You are on page 1of 5

Learning Area Filipino 5 Grade Level Ikalima

W8 Quarter Ikatlo Date

I. LESSON TITLE Gamit ng Pangkalahatang Sanggunian / Pagbibigay ng Datos sa isang


Form
II. MOST ESSENTIAL LEARNING ● Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagsasaliksik
COMPETENCIES (MELCs) tungkol sa isang isyu (F5EP-IIIb-6)
● Naibibigay ang datos na hinihingi ng isang form (F5PU-Ii-16)
III. CONTENT/CORE CONTENT A. Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan
ang iba’t ibang teksto
● Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa
pagsasaliksik tungkol sa isang isyu (F5EP-IIIb-6)
B. Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng
sulatin
● Naibibigay ang datos na hinihingi ng isang form (F5PU-Ii-16)
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Time Frame
A. Introduction 40 minuto Inaasahan na pagkatapos ng aralin na ito ay magagamit mo
Panimula nang wasto ang pangkahalatang sanggunian sa pagsasaliksik tungkol
sa isang isyu at makapagbibigay ka ng mga datos na hinihingi sa isang
form o polmularyo. Handa ka na bang matutuhan ang mga ito?
Sinumalan na natin.
Mahalaga ang paggamit ng mga sanggunian sa
pananaliksik. Maaaring matagpuan dito ang sagot sa halos lahat ng
tanong. Kailangan lamang maging matiyaga at maparaan sa
pananaliksik at paggamit ng mga sanggunian. Ang bawat
sanggunian ay may iba’t ibang gamit.
Pag-aralan mo ang talahanayan:
Sanggunian Impormasyong Makukuha
Kahulugan, baybay, pagpapantig, at
Diksiyonaryo pinagmulan ng mga salita. Malalaman
din kung sa aling bahagi ng pananalita
kabilang
ang salita. Nakaayos ito ng paalpabeto.
Tesawro Kasingkahulugan at kasalungat ng mga
salita
Mga mapa at impormasyon tungkol sa
Atlas isang lugar, gaya ng lawak, layo,
populasyon,
anyong-lupa at anyong-tubig
Taunang talaan o kalendaryo ng mga
Almanake/Almanac mahahalagang petsa at datos ng
impormasyon na nagyari sa aktuwal na
pagkakataon
Balita, impormasyon, o patalastas tungkol
Peryodiko/Pahayagan sa isang luagr o espesyal na paksa.
Maaaring maglabas ng bagong isyu sa
bawat araw, linggo, buwan o taon.
Ginagamit bilang sanggunian sa
paghahanap ng kaalaman tungkol sa
Ensiklopedya iba’t ibang larangan. Ito ay naglalaman
ng malawak at komprehensibong artikulo
tungkol sa isang paksa.
Dahil sa makabagong teknolohiya, maaari nang makakuha
ng impormasyon mula sa diksiyonaryo, tesawro, ensiklopedya, atlas,
almanake, at peryodiko na matatagpuan sa internet.
Anuman ang sangguniang pipiliin, mahalagang tiyakin na
maaasahan ang pinagmulan ng impormasyon. Hangga’t maaari,
gumamit ng dalawa o higit pang sanggunian sa pananaliksik.
(Upang madagdagan pa ang iyong kaalaman tungkol sa paksang
ito, maaari mong buklatin ang iyong aklat sa Alab Filipino 5 sa pahina
86-87.)
Kaugnay ng paggamit ng mga pangkalahatang sanggunian sa
pananaliksik ang pagpunta sa isang silid-aklatan. Sa isang silid-
aklatan, mahalaga na alam mo kung paano makapagibigay ng mga
datos sa mga hinihinging form para sa kanilang talaan.
Ang form o pormularyo ay dokumentong may kailangang punan
batay sa hinihingi nitong impormasyon. Tandaan lamang na dapat
makatotohanan ang mga impormasyong ibibigay at ito ay may
wastong baybay.

Halimbawa ng form o polmularyo:

(Matagtagpuan ang araling ito sa aklat ng Alab Filipino 5 sa pahina 55


para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksa. )
B. Development 20 minuto Ngayong alam mo na kung ano ang gamit ng iba’t ibang
Pagpapaunlad pangkalahatang sangguian at ang pagbibigay ng mga datos sa
isang form, patunayan mo ang iyong kasanayan sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng sumusunod na gawain.
Gawain sa Pagkatuto 1: Isipin mong ikaw ay dumalo sa isang
patimpalak sa pagsulat ng sanaysay sa inyong paaralan at binigyan
ka ng isang form na dapat mong punan ng impormasyon tungkol sa
iyong sarili. Kopyahin ang form sa iyong kuwaderno at punan mo ito
ng wastong impormasyon.

RUBRIKS SA PAGSAGOT NG
FORM
NILALAMAN PUNTOS
● Naibigay lahat ang mga impormasyong hinihingi ng form na 5
may tamang baybay at maayos na pagkakasulat.
● Bahagyang naibigay ang mga impormasyong hinihingi ng 4
form ngunit may tamang baybay at maayos ang
pagkakasulat.
● Hindi masyadong naibigay ang mga impormasyong 3
hinihingi ng form ngunit may tamang baybay at maayos
ang pagkakasulat.

Gawain sa Pagkatuto 2: Tukuyin sa Hanay B ang sangguniang dapat


gamitin upang matugunan ang hinihingi sa bawat bilang sa Hanay A.
Piliin ang sagot at isulat ito sa iyong kuwaderno.
HANAY A HANAY B
1. Ano ang pinakamalaking bansa sa
a. Almanac/almanake
Asya?
b. Diksiyonaryo
2. Ano ang kasingkahulugan ng
salitang mabini? c. Atlas
3. Ano ang pinakasikat na pelikula d. Tesawro
noong taong 2019? e. Peryodiko
4. Ano ang tamang bigkas ng salitang f. ensiklopedya
palatuntunan?
5. Ano-anong mga nagbabagang
balita ang naganap noong
nakaraang linggo?

C. Engagement 30 minuto Sa bahaging ito ng ating aralin, masusukat pa lalo ang iyong
Pakikipagpalihan mga natutuhan tungkol sa ating mga aralin.
Basahin at unawain ang maikling talata.
Si Carmen ay isang mag-aaral ng ika-limang baitang. Napag-
aralan nila sa araw na iyon ang maikling talambuhay tungkol kay Tia
Patron. Siya ay namangha sa katapangang ipinakita nito para
makamit ang kalayaan laban sa mga Espanyol. Napagdesisyunan
niyang dagdagan pa ang kaalaman niya tungkol kay Tia Patron sa
pamamagitan ng pagsasaliksik. Naisip niya na kailangan niyang
pumunta sa silid-aklatan para magsaliksik. Ngunit, problema ni Carmen
ay kung ano ang angkop na mga sanggunian ang kanyang gagamitin
sa pagsasaliksik.
Ilan lamang sa kanyang mga katanungan na gusto niyang
saliksikan ay ang mga sumusunod:
1. Ano ang kahulugan ng mga akda ni Dr. Jose na Noli Me Tángere
at El Filibusterismo?
2. Ano ang kasingkahulugan ng salitang ilustrado?
3. Ano ang makikita sa Jaro, Iloilo bilang lugar ng kapanganakan ni
Tia Patron?
4. Taong 1865 noong ipinanganak si Tia Patron. Ano-ano ang mga
mahahalagang pangyayari sa taong ito?
5. Anong uri ng sanggunian ang La Solidaridad ni Graciano Lopez
Jaena na araw-araw naglalabas ng isyu at araw-araw din niyang
lihim na binabasa?
(Gawa ni: Minerva H. Ola)
Gawain sa Pagkatuto 3: Pagdating ni Carmen sa silid-aklatan ay
binigyan siya ng isang form na tinatawag na Library Card. Kailangan
niya itong sagutan para siya ay makapasok. Halimbawang ikaw ay si
Carmen, maibibigay mo ba ang mga datos na hinihingi ng
polmularyo? Kopyahin ang form sa iyong kuwaderno at sagutan ito.
RUBRIKS SA PAGSAGOT NG FORM

NILALAMAN PUNTOS
● Naibigay lahat ang mga impormasyong hinihingi ng form na 5
may tamang baybay at maayos na pagkakasulat.
● Bahagyang naibigay ang mga impormasyong hinihingi ng 4
form ngunit may tamang baybay at maayos ang
pagkakasulat.
● Hindi masyadong naibigay ang mga impormasyong hinihingi 3
ng form ngunit may tamang baybay at maayos ang
pagkakasulat.

Gawain sa Pagkatuto 4: Kung ikaw si Carmen, anong mga sanggunian


ang gagamitin mo sa pagsasaliksik para masagot ang mga
katanungan? Balikan ang mga katanungan ni Carmen sa talata at
tukuyin ang naaangkop na sangguniang gagamitin sa bawat bilang.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
D. Assimilation 10 Gawain sa Pagkatuto 5: Punan ang patlang. Isulat ang sagot sa iyong
Paglalapat minuto sagutang papel.

Sa pagsasaliksik, kailangan kong gumamit ng mga


dahil dito matatagpuan ang sagot sa halos
lahat ng tanong. Kinakailangan ko ring taglayin ang mga
katangiang gaya ng
at sa paggamit ng mga ito.
Mahalaga rin na sa pagbibigay ng mga impormasyon sa isang form,
kinakailangang ito ay at may .
V. ASSESSMENT 15 Sa pagsasanay na ito, matutukoy kung gaano ka natuto sa mga
minuto araling ito.
(Learning Activity Sheets for Basahin ang talata:
Enrichment, Remediation, or
GABRIELA SILANG
Assessment to be given on
Weeks 3 and 6) Si Gabriela Silang ay ang unang Pilipinong babae na namuno sa
isang paghihimagsik noong kolonisasyon ng mga Kastila. Nang
namatay ang asawa niyang si Diego Silang, ipinagpatuloy niya ang
pinaglalaban ng asawa.
Siya ay ipinanganak bilang Maria Josefa Gabriela Cariño Silang
noong Marso 19, 1731 sa Santa, Ilocos Sur. Magiting na lumaban si
Diego sa mga Kastila at napalaya ang Vigan. Sila ay nanirahan sa
Vigan magmula noong Setyembre, 1762, hanggang sa mamatay si
Diego.
Ang naudlotl na pakikipaglaban ni Diego Silang ay buong giting
niyang ipinagpatuloy. Subalit sa kasamaang palad, ang kanyang
puwersa ay nawalang laban sa libu-libong lakas ng mga Kastila. Si
Gabriela ay dinakip at
binitay noong ika-20 Setyembre 1763. Siya ay tinaguriang Unang
Babaeng Heneral at Unang Babaing Martir dahil sa kanyang
katapangan at kagitingan para sa bayan.
(Gawa ni: Minerva H. Ola)
Gawain sa Pagkatuto 6: Batay sa binasang maikling talata tungkol kay
“Gabriela Silang”, tukuyin kung anong sanggunian ang gagamitin sa
bawat katanungan. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

1. Ano ang kasingkahulugan ng salitang


paghihimagsik?
2. Nais mong malaman ang iba pang mga
pangyayari sa taong 1763? Anong saggunian ang iyong gagamitin?
Panuto: Ibigay ang mga datos na hinihingi ng polmularyong
pampaaralan. Gawing gabay ang rubriks sa pagsasagot. Gawin ito
sa iyong kuwaderno.

RUBRIKS SA PAGSAGOT NG
FORM

NILALAMAN PUNTOS
● Naibigay lahat ang mga impormasyong hinihingi ng form na 3
may tamang baybay at maayos na pagkakasulat.
● Bahagyang naibigay ang mga impormasyong hinihingi ng 2
form ngunit may tamang baybay at maayos ang
pagkakasulat.
● Hindi masyadong naibigay ang mga impormasyong hinihingi 1
ng form ngunit may tamang baybay at maayos ang
pagkakasulat.

Binabati kita dahil napagtagumapayan mo na naman nang


may kahusayan at kagalingan ang markahang ito.
VI. REFLECTION 5 minuto Magsulat ka sa iyong kwaderno ng iyong nararamdaman o
realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na .
Nabatid ko na .
Naisasagawa ko na .

Prepared by: Minerva H. Ola Checked by: Maribeth C. Rieta – EPS Filipino
Ricardo Makabenta

You might also like