa ng abonong organiko at (lata) kung hindi. Iguhit ang
sagot sa sagutang papel.

_____1. Sinisiksik nito ang lupa.


_____2. Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak ng tubig.
_____3. Madaling matuyo ang lupa.
_____4. Pinatataba ang lupa at nagiging maganda ang ani.
_____5. Matipid, at maaring mabawasan ang dami ng kemikal na abono.

6
B. Lagyan ng wastong bilang (1-5) ayon sa pagkakasunod-sunod na hakbang sa
paggawa ng compost.

_____1. Pagsamasamahin ang mga tuyong dahon, nabubulok na gulay, prutas,


pagkain, at iba pang nabubulok na bagay.

_____2. Patungan ito muli ng lupa, abono, o apog. Paulit-ulit na gawin ang
pagtatambak hanggang sa mapuno ang hukay.

_____3. Gumawa ng hukay sa lugar na tuyo, patag, at malayo layo sa bahay.


Humukay ng may isang metro ang lalim.

_____4. Diligan ang ibabaw araw-araw. Kung tag-ulan, takpan ito ng yero.
Palipasin ang dalawang buwan o higit pa bago gamitin.

_____5. Ilatag ang nabubulok na bagay sa hukay hanggang umabot ng 30 sm


ang taas. Patungan ito ng dumi ng hayop.

Tayahin

Panuto A. Isulat ang salitang organiko kung ang sumusunod na pahayag ay


nagpapakita ng kahalagahan at pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko at
di-organiko kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____1. Ito ay nagpapayaman sa lupa upang makuha ng ugat ng mga
pananim ang mga sustansyang kailangan upang lumaki itong
malusog.

_____2. Ang abonong organiko ay pinabubuti ang daloy ng hangin at


kapasidad na humawak ng tubig.

_____3. Mag ipon ng mga di-nabubulok na basura.

_____4. Paulit-ulit na lagyan ng nabubulok na basura, lupa o apog ang


hukay hanggat mapuno ito.

_____5. Palipasin ang isang buwan bago gamitin ang compost.

7
B. Lagyan ng titik A-E ayon sa pagkakasunod-sunod na mga hakbang sa paggawa
ng compost.

_____1. Ilagay rito ang mga nabubulok na bagay tulad ng dahon, prutas,
gulay at mga tirang pagkain.

_____2. Takpan ng dahon ng saging o yero upang hindi langawin.

_____3. Maghanda ng mga lalagyang maaring iresaykel o gumawa ng


hukay.

_____4. Lagyan muli ng lupa at diligin.

_____5. Gawin ang proseso hanggang mapuno ang lalagyan. Palipasin ang
dalawang buwan bago gamitin.

Karagdagang Gawain

Ilahad ang iyong saloobin sa sumusunod na mga katanungan at sitwasyon.

1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa paggawa ng


abonong organiko?

2. Ipagpalagay mayroon kayong bakanteng lote, ano ang iyong gagawin?

3. Maglahad din ng mga gawaing magpapaunlad ng inyong pamilya ngayong


panahon na may pandemya. Ilahad sa isang malinis na papel ang iyong
mga hakbang at paraang gagawin.

8
Rubriks sa Paglalahad

Tayahin ang isinulat na paglalahad batay sa sumusunod na pamantayan.


Lagyan ng tsek (/) sa puntos na naaayon sa mga sumusunod na pamantayan.

Puntos

Pamantayan 5 4 3 2 1
1. May kahulugan ang inilahad at
pagkaka-ugnay ng detalye,
organisado.

2. Malinaw ang layunin, nasa pokus

3. Gumamit ng payak at angkop na mga


salita at lubos na nauunawaan

4. Wasto ang ginamit na malalaking titik


(kung saan kailangan) gayundin ang
bantas, baybay ng mga salita, at iba
pang mekaniks sa pagsulat

Kabuuang Puntos:

Pagpapakahulugan
16-20 = Napakahusay

10-15 = Mahusay

5-9 = Mahusay-husay

1-4 = Kailangan pang Magsanay

9
Susi sa Pagwawasto

10
Sanggunian
Peralta, Gloria, Ruth Arsenue, Catalina Ipolan, Yolanda Quiambao, and Jeffrey de
Guzman. Kaalaman At Kasanayan Tungo Sa Kaunlaran 5 Patnubay Ng Guro.
1st ed. Reprint, Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016.

Peralta, Gloria, Ruth Arsenue, Catalina Ipolan, Yolanda Quiambao, and Jeffrey de
Guzman. Kaalaman At Kasanayan Tungo Sa Kaunlaran 5 Batayang Aklat.
Reprint, Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like