You are on page 1of 26

Maligayang pagtuntong sa Ikalimang Baitang!

Noong nasa Ika-apat na baitang ka ay


natutuhan mo ang pagtatanim at pag-aalaga ng
mga ornamental na halaman. Ngayon ay mas
mapapalawak mo pa ang iyong kaalaman tungkol
sa agrikultura.

Handa ka na ba sa iyong aralin?


Paunang Pagtatasa

1.Anong uri ng pataba ang mahusay gamitin sa


pagpapatubo ng halaman?

A. Organikong Pataba C. Compost Pit

B. Kemikal na Pataba D. A at B
Paunang Pagtatasa

2. Ano ang tawag sa paraan ng pagpapabulok ng


mga basura sa isang sisidlan ?

A. Basket Composting C. Compost Pit

B. Kemikal na Pataba D. Organikong Pataba


3. Alin sa mga sumusunod ang hindi maaaring
gawing organikong pataba?

A. Pinagbalatan ng mga gulay at prutas

B. Dumi ng kabayo, kalabaw at kambing

C. Mga nalaglag na dahon ng halaman at puno

D. Dumi ng aso at baboy


4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng
kahalagahan ng paggamit ng organikong pataba?

A. Ligtas gamitin dahil walang halong kemikal

B. Nakatitipid ng pera sa paggamit nito

C. Pinapataba nito ang lupa kung kaya’t


maganda ang ani
D. Siguradong epektibo dahil ito ay may
halong kemikal
5. Nais gumawa ng organikong abono ni Aling Lydia para sa kaniyang
mga pananim, ngunit walang espasyo sa kanilang bakuran upang
paggawan ng hukay na pagbabaunan ng mga nabubulok na bagay.Ano
ang maaari niyang gawin?

A. Bumili na lamang ng mga kemikal na abono

B. Huwag na lang lagyan ng abono ang mga pananim

C. Maghanap ng mga sisidlan na maaring gamitin sa


Basket Composting

D. Gumawa ng hukay sa labas ng kanilang bakuran


Pagganyak

Saang sisidlan kaya dapat ilagay ang mga larawan sa ibaba?

Alin ang dapat na ilagay sa sisidlan ng nabubulok?

Alin naman ang dapat na ilagay sa mga recyclable bin?


Tama ba ang iyong mga sagot?

Magaling kung gayun?


Binabati kita !
Organikong Abono o Compost-

Ito ay isang uri ng pataba na nagmumula sa mga


pinabulok na mga dayami,dahon,damo,pinagbalataan ng
gulay at prutas,mga dumi ng hayop, at mga iba pang
organikong materyal.
Mga organikong materyal na maaaring gawing pataba
PARAAN NG PAGGAWA NG ORGANIKONG ABONO

May dalawang paraan ng paggawa ng organikong abono, ito ay ang:

A.Compost Pit

Ito ay isang hukay na may katamtamang laki at lalim kung


saan inilalagay ang mga nabubulok ng basura galing sa ating
kusina, mga damo at dahon, mga dumi ng hayop, at iba pang
organikong materyal.
Basket Composting-

Ito ay paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa


isang lalagyan na tulad din ng compost pit.
Ang abonong organiko ay nakatutulong sa lupa upang maging
maganda at malusog ang tubo ng ating mga pananim. Ito ay
napakaepektibong pataba at hindi magastos. Makasisiguro tayong
ligtas ang ating mga pagkain dahil ito ay hindi gawa sa kemikal.
Kung ang ating mga pananim ay maganda at malusog magbibigay
ito sa atin ng masaganang ani na makatutulong sa ating pang
araw- araw na pangangailangan at maaari pa natin itong
pagkakitaan.
Madali lamang ang paggawa ng compost lalo na sa may mga
malawak na bakuran. Maaari na nating gamiting pataba ang mga
pinabulok na basura pagkaraan ng dalawanag buwan o higit pa.
Pansinin ang larawan kung papaano iniaayos ang mga pinabubulok na basura sa
isang hukay upang maging compost.

Dried Leaves

Kitchen scraps

straw

Grass clippings

Brown Leaves

Green leaves

Wood chips
Mga dahilan sa paggamit ng compost:

 Kailangang maparami ang ani, ngunit hindi sana naaabuso


ang lupa
 Mas kakaunti ang “methane gas”ng damo kung
makokompost muna bago ihalo sa lupa.

 Pinatataba muli ng compost ang lupa, kaya darami ang ani.

 Mahalagang maibalik natin sa lupa ang mga kailangan nitong


pagpapayaman ng sa ganun ay magpatuloy ito sa pagbibigay ng
masaganang ani.
Bakit mainam gamitin ang compost?

 Pinalalambot nito ang lupa. Pinagaganda ang pagsalat (texture)


at bungkal ng lupa (tilt).

 Hindi mabilis matuyo ang lupa.

 Pinabubuti nito ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak


ng tubig.

 Pinaluluwag nito ang paghinga ng lupa.


Bakit mainam gamitin ang compost?

 Ibinibigay nito ang mga sustansiyang wala sa abonong kemikal.

 Pinatataba ang lupa kung kaya’t nagiging maganda ang ani.

 Epektibo ito at hindi magastos.

 Magiging ligtas ang pagkain ng mga bunga ng ating pananim


dahil alam nating wala itong halong kemikal.
Gawain 1

Panuto: Ibigay ang mga pamamaraan sa paggawa ng organikong


pataba at ilarawan ang bawat isa.

   
Gawain 2

Panuto: Itala ang kahalagahan ng paggamit ng abonong organiko.

Kahalagahan ng
Paggamit ng
Abonong Organiko
Gawain 3
Panuto:
1. Ano- ano ang dalawang pamamaraan sa paggawa ng organikong abono.
a.
b.
2. Magbigay ng mga halimbawa ng mga organikong materyal na makikita sa ating tahanan
at kapaligiran na maaari nating gawing abono.
a.
b.
c.
d.
e.
f.
3. Bakit mahalaga na magkaroon tayo ng kaalaman at kasanayan sa paggawa at paggamit
ng organikong pataba?
a.
b.
TANDAAN

Ang compost ay isang uri ng pataba mula sa mga tuyong dahon,damo,balat


ng mga prutas at gulay, dumi ng hayop na kumakain ng damo na
ipinabubulok sa isang hukay sa isang malawak na lugar samantalang ang
basket composting ay pagpapabulok ngbasura sa isang sisidlan.
Mahalagang magkaroon tayo ng kaalaman at kasanayan sa pagawa at
paggamit nito nang sa gayon ay maging mabunga ang ating ani at ligtas natin
itong maihahain sa ating hapag kainan dahil ito ay walang halong kemikal.
Panuto: Tukuyin kung wasto ang isinasaad sa bawat pangunusap. Isulat ang
TAMA sa patlang kung wasto ang isinasaad at MALI naman kung ito ay hindi
wasto.

________1. Ang paggamit ng organikong pataba ay nakatutulong sa ating


pananim at sa ating kalusugan.

________2. Ang pagkokompost ay maaari lamang gawin sa pamamagitan ng


paggawa ng hukay sa lupa.

________3. Ang basket composting ay isang paraan ng pagpapabulok ng


mga
organikong basura sa isang sisidlan.
________4. Pinabubuti ng organikong pataba ang daloy ng hangin at
kapasidad ng lupa na humawak ng tubig.

________5. Madaling matuyo ang lupa kung ito ay may halong organikong
pataba.
REFERENCES

1. Grade 5 EPP MISOSA


2. K to 12 Most Essential Learning Competencies (page
403)
3. Slideshare.net EPP 5-Agriculture by Elaine B. Estacio
https://www.slideshare.net/ElaineEstacio2/kahalagan-ng-paggawa-
ng-organikong-pataba

You might also like